webnovel

Lipstick

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya, humilata ako sa higaan bago magsalita.

"Lol. Ang daming alam!" kunwari'y wala lang na sagot ko.

"Hahahahahaha," halakhak niya lang ang narinig ko. "Ahm, sige uuwi na ako."

Napabangon ulit ako dahil sa sinabi niya.

"What? Don't tell me nandyan ka pa rin sa kanto?" tanong ko. Nakumpirma kong oo noong nakarinig ako ng mumunting mga ingay mula sa mga sasakyan.

"Hmm. Nandito pa," aniya.

"Ba't hindi ka pa umuwi?"

He chuckled, "Chineck ko lang kung nakapasok ka na sa inyo."

Sasagot na sana ako pero nagsalita siya ulit. "Oh. Hindi kita sinundan, tinignan lang kita sa malayuan."

I smiled and let my back rest on my bed.

"Ahhh, okay." I said. "Sige na."

"Sige..." aniya pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa naman niya binababa 'yong tawag.

"Ibaba mo na." sambit ko ulit.

Humalakhak siya ng marahan. "Hindi ba dapat ikaw ang magbababa?"

"Ikaw ang tumawag." sagot ko naman.

"I can't end it...hahaha," sagot niya. "Ikaw na ang magbaba."

I smiled and bit my lip.

"Okay... bye." I said. "Ingat." mabilisang sabi ko saka ko na tuluyang ibinaba ang tawag.

Dahil doon ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan. May nararamdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Parang may hinahalukay sa dibdib ko na ewan, basta, ang naiintindihan ko lang sa pakiramdam na 'to ay hindi ko 'to maintindihan. Naintindihan niyo ba?

Hindi ko na namalayan ang muling paglipas ng araw. Gumising ako na puno ng message ang inbox ko. Karamihan ay mula kay Jared.

Jared: Good morning, Via! Sabay tayo ngayon? If you want, pwede tayong mag-motor.

Ayoko sana siya pakitaan ng masamang side ko pero ito lang ang paraan para hindi siya umasa.

Via to Jared: You can go, I'll take the bus today. Thanks.

Mabait pa rin pala ako after all, kung siguro si Marcus 'yon ay sinabihan ko na 'yon ng 'Hindi ako sasabay sa 'yo so get lost.'

Binasa ko 'yong nagiisang text mula kay Nico.

Nico: Good morning, Vaya :)

Okay, I'll admit it, Jared is so kind and sweet... pero totoo pala ang kasabihang kapag hindi mo tipo ang isang tao, hindi ka maaapektuhan sa kahit na ano pang ipakita niya sa'yong kabutihan. Samantalang kapag gusto mo ang isang tao'y kahit anong sabihin o gawin niya ay may malaking impact sa 'yo.

Geez! This is so frustrating.

Pinilit kong alisin ang ngiti sa labi ko.

Via to Nico: Good morning.

Ilang minuto lang ay nagreply siya agad.

Nico: Ngiti naman diyan :) Haha!

Napangiti nga ako dahil doon. GEEZ!

Via: :)

Via: Okay na ba? :)

He replied.

Nico: Sungit! Hahahaha!

I slap my own face. Bwisit, ako na nga sinabihan ng masungit, ako pa 'yung napangiti.

Hindi na ako nagreply at naghanda na for school. Syempre hindi naman ako nakikipagtext tuwing class hours, pero this time ay nag-check ako ng phone during break time.

Kaya lang ay wala ring text mula sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung bakit nakakalungkot. Alam ko namang baka busy rin siya pero wala ba silang breaktime? Kainis! Ayoko namang magtext muna.

Time flies and before I knew it, uwian na. Marealize ko palang na magkikita ulit kami ni Nico ay grabe na ang kalabog ng dibdib ko.

Shit. Malala na 'to.

"Dine, CR lang ako." sabi ko kay Geraldine noong magstart nang magsilabasan ang mga kaklase ko. Tumango lang siya kaya naman pumunta na ako sa girl's rest room.

Inilapag ko ang bag ko sa sink saka pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. Mabuti na lang at walang Lindsey dito sa CR ngayon. Mga babae lang na hindi ko kakilala at hindi ko pinapakialaman ang buhay. Inilabas ko ang lipstick ko na madalang ko lang nagagamit, hindi naman ito red na red, sapat lang ang kulay para magmukhang natural pa rin.

"Oh, saan ka pupunta?" halos mapatalon ako sa gulat nang lumitaw sa reflection si Geraldine. "May lakad ka?"

"Nakakagulat ka naman!" reklamo ko. "W-wala." sagot ko saka ko ipinagpatuloy ang paglilipstick, saglit lang kaya naman itinabi ko na agad iyon sa bag ko.

"Weh???!!!!" sabi ni Dine. Walanjo talaga kung makialam itong babaitang 'to e!

"Ano bang iniisip mo? Masama na bang maglipstick?!" Sinukbit ko na ang bag ko para makalabas na kaming dalawa sa CR. Ba't ba kasi sinundan pa ako nito? Kainis naman o, pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko. Daig ko pa nagblush on!

"Ang weird lang kasi hindi ka naman naglilipstick bago umuwi, kasi maganda ka naman na gurl, unless may pinapagandahan ka pa?"

Sinapak ko naman siya agad.

"Aw!"

"At sino namang pagagandahan ko aber?"

"'Yung mga driver o kundoktor HAHAHAHA!" aniya. Medyo napatigil ang tibok ng puso ko dahil doon, pero nagpanggap pa rin ako na wala lang.

Alam ko namang joke niya lang 'yon at hindi sinasadyang mabanggit dahil wala naman siyang alam tungkol kay Nico, pero kumalabog pa rin ng napakabilis ang puso ko.

"Joke lang, o siya, tara na! Ay wait. Kukunin ko pala 'yung bag ko sa room!"

Mabuti na lang hindi niya masyadong napansin ang naging reaksyon ko. Naghiwalay na kami ng landas pagdating sa gate ng university. Bawat hakbang ko palapit sa bus station ay hindi ako mapakali. Panay ang hawi ko sa buhok at panay ang kagat sa ibabang labi.

Kainis!

Mas lalo pang lumala ang kabog sa dibdib ko nang matanaw ko na si Nico na nakikipaghalakhakan sa mga kaibigan niyang kundoktor. Napansin ko ang pagkalabit ng mga ito sa kanya, bago ako palihim na itinuro.

Umiwas agad ako ng tingin nang maramdaman kong napatingin na sa akin si Nico. Patay malisya lang akong humakbang patungo sa dulo ng pila para sa next bus. Nang umangat ulit ang tingin ko sa harapan ay natanaw ko na ang papalapit habang nakangiti na si Nico.

I bit my lower lip again. Bakit ba nakakahawa ang ngiti niya?

Bab berikutnya