webnovel

A Celebration and its Consequences

"As a writer, I compared ideas of others into my own ideas and after I will create a story who comes from different ideas who inspire me as an writer and individual"- _iampauleran, 2019

As days passed, after the fieldtrip maganda naman ang nangyari iyun na yata ang pinaka-maganda na nangyari sa akin at higit sa lahat yung attitude na pinakita ni Kevi ay talagang hinangaan ko. Ngayon ay nandito na ako sa school para sa debate na gaganapin ng mga College of Law sila ang participant ng competition at ang mga judge ay sina Kevin ng Engineering, Lucas ng Business Management at Nathan ng College of Law. Sa lahat ng judge si Kevin ang pinaka mahirap na maging judge dahil sa pagka-perfectionist niya actually ng pagkapasok pa lang niya ay iba na ang bulungan sa kanya at mga usapin. Siya ang kauna-unahang nanalo sa debate ng university kaya siya ang mas-expect na magtatanong kaya sinabihan ko na ang panlaban ng College of Law na si Jana dahil kinakaban daw siya ay nagbigay na lang ako ng advise at tips. After an minutes, ay magsisimula na ang debate at pangungunahin ito ng College of Law which is sa amin at si Jana ang panlaban. "Our debate is now officially start to the candidates goodluck and Ms.Jana from College of Law you come forward and Mr. Kevin will ask you a question"- guest speaker. Natahimik na ang lahat at hinintay na magsalita si Kevin tiyak kasi na mahirap ang itatanong niya at kalaban din kasi ng Engineering ang Law. "For you, what is the strenghts of College of Law and its importancein today's society"- he said "For me, our strenght as a Law students we are able to be a voice to spread awareness on what really happens in our society. As a researcher, we have the capabilities to communicate in public that use our speaking and language skills. It is important also to addresse many social issues. Law can make society peaceful."- Jana. Akala ng iba ay may follow up questions pa si Kevin pati na rin ang ibang panelist, natapos ang round 1 ng lahat naman ay nakasagot ng ayos at ang mga nakapasok sa next round ay ang Law, Business Management, Architecture, at Engineering mas ine-expect ko na strict na ang mga panelist para malaman talaga kung sino ang may malakas na charisma at paninindigan. College of Law na ang una at ready na si Jana dahil na-conquer na niya ang fear niya at as usual si Kevin na naman ang magtatanong dahil sa init niya sa College of Law. "Let's start the final round and Ms. Jana from Law Department you are first to say your thoughts and opinions."- guest speaker "Who do you are the strenght of College of Law"- he said. Aaminin ko ang hirap sagutin ng tanong dahil tao na ang tinutukoy inisip ko na lang na kaya paraanan at lusutan ni Jana ang suspense question. "Critically speaking, I remember Louise Santos which is my trainor and I believe that she is a good example and strenght also of our Department. She contribute a lot in cleaning, leadeship, advocacy, library, she is everything. As I observe, she is the next Miriam because of her classiness and speaking skills. She is one of a kind"- Jana. I've never been expected na ako ang isasagot ni Jana I feel that my sacrifice will be recognized by my students in debate. At higit sa lahat kami ang nanalo sa debate at ngayon ay magse-celebrate ang team kila Jana at ngayon ay nandito pa rin kami kasi ako ang in-charged sa paglilinis kasama naman ang ibang colleges. "Ang galing mo I am so very proud of you. You made a history a legacy. Congratulations dear" -I said "Thank you and appreciate you my trainor"-she said. Umalis na siya para daw makapaghanda na siya mamaya sa celebration ng vicrory niya at ng College of Law. Naglilinis na kami ngayon para agad kaming makapunta sa party at sasabay na lang ako kila Denden kasi pupunta rin sila dahil kaibigan nila si Jana at boyfriend niya kapatid ni Jana kaya tiyak nandoon din si Kevin. Habang nagwawalis ay may nakatayo sa harap ko at pagtingin ko ay si Kevin. "Pupunta ka sa party"- he said "Oo inimbita ako kaya pupunta ako."- I answered "Sabay na tayo ng mga kaibigan mo sinabihan ko na sila at sasama ako kasi marami lalaki doon ba ka hindi kita mabantayan"- he said "Sige mag-aayos pa kami kita-kita na lang mamaya at i-message mo na sila yung mga kaibigan mo para updated sila"- I said before I leave

