webnovel

Unveil

Tuluyan ng lumabas si Loki mula sa loob ng tahanan ni Prof. Irvin. Hindi ko maunawaan kung bakit gano'n na lamang ang naging reaksyon niya nang malaman niya ang katotohanan na ako, si Mira Luna, na aksidente niyang natagpuan sa mundo ng mga tao ang nawawalang prinsesa nila. Gustuhin ko man siyang habulin papalabas ngunit pinigilan ako ni Rincewind. Pahamak kasi kayo. Mukhang galit na sa akin ang future jowa ko. I facepalmed as I shook my head exaggeratedly. Hindi ko akalain na napuna pala ni Luccas ang behavior ko, "Nababaliw ka na niyan princess?" tanong  ni Luccas sa akin na halatang pinipigilang tumawa, but in the end, humagalpak na ito sa kakatawa. Sige tawa pa, walang nakakatawa. Biglang napangiwi si Luccas nang hinampas ni Prof. Irvin ang kaniyang ulo gamit ang tungkod niya. Buti nga sa'yo. Bumungisngis ako sa ginawa ng matandang propesor saka tumikhim at pumirme. Matalim akong tiningnan ni Luccas.

"Lolo naman e, It's a joke. So— I-Ikaw ang anak ni Lady Minerva?" tanong ni Luccas sa akin habang hinihimas-himas ang ulo.

Marahan akong tumango sa kaniya. Sa ipinakitang ekspresyon ni Luccas, mukhang hindi big deal sa kaniya na ako ang nawawalang anak ng dating reyna ng Lunaire city, at founder ng academy. Hindi katulad ni Loki na nag-walk out pa, at tila may sama ng loob sa amin ni Rincewind.

"Tingin ko, hindi pa nakakalimutan ng anak ni Victor at Sylvia ang masalimuot na pangyayari sa pamilya niya," malungkot na pagkakasabi ng matatandang propesor.

"Victor, Sylvia?" tanong ko. Sumagot si Prof. Irvin, "Ang mga magulang ng batang iyon," Napasinghap ako sa nalaman ko, "I-Ibig pong sabihin—,"

Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Rincewind, "Paano niyo po nalaman na anak siya ni Tita Sylvia?" Ngumiti ang propesor, "Sapagkat naroon ako ng isinilang siya, at naroon din ako ng isinilang ka, anak ni Wind at Rina Martin."

Napakagat-labi si Rincewind sa mga sinabi ng propesor, "So, all this time, you knew us?"  Tumango lamang ang propesor saka ngumiti bilang tugon kay Rincewind saka nagsalita, "Pasensya na kayo, kasalanan ko na tahasan kong sinabi ang mga nalalaman ko. Hindi ko naisip na mukhang mayroon pala akong masasaktan." paliwanag ni Prof. Irvin sa amin habang nakayuko na sa kinau-upuan. Naku prof, late na po ang sorry mo.

Biglang sumabad si Luccas sa usapan, "Lolo, Mira, Rincewind. Hindi niyo rin kasi masisisi ang nararamdaman ni Loki. Alam niyo kung bakit gano'n ang naging reaksyon ni Loki sa mga nalaman niya, dahil nagkaroon siya ng galit sa puso niya ng mamatay ang kaniyang mga magulang sa holocaust." Luccas said in a serious tone. Aba, may pusong mamon din pala si Luccas. Ngunit, napukaw ang interes ko sa sinabi niyang holocaust, "Holocaust?"

Umayos ng pagkaka-upo ang matandang propesor at tumikhim, "Noong panahon na sinugod ni Alistair, ang bagong hari ng underworld, kasama si Morgana at ang kaniyang mga kampon. Inuna nilang kitlin ang buong pamilya ng Greyhound. Walang ititirang buhay, dahil natunugan nila na isa sa mga kandidatong tagapagmana ng grimoire na sumasagisag sa araw ang pamilyang Greyhound. Ngunit, may nakaligtas na bata, at iyon ang anak ni Sylvia at Victor. Itinakas agad siya ni Sylvia mula sa mansion, at nang matagpuan ni Clementine ang pamangkin na si Sylvia na nagaagaw-buhay sa kagubatan habang bitbit ang pitong-taong gulang niyang anak, ipinagkatiwala niya agad ang kaniyang anak kay Clementine bago ito tuluyang mawalan ng hininga," humugot ng malalim na hininga si Prof. Irvin, "Tama ka apo, at sa pagkakatanda ko, ang sinisisi niya sa lahat ng mga nangyari ay ang anak ni Minerva."

Biglang bumagsak ang mga balikat ko. May kung anong bagay rin ang malakas na sumuntok sa dibdib ko. Halu-halo na ang emosyon at sakit na nararamdaman ko ngayon at hindi ko na namalayan na pumatak na rin ang luhang pinipigilan kong tumulo. Kaya pala gano'n na lamang ang reaksyon niya, ako pala ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari sa buhay niya.

"Pero bakit niya sinisisi si Mira, wala naman siyang kasalanan. Kung mayroong dapat sisihin, si Morgana 'yon," bulalas ni Rincewind habang mahigpit na ikinuyom ang kaniyang mga kamay. Pinahid ko ang aking mga luha saka tumingin ng malamlam kay Rincewind.

"Susubukan kong kausapin si Loki at—," pinutol ng matandang propesor ang susunod kong sasabihin, "Hayaan mo na muna siya na mapag-isa at maglimi. Sa ngayon, kailangan muna natin bigyan ng pansin ang mahahalagang bagay na makaktulong sa'tin sa hinaharap."

"I agre, how about you, Luccas?"

"Same here, besides lolo ko siya alangan na sumalungat pa ako?" Luccas grinned at us.

