6th year.
Month's passed... okay naman ang lagay namin ni Topher. Yes I gave him the chance to get closer to me. Minsan nagdedate kami, nanonood ng sine, textmates.
Pero hindi ko pa iyon binabanggit sa kahit na sinong kakilala ko, maski kay Momny dahil alam ko naman kung gaano kadaldal ang mga iyon.
Maging kay Dine at kay JM, na ngayon ay nandito sa bahay namin at kinukulit ako na magsabi tungkol kay Topher.
"Wala nga sabi," sagot ko habang naglalagay ng eyeshadow.
Nandito ang mag-asawa dahil naghahanda kami para sa Alumni Homecoming ng university namin noong college. Mas malapit ang bahay namin compared sa tinitirahan nila, kaya naman kagabi ay sa Guest room namin sila tumuloy para maaga kaming makapaghanda ngayong araw.
Gusto ng babaitang si Geraldine ay bongga daw kami sa reunion namin. Ako naman, sakto lang ang inihanda kong damit. Itong si Geraldine ay balak yata mag-gown, lol.
5 PM ang start ng program at 5:30 pm na kami nakarating kaya naman nagsisimula na ang program noong dumating kami.
Okay lang naman ang mga pangyayari, I met again my other classmates na ngayon ay ibang iba na.
All of them has their own family na... puro mga nagsettle and decided for their future. Ang ilan pa nga sa kanila ay buntis o di kaya'y may mga anak na.
"You didn't bring your car, right, Via. You can join us hanggang Baclaran para mag-Grab ka na lang pa-Buenavista." Sabi sakin ni Geraldine noong tapos na ang Reunion at nagsisiuwian na ang lahat. Hindi ko na kasi dinala ang sasakyan ko at sumabay lang ako sa kotse nila nung papunta kami dito.
But I really had my reason.
"Uh. No, no. Sinadya ko talagang huwag dalhin ang kotse ko dahil... m-mayroon akong dadaanan pauwi."
"Sabayan ka na namin pa-gate, Via. Magbu-book lang rin ako ng sasakyan e," sabi ni Marg.
"Uh, okay... let's go?"
Sabay sabay kaming naglakad patungo sa gate nitong university. Ang ilan ay nagpaiwan na sa parking lot, samantalang ang iba naman ay dumiretso pa sa gate katulad ko. Kasama rin doon ang mga kaibigan ni Lindsey noong kolehiyo pa lamang kami.
Thank God, hindi na sila bully ngayon.
"Bakit nga pala hindi pumunta si Lindsey dito sa Alumni Homecoming natin?" Tanong ni Monique. Nasa likuran ko sila at naguusap habang naglalakad.
"Dunno," sagot ng kausap niya. "But I heard nahihiya yata siya sa napangasawa niya..." anito. "Hindi niyo ba nabalitaan? Isang driver ang napangasawa niya. Nagpanggap daw kasing mayaman 'yong lalaki, ang ganda kasi ng kotseng dinadrive, iyon naman pala hindi sa kanya 'yong kotse at driver lang siya ng may-ari ng kotseng iyon..."
Narinig ko ang sari-saring reaksyon nila.
"Huli na nang makilala ni Lindsey 'yong lalaki. May nangyari na sa kanila and she's pregnant... hindi niya rin matanggap."
"Uhm, bye guys!" Imbis na makisali sa usapan nila ay nagpaalam na ako upang humiwalay na ng landas. Napalingon sila sa akin.
"Ay, bye Via! Ingat ka!"
I smiled saka tumalikod.
I felt bad also for Lindsey, hindi dahil driver ang napangasawa niya kundi dahil kailangan pang magsinungaling nito para lang makuha siya.
Umiling na lang ako at inalis na sa isipan ko ang nangyari kay Lindsey.
Ngayon ay magko-commute na lang ulit ako pauwi, katulad ng ginagawa ko noong College pa ako. Mabuti na lang at simpleng Tshirt lang ang suot ko at faded pants, hindi masyadong eye-catching.
Nagtungo na nga ako sa istasyon ng bus...
It's been 6 years.
Same settings, different time...
but same feelings.
Sobrang sumisikip ang dibdib ko, hanggang ngayon ay nandito pa rin 'yong sakit, 'yong mumunting pag-asa... 'yong pakiramdam na kailangan kong manatili rito upang maghintay...
'Yong nararamdaman ko para sa kanya... hindi pa rin 'yon nawawala.
But as I gave Topher the chance, this would also be the last time na I'll reminisce about the past.
