webnovel

Emergency

"Alice, sumusobra ka na sa anak mo!"

Noong isang araw pa kinausap ni Benjie ang asawa tungkol sa pagdidisiplina nito kay Alex. Noong isang araw pa kasi hindi kumakain si Alex, idagdag pa na noong mga nakaraang araw ay hindi rin ito gaanong nakakakain.

Biyernes noon ng umaga. Papasok na sa opisina ang mag-asawa pero hindi sila makaalis-alis dahil nga sa diskusyong nangyayari. Isang linggo na nilang pinoproblema ang bagay na iyon.

"Kung gusto niyang kumain, lumabas siya ng kwarto niya!"

"Alice naman... Pwede bang pag-usapan natin ito ng maayos? Hindi iyong ganitong sobra mong pinahihirapan iyong bata."

"Pinakiusapan ko siya noon na iwasan ang mga Quinto. Napakaayos ng pakiusap ko sa kanya pero hindi niya ako sinunod. Mukhang ayaw ng mga anak mo ang maayos na pakiusapan."

"But this is too much already!"

Patuloy sa pag-aaway ang mag-asawa. This is actually the first time that Angel is witnessing something like this. Hindi pa niya nakitang mag-away ng ganito ang parents niya. Lalo tuloy siyang nalulungkot sa mga nangyayari.

She decided to go to Alex. Pagdating niya sa kwarto ay nadatnan niya itong nakahiga, as usual. Para itong sleeping beauty sa ayos nito, although unlike Sleeping Beauty, medyo malaki ang eye bags nito at parang pumayat ng konti ang mukha nito dahil sa isang linggong hindi nito pagkain ng maayos. Tingin din niya ay parang naging dry ang dating nito.

She really needs to eat. Naisip niyang kaladkarin ito lalo na't medyo mahina na ito at hindi na ito gaanong makakapalag.

"Alex..." Niyugyog niya ang kamay nito. "Alex, wake up. You need to eat. Come on. Alex!" Muli niya itong niyugyog, pero wala pa rin. "Alex!"

Nagsimula nang mag-aalala si Angel. Pilit pa rin niyang ginising si Alex, pero wala pa ring response mula dito. She touched her pulse on her wrist. Mahina ito. At tuluyan na siyang nag-panick.

"Dad!" She dashed out of Alex's room. "Dad!"

Nadatnan niya ang mag-asawang Benjie at Alice sa sala. Nagdidiskusyon pa rin ang dalawa.

"Dad! Dad, si Alex!"

Saglit na natulala si Benjie, at nang parang na-process na nito ang nangyayari ay patakbo itong umakyat ng hagdan. Sumunod na rin sa kanya ang asawang si Alice, and together with Angel ay pumunta sila sa silid ni Alex.

Si Benjie ang unang dumalo kay Alex.

"Alex! Sweetheart!" Sinubukan din niya itong gisingin, pero hindi ito sumagot. Pinulsuhan niya ito at nang maramdamang mahina ito ay kaagad niya itong binuhat.

"Angel, get my car keys."

Patakbong kinuha ni Angel ang susi ng ama sa kwarto ng mga ito. Sina Benjie at Alice naman ay kaagad dumiretso sa may garahe. Pagdating ni Angel ay kaagad pinaandar ni Benjie ang sasakyan. Sina Alice at Angel ay nakaalalay kay Alex sa may backseat.

"Angel, tawagan mo si Bryan," utos ni Benjie sa anak.

"Teka sandali!" pigil ni Alice sa anak. "Why would he call him?"

"Tell him we'll bring Alex to TGH. Tawagan na rin niya kamo si Richard," ang sabi pa ni Benjie.

"We're not bringing Alex to TGH! And that Richard-"

"TGH is the nearest hospital from Moonville kaya doon natin dadalhin ang anak ko." Halatang nagpapakahinahon lamang is Benjie, pero halata sa pagmamaneho nito na kinakabahan na rin ito. Taliwas kasi sa swabeng pagmamaneho ang mabilisang pagda-drive ngayon ni Benjie.

Tumalima naman si Angel. Tinawagan niya si Bryan at kaagad naman niya itong nakausap.

"Dadalhin namin si Alex sa TGH. Wala kasi siyang malay tapos ang hina pa ng pulse niya." Parang maiiyak na si Angel habang natatarantang nagkukwento kay Bryan."

