webnovel

chapter 11 sad memories

Tamara POV

Pag gising ko na gulat ako tabing tabi kame  kaya agad akong bumangon  wala na ang ulan at umaga na hinawalan ko yung braso ko ang init siguro baka sa sobrang  tagal naming magkatabi nag halo ang init ng katawan namin kaya mainit

sobrang gutom na ako di ako nag tanghalian at hapunan pero medyon may lakas pa ako  pero talagang nanginginig na ang tuhod ko sa gutom sinubukan kong tumayo pero natumba ako at natumbahan ko si ervin

" outchhh!"

Ang init nya hinawakan ko yung noo at leeg nya

" oo nga ang init nya  hay anong gagawin ko dito di konaman pedeng iwanan sya dito sobrang taas ng lagnat nya  "

Napakagat ako sa kuko ko

"hay pano ko naman sya mabubuhat ni pag tayo nga di ko magawa hay anong gagawin ko hayTss"

Ano nang gagawin ko teka gigisingin ko sya

" ah gigisingin ko sya ay kaso siguradong sermon ang abot ko dito ah bahala na emportante madala agad sya sa ospital!"

" ervin ! Ervin! Ervin!"

"ervin ! Ervin ervin!"

Gumalaw yung ulo nya at unti nyang binukas ang mata nya

"candice!?"

Sabi nya at pumikit olet pero unti unti syang bumangon at tumayo pag tayo nya para syang  lasing halos isang tulak lang subsob na agad sya sa sahig 

matutumba na sana sya kaso sinubukan ko syang saluhin at alalayan mag lakad kahit na nang hihina na ako

" ang bigat naman nito!"

Lumabas kame sa bahay para mag hanap ng daan pauwi 

" ang bigat mo talaga"

Dahil wala nang ulan at umagana kitang kita kung saan ang daan ng mga Bakas na paa

" bakas ng paa siguro eto na ang daan pauwi hay salamat naman"

Sinundan kolang yung bakas ng paa hangang sa naka alis kame sa lugar nayun at naka balik sa resort  humingi agad ako ng tulong sa staff ng hotel at agad syang nadala sa ospital

" hu buti naman at nadala na sya sa emergency room"

Napa upo nalang ako dahil din sa sobrang pagod

Lumabas na ang doctor sabi nya ok na daw  sya at nilagnat lang sya dahil sa sobrang lamig  buti nalang marunong mag english yung doctor nosebleed nga lang ako

Pumasok ako sa room nya at tulog parin sya di ko maalis ang tingin ko sakanya ang amo talaga ng muka nya pag natutulog sya 

Umupo ako malapit sakanya at naka tulog dahil sa pagod

Ervin POV

Ang sakit ng ulo ko unti unti kong binukas yung mata ko at nakita ko isang ilaw nasa langit naba akong tinignan ko yung paligid  puro puti unti unting nag linaw yung paningin ko  mukang isang kwarto to at may babaeng naka tulog sa may kama ko mag ka dikit yung kamay namin  ginalaw ko yung kamay ko at nagising rin sya

"gising kana ano ayos naba pakiramdam mo?!"

Sabi nya bahang alalang alala

"nasan ako?"

"nasa ospital ka dinala kita dito  saglit lang tatawagin kolang yung doctor!"

Sya pala pano ako napunta dito diba nasa isang lumang bahay kame

"pano ako napunta dito?"

" ah mamaya ko na sasabihin mag pahinga kana muna tatawagin konalang yung doctor at bibili ako ng pag kain"

 

Hinawakan ko yung kamay nya

" dito ka nalang muna"

Sabi ko at umupo sya

"mag pahinga kana muna"

Sabi ko sakanya dahil alam kong pagod na pagod na sya

Humiga sya sa sofa at uti unting naka tulog at ganun din ako pag gising ko hapon na pala at tulog parin sya mukang pagod na pagod sya 

mga ilang minuto nagising sya

" ayos na po ba pakiramdam nyo !"

Ako parin iniisip nya eh sya halos dalawang araw nang hindi kumakain ako parin inaalala nya kahit na masungit ako at oo alam kong prinsepe ako pantay pantay ang tingin ko sa lahat ng  tao at damdamin din ako

" eh ikaw ayos  kalang kaya mo paba yang gutom mo!?"

Pasungit kong sabi sakanya

"(rumbling!!!!)"

Halatang gustom na talaga sya tumutunog na yung tyan nya medyo na tawa tuloy ako

" ah ayos lang ako malakas lakas pa naman at sanay ako sa gutom!"

"tumahimik ka nadyan bumili ka ng pag kain utos ko !"

" opo!"

Sabi nya at yumuko

Aalis na sana sya kaso bigla ulit sya humarap sakin

" oh bakit?"

