Ilang minuto pang nakipagkwentuhan si Bryan sa mga magulang ni Angel. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na rin ito. Inihatid ni Angel si Bryan sa kotse nito sa labas ng bakuran nila.
"Salamat, ha?" ani Angel dito. "Alam kong hindi naging madali para sa'yo ang lahat. Salamat at tumupad ka sa pangako mo."
"I always try not to break my promise," ani Bryan. "Tsaka hindi naman kita pwedeng pabayaang mag-isa. Hindi ako matatahimik kung sakaling hindi ako tumupad."
Hayun na naman si Bryan. Hindi tuloy maiwasang kiligin ni Angel. Mabuti na lang at biglang kumambiyo ang lalaki.
"Mabuti at unti-unti nang natutupad ang plano natin. Konting tiyaga na lang at maaayos na rin natin iyong kina Alex at Richard."
At iyon na nga. 𝘈𝘭𝘭 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘸... 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯. Muli ang pagkadismaya ni Angel. Pero mabuti na iyon kaysa muli na namang mamayani ang kilig sa katauhan niya.
"Mahal na mahal mo talaga si Richard, ano?"
"Mahal na mahal mo talaga si Richard, ano?"
"He's the brother that I never had. Pareho kaming only child kaya we understand each other. It made us stick together. Hindi ko nga alam kung magpapasalamat ako kasi sekreto ang relasyon nila ni Alex. Kung malaya lang silang dalawa, siguro hindi ko na nakakasama si Richard kasi palaging si Alex na ang pinagkakaabalahan niya."
"Naiintindihan kita," ani Angel. "Parang si Alex lang. Kahit brat iyon kapag minsan, hindi ko pa rin matiis. Ganoon yata talaga kapag nakatatandang kapatid ka, ano? Kahit kailangan mong magpanggap nagagawa mo para sa kanila."
Tumango si Bryan bilang pagsang-ayon.
"Siya nga pala. Iyong July 26, 6:05 PM. Saan nga pala nanggaling iyon?"
"That was my birthday," sagot ni Bryan. "I was born at exactly 6:05 PM of July 26, 1996."
"Ganoon ba? Belated!" Napangiti si Angel.
"August na tayo ngayon at late na iyan masyado, pero thank you na rin. At least, you smiled. I like it when you smile, you know."
Bigla na naman ang dagundong ng puso ni Angel. Lalo pa sa kasunod na sinabi ni Bryan.
"It makes you look more beautiful. You're very beautiful tonight, actually."
Pakiramdam ni Angel ay hindi na siya makahinga sa kilig. Nakagat na lamang niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang kanyang pagngiti. Pero mapipigilan nga ba niya ang kilig? Lalo na nung hawiin ni Bryan ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya dahil sa bahagyang pag-iwas sa tingin nito.
"Your hair is nice. Dapat lagi mo na lang iyang ilugay kapag nasa school."
Napalunok si Angel. "Thanks..." she managed to say. Parang hihimatayin na siya sa sobrang kilig.
"I think I have to go now," biglang kambiyo ni Bryan.
"Huh?" Napatingin siya dito. 𝘚𝘰 𝘴𝘰𝘰𝘯?
"I'll see you in school on Monday."
"Okay." May magagawa pa ba siya?
"I'm already looking forward to that."
Hayan na naman! Ilang kilig dynamite ba ang baon nitong si Bryan at bakit parang ang dami nitong pasabog? At hindi nga yata mauubusan ng pampakilig itong si Bryan. Dahil bago sumakay sa kotse ay kinuha nito ang kamay niya at saka bigla na lamang hinalikan!
"Bye!" nakangiting paalam ni Bryan. Sumakay na ito sa sasakyan nito at saka na umuwi.
Noon lang parang nahabol ni Angel ang hininga niya. O.M.G! Ganito ba talaga ang feeling ng kinikilig? Iyong parang hindi ka makahinga? Hindi kaya bigla na lang siyang mag-collapse nito dahil kay Bryan?
"Hindi, hindi, hindi!" aniya sabay iling. "OA na iyon masyado."
Nang makalma na niya ang sarili ay pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Sinalubong siya ng kanyang daddy sa may hagdanan.
"Dad..."
"Di ba sinabi ko bawal ang kiss?"
So, nakita pala sila nito? "Sa kamay lang naman, eh."
Napabuntong-hininga si Benjie. "Sa kamay lang. Pero huwag sa pisngi, ha? Lalong-lalo nang huwag sa lips."
"Dad!" She blushed, because she suddenly remembered that moment when Bryan kissed her... on the lips.
"I can't believe that I'll like him."
Napatingin si Angel sa ama. "Dad..." Ewan nya pero parang napuno ng pagkagalak ang puso niya dahil sa narinig.
"But my rules, Angel."
Napayuko siya. "Yes, Dad."
"Lifted na ang pagiging grounded mo."
"Thanks, Dad." Nakangiti na si Angel.
"Come on, give me a hug."
Tumalima naman si Angel. "I love you Dad."
