webnovel

Chapter Forty One

Isang suntok ang dumapo sa mukha ni Gael. Bahagyang napabiling ang kanyang mukha ngunit tila hindi ininda iyon.

"Is there anything else you need from me, Don Manuel?" He calmly asked the old man.

"You son of a bitch!" Galit na bulyaw nito sa kanya "how could you do this to me?! To Patty?! Ipinahiya mo kami sa lahat! Ano pang mukha ang ihaharap namin sa mga tao? Sa mga business partners natin?!"

"I didn't agree to any of your plans, Don Manuel. Wala akong alam sa mga pinlano ninyo para sa gabing iyon" and I wouldn't have agreed to it anyway gusto niyang idugtong ngunit pinigil ang bibig.

"Hindi ba at doon din naman kayo papunta ni Patty? Wala ka bang balak pakasalan ang anak ko?!" Nanlalaki ang mga mata ni Manuel sa kanya sa galit.

He sighed at isinuklay ang dalawang kamay sa ulo "we are not in a relationship! We're just friends and business partners! And frankly, sa ginawang ito ni Patty, hindi ko alam kung magiging magkaibigan pa kami!"

"Wala kang utang na loob! Nakalimutan mo na ba ang lahat ng itinulong ng anak ko sayo?! Ang lahat ng itinulong ng pamilya namin? Basura ka lang kung hindi dahil sa amin!"

"Don Manuel... hindi ho ako nakakalimot sa lahat ng mga kabutihan at naitulong niyo sa akin... pero hindi ko ho maaaring pakasalan ang anak ninyo..."

"At bakit hindi?" Napatayo ito sa kinauupuan, ipinukpok nito ang dalawang kamay sa lamesa "bakit hindi Gael? Ginamit mo lang ba ang anak ko all these years? Alam mo ang pagtingin sa iyo ni Patty dise-sais anyos pa lang kayo!"

"May iba ho akong mahal... patawarin ninyo ako pero hindi ko maaaring suklian ang pagtingin niya sa akin... hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya..." kalmadong sagot niya.

"Hah! Pagmamahal! Kaya mo bang itapon ang lahat ng ito para sa lintik na pag ibig na sinasabi mo?!" Galit na hamon nito, nilinga ang kabuuan ng kanyang opisina.

Gael paused bago direktang sinalubong ang naghahamong mga mata ni Manuel "I can throw away everything for that woman" walang gatol na sagot niya.

"Kung ganoon... ihanda mo na ang sarili mo" tinalikuran na siya nito at tinungo ang pintuan. The old man stopped to glance at him bago tuluyang umalis ng silid "I hope kayang dalhin ng kunsensya mo kung bumalik din ang sakit ni Patty. It will all be on you Gael. Dalangin kong sana ay hindi ka patahimikin ng kunsensya mo kapag nagkagayon.."

Tumayo siya sa kinauupuan at tinungo ang malaking bintana ng opisina, hinawi niya ang nakaharang na kurtina doon at tumanaw sa labas. All he could see outside were huge buildings, at isa na ang building ng AG sa pinaka matayog na gusaling naroroon. Yes, he managed to achieve this success and power, pero aanhin niya ang lahat ng ito kung mawawala naman sa kanya ang kaisa-isang babaeng gusto niyang pag alayan ng lahat ng tagumpay na mayroon siya? Gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha ni Louise. God! how he missed her already!

Halos gumuho ang mundo niya nang unang sabihin sa kanya ng dalaga na wala itong pagmamahal sa kanya, sa kabila ng pagtatapat niya rito ng lahat ng nararamdaman sa nakalipas na mga taon. Nagalit siya at hindi gustong paniwalaan ang sinabi nito, but Louise left right after she acquired the title deed of the hacienda, at mas lalo siyang nasaktan sa kaisipang pera lamang talaga ang ginusto nito sa kanya. Akala niya ay sapat na ang sakit na iyon upang piliting kalimutan ito, pero parang pati sakit ay hindi sapat upang turuan ng leksyon ang puso niyang tila hindi marunong madala.

But then the other night, what they shared again was something special, she even told him she missed him. Taliwas sa sinasabi nitong wala itong pag ibig sa kanya, her kisses and actions tell him otherwise. Tinanggap man nito ang hacienda bilang kabayaran sa pagpapakasal sa kanya, he doesn't mind. She can have everything he has, kaya niyang ibigay ang lahat sa dalaga, manatili lamang ito sa piling niya.

Napalingon siya sa telepono nang tumunog iyon. He walked towards the phone on his desk at sinagot ito.

"Yes?"

"Sir, Atty. Santos is here to see you" wika ng sekretarya niya "wala po siyang appointment sa inyo ngayon sir"

"That's fine. Send him in" ibinaba na niya ang receiver.

"Gael, I'm sorry for coming unannounced" hinging paumanhin ni attorney Santos at kinamayan siya.

"No worries attorney. Please have a sit" itinuro niya ang katapat na upuan "what can I do for you?"