Napakamot sya sa ulo nya

" ah nasakin po yung wallet nyo bale pera mo yung magagasto ko nag paalam lang po ako -"

" basta bumili ka damihan mo !"

Pag sususngit ko salakanya

mga kalahating oras na wala parin sya

Salamat bumalik na sya  ang dami nya talagang binili  at mukang nag take out pa sya ng pag kain sa resturant

"eto po wallet nyo lalapag kosa lamesa  kumain na po kayo!"

Hinanda nya yung pag kain pag katapos lalabas na sana kaso pinigilan ko sya

" teka di kaba kukuha ng pag kain?"

Tanong ko sakanya alam kong mukang ang bait ko ngayo pero ayokong may taong napapasama dahil sakin

Nakita ko yung hawak nyang noodles

" wag mong sabihing sa 2 araw na di ka kumain noodles lang kakainin mo?"

Grabe sya ang payat na nga nya eh

" ah di ok lang po saka sanay naman po ako sa noodles eh"

"hindi umupo ka dito utos ko at wag noodles ang kainin mo "

Sinunod nga nya at kumuha sya ng pag kain ang takaw pala nya kumain nung napansin nyang Tinignan ko sya dinahan dahan nya ang pag kain nya

" ok lang yan sa isang taong di kumain ng 2 araw dapat lang na matakaw sya kumain ngayon"

Sabi ko nang naka simangot pero natatawa ako sa pag kain nya

" pasenysa na po at matakaw po talaga ako kumain !"

Weh talaga pero di halata sa liit ng katawan nya

" di halata sa liit ng katawan mo at sa payat mo !"

"grabe naman di naman payat malaman laman  naman"

"ganun pala pero bat noodles lang kanina dapat mong kakainin!?"

Tanong ko kay candice

" ah sanay naman po ako at yun nga po baka maubusan ko kayo ng pag kain nakakahiya"

Wow ah nahiya pa sya eh nung sinigawan nya ako di ba sya na hiya

teka kaya ba sya nagiging mabuti sakin dahil dun kasi dahil sa nang yaring yun halos lahat ng tao sa campus galit sakanya sa ginawa nya sakin ginawa nya to para di ma chismis na di maganda ang turing nya sakin wow magaling din to ah

" teka pano mo natiis ang gutom na dalawang araw na walang kain? At saka di kaba nang hina at nagawa mopa akong madala dito sa ospital?"

Tanong ko sakanya

" sanay naman po akong nagugutom saka po may lakas pa naman po ako nun at inalalayan ko kayong mag lakad kaya ako naka labas dahil mag nakahanap akong bakas ng paa sinundan ko at nahanap ko yung gate at lumabas na ako sa nakakatakot na lugar at nag pa tulong ako sa staff na dalhin ka dito"

" teka ganun kaba mag diet halos di kana kumakain kaya ang payat mo "

Asar ko sakanya

" di ako nag dadiet ah sanay lang akong di kumakain kasi di ako madalas pinapakain ng tita ng mga 2-3 days pag di ko nagawa agad yung utos nya  bale di ako kakain ng 2-3 araw at gagawin kopa lahat ng gawaing bahay diba galing ko kinakaya ko!"

Sabi nya na parang proud na proud pero kitang kita ko sa mata nya ang lungkot  grabe pala ang mga pinag dadaanan nya

" at minsan kumakain ako ng palihim yan noodles! At madalas naman pag papakainin nila ako yung tiratirang ulam nalang pero kinakain ko padin Wala eh no choice eh kaya minsan din  isang tinapay sa isang araw ay sorry madrama"

Noodless sangian ng mga gipit

Sabi nya at medyo tumawa sya

" mag kwento kapa ng mga nararanasan mo sa kamay nya!"

Sabi ko mukang nagulat sya sa sabi ko

" utos ko!"

"ah tapos ni minsan di nila ako tinuring na kamag anak parang hayop ang turing nila sakin sa may balcony ang kwarto ko at iba pang masasama sa ginagawa nila sakin kamag anak parin ang turing ko sakaNila "

Sabi nya at biglang natawa ewan ko pero halata namang maiiyak na sya tinatago nya lang

" alam ba to ng mga magulang mo?!"

Tanong ko sakanya

" matagal na akong naulila at simula bata si tita ang nag palaki sakin utang konga buhay ko sakanya kung di dahil sakanya di ako makakapag aral  ay mabubuhay!"

"pero kahit  mas masahol pa sa hayop ang turing nya sayo?!"

Sabi ko sakanya bigla syang tumigil sa pag kain na napa yuko

"sorry nga pala di ko alam"

" ok lang"

"(ring ring ring!!!)"

"(Calling:TANYA) "

Bab berikutnya