webnovel

Chapter 16

MATAPOS ang pag-uusap namin ni Lorenzo ay nagbago na ang lahat. Bumalik na ito sa dati. Madalas na ulit itong nakangiti at makipag-asaran sa akin.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang may marining ako na parang may masayang nag uusap sa aming sala. Pababa pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan nila Lorenzo at tawa ng isang bata.

Bata? may bata sa bahay?

Nanlaki ang aking mga mata nang marealized ko kung sino ang taong nagtatawanan sa baba. Binilisan ko ang paghakbang sa hagdan. Pagdating ko sa kusina ay di ko inaasahan kung sino ang nakita ko.

"Ate Carla!" Sigaw ko.

"Kara, nice to see you again."

Agad akong lumapit dito at niyakap ito. "OMG! I missed you, Ate. Buti naman bumisita ka dito." I'm so happy na binisita kami nito.

"Pagkadating na pagkadating ko ay kayo agad ang naisip ko na una kong bisitahin." masayang paliwanag nito at niyakap akong muli.

Napalingon kami ni Ate Carla nang tumikhim si Lorenzo.

"Ehem! Ako ang kapatid pero parang mas namiss mo pa si Kara. You're so unfair, Ate." Pagmamaktol nito. Buhat-buhat nito ang 1 year old boy na pamangkin ni Lorenzo si Baby Dylan.

Naghiwalay kaming dalawa ni Ate Carla at natatawang tiningnan si Lorenzo. Lumapit ako dito para buhatin ang cute na cute na si baby Dylan. Ibinigay naman sakin ni Lorenzo ang bata.

"Hi! Baby Dy. Why so cute pa rin?" Dylan just giggle when some of my hair fell on his face after giving him a kissed on the cheeks. Pagkatapos nito ay hinarap ko si Lorenzo.

"Alam mo kasi Lorenzo nabanggit kasi sakin ni Ate Carla na ampon ka lang daw." Natatawang pang-asar ko dito.

"Look at her, Ate. Inaaway niya ang baby brother mo!"

Napangiwi naman si Ate Carla sa pagiging pababy ni Lorenzo. Pababy talaga at hindi pabebe.

"Stop it Lorenzo! Baby brother? you can even make a baby of yours." May pang-aasar na tumingin sa akin si Ate Carla.

Umiwas ako ng tingin at nilaro na lamang si Baby Dy.

Sa tingin ko hindi pa kami parehong handa sa bagay na yan. Masyado pang complicated ang relationship naming dalawa ni Lorenzo. Hindi pa rin ako sigurado kung kaya na bang magmahal muli ni Lorenzo.

"Why so quiet guys?" Natatawang nagpapalit-palit ang tingin nito sa aming dalawa. "Alam n'yo bang nagtatampo pa ako sa inyong dalawa dahil hindi n'yo ako inimbita sa kasal." Nakasimangot na ito.

"Well... Ate, biglaan kasi ang kasal kaya hindi na kami nakapag-imbita." Napapakamot sa batok na sagot ng kapatid.

Naniningkit ang matang lumingon si Ate Carla dito. "Kaya dapat magpakasal kayo ulit and this time invited na ako."

"And I'll be the one to design your wedding gown." Napangiti na lang ako.

Carla Dela Fuente is a famous fashion designer in Europe. Doon ito nag-aral ng kolehiyo, dahil na rin magaling at passion talaga nito ang magdisenyo ng mga damit ay natuklasan siya ng isa sa mga judge ng fashion show na kung saan isinali ni Ate Carla ang mga designs niya. Doon na nagsimulang sumikat at makilala ang mga pangalan niya. Sa ngayon ay may sarili na itong company sa Europe. Sa bansang din na iyon niya nakilala ang kanyang asawa na Filipino din. May Car Company kasing hinahawakan ang asawa nitong si Kuya Mikee Dela Fuente. Actually, bagay na bagay silang dalawa. Si Ate Carla na pasaway at si Kuya Mikee na very quiet and neat laging tingnan.

"Oo nga pala.. Ate Carla where's Kuya Mikee?" Pag-iiba ko.

Inilapit ko si Baby Dy nang mapansing nakaturo ito kay Ate. Namimiss na siguro ang mama.

