webnovel

11

Busy pa ang utak niya sa pagintindi sa pagwawala naman ng dibdib niya nang makarinig sila ng ingay sa di kalayuan. Sabay silang napalingon nito sa batang patakbong lumapit sa kanila. Pawisan ang batang babaeng nahuhulaan niyang walong taon lamang habang bakas naman sa mukha nito ang pag-aalala.

"Tulong po! Tulong!" ang sigaw pa rin nito kahit pa ilang hakbang na lamang ang layo mula sa kanila. Halatang natataranta pa ito sa kung anong bagay.

Maging siya tuloy ay nababahala na rin. Ngunit bago pa man siya makapagtanong ay basta na lamang bumaba si Darwin mula sa kabayo. Dumiretso ang kamay nito sa balikat ng bata.

"Anong problema?" ang mahinahong tanong nito sa bata.

"Si Gabriel po kasi..." ang hinihingal na simula ng bata. "Iyon pong kalaro ko, hindi po makababa sa puno ng mangga!"

"Saan?" tanong ni Darwin.

"Doon po! Doon!" sagot naman ng bata habang nakaturo sa direksiyong pinanggalingan nito.

Nagulat pa siya nang basta na lamang hinawakan ni Darwin ang beywang niya at walang babalang ibaba siya mula sa kabayo.

"You wait for me. I'll just help this kid." Ang seryosong sabi nito bago siya tinalikuran at nagpahila na sa bata.

Napanganga naman siya ng ilang sandali. Ni hindi niya nagawang mag-react sa iniakto nito. Siya ang dapat na higit na matulungin sa kanilang dalawa dahil ang pagkakakilala niya sa lalaki ay numero unong bully ngunit naunahan pa siya nitong tumugon sa batang nanghihingi ng tulong.

Napailing-iling siya maya maya. Bakit pa iyon pa ang iniisip niya samantalang may problemang nasa harap niya ngayon? Patakbong sinundan niya ang mga ito at nang sa wakas ay makarating siya sa tinungo ng Darwin at ng batang babae ay ang bata na lamang ang natagpuan niya. Taranta itong nakatingin sa puno. Sinundan naman niya ang tinitingnan nito at doon niya nakita ang batang lalaking akap pa sa dibdib ang isang bagay. It was a kite. Malamang ay iyon ang sinadya nito sa puno.

Hinanap ng paningin niya si Darwin at natagpuan naman niya itong umaakyat na ng puno. Napasinghap pa siya nang dumulas ang paa nito sa isang sanga. Bakit pakiramdam niya ay gusto na rin niyang mataranta gaya ng batang babae?

Lumapit siya sa batang babae at inakbayan ito. Nang tumingin naman ito sa kanya ay nakita niya ang pamamasa ng gilid ng mga mata nito. She was really worried.

"Everything will be alright, trust me." Ang nakangiting sabi niya rito. "Ang mamang iyon, may lahing unggoy 'yon. Maibababa niya nang maayos ang kaibigan mo."

"Talaga po?" inosenteng tanong ng bata.

Okay, she was not really sure if Darwin could even climb a tree but what can she do? Kailangang konsolahin niya ang bata dahil alam niyang nag-aalala ito.

"Just relax, okay?" ang sabi niya rito saka hinaplos ang buhok nito.

Muli naman niyang binalingan ang mga nasa puno. Malapit na si Darwin sa kinaroroonan ng batang lalaki. At napakataas na niyon. Napalunok siya. Di yata at nakaka-relate na siya sa nararamdaman sa batang akbay niya ng mga oras na iyon.

Nang makalapit si Darwin ng tuluyan sa batang lalaki ay saglit nitong kinausap at ilang minuto pa ay bitbit na nito iyon habang pababa ng puno. Sabay pa silang nakahinga ng maluwag ng batang babaeng nasa tabi niya nang sa wakas ay makababa ang dalawa.

Kumawala mula sa pagkakaakbay niya ang batang babae saka patakbong nilapitan ang kaibigan nito.

"Ayos ka lang ba Gabby?" tanong ng batang babae. Tumango-tango naman ang kaibigan nito. Nakita niya nang hampasin ng batang babae ang kalaro nito sa braso. "Pasaway ka kasi eh! Bakit ka kasi umakyat! Sinabing hayaan mo na eh!" ang galit na sabi ng bata kasunog niyon ay ang pagsigok ng batang babae tanda ng pag-iyak nito. And then she eventually sobbed. She was a kid afterall. A scared little girl, actually.

"Sorry na, Aleka. Gusto ko lang naman makuha ang saranggola mo." Sagot naman ng batang lalaki. Bagaman hindi naman ito umiiyak ay bakas pa rin sa mukha nito ang bahagyang takot dahil sa nangyari.

Ngayong nakahinga na ng maluwag si Myla ay napangiti na siya. They looked cute together. Halatang nag-aalala ang mga bata sa isa't isa.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" sabi ni Darwin na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya. "Hindi mo ba ako tatanungin kung okay lang ako?"

"Hindi na. Mukha namang okay ka eh." Sagot niya rito. "May sa lahing unggoy ka kaya." Pang-aasar niya rito bagaman nakangiti naman. Hindi iyon gaya nang nakasanayan niya na sa tuwing lalaitin niya ito ay inis ang nararamdaman niya. Iyon ang unang pagkakataon na inaasar niya ito ngunit magaan ang pakiramdam niya. He was a hero. And she was feeling proud of him.

"I'll take that as a compliment because you're smiling." Ang sabi naman nito. "Let's go, bansot." Sabi nito saka siya inakbayan.

"O ano yan?" Taas ang kilay na tanong niya habang nakaturo sa braso nitong nakasampay sa balikat niya.

"Be kind to someone who almost got himself killed just to be a hero, come on." Sagot nito.

"Umakyat ka lang naman ng puno. Hindi nakamamatay 'yon." Balik niya rito.

"Kaya ba kinabahan ka rin nang umakyat ako sa puno?" nakangising tanong naman nito.

"H-hindi ah! Ang kalmado ko kaya noong umaakyat ka! Masyado kang assuming." Tanggi niya bagaman naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. It almost felt like she was caught doing a crime.

"Yeah right." He lazily said. "Let's just go. Madami pa tayong gagawin, remember." Nakangisi pa ring sabi nito na hindi pa rin binitawan ang balikat niya sa halip ay hinila na siyang pabalik sa iniwang kabayo. Hindi pa man sila tuluyang nakakalayo ay narinig na nila ang boses ni Gabby mula sa likod.

"Salamat Kuya!" sigaw ni Gabby. Nang lingunin naman nila ang mga ito ay nakita nilang kumakaway ang mga ito. Even the girl was smiling sweetly at them.

Kumaway naman mula sa tabi niya si Darwin. And he was also smiling warmly towards the kids.

"Sa totoo lang, iyon ang unang beses na umakyat ako ng ganoon kataas na puno. It was scary honestly. But seeing those kids safe, I think it's all worth it." Ang narinig niyang bulong nito mula sa tabi niya.

Nilingon niya ito. Nakangiting sinusundan pa din nito ng tingin ang mga bata. Sa pagmamasid pa lamang niya rito ay parang nahawa na siya ng pagngiti nito. Kahit pa hindi naman siya talaga ang niligtas nito ay pakiramdam niya ay tumaba rin ang puso niya.

Bago sa paningin niya ang bahaging iyon ngpagkatao nito. Bigla parang nakalimutan niya ang dahilan kung bakit inis siyarito. Because at the moment, he was a handsome man with an affectionate andkind heart in her eyes. And she must be crazy!    

Bab berikutnya