webnovel

The Dreaded Confrontation

"Finals na next week!"

Napatingin si Angel sa kaklaseng nasa harapan niya. Back to normal na nga ang mga klase sa buong CPRU, at back to chaos na ulit sa BS dahil next week ay ang madugong final exams week na. Kaya naman ang lahat ay ayaw pang bumitaw sa masayang Olympics vibe na hatid ng intramural last week.

"Sana whole year round na lang ang intramural," ang sabi pa ng isa.

"O kaya ang sem break," ang sabi naman ng isa.

"Nag-aral pa tayo kung ganoon din naman," kontra naman ng isa. "Eh di sana, hindi na tayo nag-enrol para hindi na rin nagrereklamo yung daddy ko sa mahal ng tuition fee."

"Sana magpa-group study ulit iyong isa diyan," ang sabi ng isa nilang kaklase.

Napatingin ang lahat kay Bryan. Saka naalala ni Angel na nagpapa-group study nga pala ito sa bahay nito kapag ganoong malapit na ang mga term exams nila.

"Sige ba," ang sabi naman nito.

Angel smiled. Nagpapa-group study kahit hindi naman nagsa-study ng lessons? Bryan and his mysteries amazes her again.

"At least ngayon kasama na si Angel," anang isa nilang kaklase. "Feeling ko mas magaling siyang teacher kaysa kay Bryan."

"Ito, magaling na teacher?" Itinuro siya ni Bryan. "Ang sungit kaya nito."

"Masungit, ha? Talaga lang, ha?" aniyang nakisakay na sa biro nito.

"O, kita mo nga't sinusungitan mo na ako," ang sabi pa nito.

"Hah!" Napatingin siya sa may pintuan. Natigilan siya nang makita si Richard. Seryoso itong nakatingin sa kanya.

Napatingin siya kay Bryan. Nakikipagbiruan pa rin ito sa mga kaklase nila. Siniko niya ito.

"Bry." Nang humarap ito ay inginuso niya si Richard.

Napatingin si Bryan sa may pintuan. "Richard?"

Direktang nakatingin si Richard kay Angel, at parang nagsusumamo ang tingin nito. Angel was bothered.

"He wants to talk to us." She stood up and walked towards Richard.

Sinundan naman siya ni Bryan. Lumabas sila ng classroom at hinarap si Richard.

"Richard! What brought you here?" tanong niya.

"Wala kang pasok?" tanong naman ni Bryan dito.

"I want to talk to Angel," Richard said to Bryan.

Nagtaka naman ang huli sa narinig.

"Please?" Nagsusumamo ang tingin at tinig ni Richard.

Na ipinagtaka ni Angel. "Okay. What about?" Though she has a hint kung ano ang gusto nitong pag-usapan.

"Alex."

At hindi nga siya nagkamali. Pero siyempre, hindi naman siya magsasalita kaagad. She has to know the situation first.

"Angel kasi, hindi ko siya maintindihan," ani Richard. "Parang iniiwasan niya ako. Tapos noong cinonfront ko siya, sabi niya I don't understand daw. Ayaw naman niyang sabihin kung ano ang hindi ko maintindihan."

"Baka naman meron kayong hindi napagkasunduan?" tanong naman ni Bryan na hindi nakatiis na hindi sumali sa usapan.

"Wala! Hindi nga kami nag-uusap nitong mga nakaraang araw," sagot ni Richard sa pinsan nito. "Hindi nga kami nag-uusap nitong mga nakaraang linggo kasi sobrang busy sa mga projects. Tapos noong intrams iyong mga kaibigan naman niya ang kasama niya. Siyempre hindi ko naman siya pipigilan. Kaibigan niya ang mga iyon and I understand that they just want to have some time together."

"Wala ba siyang nasabi?" tanong ni Angel dito.

"Wala... That's why I don't know what to do now. Angel, ikaw lang iyong naisip kong makakatulong sa akin."

Naaawa si Angel sa nakikitang pagkalito kay Richard. Well, ayaw sana niyang makialam sa problema ng mga ito, pero ayaw din naman niyang mahirapan ang mga ito.

"Alex is jealous of Kim. Kim Agustin."

"What?" Parang hindi makapaniwala si Richard sa narinig. "But Kim is just a friend."

"Alex feels na parang higit pa sa pagiging kaibigan ang turing mo sa kanya."

"What?" Napailing si Richard because of disbelief. "Bakit si Bryan?"

"I'm not like that anymore," ang sabi naman ni Bryan.

Nagtitigan ang magpinsan. Para namang nakaintindi si Richard. Ito ang unang sumuko at bumitaw.

"But Kim is just a friend," ulit ni Richard.

"That's all that I could tell you," ani Angel. "Iyong ibang detalye, kay Alex mo na lang tanungin. Sa kanya mo tanungin kung bakit siya nagseselos. Ayokong maging biased. Mas mabuting sa kanya mo marinig ang lahat."

Tumango si Richard. "I understand. Thanks anyway."

