Ervin POV
Nag ka titigan kame sa mata hanggang sa natauhan na ako
Binaba ko sya at mukang gulat na gulat parin sya
"sa susunod mag ingat kana at napadaan lang ako"
Sabi ko pero hindi ako naka harap sakanya
"ah sige Salamat "
Sabi ni candice
Paalis na sana ako kaso nabangga kopa yung lamesa
Aray ko
Napatingin ako sakanya natawa sya pero pinigilan nya lang
"ayos kalang?"
Tanong ni candice
"ah oo sige!"
Lumabas na ako ng kwarto nya
Hayts ano bang nang yayari sakin kainis naman ang sakit parin ng ulo ko mabuti pa mag pahinga nalang ako
Bumalik ulit ako sa kwarto ko para matulog
Habang natulog ako may mga napapaginipan akong mga pangyayari at isang babae naka white na gown
Sya nanaman pang ilan na to
Bigla akong nagising at napabangon
Gulat na gulat ako at nag tataka
Sino kaya sya?
Tumayo ako sa kama kinuha ko yung sketch pad ko at drawing ko sya
Pero hanggang ngayon hindi ko parin kapisado kung ano yung itsura ng muka nya basta ang natatandaan ko lang sa muka nya at yung mga mata nya
Drawing korin kung saan yung lugar na lagi ko syang nakikita , isang garden na puro bulaklak at white plane gown yung itsura ng gown nya hindi yung pang wedding parang dress lang pero mahaba

Natapos kona idrawing ang lahat ng naaalala ko pero hindi pa sya kompleto dahil hindi kopa nado drawing yung muka nya
Bigla bumukas yung pinto
Nagulat ako kala ko kung sino si candice lang pala bigla ko agad tinago yung mga gamit ko pang drawing
"may kukunin lang ako !"
Sabi nya at may kinuha syang isang kahon at lumabas ng na sya mga ilang minuto lumabas na din ako
Napadaan ako sa kwarto ni lola
"sakto ang dating nyo mahal na prinsepe"
Sabi ni joshua
"bakit anong meron?"
Tanong ko kay joshua
"pinapatawag kayo ni madam!"
Sabi ni joshua at nag bow
" si lola?"
Tanong ko at pumasok na ako sa kwarto nya
"bakit po lola?"
Tanong ko kay lola at umupo ako sa sofa
"naisip kolang dahil bakasyon pa naman bakit hindi rin kayo mag bakasyon ni candice!"
Sabi ni lola
Anoooo??!!!!
Nung una pumayag na ako na kasama ko sya kahapon tapos ngayon naman bakasyon?!
"ah joshua pede iwan mo muna kame ng lola ko?"
Tanong ko kay joshua
"masusunod po"
Nag bow sya at umalis
"lola naman alam nyo namang hindi ko ka close si candice tapos bakasyon bakit kailangan pa bayon?"
Tanong ko sakanya
Ganto talaga kame mag usap kung walang ibang tao
" kaya kolang naman naisip yun para malibang din kayo at saka kahit kaonte mag kasundo naman kayo"
Sabi ni lola
"kame mag kakasundo ?! gumuho man ang mundo hindi kame mag kakasundo nung nerd na yun "
Sabi ko kay lola
Umalis na ako ng kwarto nya
Hayts makakasama konanaman yung nerd na yun basta nag salita na si lola wala nang makakapigil sakanya depende nalang sa sitwasyon
Tamara POV
Ano mag babakasyon nanaman kame
"pero bakit naman yun naisip ng inang reyna?"
Tanong ko kay joshua
"hindi ko po alam mas mainam kung sya nalang mismo ang tatanungin mo"
Sabi ni joshua
"maiwan kona po kayo!"
Sabi ni joshua at nag bow sabay alis
Ano mag babakasyon nanaman kame? Hay nako ma stress nanaman ako sakanya
Bukas agad agad daw kame aalis ng tanghali naka hanap na nga ako ng kwarto na hindi ko sya kasama tas ganto ughhh nakakainis
Mabuti pa itutulog kon alang to sa bago kong kwarto
Pag gising ko gabi na ang bilis naman tapos bukas nang umaga kame aalis
Kumain na ako pag katapos nag empake ako ng damit habang nag eempake ako ng dami ganun nadin yung ginagawa ni ervin talaga sa lola nya lang sya sumusunod no?
Pag katapos kong mag empake ng mga gamit tulog na ulit dun sa kwarto ko
"(tok! Tok! Tok!)"
Ano bayan umagang umaga may kumakatok sino bayan?
Pag bukas ko si shine pala
"pasensya na po sa pang iistorbo ko sa tulog nyo pero pinapagising napo kasi kayu dahil maaga daw ang alis nyo"
Sabi ni shine
"huh bakit parang ang bilis naman 6:00 palang oh ang alam ko 12:00 kame aalis "
Sabi ko kay shine
"hindi kopo alam eh napag utusan lang po ako!"
Sabi ni shine
Bakit parang sobra silang nag mamadali ano bang meron?
Naligo agad ako pag katapos nag bihis na ako
Pag labas ko ng kwarto pumunta agad kame sa isang pintuan kung nasaan ang van na sasakyan namin
"shine saang lugar ba kame pupunta?"