This would be the last.
Huminga ako ng malalim saka sumakay sa bus na dumating. Ngayong oras ay hindi masyadong punuan itong bus, kaya naman noong sumakay ako ay hindi muna ito agad na lumakad. Naghintay pa ng kaonting minuto para mangalap ng pasahero...
I lean my back comfortably habang nakatingin sa bintana nitong bus. Nakaupo ako ngayon sa pan-tatluhang upuan sa tabi ng bintana,
...habang inaalala ang lahat.
Kasabay n'on ay ang pagtugtog ng pamilyar na kanta...
______
I've been searching so long
through this world
trying to find someone
who could be
what my picture of love
was to me
and you came along
______
Ang munti kong ngiti ay nasundan ng munti ring luha. I remembered this song so well... this is the first song that he have shared with me.
______
When I saw you I knew you were the one...
the love that I've been dreamin of
I've been waitin for you...
all my life for somebody who...
makes me feel the way I feel when I'm with you, baby
have you been waitin too?
'cause I've been waitin for you...
______
Nasaan ka na ngayon, Nico? Hinihintay mo rin kaya ako?
______
I've been saving my love all this time...
'Cause I knew someday I would find
the one that I've loved for so long in my mind...
______
Naagaw ng ingay sa unahan ng bus ang atensyon ko. Wala namang away, tingin ko nga ay may batian pang nagaganap dahil mukhang masaya ang driver...
"Engineer!" Masayang bati ng driver na tumayo pa sa kanyang upuan. Mayroon siyang taong inalalayang umakyat ng bus. Noong sandaling iyon ay wala naman akong interes, maliban na lamang sa pangalan na sunod nitong binanggit. "Kamusta naman maging Engineer Garcia, huh?"
Naging alerto ang tenga ko dahil doon. Agad kong tinignan kung sino 'yong lalaking sinalubong n'ong driver paakyat. At hindi nga ako nagkamali...
with my own eyes... I saw him again...
______
From the moment that I looked in your eyes
I saw the boy I've loved all my life...
______
Dahil doon ay nakisabay ang tibok ng puso ko sa tugtog sa buong sasakyan.
Tila ba bumagal ang buong paligid habang pinagmamasdan ko ang pakikipagtawanan niya sa driver. Hindi ko na namalayang nakatulala na pala ako sa kanya't puno pa ng luha.
Nagtama ang mga mata namin at nawala ang ngiti sa mga labi niya noong makita niya ako. Saglit rin siyang natingin sa akin habang tinatahak niya ang daan patungo sa akin. Umiwas siya ng tingin, pagkatapos ay muli akong tinignan. Ginawa niya iyon hanggang sa makarating siya sa upuan katapat ko.
Hindi ako makapaniwala...
Totoo ba 'to? Hindi ba ako nanaginip?
Kumurap ako't naglandas ang luha sa mata dahil doon. Umupo siya. Isang upuan lang ang pagitan naming dalawa.
______
I've been waitin for you...
all my life for somebody who...
makes me feel the way I feel when I'm with you, baby...
______
"Miss?" Aniya.
Halos madurog ang buong mundo ko pagkarinig ko n'on. Halos nayanig ang buong pagkatao ko. Hindi ako nakapagsalita. Nanginig ang labi ko.
Napatingin ako sa panyong iniabot niya.
"Sorry, uh... kilala mo ba ako?" Dugtong niya pa. Nanlambot ang tuhod ko at halos saksakin ng milyong-milyong kutsilyo ang puso ko. Nanatili akong nakatitig sa mukha niya. "Naaksidente ako six years ago, and had an amnesia. Kaya I'm sorry if you know me and I don't remember you..."
I was still sitting there... staring at him, shocked... not knowing what to do. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang panyong inabot niya. Matagal bago ako tuluyang nakasagot sa sinabi niya. Maraha akong umiling iling.
"N-N-No... u-uh," umiwas ako ng tingin saka pinunasan ang aking mata. "I-I'm... uh... I'm s-sorry... I... just thought you were someone I know... u-uhm... kahawig mo kasi siya." Muli akong nagpunas ng luha. "I'm sorry..."
"Oh..." aniya. "Okay lang... you can cry if you still want to..." he gave me a warm smile. "I thought you know me, I was the reason why you're crying..."
Tumingin ulit ako sa kanya at hindi nga ako nananaginip. Siya nga... si Nico... ang Nico ko... si Nico na matagal kong hinintay... si Nico...
...na ngayon ay hindi na ako maalala.