webnovel

Chapter Fifteen

"Mabuhay! Welcome to Manila" nakangiting bati sa kanya ng babae sa immigration. She handed her passport and waited for it to be scanned and stamped.

She glanced at her watch, it's already 6 in the evening at hindi pa rin siya nakakalabas ng paliparan.

Matapos ang proseso sa immigration ay dumeretso na siya sa baggage claim area. Agad niyang natanaw ang maleta niyang Louis Vuitton, lumapit siya sa conveyor para kuhanin ito. May kabigatan iyon at halos hindi niya natinag. Naipagpasalamat niyang may nagmagandang loob na hatakin ito para sa kanya.

"Here you go, ma'am" nakangiting inilapag ng lalaki ang maleta sa kanyang harapan. He must be at least 5'10", mestizuhin ito, matangos ang ilong at bahagyang may pagka singkit ang mga mata.

"Thanks" tipid niyang sagot at nginitian ito.

"Do you only have one?" tanong ulit nito "I can take your other bags if you have more"

"Ah, meron pang isa, pero mas maliit yun ng konti" tugon niya. "There it is!" she pointed at her other luggage na papalapit.

The man effortlessly pulled it out of the conveyor belt for her.

"Thanks a lot!" she exclaimed.

"Oh it's nothing!" sagot nito, flashing perfectly white teeth. Lumabas ang magkabilang biloy nito sa magkabilang pisngi when he smiled "oh, I'm Kurt by the way". Kurt Alvarez" inilahad nito ang kamay sa kanya.

"Louise" tinanggap niya ang kamay nito.

"Louise...?" he squinted his eyes a little bit, hinihintay na sabihin niya ang kanyang apelyido.

"Saavedra. Louise Saavedra"

"Pleasure meeting you, Louise" he firmly shook her hand.

"Likewise" she answered smiling at marahang binawi ang kamay mula rito "I'll go ahead. Andiyan na rin siguro ang sundo ko. It was nice meeting you" she said and started to walk away.

"Hope to see you around!" he answered back waving at her.

It was close to midnight nang marating nila ang hacienda. Louise inhaled deeply nang makababa ng sasakyan, her eyes surveyed the surroundings.

Malaki ang ipinagbago nito. Their lawn that used to be always manicured ay tila napabayaan. Wala rin ang sari saring mga rosas at iba pang bulaklak na dati ay nakapalibot dito. Even the palm trees look depressed.

She sighed. What happened to this place magmula nang umalis siya? She turned her eyes to look at the building in front of her. At least the mansion looked how she remembered it, mukhang ito ang isa sa mga bagay sa haciendang naalagaan. Her dad adored and loved this place, especially the mansion. Dito na ito ipinanganak, nagkaisip at lumaki.

"Louise, hija!" She turned around to see her yaya Adela standing at the house's entrance. Nakangiti ito ngunit nasa mga mata ang nagbabadyang luha.

"Yaya!" She exclaimed, patakbo siyang lumapit dito at niyakap ito nang mahigpit. She missed her yaya so much. Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kanya.

Matapos ang ilang sandali ay inilayo nito ang sarili sa kanya at masuyong hinawakan ang kanyang mukha "lalong gumanda ang alaga ko" she said smiling.

Hinalikan niya ito sa pisngi "i've missed you yaya" malambing niyang sabi.

"Ako din hija. Halika na sa loob at ipinagluto kita ng mga paborito mo"  nilingon nito ang driver "Isunod mo na sa loob ang mga bagahe ng senyorita mo, Alberto".  Agad namang tumalima ang huli at sinimulang ibaba ang kanyang mga maleta mula sa sasakyan.

"Hindi na ba ako maaaring tumuloy ngayon sa ospital, yaya? Kumusta si papa?"

Umiling si Adela "tapos na ang oras ng pagbisita, isa pa, hapo ka pa sa byahe. Mas stable na ang kalagayan ng papa mo ngayon, ang sabi ng doctor, kapag nagtuloy tuloy ay baka makalabas na siya ng ICU" paliwanag nito.

Sinundan niya si Adela papasok ng kabahayan. Hindi man niya gustong aminin, she missed this place. The house looks exactly how she remembered it. Naroon pa rin ang malaking chandelier na makikita pag pasok mo, right above the round welcome table na napapaibabawan lagi ng isang vase ng sariwang mga bulaklak. Her mom's huge portrait still hangs on one of the walls. As always, the marbled floor was sparkly and shiny, pwede kang manalamin. She gave a bittersweet smile. Anim na taon, it actually felt like a lifetime.

Nang gabing iyon ay hindi dalawin nang antok si Louise. Gising na gising ang kanyang diwa. She's feeling anxious now that she's back in Sta. Martha, the one place she swore she didn't want to go back to. Ngunit gaano man kasakit ang mga ala ala ng lugar na ito sa kanya, hindi niya maaaring pabayaan ang ama, and right now, his dad is fighting for his life and he needs her.

Kinabukasan ay maaga siyang bumangon upang magtungong ospital. Sinamahan siya ng kanyang yaya Adela. Habang daan ay hindi niya maiwasang mapansin ang ipinagbago ng bayan, napakarami ng mga bagong establishments ang nagsulputan, mula mga restaurants, boutiques, salons... halos hindi na niya makilalang ito ang bayang kanyang kinalakihan.

Nang marating nila ang ospital ay tinungo nila ang ICU ward where she was instructed to wear the designated hospital gown and mask bago siya pinapasok sa silid ng ama. Papalapit pa lamang siya rito ay hindi na niya mapigilan ang umiyak. She's never seen her dad look so helpless like this. The mighty Enrique Saavedra, now looks like a fragile old man lying there, sari saring tubo ang nakakabit dito.

She tried holding his hand. "Dad..." usal niya trying to fight back the tears. Hindi niya alam kung naririnig siya nito but she wants him to know na nandito siya. Na bumalik siya para rito.

"It's Louise dad. I'm here...I'm here for you... please get better. You can do this. I know you can" naramdaman ni Louise na tila gumalaw ang daliri nito. Nabuhayan siya ng loob. That means he can hear her. "I'll be here dad, hindi kita iiwan kaya magpagaling ka agad ha" she assured him bago lumabas ng silid ng ama.

Sa visitor's area ay naabutan niya si yaya Adelang may kausap na isang lalaking naka amerikana.

"Is everything okay yaya?" Tanong niya rito at tinignan din ang lalaki. He must be in his 50's and he looked dignified. Adela gave her a weary look.

"Are you Ms. Louise Saavedra? Daughter of Enrique Saavedra?" The man inquired.

"Yes, ako nga. What can I help you with?"

"I'm Atty. Ramil Santos" iniabot nito sa kanya ang isang business card. Naroroon ang pangalan nito: Santos & Associates Law Firm.

"What can I help you with, Mr. Santos?"

The attorney looked unsure for a second and then pulled out a brown envelope from his bag at iniabot iyon sa kanya. She hesitantly accepted. She looked at the man, waiting for an explanation. Hindi ito nagsalita at sa halip ay tila nag hihintay na buksan niya iyon. Still puzzled, she slowly opened it and pulled out the papers.

Bumulaga sa kanya ang heading na nakasulat doon, in bold letters: NOTICE TO VACATE PROPERTY. She frantically read through the document ngunit walang masyadong rumerehistro sa kanyang utak maliban sa nakasaad ditong binibigyan sila ng isang buwan para bakantehin ang mansyon at hacienda!

Bab berikutnya