Ang daming inayos kaya ito ako nagli-linis na ako ngayon kasi natapos na namin linisin ang gymnasium. Actually, marami na silang message na kanina pa dapat daw aalis pero hindi ko na sinasagot kasi alam naman nila na duty ko ngayon ang paglilinis kaya dapat willing to wait sila. Nandito pa rin kami at sarili na lang ang iaayos para maka-alis na at nag-message na naman si Kevin at ang sabi ay "Huwag mong hintayin na mainip ako dahil ba ka hindi tayo tumuloy sa party maaga ka uuwi sa amin"- he texted. Hindi ko pa rin pinansin kasi nga mag-aayos pa ako. After an hour, palabas na ako ng makita ko siya na parang hindi maganda ang mood at kina-bigla ko din ang pag-sigaw niya. "ALL OF YOU MAGSILABAS KAYO NGAYON NA KUNG AYAW NIYO MADAMAY SA GULO"-he shouted. Ang lahat ay naglabasan exept sa akin kasi nagulat ako at ngayon ay kinakabahan ako at syempre natatakot parang hindi maganda ang mangyayari ngayon. "Ikaw, hindi ka ba marunong mag-reply at pinaghi-hintay mo ako sa wala, pinauna ko na sila dahil sa kabagalan mo. Alam mo naman siguro na mainipin ako at higit sa lahat ayoko ng naghihintay." he said at talagang kinakaba ko. "Sana sumabay ka na lang sa kanila para at least doon nakaka-inom ka na sana hindi mo na ako hinintay kasi nga alam mo naman na male-late talaga ako kasi in charged ako sa paglilinis"- I said "Parang sinasabi mo na parang ako pa ang may kasalanan kung sabihin ko sa'yo na huwag na tayo tumuloy hindi na tayo pupunta sa party. Sana man lang nag-reply ka. Louise, ayoko magalit."- he said. Kahit saan namang anggulo ng sitwasyon siya talaga yung mali hindi ko naman kasalanan siguro na mag-hantay kasi ginusto niya yun. Back to normal na naman yata sa ugali niya na kung saan mahirap pakiusapan, hindi na makaintindi, at higit sa lahat siya lang yung gusto na susunod. "Kung hindi tutuloy mas mabuti siguro na umuwi na lang ako kaysa mag-away tayo. Mas maganda na pareho tayo maghiwalay or else pumunta ka doon at mag-enjoy"- I said. Mas lalo yatang nagbago ang mood niya dahil sa sinabi ko, hindi ko naman intensyon na paghantayin siya "Anong uuwi kung uuwi ka sa bahay namin doon tayo magkukulong, ayusin mo na sarili mo bago magbago isip ko. Bilisan mo na huwag mo na patagalin pa at baka iuwi kita sa amin"- he said. Agad akong nag-ayos at unfortunately mabilisan ito at nag-glow up lang ng light at napansin yata niya na mas parang nagpapa-ganda ako kaya nagsalita siya na para bang hindi niya gusto yung ginagawa ko. "Tanggalin mo yang lipstick mo masyado makapal, kung hindi mo tatanggalin ako magtatanggal pahalik kaya mamili ka hanggang maaga pa at wala pa akong tama"- he said. Hindi ko na pinansin pero tinanggal ko kasi natakot ako kasi kilala ko na siya lahat ng gusto niya nasusunod kaya mas mabuti na ayusin ko din pag-uugali ko. Umalis na kami at ngayon nag-start na siya ng kotse at ngayon ay nasa byahe na kami. Wala naman kaming naging usapan kasi hindi ko naman siya pinapansin at wala akong balak mag-open forum sa ganitong klase ng kausap, tamang matalino nga pero kapag ako ang kausap wala pabiro sumagot.

Nakarating din kami kila Jana ng safe at lumabas na ako at hinintay siya kasi magpa-park pa at pagka-balik ay inakbayan ako na para bang sinasabi na sa kanya lang ang atensyon kasi napapansin ko na marami ang lalaki at nakita ko nga sila Jana na naka-table na lumapit siya sa akin as usual beso-beso kami at si Kevin naman hawak lang yung bag ko. "Tara kain na muna kayo para kapag-inuman ay pwede na at may resistensiya na at ikaw Louise, iinom ka ngayon kasi wala namang magba-bawal"-Jana said kaya agad akong napatingin kay Kevin na halatang irritated kaya sinabi ko na lang kay Jana na bawal ako sabi ko patagay-tagay lang kasi hindi rin naman ako talaga umiinom kasi mababa lang yung alcohol tolerance ko kaya dapat safe akong uuwi walang bawas, walang sobra. Kumain na kami at ang pinili ko ay Chicken Teriyaki at Friedrice at ang kay Kevin naman ay Pork Chop and Rice agad kaming kumain kasi tinatawag na nila kami para uminom. Lumabas ba rin si Jana dahil nandoon daw mga kaklase niya na halos kadarating lang rin naman kaya inasikaso niya ang mga ito dahil sila ang mga kaharap namin sa inuman. "Makita ko lang na tumatagay ka, hihilahin kita palabas at uuwi na tayo. At mahuli na nakikipag-usap sa kahit na sinong lalaki dyan ay makakatikim kayo sa akin kaya umayos ka"-he said while eating "Pwede naman siguro tagay lang ganoon pero hindi buong inuman at malay mo sila kumausap sa akin syempre sasagutin kasi ayoko pumangit yung status ko sa kanila"- I said. Hindi niya yata nagustuhan yung sinabi ko kaya hindi ko na lang siya pinansin. "Pasensyahan na lang tayo"-he said. Natapos kami kumain at sabay na din kaming lumabas at umupo. Kakaupo lang niya tagay agad ayun na tinagay niya para iwas KJ pero bakit ako ayaw niya painumin. "Tagay muna Louise, minsan lang ito kaya makipag-sabayan ka na"- Jayvee na kaibigan ni Kevin na boyfriend ni Denden. "Hindi siya tatagay kaya sa iba mo na ipasa"- Kevin. Pinasa na lang ni Jayvee yung tagay at ako naman ay walang ginagawa kung di ang makipag-titigan sa mga kasamahan ko. Stress naman pala dapat pala hindi na ako sumama mabo-boring lang naman pala ako. Dahil sa wala ako magawa kaya nag-cellphone ako kaya naisipan ko na tawagan si Kenjie para i-update about research namin siya kasi ang na-assign na leader. Habang nakikipag kwentuhan si Kenjie ay sinamantala ko na umalis muna kasi tatawagan ko si Kenjie kaya umalis ako kasi napaka-crowded ng lugar at isa pa yung sounds ng naka-alis ako ay agad kong tinawagan si Kenjie para makuha yung soft copy ng final research namin. Di-nial ko na ang number niya at buti na lang at sumagot agad. "Kenjie can I ask for the soft copy of our Research"- I asked "Sure tomorrow I will send it to our GC and please update our members to take time to study for it because defense is on Tuesday"- Kenjie "Sige thankyou for the update"-I said "BAKIT BA HINDI KA MARUNONG MAG-PAALAM SINO BA YANG KATAWAGAN MO AMINA NA NGA ANG CELLPHONE NA YAN AT BABASAGIN KO"- He said shoutly "Kaya umalis ako kasi tinawagan ko research leader ko para malaman ko kung may update na at kinuha ko rin soft copy at isa pa nabo-boring ako at bawal din naman ako tumagay kaya umalis rin ako kasi overcrowded yung area"- I said "AHH KASALANAN KO SIGE MAG-AYOS KA NA UUWI NA TAYO, DOON NA LANG TAYO NABO-BORING KA LANG DIN DITO MAS MABUTI NA SA BAHAY NATIN ITULOY YUNG PAGTATALO"-He said "MAG-AYOS KA NA BA KA AKO KUMALADKAD SAYO PASAKAY SA SASAKYAN"-He added