Bumuntong-hininga si Prof. Irvin, "Mukhang nagkaka-unawaan na tayo. Mabuti naman dahil ang problema natin sa ngayon, paano nag-doble ang grimoire na'to? Hindi ko rin masabi kung alin sa dalawa ang orihinal, sapagkat parehas lamang ang nararamdam kong magical aura dito. Hindi kaya—," napatigil sa pagsasalita ang propesor saka napasinghap, "Luccas, isama ninyo ako pabalik sa academy." bulalas niya.

"Why the rush lolo?!" angal ni Luccas.

"H'wag mo akong ma-rush rush, bilisan mo!"

Napakamot ng ulo si Luccas samantalang nakatulala kami ni Rincewind na hindi alam ang gagawin. Nagmuwestra sa amin ang propesor na kailangan namin lumabas at magmadaling bumalik sa academy. Pagkalabas namin, nakita namin si Loki na nakatayo sa may tabing-lawa na nakahalukipkip at mukhang malalim ang iniisip. Susubukan ko sanang lumapit kay Loki pero hinila ni Rincewind ang braso ko, saka umiling. Ang naglakas-loob na lumapit kay Loki ay si Prof. Irvin. Sumunod naman si Loki sa propesor dahil na rin sa nirerespeto niya ito. Lumapit siya sa amin ng hindi tumatama ang kaniyang mga tingin sa aming mga mata. He seemed furious. Luccas created a portal para mas mapabilis ang pagbalik namin sa academy. Mabilis na humakbang papasok ng portal si Loki, sinundan namin ito ng matandang propesor, si Luccas, ako at si Rincewind.

Agad kaming nakabalik sa academy. Ngayon, nandito kami sa loob ng opisina ni Mrs. Clementine dahil ito ang hiniling ni Prof. Irvin kay Luccas. Nagtapunan ang dalawang propesor ng mga seryosong tingin sa isa't-isa.

"Clementine Martin, ipaliwanag mo sa akin papaano nangyari ito," sinenyasan niya si Loki at Rincewind na ipakita ang kanilang grimoire. Sumunod naman ang dalawa, though Loki's approach was indifferent.

Nakita kong ngumisi si Mrs. Clementine, "Isa lang ang ibig sabihin niya, Lancelot. Ang mga apo ko ang pinili na maging taga-pangalaga ng grimoire na 'yan, at ang piniling guardian sa susunod na reyna ng Lunaire."

Nanlaki ang mga mata ko sa panibagong rebelasyon na nalaman ko. Ngunit hindi nagpa-awat si Prof. Irvin, "Sa pagkakaalam ko, isa lang ang ipinagkakaloob na grimoire sa bawat henerasyon. Ang tanong ko, papaano 'to nangyari?!" bulalas ng matandang propesor. Mrs. Clementine sighed, "Sa tingin ko, hindi ko na dapat itago. Bago mawala si Willow at sumugod sina Alistair at Morgana noon, napagkasunduan ni Victor at Wind na gumawa ng replica ng libro na halos magkaparehas ang magic. Maalam si Wind sa mga eksperimentong may kinalaman sa mahika, at matagumpay naman niya itong nagawa. Ikinonsulta niya ito sa akin. Una, tutol ako sa plano nila ni Victor, ngunit kalaunan ay pumayag ako. Bakit? Ang dahilan nila, kung magiging doble ang Solar grimoire, mas magkakaroon tayo ng kumpiyansa na masugpo sina Alistair at Morgana, mas mapoprotektahan nila ang siyudad at ang reyna." matatag at derestong paliwanag ni Mrs. Clementine.

Natahimik ang propesor, "Bakit hindi mo ako sinabihan sa gagawin nila?!"

"Aba, ako pa nga, eh wala ka ng panahon na 'yon!" bulalas ni Mrs. Clementine.

Okay, nag-aaway na ang mga matatanda. Napabuga na lamang kami ng hangin sa mga sagutan nilang dalawa. Tumikhim si Luccas dahilan para mapalingon si Prof. Irvin at Mrs. Clementine sa kaniya, "Mawalang-galang na po, matanong ko lang, si Mira ang prinsesa at nawawalang anak ng reyna na tagapagmana ng Lunar grimoire, si Rincewind at Loki naman, bale sila ang napili ng Solar grimoire at sila ang masuwerteng 'guardians' ng prinsesa. Ibig sabihin, ang tatlong ito ang itinakdang susugpo kay Morgana. Tama ba?"

"Exactly. At Loki apo, ngumiti ka naman. Hindi ganyan ang Loki na pinalaki ko. Hindi rin gugustuhin ni Sylvia na makitang ganyan ang mukha ng anak niya," Malapad na nguniti si Mrs. Clementine kay Loki.

Gumuhit ang matipid na ngiti sa labi ni Loki. Buti naman at ngumiti na siya. He was really a stubborn jerk. Muling lumingon si Mrs. Clementine sa akin, akmang magsasalita pa lamang nang may narinig kaming tunog ng nabasag na paso sa labas ng opisina. Naalarma kaming lahat dahil maaaring may nakikinig sa amin. Agad lumabas si Rincewind upang tingnan kung may tao sa labas, ngunit wala. Tanging basag na paso lamang ang nakita niya, saka nilinis niya ito gamit ang kaniyang mahika at bumalik sa loob.

Pagkabalik ni Rincewind sa loob ng opisina, Mrs. Clementine said humorlessly, "Mukhang mayroong ibang nagmamasid at nakikinig. Kailangan natin mag-ingat. Paki-usap ko, hangga't maaari, walang impormasyon ang makaalabas. Intiendes?!"

"Opo."

Bab berikutnya