"This is probably breaking the law" alanganing simula nito "I thought of this long and hard, pero mas hindi kaya ng kunsensya ko kung hindi ko ito maibibigay sa iyo sa tamang oras" binunot nito ang isang sobre mula sa bag  "I have a feeling this might play a huge role in your happiness..." iniabot nito ang sobre sa kanya.

May pagtatakang tinanggap niya iyon mula sa abugado "what's this attorney? I'm afraid I don't follow?"

"Ms. Saavedra asked me to give this to you a year from now, hindi ko rin masiguro ang dahilan kung bakit ngunit malakas ang kutob kong makatutulong iyan sa inyong dalawa" bumuntong hininga si Mr. Santos "alam kong wala akong karapatang manghimasok sa personal niyong buhay pero... sa palagay ko ay sayang ang pagtingin niyo sa isa't isa kung maitatapon lamang"

Napataas ang dalawang kilay ni Gael. In all the years na nakatrabaho niya ang matanda ay ngayon lamang niya narinig na nagsalita ito tungkol sa isang personal na bagay. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito.

"I sincerely hope na makatulong sa iyo yan, Mr. Aragon" anito bago lumabas ng silid.

Gael crossed his legs and slowly opened the envelope. Laman nito ang titulo ng hacienda, isang sulat at isang maliit na kahita. He opened the letter first. It was a handwritten letter from Louise.

Gael,

I'm sorry for all the pain I've caused you, noon at ngayon...sana ay mapatawad mo ako.

I'm giving you back hacienda Saavedra, hindi ko ito matatanggap. Know that the times I've spent with you were the best times of my life, at walang ano mang bagay sa mundo ang makapagbibigay ng katumbas na halaga sa mga araw na iyon.

Patawarin mo sana akong hindi ko maibabalik ang wedding ring...let me keep it to remind myself that I was once the wife of the only man I've ever loved..

Hangad ko ang iyong kaligayahan.

Louise

Binuksan ni Gael ang maliit na kahita. Napasandal siya sa upuan at napapikit ng makita ang laman niyon. It was the necklace he gave her 6 years ago, ganoon din ang engagement ring...

"Do you still have it?"

"Alin?" Tanong nito habang ang paningin ay nanatiling nakatuon sa labas ng sasakyan.

"The necklace I gave you"

"Matagal ko ng itinapon..."

So it's not true that she threw it away. Iniangat ni Gael ang kuwintas na hawak sa isang kamay, isang ngiti ang unti-unting sumilay sa labi. Louise, you crazy witch! You love me this much and yet you're driving me away?

Mabilis siyang lumabas ng opisina.

"Cancel all my appointments for today" utos niya sa sekretarya.

"Pero sir, you're next meeting is in 15 minutes"

"Cancel it."

Naiwan ang sekretaryang nagkakamot ng ulo.

*******

Halos paliparin niya ang sasakyan sa expressway pauwi ng Sta. Martha, hindi na siya makapag hintay na makita ang dalaga. Malinaw na sa kanya ang isang bagay - mahal siya nito at iyon lamang ang mahalaga. Kung ano man ang ikinakatakot nito at inaalala upang maisipang lumayo, ay intensyon niyang malaman mula mismo kay Louise.

Ang apat na oras na biyahe mula Maynila ay tinakbo lamang niya ng tatlo, he's not a hell driver but he is a pretty good driver, idagdag pa ang mga shortcut na kanyang dinaanan mapabilis lamang ang pagdating sa Sta. Martha.

He parked his car in front of the huge gate that reads Hacienda Saavedra. Umibis siya ng sasakyan at pinindot ang door bell. Naka tatlong pindot siya bago may kasambahay na lumabas.

"Si Louise?" Agad na tanong niya sa babae.

"Ay wala pa po si Senyorita. Sino po sila?"

"Saan nagpunta?" Kunot noong tanong niya.

"May aasikasuhin lang daw po sa bahay sa San Martin. Eh sino po ba kayo?"

"Asawa niya" sagot niya. Ihinimas ang kamay sa batok "kanina pa ba umalis?"

Nanlaki ang mata ng batang babae sa narinig "may asawa ho si senyorita?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Alam mo ba ang address ng bahay sa San Martin?" He impatiently inquired. Kailangan niyang makita at makausap si Louise upang mabigyang linaw ang lahat.

"Hindi po eh. Si yaya Adela po, baka alam. Sandali po at tatawagin ko"

Makalipas ang ilang minuto ay nagbalik itong kasama ang matandang babaeng minsan lamang niyang nakaharap.

"Gael? Ano'ng ginagawa mo rito?" Bungad nito sa kanya.

"Yaya" nagmano siya "importante hong makausap ko si Louise. Alam niyo ho ba ang address ng pinuntahan niya? Susundan ko ho"

"Naku, ang maigi pa ay maghintay ka na lamang dito sa bahay at maya maya lamang ay malamang na narito na iyon, umaga pa siya umalis eh"

"Pero..."