Umalis na siya at pumunta na sa mga kainuman pala mag-paalam at ng bumalik ako ay nagpaalam na din ako at nahalata naman siguro nila na may problema na naman kaya walang pumigil na umuwi kami kasi kilala nila si Kevin. Kinuha ko na ang bag at mga folders ko at hinatid naman ako nila Jana at mg buong tropa kaya hindi ako masayado kinabahan. "Guys, sa susunod na lang ulit. Salamat sa napaka-engrandeng celebration sige na mauna na kami"-I said "Kevin, hinay-hinay lang sa pagda-drive at delikado na sa kalsada ngayon"- Jana "Ibabangga ko na lang paulit-ulit na lang"-He said kaya mas kinabahan ako alam kong hindi mangyayari mamaya isa na lang makakasalba sa akin si Clyde. "Una na kami sis bukas ha sabay ako sa inyo umuwi doon na ako ulit matutulog at malapit na rin naman exam namin"- I said "Ano aalis ba o gusto ko mo maiwan sabihin mo lang aalis na ako"-He said. Sumakay na ako sa sasakyan sa unahan at siya din naman nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya. "Doon natin tapusin sa bahay para hindi ka ma-boring"- he said pero hindi ko na siya pinansin para hindi magkaroon ng problema kahit sa totoo meroon na. Nakaalis na kami at ngayon ay nasa byahe na kami at totally nakaka-boring pa rin kaya balak ko umidlip pero nagsalita naman si Kevin. "Akala mo makakalimutan ko yung nangyari kahit ano gawin mamaya ka sa akin"-he said "Wala naman akong ginawa, sinabi ko lang na nabo-boring ako kaya ako umalis at may importante akong tinawagan"- I said

After an hours, nandito na kami sa bahay ay pagkapasok namin nasa sala sila halos lahat at si Clyde busy sa computer nila, pero nakita ako nito kaya nilapitan ako at niyakap as usual niyang ginagawa. Nakita ko naman si Kevin na nagpunta sa kusina at pagkabalik may dalang 1 case ng alak. "Tara na sa taas"- he said strictly "Sama po ako Kuya tabi kami ni Ate"-Clyde with charming face. Pero mukhang hindi naman gagana kay Kevin. "No Clyde huwag ka na muna sumabay sa init ng ulo ko kung ayaw mong pati ikaw mapag-buhatan ko ng kamay. At ikaw hindi ka pa susunod, gusto mo hilahin pa kita pa-akyat"-Kevin asked. Pumanik na kami at pagkapasok sa namin agad akong pumunta sa kama para matulog na. Pero si Kevin umiinom pa mag-isa kaya kinabahan ako ba ka mamaya maglurit.

"Kevin, tara na tulog na tayo. Huwag na tayo magtalo"-I said "Ikaw pa talaga nagsabi na huwag magtalo pero ikaw gumagawa ng ikagagalit ko sa susunod na maulit pa yung mga ganoong eksena ba ka kung ano magawa ko sa iyo"- He said

After an hour, natulog na kami niyakap niya ako at na-ayos na naman namin ang mga problema. Nalasing talaga siya dahil sa dami ng na-inom.

Bab berikutnya