webnovel

Picture Perfect

Sa may student lounge sila nagpuntang dalawa. Para itong isang outdoor restaurant, though wala nga lang restaurant na kasama. Mga covered seats and tables lang na tinatambayan ng mga estudyanteng gustong magkwentuhan, o mag-aral na rin.

Inalalayan ni Bryan si Angel sa isang upuan.

"Just sit here. Dito lang ako sa malapit kukuha ng pictures para makita mo ako kahit nakaupo ka lang diyan."

Naupo nga si Angel at si Bryan naman ay nagsimula nang kumuha ng mga litrato. Angel watched him intently. He seems to know everything that he's doing. Mukha nga itong isang professional photographer.

Napatingin si Bryan sa kanya and he smiled. Bigla siyang nailang sa ginawa nito. Napaiwas tuloy siya ng tingin. Bigla siyang nahiya na nahuli siya nitong nakatingin sa kanya. Pero iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya nandoon, di ba? Ang panoorin itong kumuha ng litrato dahil baka mandaya ito at magpakuha sa kahit na sinong magaling maglitrato.

Pero hindi na niya magawang panoorin ito. Baka isipin nito na may gusto siya sa kanya. Nakakahiya... Wait, bakit siya mahihiya? Ang suwerte kaya ng lalaking magugustuhan niya! Siya lang naman si Angelica Simone Pascual Martinez, ang anak ng dalawa sa mga may-ari ng MPCF and Associates. She was a consistent honor student and the valedictorian of their batch in elementary and high school. She's a dean's lister, executive vice president ng JPIA at editor-in-chief ng The Echo. Kung sino pa naman ang hindi mai-impress sa kanyang credentials, eh baka hindi dito sa Earth nakatira kundi sa Mars o sa kung anumang planeta sa kalawakan.

Napangiti siya sa naisip. Sometimes, it's nice to brag about yourself to yourself. Lalo siyang napangiti. Sa sarili lang naman kasi niya kayang ipagmalaki ang sarili niya, because considering all those mentioned credentials, isa pa rin siyang napaka-humble na bata. Hindi niya ipinapamukha sa ibang tao kung ano siya. Hindi nga niya ugaling makiusap sa kung sino-sino lang.

Napatigil ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman niya ang flash ng camera. Napatingin siya sa harapan at nakita niya si Bryan na nakatayo doon. Nakatingin ito sa hawak nitong camera.

"You took a picture of me?"

"Sinubukan ko lang yung auto-flash," ani Bryan. "Maliwanag kasi doon kaya hindi gumana yung auto-flash kanina. Dito sa'yo medyo madilim dahil sa shade-"

"Delete that photo!" utos niya dito sabay tayo.

"As you wish."

Muli na siyang inalalayan ni Bryan pabalik sa opisina.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Isang hindi inaasahang bisita ang nabalikan nina Angel at Bryan sa office ng The Echo.

"Sweetheart, where have you been-"

Natigilan si Alice pagkakita kay Bryan na nakahawak pa sa braso ni Angel. Napalayo tuloy si Angel mula kay Bryan.

"Ah, binantayan ko lang po si Bryan," atubiling sagot ni Angel. "Nag-a-apply po kasi siyang kapalit ni Paolo sa The Echo. Binantayan ko po siyang kumuha ng pictures."

Kay Bryan naman napatingin si Alice. Mukhang kinabahan din ang binata sa nakataas na kilay nito.

"Inalalayan ko lang po siya. Natapilok po yata siya," paliwanag naman ni Bryan.

"Yah, that's true," ang sabi naman ni Angel.

"Let me see the pictures." Inilahad ni Alice ang kamay. Iniabot naman ni Bryan ang camera dito. Tinignan nito ang mga litrato. "Not good. Sorry Kid, but you can't be part of The Echo." Iniabot nito ang camera kay Angel. "Get someone else."

Tahimik na kinuha ni Angel ang camera. Gusto niyang tignan si Bryan pero pinigilan niya ang sarili.

"Kung masakit ang paa mo, umuwi ka na lang agad. Sabihin mo lang. Tatawagan ko yung driver sa bahay at ipapasundo kita."

"Yes Mom."

Si Bryan naman ang napagdiskitahan ni Alice. "What are you still doing here?"

"Ah... Sige po. Mauna na po ako. Angel."

Tumango lamang si Angel, though hindi pa rin ito makatingin kay Bryan. Saka na umalis ang lalaki.

"I'm sorry, Mom."

"You should've said no from the beginning."

"I know... I think I'm just... desperate? Apat na lang kaming member ng The Echo and there are a lot of things we have to do. I don't know if we can handle it."

