webnovel

36 Tsaka nalang

Sa palagay ni Kimmy ay mas makakabuti na sa kanya ang manatili nalang muna sa baryo at hintayin ang pagbabalik ni Ramses tutal naman ay nagsabi ito na siya mismo ang magpapaalis sa kanya pag alis niya. Mas maganda iyon dahil hindi na niya kailangang magtago at sumabay sa mga kaguluhang mangyayari sa labas. Panahon ito ng pananakop ng mga Espanyol, mga Portugal, mga tribo sa iba't ibang lugar, mga mestisong anak ng magkakaibang lahi, pagpapalaganap ng Kristyanismo at pagbabago ng kalakalan. Magulo pero maswerte pa rin naman si Kimmy dahil tago ang baryong kinalalagyan niya. Nakakalungkot man isipin pero alam niya na kailangan tapusin ang relasyong dapat ng tapusin at ipagpatuloy ang buhay na dapat ipagpatuloy.

Mabilis lang na lumilipas ang mga araw. Naging mas tutok ito sa pagtatanim ng mga gulay at pampalasa sa bakuran niya. Naging parang taniman na ito sa dami ng kaniyang mga pananim. Lingid ito sa kaalaman ng iba, maliban kay Alopesia,sa mga magulang nito at mga pinagkakatiwalaan niyang alipin ay walang nakakaalam sa pag aangkat nito at pagbebenta sa bayan. May mga nakakapansin sa kagandahan ng mga prutas at gulay nito, isama pa ang mga pampalasang ginawa ni Kimmy sa bayan kaya't naging sikat ang tindahan niya. May isang sikat na kainan ang nakipagtransaksyon sa kanyang mga produkto at nakapang aakit ito ng mga dayuhan.

Maliban sa mga pananim ay naging mabenta din ang kanyang mga produktong pampaganda. Naging patok ito sa mga pilipino, ang negatibong epekto nga lang ay ang pagiging malansang isda ng mga iilang pilipino. Nais nilang magmukhang banyaga at ginagaya ang gawi at itsura ng mga ito. Bagay na nagiging sanhi ng isang kapwa pilipino nang aalipusta ng kapwa o ng ugaling ikinahihiya ang sariling lahi.

Lumipas ang dalawang buwan ng maayos at mapayapa para sa kay Kimmy at sa kanyang negosyo. Nakabili narin ito ng bahay at lupa sa kalapit ng bayan. Hindi man ito tagong lugar ay magiging maganda itong tirhan pagkatapos ng mga kaguluhan. Wala itong pinagsabihan kahit pa sina Alopesia at personal niya itong binili, natuto na ito base sa kanyang mga napagdaanan noon.

Nakatago sa iba't ibang lugar ang kanyang mga alahas at pag aari. Sa bawat taguan nito ay may isa sa kanila ang nakakaalam kung saan niya ito nilalagay. Ang isang taguan sa bahay nito ay alam ni Alopesia na hindi naman alam ni Adlaw. Ang kayamanan niya sa Pagamutan ay tanging si Adlaw lang din ang nakakaalam. May isang taguan din siya sa dating silid, sa bahay ng kaniyang mga magulang na tanging sila lamang ang may alam. At ang pinakahuli at pinakamalaki ay nakatago sa bahay na binili niya sa kalapit bayan, siya lamang ang nakakaalam nito at siya lang ang personal na gumawa ng sekretong lalagyan.

Masasabing mayaman na siya at may kapangyarihan na sa kalakalan na hindi niya kailangang ilantad ang kanyang pagkatao.

Sakabila ng mga ito. Nanatili pa rin itong manggagamot na naglilingkod sa baryo. Naging kilala silang tatlo pagdating sa panggagamot. Siya, si Adlaw at si Enzo.

"Kimmy." tawag ni Enzo habang pauwi na si Kimmy sa kanila at palabas na ito ng bahay pagamutan.