"What happened? Hindi naman siya naglason or something?"

Pilit inalala ni Angel ang nakita kanina sa kwarto ni Alex. "No, hindi naman. Hindi lang kasi talaga siya nakakakain ng mabuti nitong nakaraang araw. Hindi nga siya talaga kumakain, eh."

"Sige, I'll call Mom and Dad," ang sabi naman ni Bryan.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin sila sa TGH. Kaagad na ibinaba ni Benjie ang anak sa kotse.

"Benjie, the next hospital is just a few blocks away. Doon na lang natin dalhin si Alex-"

"Mamamatay na ang kapatid ko pero ang pride n'yo pa rin ang inisip ninyo, Mom!"

Hindi na napigilan ni Angel ang sarili. Hindi niya ginustong sigawan ang ina pero dahil siguro sa stress at sa panic ay nagawa niya iyon sa nabibiglang si Alice. Sinundan na lamang niya ang amang dala-dala ang walang malay niyang kapatid.

Tiyempong nasa ER noon si Helen at dahil sa tawag ni Bryan ay inaasahan na nito ang pagdating nina Angel. Kaagad nitong sinalubong si Benjie.

"Here, bring her here." Itinuro niya ang isang hospital bed sa Resuscitation Area ng ER. Inilagay naman doon ni Benjie si Alex. Kaagad din itong dinaluhan ng mga nurses na naka-duty nang mga oras na iyon. "Ako na ang bahala sa kanya. Just sit and wait there at the gang chairs-"

"Ayokong iwan ang anak ko!" biglang sigaw ni Alice. "Gusto ko siyang makita! Baka mamaya anong mangyari sa kanya." Hysterical na rin ito. "Baka mamaya anong gawin n'yo sa kanya."

"Ma'am, we'll do our best to save her," mahinahon namang wika ni Helen.

Sina Benjie at Angel naman ay pilit kinakalma si Alice at pinapaupo sa lugar na sinabi ni Helen. Nang mga sandaling iyon din ay nakarating na sa ER si Raul.

"Hindi! Hindi, baka anong gawin ninyo sa kanya! Hindi ako... hindi ako pwedeng magtiwala sa inyo! Hindi ko iiwan ang anak ko sa inyo!"

"That's enough!"

Napatulala ang lahat kay Benjie.

"Didn't you hear? They'll try everything to save Alex. Pwede bang magtiwala ka na lang sa kanila?"

Pinuntahan na ni Helen si Alex at isinara na nila ang pintuan sa Resus Area upang masimulan nang gamutin si Alex. Muli naman ay naging hysterical si Alice.

"No! Alex! Gusto ko siyang makita!"

"Alice please!" Halos itulak na ni Benjie ang asawa. "Ano ba? Mahiya ka nga sa inaarte mo!"

Nakatingin na nga halos lahat ng tao sa may ER sa kanila. Hindi lang makapag-react ang mga empleyadong naroon dahil kay Raul. Ito na mismo kasi ang umaawat sa mag-asawa.

"Please. Alice, Benjie, let's just calm down," ang sabi pa nito.

Pero minasama ulit iyon ni Alice. "And who are you to talk to me? Ikaw na kapatid ng babaeng naging dahilan ng paghihiwalay namin noon ni Ricky. Alam ko isa ka rin sa mga taong tutol sa relasyo namin, because you want your sister to end up with him. Mahal na mahal mo ang kapatid mo that you're willing to do everything for her even if it meant breaking the heart of someone else. Ganyan naman kayo, eh. Porke ba mahirap lang kami kaya kaya n'yo kaming paglaruan? Napaka-matapobre ninyo-"

"I said that's enough!" Si Benjie ulit. "Ano bang kailangan kong sabihin sa'yo, ha? Para tumigil ka," aniya sa asawa. "Nakakasawa ka na, eh. Palagi ka na lang ganyan, kapag ang mga Quinto ang involved. Kapag may kinalaman sa pamilya nila. Sa mga nangyari noon. Alice, when will you ever move on?"

"I will never move on." Puno ng galit ang pagkakasabi nito.

"Talaga? Kahit kailan? Kahit kailan hindi ka makakapag-move on? Alice, kumusta pala? Kumusta iyong dalawampung taon tayong magkasama? Kumusta iyong dalawampung taon natin bilang mag-asawa? So you mean, I failed to make you forget him?"