Ngumiti ang matanda sa kanya " kapag sinundan mo siya hijo, ay malamang na magkasalisi kayo. Lalo kang matatagalang makita siya" .

Tinignan niya ang relo sa bisig. Ala-sais naman na, siguro nga ay parating na ang asawa ano mang oras, lalo na kung umaga pa pala ito umalis.Isang tango ang itinugon niya sa matanda at sinundan ito pabalik ng mansyon.

"Magkape ka muna, hijo" inilapag ni yaya Adela ang isang tasa ng umuusok na kape sa kanyang harapan, at naupo sa silyang katapat ng kanyang kinauupuan.

"Salamat ho" aniya at dinala sa labi ang tasa upang humigop.

"Hijo, hindi sa panghihimasok ako, ngunit gusto ko sanang malaman kung ano talaga ang intensyon mo sa alaga ko" anito habang mataman siyang pinagmamasdan.

Inilapag ni Gael ang tasa ng kape pabalik sa kinapapatungang platito bago sumagot "mahal ko ho si Louise...mahal na mahal. Simula noon, hanggang ngayon, walang nagbago sa damdamin ko para sa kanya"

The old lady smiled "natutuwa akong marinig ang intensyon mo sa kanya, Gael. Matigas kung minsan ang ulo ng batang iyan, ginagawa ang mga bagay na akala niya ay tama kahit pa siya na ang nasasaktan" bumuntong hininga ito "sana anak ay huwag mo nang hayaang saktan pa ni Louise ang sarili niya"

"Ipinangangako ko pong hindi ko na muling hahayaang masaktan si Louise. Ngayon ay malinaw na sa akin ang tunay niyang nararamdaman, there's nothing she can do that can make me leave her" aniya, nasa mga mata ang determinasyon. You can't drive me away sweetheart. For as long as I am breathing, I will stay by your side...

Ilang oras ang lumipas ngunit hindi pa rin umuuwi si Louise. Nagsimulang mabalisa maging si yaya Adela ng mag aalas-diyes na ay wala pa rin ito. Hindi rin nila makontak ang telepono ng dalaga.

Gael was pacing back and forth, daig pa niya ang pusang hindi mapaanak habang si yaya Adela ay gusto ng tawagan ang mga pulis.

"Give me the address, yaya. I will go there right now" tiim bagang niyang sabi

"Diyos ko, ano na ba ang nangyari sa batang iyon? Baka mamaya ay napahamak na iyon" mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Ano ho ba ang sabi niya kanina ng umalis?"

"Tumungo lamang siya sa San Martin para makipag kita sa potential buyer ng bahay doon. Ang sabi niya ay sandali lang iyon at babalik din siya agad. Diyos ko! Baka kung ano na ang nangyari, ngayon pa namang nasa maselang kundisyon-" agad na natutop ng matanda ang sariling bibig.

"Ano hong maselang kundisyon?" Tanong niyang lalong nagsalubong ang makakapal na kilay.

.

"Ah..eh" iniiwas ng matandang babae ang mga mata sa kanya

Hinawakan ni Gael ang magkabilang balikat ng matanda "yaya, please. Kailangan niyo hong sabihin sa akin para magawa ko ang lahat ng kaya ko para maprotektahan si Louise!"

Nakita niya ang paglunok ng matandang babae bago ibinuka ang bibig upang magsalita.

"Nag... nagdadalang...tao ang asawa mo, Gael"

Daig pa ni Gael ang binuhusan ng malamig na tubig. He stood there frozen. Nabitawan niya ang pagkakahawak sa balikat ng matanda.

Louise is pregnant. She is carrying his child!

His pulse started racing. Oh God! Where are you sweetheart?

"Gael..." untag ng matanda. Noon lamang tila natauhan si Gael.

"Ibigay niyo ho sa akin ang address, pupuntahan ko siya ngayon din!" Halos pasigaw niyang nasabi. Damn it! He couldn't waste any more time! He needs to find her! Matindi ang kabang sumakmal sa kanyang puso sa kaisipang baka may nangyaring masama sa asawa at sa dinadala nito.

Sa nanginginig na kamay ay iniabot sa kanya ni yaya Adela ang address sa kapirasong papel.

"Nasabi ho ba sa inyo kung sino ang kausap niyang buyer?"

"Ang nabanggit ay kilala raw niya yung kausap niya... Kurt ata ang pangalan?"

"Kurt?" Lalong nagsalubong ang mga kilay niya "Kurt Alvarez?"

"Oo! Yuon nga ang pangalang nasabi niya kanina! Kilala mo rin ba ang taong iyon?"

Hindi sumagot si Gael at nagmamadaling dinampot ang susi ng sasakyan. Hindi nagtagal ay lulan na siya ng kotse binabagtas ang daan patungong San Martin.

He has a bad feeling about this. Why would Kurt be interested in buying Louise's property in San Martin? He clenched the steering wheel at lalong diniinan ang tapak sa silinyador ng sasakyan.

I'm coming sweetheart.

Bab berikutnya