"Kila mommy, hindi na kami nagpasama dahil hindi rin naman siya makaalis dahil kay Mommy, Alam mo naman iyon. Mas anak pa ang turing non kay Mikee kesa samin." Natatawang paliwanag nito at binuhat si Baby Dy mula sakin.

"Ginagawa ni Mommy yon kasi baka biglang matauhan si kuya Mikee at bigla ka na lang iwan. Kaya naman kung todo ang pag-aasikaso ni Mommy sa kanya." Bumabawi naman sa pang-aasar ni Lorenzo kay Ate Carla.

Tinaasan kang siya ng kilay ni Ate Carla.

"No, hindi mangyayari 'yon dahil patay na patay sakin ang kuya Mikee mo. Anyway, Kaya ako pumunta dito para sunduin kayo. Namimiss na daw ni Mommy ang Unica iho niya."

Natawa na lang ako sa confidence na meron si Ate Carla.

"Kaya mag-ayos na kayo at umalis na tayo. Kotse mo Lorenzo ang gagamitin natin nagpahatid lang ako sa driver." Utos ni Ate Carla.

Pagkatapos makapag-ayos ay masaya kaming sumakay ng kotse. Si Lorenzo ang nasa driver seat katabi ako, sa likod naman sila Ate Carla.

Matapos magseatbelt ay pinaandar na ni Lorenzo ang sasakyan. Binuksan nito ang radio.

"Ate, kailan pala kayo nakabalik ni kuya Mikee?" tanong ko.

"Kahapon lang, sa sobrang pagod hindi na namin kayo nasabihan, isa pa gusto ko rin kayong supresahin." Nakangiting sagot nito.

Napatango-tango ako.

"Teka, kamusta na pala ang company n'yo Kara? I heard from Dad na medyo nagkaproblema daw ang company n'yo?"

Sa totoo lang hanggang ngayon ay tutok pa rin kami sa pagmamanage ng business namin lalo na broad. Iyon kasi ang pinakaapektado kaya madalas mag- out of country si Papa.

"Ayos naman po Ate. Medyo nakakabawi na pero kailangan pa rin tutukan. I'm so thankful talaga kay Tito- este kay Daddy Kevin kasi tinulungan niya kami. Kung hindi dahil sa pamilya nyo baka na-bankrupt na kami." Nangingilid ang luhang sabi ko.

Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko gamit ang kanang kamay niya. "It's okay, we're here to help." pagpapagaan loob nito.

Nilingon ko si Ate Carla, tinanguhan din ako nito na parang sinasabi na nandito lang sila para samin.

"And oh, napansin ko lang na wala kayong maid sa bahay. Ayaw n'yo bang maghired?" tanong ni Ate Carla.

"Sa ngayon ate kaya pa naman naming dalawa ni Kara and gusto ko rin kasing masolo muna namin ni Kara ang bahay." Sagot ni Lorenzo.

Napaisip ako bigla. Bakit parang iba ang naiisip ko sa sinabi ni Lorenzo.

Napahalakhak si Ate Carla. "Brother, bakit parang iba ang naiisip ko sa sinasabi mong gusto mo munang masolo si Kara?" tudyo nito kay Lorenzo.

"Ikaw brother ah, may binabalak ka ah!" Natatawang pang-asar nito. Nahawa na rin ako sa pagtawa nito.

Ang kulit ni ate Carla. Aakalain mo talagang dalaga pa dahil sa asta at kilos nito.

"Hey! that's not what I mean." Pagtanggi nito.

Lumingon sakin si Lorenzo. "Pati ba naman ikaw, Kara?" Nagkibit balikat lang ako.

PAGDATING namin sa bahay nila Lorenzo ay agad namin nasalubong ang papalabas na asawa ni Ate Carla.

"Hon! where are you going?" Tanong ni Ate Carla sa mukang pagod na asawa.

"Oh! I was planning to fetch you, Hon." Humalik muna ito sa pisngi ni Ate Carla bago kami napansin nito.

"Hey! how are you Mr and Mrs Villareal?" Nakangiting tanong nito.

"We're fine Kuya but you... you looked tired men." Natatawang puna naman ni Lorenzo.