Natigilan si Alice. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ng asawa. Napatingin na lamang ito sa kanya.

Benjie was smiling bitterly as tears start to well up in his eyes. "You mean, I failed to make you happy? For twenty years, Alice? Hindi ka ba naging masaya sa piling ko kaya hindi mo nagawang kalimutan ang mga nangyari noon?"

Maging si Alice ay naiiyak na rin. "Benjie, that's not-"

"Then what is it? What's true, Alice? How can you say you were happy all those years when in fact, you weren't able to forget what had happened before? When you weren't able to forgive them? Hanggang ngayon ba, nasasaktan ka pa rin na hindi kayo nagkatuluyan ni Ricky?"

"No..." Umiiyak na umiling si Alice.

"Hanggang ngayon ba, naaapektuhan ka pa rin ng katotohanan na ipinagpalit ka niya sa iba? I can't think of a better reason for that than you being in love with him still. It actually makes me wonder. Alice, did you even love me?"

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Alice sa tanong na iyon. Hindi dahil sa 'hindi' ang sagot doon, kundi dahil sa katotohanang sa gitna ng dalawampung taon ay nagawa itong tanungin sa kanya ng kanyang asawa. Tuluyan na siyang napaiyak.

Tuluyan namang pumagitna si Raul sa dalawa. "Okay... Benjie... let's get out of here. Angel, ikaw na muna ang bahala sa mommy mo. Let's go, Benj. Sumama ka muna sa akin."

Naiwan ang dalawang mag-ina sa kinatatayuan nila. Pinagtitinginan pa rin sila ng mga taong nandoon, at ang iba pa nga ay nagbubulung-bulungan pa. Pero sa wakas ay nagwakas na rin ang mainit na komprontasyon sa pamilya nila.

Walang nagawa si Angel kundi ang pagmasdan ang umiiyak na ina. Hindi niya ito magawang malapitan. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa nakikisimpatya siya sa kanyang daddy. Siguro ay dahil mas naiintindihan niya ito kaysa sa ina.

Parang hindi lang ang kapatid niya ang problema nila ngayon. Problema rin nila ang kalagayan ng mga magulang niya. Ano nang mangyayari sa kanilang dalawa? Tuluyan na bang hindi magkakabati ang dalawa? Or worse, maghihiwalay kaya ang mga ito?

She suddenly felt pathetic. Bukod pa doon, ramdam din niya ang mga mata ng mga taong nandoon na sa kanila lang ng ina nakapukol. Parang gusto niyang maglaho na lang bigla sa kinatatayuan. And if her tears were enough to conceal her whole self, then she will cry her heart out just to hide from everything.

Then, out of nowhere, a ray of light suddenly appeared. There in her gruesome world came a thrill of hope. Her knight in shining armor, her hero, her superman. Pagkadinig pa lamang niya sa tawag nito ay kaagad na siyang napatingin.

"Angel!"

Bryan was standing there, by the ER door. Pagkakita nito sa kanya ay pag-aalala ang bumalot sa mata nito. Kaagad din itong lumapit sa kanya. And when he's just an arm's reach, she collapsed into his arm and she released all her heartaches through her tears.

"Shh... it's okay. I'm here now. Everything will be okay."

Patuloy nitong hinahagod ang likod niya upang mapakalma siya. Siya naman ay parang walang katapusan ang pagdaloy ng mga luha niya. Lalo na at parang sa bawat hagod nito sa likod niya, sa bawat sabi nito na magiging maayos na ang lahat ay lalong lumalabas ang mga sama ng loob na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Bryan also tried to console Alice. He was watching her when she suddenly collapsed on the gang chairs sa waiting area sa labas ng ER. He wanted to go to her, but aside from the fact that his hands are full because of Angel, he also felt that no one could ever talk to Alice right now. She seems distant and forlorn. It seems she needs some time alone just to be with herself.

🖤🖤🖤

𝐻𝑜𝑙𝑑 𝑚𝑒 𝑑𝑜𝑤𝑛, 𝑠𝑤𝑒𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑑 𝑙𝑜𝑤, 𝑎𝑛𝑑 𝐼 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑐𝑎𝑟𝑟𝑦 𝑦𝑜𝑢 ℎ𝑜𝑚𝑒. ~ Aᴜɢᴜsᴛᴀɴᴀ

Bab berikutnya