webnovel

CHAPTER 18

Sa bahay nang kanyang mga magulang nagpalipas ng gabi si Francis, kasalukuyan siyang nasa terrace ng bahay at malalim ang iniisip. Ipina-book na nang Papa niya ang flight nya papuntang Australia. Seryoso ito sa pagpaparusa sa kanya.

'This is all my fault, I need to accept this consiquences' sabi sa isip ni Francis. 'Hindi ko pa nga nasisimulan ang plano ko sa'ming dalawa ni Reyann, purnada na kaagad'.

Biglang napukaw ang malalim na pag-iisip ni Francis nang tumunog ang cellphone niya.

Calling...

Ariella

Napangiti si Francis ng makita kung sino ang tumatawag, kahit number ni Ariella ang nakaregister ay alam niyang si Reyann ito.

"Hello" Bungad ni Francis ng masagot ang tawag.

"Kumusta ka jan?" May pag-aalalang tanong ni Reyann sa kabilang linya.

"I'm fine, how about you? Your mom, how is she?" Wika ni Francis.

"Ok na si mama, nagising na sya, ok lang din naman ako" Sagot ng dalaga. "Anong balita? Hindi kaba pinalo sa pwet ng Papa?" Natatawang tanong muli ng dalaga.

Natawa rin si Francis. "Hindi naman, pinarusahan lang ako"

Narinig ni Francis na bumuntong hininga si Reyann sa kabilang linya.

"Anong parusang binigay sayo? Hindi ka na ba pamamanahan?" Tanong muli ni Reyann.

"Tss, hindi naman ganon kalala, pinahinto lang ako sa pagmomodel at pinapapunta niya ko sa Australia para ako ang mag-asikaso sa mga properties at ilang businesses namin don" Saad ng binata.

Naramdaman ng binata ang pagsinghap ni Reyann sa kabilang linya. "Hanggang kailan ka sa Australia?"

Ramdam ni Francis ang lungkot sa tinig ni Reyann, kaya ayaw na sana niyang sabihin pa ang pag-alis nya. "Hindi ko pa alam, depende sa utos ni Papa, pwedeng isang buwan o dalawa, pwede ring isang taon, di ko alam" Binalot lalo ng lungkot ang puso ni Francis.

"Ganon ba? Ingat ka nalang sa byahe mo, wag ka na kasing pasaway nang hindi ka napaparusahan" Wika ni Reyann.

Napangiti si Francis. "Nagsalita ang hindi pasaway" Wika ni Francis. "Hindi mo man lang ba ako pipigilan?" Biro pa nito.

"Ba't naman kita pipigilan? Ano namang karapatan kong pigilan ang pag-alis mo?" Tanong ng dalaga.

"May karapatan kang pigilan ako, dahil na sayo ang puso ko" Lakas-loob na wika ni Francis, bago man lang sya umalis ay masabi nya ang nararamdaman.

Natawa sa kabilang linya si Reyann. "Nagbibiro kana naman eh, lakas mo mang-trip" Wika nito.

Inaasahan na ni Francis na hindi sya seseryosohin ni Reyann kapag nag confess sya ng feelings, pero buo na ang loob niyang magtapat.

"I'm not kidding, maniwala ka man o hindi, I'm inlove with you" Ilang segundong tumahimik sa kabilang linya. "Reyann, are you still there?"

"O-oo andito pa'ko" Sagot ni Reyann.

"I just want you to know my feelings bago ako umalis" Bumuntong hininga si Francis. "Sana sa pagbalik ko, pwede tayong magsimula ulit, kahit bilang magkaibigan lang"

"Ah..ahm..ano ba dapat kong sabihin" Wika ni Reyann.

"Wala kang dapat sabihin, basta wag ka lang magbago, hintayin mo pagbabalik ko, magsisimula tayo ulit" Sinserong sabi ni Francis, pinanghahawakan niya ang pag-asang pwedeng magmahal ng lalake si Reyann, at sana ay siya ang lalaking yon.

*****

Ilang minuto na mula ng magpaalam si Francis sa kabilang linya pero nasa tenga parin ni Reyann ang cellphone ni Ariella, tulala siya, hindi nya alam kung matutuwa ba sya o malulungkot.

Masarap sa pakiramdam na nagtapat sa kanya si Francis ng nararamdaman nya, pero ang balitang aalis ito ng bansa at hindi alam kung kailan uuwi ay siyang nagpapadurog ng puso nya.

"Anong napag-usapan nyo? Ba't ang lungkot mo? " Nagtatakang tanong ni Ariella ng mapansin ang itsura ni Reyann.

"Aalis na sya ate" Malungkot na sagot ni Reyann.

"Si Francis?" Pagkumpirma ni Ariella. Tumango lang si Reyann. "San sya pupunta?"

"Sa Australia"

"Ang O.A mo rin! Hindi naman sya habang buhay na mananatili sa Australia" Ani Ariella. "Isa pa, wala namang kayo di ba? Ba't ganyan na lang katindi ang reaksyon mo?"

Parang sinampal si Reyann sa sinabi ng ate nya. "Walang kayo" bakit nga ba sya nagkaka ganito samantalang wala naman talaga silang relasyon ni Francis, oo sinabi ni Francis na mahal nya si Reyann, pero sinabi rin nito na sa pagbabalik nya ay doon palang sila magsisimula.

Makakaasa nga ba sya sa binata? Paano kung may makilala ito sa Australia at matutunan din nya itong mahalin? Kung ang isip nya ang masusunod ay ayaw niyang umasa, dahil baka masaktan lang sya, pero mas nangingibabaw ang sinasabi ng puso nya, sinasabi nito na maghihintay siya, hihintayin nya si Francis.

*****

"Hi babe" Wika ni Jessica nang makita si Francis sa may swimming pool ng bahay ng kanyang mga magulang.

"What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong ni Francis.

"I heard na nandito ka, so I decided to come here, I miss you" Nang-aakit na sabi nito at ipinulupot ang mga kamay sa batok ni Francis.

"I don't miss you, so get your things and get out of here" Mariing sabi naman ni Francis at inalis ang mga kamay ni Jessica.

"Ano bang inaalala mo? Hindi naman totoo ang relasyon niyo ng babaeng yon di'ba? So it means we're free to get back together"  Malambing na wika ni Jessica.

"Jess! Wake up! Get back together? No way! I don't love you, even before, hindi kita minahal" Prangkang wika ni Francis.

Matalim ang naging tingin ni Jessica kay Francis.

"I gave you everything! Pero bakit di mo parin kayang masuklian ang pagmamahal ko sayo?!" Tuluyan ng tumulo ang luha ni Jessica.

"You know me, bed partner lang ang hanap ko, nilinaw ko yan sayo! All for me is just a game, and you play with me, tapos ngayon naghahabol ka sakin at ginugulo mo'ko?!" Bulyaw ni Francis

Napapitlag ang dalaga sa malakas na boses ni Francis.

"I love you from the beginning, kaya kahit laro lang para sayo sumugal ako" Napayukong sagot ni Jessica.

"Stop this non-sense! Wala kang aasahan sakin" Tinalikuran na ni Francis ang babae.

"We're not yet done Francis! I will do everything bumalik ka lang sakin!" Desperadang wika ni Jessica. Hindi na nag abala pa si Francis na lingunin ito, nagtuluy-tuloy na ito sa paglalakad papasok ng mansion.

To be continue...

Bab berikutnya