Umiling-iling lang ito at bahagyang natawa.

Binuhat naman nito si Baby Dy at binigyan ng halik sa pisngi. "Yeah.. How's my handsome son, hmm?" Yumakap naman ang anak nito sa kanya.

Tumingin naman si Kuya Mikee sa asawa. "Inaantok na 'yan Hon, patulugin mo na sa taas."

"Okay, nasa kusina nga pala si Mom. Puntahan nyo na, she's so excited to see you guys."

Tumango kami at sinundan ng tingin si Kuya Mikee paakyat sa second floor.

Tumingin ako kay Ate Carla at kitang kita ko kung gano nito kamahal ang asawa.

I hope someday ganyan din kami ni Lorenzo.

Pagkatapos ay dumiretso na kami sa kusina. Papalapit pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Mommy Karen.

"Marie paki tingnan nga ang niluluto kong kaldereta at hihiwain ko lang itong bawang." Utos nito sa kasamabahay.

Nauna nang lumapit si Lorenzo sa kanyang ina.

"Hi Mom!" Niyakap niya ito ng patalikod.

"Lorenzo, Oh! my baby boy. How's your life? Where's Kara-" Napalingon naman ito sa likuran ni Lorenzo. "Oh Hi, my dear come here."

Nahihiyang lumapit ako sa kanya at niyakap ito.

"Namiss ko kayo, kinasal lang kayo hindi n'yo na ako binisita." Malungkot na pahayag nito.

"Mommy, naaadjust pa kasi kami ni Kara dahil mag-asawa na kami ngayon. Pero hindi ka namin nakalimutan." Niyakap nitong muli ang kanyang ina.

"Lalo na itong masasarap mong luto, imposible." Hinarap naman siya ng kanyang ina at pinanggigilan ang pisngi nito.

"Naku! ikaw talagang bata ka, let's eat first alam kong gutom na kayo."

Tumango kaming dalawa.

Napakadaming putahe ang niluto ni Mommy Karen. Hindi halatang pinaghandaan.

"Oo nga pala before I forgot, we are planning to take a family vacation at hindi kayo pwedeng tumanggi dahil sasama kayo samin." Nakangiting binalingan kami ng ginang.

Tumingin naman sa akin si Lorenzo. "If it's okay with Kara, then why not." Tumingin sa akin si Mommy Karen with her pleasing eyes.

Hindi ko ata kayang tanggihan ito.

"It's okay, sasama po kami."

Napapalakpak naman sa tuwa ang ginang. "Great! so settled na ang lahat."

"Sandali, tatawagin ko lang ang Ate mo." Masayang lumabas ito ng kusina.

Wala pa ring pinagbago ang bahay nila Lorenzo. Sa pagkakatanda ko, ang last kong punta rito ay nu'ng nagcelebrate kami ng Christmas dito last year. Dahil nga magkaibigan ang pamilya namin ay madalas sama-sama kami sa mga okasyon. Nilibot ko ang paningin sa buong silid.

Nandoon pa rin ang mga paintings. Mahilig magpinta ang ina ni Lorenzo kaya kung mapapansin ay halos lahat ng pader ay may nakasabit na painting na talaga namang nagpaganda sa kanilang tahanan. Nilibot ko pa ang paningin hanggang sa magtama ang paningin namin ni Lorenzo.

Tinaasan ko ito ng isang kilay, pero ang lalaki ay nginitiin lang ako.

"Bakit ka nakangiti?" Di ko matiis na di ito tanungin.

"Bakit masama?"

"Oo, baka mapagkamalan kang baliw dyan."

"May naalala lang ako.."

Iniwas ko ang tingin dito, hindi ko kayang tagalan ang mga titig nito.

"May napanaginipan kasi ako."

Napakunot noo naman ako. "Ano 'yun?"

Ngumisi lang ito. Gusto ko pa sana itong tanungin pero dumating na sila Ate Carla at Kuya Mikee. Pinaningkitan ko ito ng mata.

Tinaas baba lang ni Lorenzo ang kilay niya.

Asar! Ano naman kaya ang napanaginipan nito?

- - - - -

Author's Note: Thank you for reading my story.

Bab berikutnya