"Hindi." sagot naman ni Kimmy kahit hindi pa nagtatanong si Enzo. Alam na nito ang nais niya sabihin dahil sa araw araw na pag uwi nito ay lagi siya nitong niyayaya sa bahay niya.

Hinayaan na lang ulit ni Enzo si Kimmy at nagpatuloy sa pagtingin sa huli nilang pasyente.

Napakunot ng noo si Adlaw kay Enzo. Hindi ba ito nagsasawa sa pagyayaya kay Kimmy? Ni hindi nga niya ito nililingunan sa tuwing tatawagin siya. Sa mga importanteng bagay lamang siya nito kinakausap at kapag sa ibang bagay maliban sa kalagayan ng baryo at panggagamot ay hindi na niya ito kikibuin.

"Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Hindi." sagot nito habang nirereflex ang likuran ng batang nahulog sa puno ngunit sumabit ang kamay sa mga sanga.

"Hindi mo ba alam na para kay Ramses na siya?" Pagpaparamdam nito sa bingi bingihan nitong kaibigan.

"Aray!" sigaw ng bata.

"Dahan dahan po." pakiusap ng Ina nito kay Enzo.

"Tanggapin mo nalang kasi." dagdag pa ni Enzo.

"Ok na po siya." sagot ni Enzo sa mag inang pasyente niya.

Ginalaw galaw ng bata ang mga balikat nito at bakas sa mukha nito na hindi na ito nahihirapan at nasasaktan sa paggalaw. "Maraming salamat po Ginoo." sabi ng bata ng may ngiti sa mga labi.

"Naku maraming salamat ho." pasasalamat ng Ina nito kay Enzo.

"Walang anuman po." sagot naman ni Enzo tsaka na nagligpit ng mga gamit nito.

Nauna ng lumabas ang mag inang pasyente. Nilapitan ni Adlaw si Enzo. "Tanggapin mo na Ginoong Lorenzo, hindi ka nya gusto."

Hindi tinignan ni Enzo si Adlaw dahil wala naman talaga itong alam sa nakaraan nila. "Anong alam mo sa relasyon namin?" tumigil ito sa paghakbang palabas ngunit hindi nya parin ito nilingunan."Wala." atsaka na ito nagpatuloy sa paglalakad.

Umuwi ng maaga si Kimmy para ihanda ang sariling katawan. Bukas ay buwanang dalaw na nya ulit. Magiging pangatlong beses na ng kanyang period na itong nagdidysminorrhea at wala si Ramses, ginawa naman niya lahat ng pag iingat ngunit di parin nawawala ito sa tuwing dadalawan siya.

Dumaan muna ito sa bahay ng magulang niya at nang iwan ng alahas sa taguan niya dito tsaka lumabas ulit. Katulad ng mga lumipas na araw na lagi niyang ginagawa simula ng umalis si Ramses, pero ngayong araw ay naisipan niyang maglakad sa daanan sa mga likiran ng mga bahay kubo kung saan mas mabilis siyang makakauwi kaysa sa maluwag na daan. Kahit madilim na ay maliwanag parin ang buwan.

"Eres tan hermosa mi amor." sabi ng bumubulong na lalaki sa looban ng mga halaman.

"Uhmn." ungol ng isang babae.

Natuwa si Kimmy sa narinig at mukhang may naglalampungan sa likuran ng mga halaman kaya't naisipan nitong gulatin sila at pagtripan. Dahan dahan itong lumapit sa mga palat at sumilip. Nagulat ito nang makita si Antonia at ang dayuhang nakikituloy kina Enzo. Napatakip nalamang ito sa bibig. Hindi siya pwedeng sumigaw, baka may makakita sa kanila at gamitin nanaman ng mga katandaan ang issue para kunin ang pwesto nito. Nanahimik ito at bumalik ng dahan dahan sa daan. "Tsaka nalang." bumuntong hininga ito at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.

Bab berikutnya