Nilapitan ni Alice ang anak. Saka siya ito hinawakan sa magkabilang balikat to console her. "You can do it, Honey. You're a great girl. You're a very good editor-in-chief. Ikaw pa lang ang second year student na naging EIC nitong The Echo at na-handle ito ng mabuti. Tinalo mo iyong mga seniors mo, and that's because you're great."

"Thanks Mom." Niyakap ni Angel ang ina. She's just so glad na hindi ito tuluyang nagalit.

"Now, what happened to your foot?" Napatingin si Alice sa paa niya.

"Natapilok yata ako kaninang hinahabol ko si Paolo. But I'm fine, Mom. Bahagya lang namang kumikirot. Isa pa, dalawa na lang naman yung subjects ko."

"O sige, ikaw ang bahala. But if you need help, just call me. Okay?"

Tumango si Angel. "Yes Mom."

"Sige, I'll go now. Dinalaw ko lang si Elvie, and I just wanted to check if you're okay. Lalo na si Alex. Take care of yourself, okay?"

"Yes Mom."

Pagkatapos muling magyakap ang mag-ina ay lumabas na si Alice. Naiwang mag-isa si Angel sa opisina. Napatingin siya sa DSLR camera na inilapag niya kanina sa isang mesa. Napabuntong-hininga siya.

Her mom's the sweetest, pero pagdating sa issue ng mga Quinto at de Vera, nagiging matapang itong bigla. She doesn't know why, and she doesn't dare ask. Kaya naman kinuha na lamang niya ang camera sa may mesa at saka pumunta sa kanyang sariling desk. Pag-upo niya ay siya namang pagdating ni Bryan.

"Hi!" bati nito sa kanya na parang walang nangyari kanina. Lumapit ito sa mesa niya. "I brought you this." Itinaas nito ang dalang ice pack. "Cold pad para sa paa mo."

Bigla na lang lumapit sa kanya si Bryan. Kumuha ito ng upuan at saka umupo doon. Saka nito kinuha ang paa niya.

"Wait!"

Hindi na nakatanggi pa si Angel nang hubarin ni Brya ang kanyang sandalyas. Saka nito hinilot ang paa niya.

"You know, you don't have to do this."

"Hindi naman na-sprain ang ankle mo. Nabanat lang siguro ang muscle. Gagaling din ito kaagad."

"Why, are you a doctor?"

"Nope. But my mom is a doctor," ani Bryan. Nginitian siya nito. Saka nito inilagay ang cold pad sa paa niya.

"Saan mo ba nakuha iyan?"

"Sa clinic," sagot ni Bryan. "Mabuti na lang malapit lang iyon dito sa office n'yo. At mabuti na lang, kilala ko yung doctor na nandoon. Kaya kaagad akong nakakuha nito."

"Thank you."

"Wala ka bang ibang sapatos?"

"Wala eh."

"Di bale, dalawa na lang naman ang subjects natin. Makakauwi ka naman kaagad. Konting tiis lang." Muli itong ngumiti sa kanya.

"I'm sorry Bryan. Sorry doon sa nangyari kanina."

"It's okay. I totally understand. I also forgot that our families have... something."

"If it's any consolation, I think your drawing was fantastic."

Ngumiti si Bryan. "Thanks. Anyway, I also would like to have a copy of the pictures I've taken. I hope you don't mind. Mahilig kasi akong kumuha ng mga litrato. Tapos pino-post ko sa Flickr account ko."

"Sure. There's the camera."

Kinuha ni Bryan ang camera at saka pumuwesto sa isang mesang naroon. Inilabas nito mula sa dalang backpack ang sariling Macbook Pro at saka binuksan iyon. Inalis nito ang SD card ng camera at inilagay iyon sa may laptop.

"Iyon nga palang kinuha kong picture mo?" tanong ni Bryan sa kanya.

"Just delete it."

"Okay."

Ilang sandali ring nangopya si Bryan bago muling ibinalik ang SD card sa camera. Saka nito iniabot ang camera sa kanya. "Here. Thanks."

"Salamat din."

"I should be going. Baka biglang bumalik ang mommy mo."

"Hindi na siguro babalik iyon. Dinalaw lang niya si Dean." Nahihiyang ngumiti na lamang si Angel.

"See you around. Iyang paa mo gagaling din agad iyan."

"Thanks."

And then, she's alone again. Kinuha niya ang DSLR camera na nakapatong sa mesa niya. Tinignan niya ang mga litratong nandoon. Blangko ang SD card kaninang gamitin ito ni Bryan kaya lahat ng litratong nandoon ay kuha nito. At namangha si Angel sa mga iyon. Talagang alam nga ni Bryan ang ginagawa. Napakaganda ng lahat ng kuhang nandoon.

Napatingin si Angel sa paa niya. "Why do you have to be so good in everything, Bryan? And why do you have to be a de Vera?"

Bab berikutnya