webnovel

Kabanata 24

Mahigit dalawang oras na Simula ng bumiyahe kami nila Aryesa patungong BGC, kung nasaan si Yuan.

Sakay kami ng Puting honda civic ni Greg, ito ang nagdadrive katabi si Aryesa sa front seat, at ako sa back seat. Hindi nag dalawang isip sila Aryesa na tulungan akong makausap si Yuan. Buong biyahe nila ako kinuwentuhan tungkol sa paglalayas ng mga lalaking Hermosa sa kanilang pamilya dahil sa kasakiman ni Margarita at Donya Minerva at kung paano sila bumangon sa sarili nilang mga paa.

Iniwan ko ang Anak ko kina Kuya Thirdy, sa malaking bahay. Sina Kuya Xander ay busy sa pag-aasikaso sa farm. Walang may alam na pupunta ako kay Yuan ngayon para nakipag-usap. Ang alam lang nila ay kakain lang kami nila Aryesa sa labas.

"Dito yung bar na tinayo nila Duke. Ang alam ko madalas sila dito simula nung lumayas sila sa mga Hermosa." Ani Greg. Agad naman akong lumabas para usisain ang itsura ng bar. Labas pa lang na interior ay alam mo ng high class ito. Sino makakapagsabi na mga engineer ang may-ari nito?

Akmang papasok na kami sa loob ng bar ng pigilan kami ng dalawang bouncer slash security guard ng bar na nasa labas.

"7pm pa po ang bukas ng bar." Anito. Nakatingin naman ako kay Greg at Aryesa na palabas pa lamang ng kotse.

"Kailangan ko lang po makausap ang may-ari ng bar." Nagtinginan naman ang dalawang bouncer at umiling muli ito. Nakiusap na din si Greg at Aryesa, na kahit sinabing matalik na kaibigan sila ay hindi pa din naniwala. Seriously? Mukha ba kaming scammer?

"Greg, Aryesa...Ali?!" Napalingon ako lalaking tumawag sa amin. "Ali, ikaw nga!" Sigaw nito at agad akong nilapitan at niyakap. Gulat man ako ay nagawa ko pa ding suklian ang yakap ng lalaking yumakap sa akin at nginitian ito ng pinakawalan ako.

"It's been a long time...bakit kayo nandito? Maaga pa to get laid." Tanong nito.

"Lucio, I just want to talk to Yuan. Please?" Nagsalit-salit ang tingin niya sa akin at kina Greg at ng kinalaunan ay sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng bar.

Sa pagpasok namin ng bar, ay hindi mo aakalaing bar ito. It looks like a hotel. Dahil sa pagpasok ay may front's desk at hagdanan paakyat. At pag tinuloy-tuloy mo naman ay andun na ang mga mamahalin at classy na tables ang chairs, bar counter, dance floor at ang eleganteng hagdanan patungo sa VIP section na nasa itaas. The ceilings were transparent but tinted coloured. At sa gilid naman ng mga ito ay mga party lights na hindi pa nakasindi.

Iniwan muna kami ni Lucio sa party area na malinis pa na nakasalansan ang mga upuan dahil 1pm pa lang ng hapon, aakyat muna daw siya sa taas to check something kaya kami nandito.

Sobrang luwag ng place nila. Sa tantya ko ay this bar can accommodate almost five hundred or more people. Maluwag din ang ispasyo ng stage kung saan may mataas na lamesa for the DJ. I feel proud for them, maybe Yuan designed this.

"Tara sa taas?" Narinig ko na lang na sabi ni Lucio kaya napatigil ako sa pagcheck sa paligid.

Bumalik kami sa dinaanan naming front desk at sa tabi non na hagdanan ay umakyat kami patungo sa itaas kung nasaan daw ang opisina at ilang kwarto just in case na tumigil sila doon.

I noticed na walang elevator dito, na kahit may apat na palapag itong tagong building na ito, though yung nasa likod na bar area ay hanggang second floor lang.

It's wide kahit na hindi mukhang spacious. Ang opisina nila ay bungad ng pag akyat sa second floor. There's three five seaters' couch na nagsisilbing receiving area at may kwarto na marahil ay private office.

Nakaupo sa isang five seater couch sina Duke, Darwin at tatlo pang babae na hindi pamilyar sa akin. Hindi na nagulat si Duke, marahil ay nasabi na nga ni Lucio na nandito kami.

"Have a seat." Ani Duke. Umupo naman agad sila Greg at Aryesa, pero ako ay nakapirming nakatayo.

Tinignan naman nila akong lahat dahil sa hindi ko pagsunod sa sinabi ni Duke.

"Look, hindi ako nagpunta dito para umupo. Nandito ba talaga si Yuan? Because I badly need to talk to him." Palatak ko.

I heard Duke chuckles. "Bakit? Nung si Yuan ang gustong makipag-usap sayo? Pinagbigyan mo ba?" I caught off guard. Tama naman siya. May punto siya, tapos ako ngayon, apuradang apurada. Patience, Agatha.

"Duke ano ba." Saway ng babaeng katabi nito.

"What?" Sagot naman nito. Nagtitigan lamang sila, pero napabuntong hininga lang ito. "Fine! Bakit mo gustong makausap si Yuan?" Sabay tingin sa akin nito.

Natahimik lang ako. Gusto kong sabihin sa kanila ang rason ko pero pakiramdam ko ay hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya.

"Do I need it to tell you? Gusto kong makausap si Yuan for personal reason."

"Dapat lang naman na sabihin mo sa akin, sa amin. You left my cousin without hearing his side!" Galit na palatak nito.

"That's enough, bro!" Ani Lucio. Sarkastiko namang tumawa si Duke hanggang sa nilapitan ako nito at hinablot ang aking kaliwang braso. Humihigpit ang kapit nito dahil nararamdaman ko na ang sakit. "Bro, enough! Nasasaktan na si Ali!" Pilit na pinipigilan ito ni Lucio at ng babae sa tabi nito. Maging sila Greg ay tumayo na din pero hindi napigilan si Duke dahil ang isang kamay pa nito ay hinablot din ang kanang braso ko.

"Duke, bitiwan mo ako. Nasasaktan na ako!" Ani ko.

"Nasasaktan ka? Eh ang pinsan ko? Sa tingin mo hindi siya nasaktan sa pang-iiwan mo?" At doon na tumulo ang mga luha ko. Hindi lang dahil sa sakit ng pagkakahawak nito sa akin kung hindi pati ang katotohanang nabulag ako ng sakit at takot ko. "Sumagot ka, Ali!" Sinigawan pa ako nitong muli.

"That's enough, Duke!" Sigaw ng isang pamilyar na tao na nagmamadaling bumaba nang hagdanan galing sa taas.

Binitawan naman ako agad ni Duke at unti-unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Wearing his white long sleeves tucked in to his black slacks at black leather shoes is the man I wanted to talk, the father of my child, the man who made me woman.

Agad akong nilapitan nito at niyakap ng pagkahigpit higpit. Damn, I really miss him!

"I got you, My Hermosa." Bulong nito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Sinuklian ko din ito ng mahigpit na yakap na lalong nagpaiyak sa akin. "Sshhh...I'm here..." Rinig ko pang bulong nito bago tuluyan akong mawalan ng malay dahil sa pagod.

Bab berikutnya