Tanong ko kay shine
"hindi ko nga rin po alam eh kasi biglaan po ang alis nyo kaya hindi narin po ako nasabihan ng ibang inormasyon pero ang nag iisa lang pong alam ko dito lang po kayo sa bansa mag babakasyo hindi po kayo pupunta abroad "
Sabi ni shine
"ah ok salamat"
Nang tapos na nila ilagay ang mga gamit sa van pumasok na kame at umalis
Tulog si ervin at naka headset
Lagi naman eh sana hindi maulit yung mga nangyari sa paris
Kasama namin si joshua papunta dun sa sinasabi nilang lugar na pag babakasyonan namin
Natulog muna ako
"hoy ! Hoy gising!"
Sabi nya at kinakalabit nya ako
Sino bayun kainis naman
Pag bukas ko ng mata ko si ervin lang pala
"nandito na daw tayo at punasan morin yang laway mo!"
Pasungit nyang sabi at lumabas na ng van
Tinignan ko yung bibig ko may laway nga nako nakakahiya naman pinunasan ko agad yung bibig ko at lumabas ng van
Pag labas ko napapalibutan kame ng puro halaman at may isang malaking bahay sa harap ng van namin
"dito daw kayo titira , hindi ko alam kung hanggang kailan dahil hindi sakin sinabi ni madam at kayo lang walang iba tao dito ibig sabihin walang katulong sa bahay na ito!"
Sabi ni joshua
"ano walang katulong!?? Ibig sabihin kame mag luluto mag lalaba lahat lahat kame gagawa nun?!!!"
Tanong ni ervin
Halatang galit na galit sya eh
"opo!"
Sabi ni joshua
"ayoko sasama ako pabalik!"
Sabi ni ervin
"pasensya napo pero hindi po pede!"
Sabi ni joshua
Aba nakakainis naman dito kame mag sasama?
"kainis naman!!!"
Sabi ni ervin at sinipa nya ang mga bagahe
Nagulat kameng lahat ako biglang kinabahan sa ginawa nya dahil pag nagalit sya mas malala ang gawin nya sakin lalo na walang ibang tao dito kame lang
Umalis na sila joshua at kame nalang sa lugar na to sobra akong kinakabahan kasi kami nalang dito eh so pede nyang gawin gusto nya dahil walang makakapigil sakanya
Pumasok na sya sa bahay at ako binuhat ko yung mga bagahe papasok sa bahay ang bibigat ng mga gamit
Kumuha sya ng chitchirya sa rep buti nalang mukang nakapag grocery na kaya may mga pagkain sa rep
Alam kona muna kung anong gagawin ko mag luluto nalang muna ako tutal maaga kame umalis at gutom narin ako pag bukas ko sa rep wala man lang gulay puro karne at manok
Ay oo nga pala no since malaki naman ang garden sa labas try kong mag hanap ng mga gulay
Pag labas ko nakita ko agad mga ibat ibang klaseng tanim
Kumuha na ako ng mga sangkap at may nakita pa kong parang kubo pero hindi sya kahoy parang kainan lang sya at meron ding tulay dahil may ilog may mga isda pa nga eh
Mabuti pa bumalik na ako baka gutom narin yun
Pag balik ko wala sya sa sala kahit sa kusina kaya umakyat ako
Tulog sya sa isang kwarto
Teka isang kwarto lang ang bukas naka lock lahat ? Pano yan mukang sa sala ako matutulog mamaya kainis
Nag luto ako ng pag kain puro gulay ang niluto ko may halong karne naman kaso karamihan gulay
Bumaba na sya
"diba hindi kapa kumakain nag luto ako kaya kung nagugutom ka kumain ka nalang"
Sabi ko sakanya pero hindi nya lang ako pinansin
Bigla syang napahinto at napa hawak sa ulo nya
"may lagnat kapaba kumain kana kasi para makainom ka ng gamot!"
Sabi ko pero hindi nya parin ako pinansin at lumabas sya ng bahay
Bahala nga sya sya naman magugutom eh hindi ako
Pag katapos kong kumain tutal hindi narin naman mainit nag lakad lakad ako nakita ko sya naka upo sa sabi ng puno tulog
Mukang naka tulog sya at may dino drawing
Nung tinignan ko ang ganda yung tulay pala ang dino drawing nya
Biglang umaraw
Ang amo talaga ng muka nya pag natutulog lalo na nung umaraw natatakpan sya ng mga dahon ng puno pero medyo nasisinagan parin sya ng araw
Dahan dahan kong kinuha yung sketch pad nya para tignan yung mga drawing nya
Teka
Yung mga dino drawing nya ng lugar yun yung laging nasa panginip ko lalo na yung nag painting kame puro bulaklak yung background at yung painting kong lalaki
At nakita korin yung babae na drawing nya kaso may takip ang muka ng panyo at mata lang ang makikita mo ang ganda siguro pag buong muka na ang drawing nya dahil mata palang ang ganda na pano pa kaya pag buong muka na at naka white gown
Kaya pala napamahal sakanya ang prinsepe dahil ang ganda nya Tanya ata ang pangalan nya pangalan palang ang ganda na bagay talaga sila ng prinsepe kaso siguro hindi sila ang para sa isat isa
Grabe pala mag mahal ang prinsepe ganun ba talaga mag mahal ang mga bad boy wagas?
Bigla syang nagising