Malungkot na umalis si Richard. Nalulungkot din si Angel na makitang ganoon ito, at lalo siyang nalulungkot nang maisip ang kapatid niya. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya.

Naramdaman na lamang niya ang paghawak ni Bryan sa balikat niya at marahang pagpisil doon. She looked at him and he smiled. Somehow, that made her feel better, knowing he's just beside her and that she could count on him no matter what.

Pumasok na sila sa loob ng classroom. Problematic they may be, pero kailangan pa rin nilang pumasok ng klase at tugunin ang responsibilidad nila bilang estudyante.

➡️⬇️⬅️⬆️

Hindi na mahihintay pa ni Richard ang last subject nila para muling makita si Alex. Kailangan na niyang makausap ito. Kaya naman pinuntahan niya ito at hinintay ang pagtatapos ng klase nito. Hindi na siya pumasok pa sa sarili niyang klase. Tuluyan na siyang lumiban at hindi rin naman siya makakapag-concentrate dahil nakay-Alex nga ang atensiyon niya.

Nang magsimulang maglabasan ang mga estudyante sa classroom nina Alex ay talagang pumuwesto pa si Richard sa tapat ng pintuan. Ilang sandali rin lang naman ay lumabas na si Alex. Mag-isa lamang ito. Halata ring malungkot ito at parang matamlay base sa ekspresyo ng mukha nito.

"Alex!" Humarang siya sa daraanan ng dalaga.

Gulat na napatingin sa kanya si Alex.

"Let's talk." Saka niya ito hinila papunta sa may student lounge.

"Teka, Richard!"

Pilit nagpumiglas si Alex, pero hindi niya ito hinayaang makawala.

"Richard, may pasok pa ako!"

"Ako rin may pasok pero kailangan nating mag-usap."

Umiwas ng tingin si Alex. Tiyempo namang walang gaanong estudyante sa kinaroroonan nila nang mga oras na iyon. May pasok pa nga kasi kaya nasa classroom halos lahat ng mga estudyante.

"Alex, ano bang nangyayari sa atin? May nagawa ba akong mali?"

Ayaw pa rin niyang paniwalaan na si Kim ang dahilan ng pag-iwas sa kanya ni Alex. Ayaw pa rin niyang isipin na may mali sa pakikitungo niya dito.

"You said that I don't understand. But what should I understand? Tell me, para naman subukan kong intindihin para hindi na tayo nagkakaganito. Dahil ba hindi ako perfect? Dahil ba na-realize mo na ang boyfriend na gusto mo, katulad ni Bryan?"

Hindi pa rin naaalis sa isipan niya iyong narinig niya noon sa may gymnasium noong intramural week. He heard how much Alex adores Bryan, or at least, the kind of boyfriend that Bryan is. Aminado naman siya na pagdating sa pakikipagrelasyon, Bryan is better than him dahil na rin siguro sa mas matanda ito sa kanya at mas mature.

"I can never be like him, Alex. I can never be that perfect boyfriend that you want."

"It's not about you being a perfect boyfriend like Bryan. It's not about me wanting you to be like him."

"Kung ganoon, ano pala? Ano'ng problema? Ano'ng nagawa ko?"

Alex looked at him, at ayaw man ni Richard, mukhang kailangan na niyang sabihin ang pangalawang dahilan na maaaring nagdulot ng kalagayan nilang dalawa ngayon.

"Was it because of Kim?"

Napaiwas ng tingin si Alex.

"So it's true? Nagseselos ka sa kanya?"

"Why would I be jealous of her?"

"Hindi ko alam. Pero iyon ang sinabi ng ate mo."

Muling napatingin si Alex sa kanya. "Sinabi ni Ate?"

"Tinanong ko sa kanya kung ano ang dahilan ng pagkakaganyan mo kasi parang mababaliw na ako sa kakaisip!" Hindi na niya mapigilang lumabas ang frustration niya. "At hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Alex, bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Kahit sina Sam, ang alam nila kayong dalawa ni Kim ang nagliligawan. Ang alam nga nila, siya na ang girlfriend mo."

"But that's not true! You know the truth! Ikaw ang nililigawan ko! Ikaw ang gusto kong maging girlfriend."

"Pero hindi iyon ang nakikita ng ibang tao."

"Wala akong pakialam sa nakikita ng ibang tao!"

"Iyon din ang nakikita ko!"

Natigilan na lamang si Richard sa biglaang pagsigaw ni Alex.

⭕️🆘❌

❥ 𝚃𝚑𝚎 𝚐𝚛𝚎𝚊𝚝𝚎𝚜𝚝 𝚍𝚒𝚜𝚝𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚋𝚎𝚝𝚠𝚎𝚎𝚗 𝚝𝚠𝚘 𝚙𝚎𝚘𝚙𝚕𝚎 𝚒𝚜 𝚖𝚒𝚜𝚞𝚗𝚍𝚎𝚛𝚜𝚝𝚊𝚗𝚍𝚒𝚗𝚐. ❣︎

Bab berikutnya