"I love you, too. Kahit may iba ka nang love."
"Iba naman po iyong sa inyo."
"O sige na. Halika na't magpahinga na tayo. Napagod ako sa excitement, alam mo ba iyon?"
Magkaagapay na umakyat ng hagdan ang mag-ama.
"Excited kayo, Dad?"
"Aba, oo naman. Siyempre kailangan magmukha akong strict kay Bryan. Baka mamaya hindi matakot sa akin iyon. Eh ang hirap kasi hindi naman talaga ako strict, di ba? Ang bait-bait ko kaya."
Tuluyan nang natawa si Angel sa sinabi ng ama. It just made her feel na talagang nagbalik na ang magandang relasyon nila ng kanyang ama.
♥️♥️♥️
Kinabukasan ay maagang nagising si Angel. At kahit na konting oras lang yata siya natulog ay maganda pa rin ang gising niya. Paano, buong gabi yata niyang iniisip at maging sa panaginip ay nakikita pa rin niya ang boyfriend niya, este, ang kunwa-kunwariang boyfriend pala niya na crush na niya sa totoong buhay.
At dahil maagang nagising at maganda ang mood niya, naisipan niyang tumulong sa pagdidilig ng mga halaman. Pakanta-kanta pa siya ng Counting Stars by Augustana habang tinutubigan ang malalabong nilang ornamental plants sa harapan ng bahay nila. Ito iyong kinanta ni Bryan sa talent portion noong Mr. Business School. Kahit konting panahon pa lamang niyang nakikilala ang kantang iyon ay kabisabo na niya ang buong lyrics nito.
Sa ganoong disposisyon siya nadatnan ni Alex. Kagigising pa lamang nito at siguro'y nagtataka kung bakit walang tao sa bahay nila. Ang mga magulang kasi nila'y nag-jogging daw sabi ng katulong.
"Wow! Ang sipag!" bungad sa kanya ni Alex. "Inspired, eh."
"Good morning, Sister!" ganting bati niya dito.
"Naks! Maliwanag pa sa sikat ng araw yung ngiti, oh! Blooming pa sa mga dinidiligang halaman."
"Tigilan mo ako Alex, ha?" natatawang saway niya sa kapatid.
"Eh? Galit ka na niyan? Galit pero nangingiti? Naku! Alam na! Confirmed! In love na si Ate!"
"Tigilan mo na ako ha? Kung ayaw mong mabasa..." Natatawa pa rin siya sa biruan nilang magkapatid. Kahit yata anong gawin niya ay hindi maaalis ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
"Basta ba ikukwento mo sa akin lahat ng nangyari kagabi."
"Ano namang ikukwento ko sa'yo? Eh nandoon ka naman, di ba?"
"Noong kinausap kayo ni Daddy sa balcony, wala ako noon. Tsaka noong inihatid mo sa kotse niya si Bryan. Uy! Nakita ko kaya iyong paghalik niya sa kamay mo. Huwag mo nang i-deny! Pinabayaan lang kitang namnamin ang moment kaya hindi kita kinulit kagabi. Pero mamaya, hindi ka na makakaligtas."
Napangiti na lamang si Angel. Hindi na siya nakasagot sa akusasyon ng kapatid. Lalo na at dumating na ang mga magulang nila mula sa pagja-jogging. Binati nila ang mga ito at saka hinalikan.
"Bah, ang sipag ng anak ko, ah?" pansin ni Benjie kay Angel.
"Siyempre Daddy, inspired," sagot ni Alex. "In love, eh."
"Dapat pala noon ka pa nagka-boyfriend," ang sabi naman ni Alice kay Angel. "Para noon ka pa sinipag sa gawaing bahay."
"Masipag naman ako dati pa, ah," ani Angel. "Si Alex nga diyan yung tamad sa gawaing bahay."
"Ah, eh kailangan ko rin sigurong magkaroon ng boyfriend," ani Alex.
"Alexandra, ha? Hindi ka pa pwedeng magka-boyfriend," ani Benjie sa anak.
Napasimangot naman si Alex. "Hmn? Eh bakit si Ate?"
"Basta, hindi pwede," ani Benjie. "End of discussion."
Parang batang nagmaktol si Alex sa ama. Natatawa namang pinanood nina Angel at Alex ang dalawa.
Siya namang pagdating ng kapitbahay nilang si Joshua Ignacio. Nakapang-sports wear ito at may hawak na raketa. Binati nito ang mag-asawang Benjie at Alice pati na rin sina Angel at Alex.
"Practice?" tanong ni Benjie dito sabay tingin sa raketa nito.
"Hindi naman po. Nakipaglaro lang ng badminton sa barkada ko, sa may clubhouse," sagot ni Joshua. "Siyanga po pala, si Bryan de Vera po ba iyong nakita ko kagabi na dumalaw sa inyo?"
For the first time ay nabahiran ang magandang mood ni Angel. Parang bigla siyang kinabahan sa tanong ni Joshua.
❥ 𝑇ℎ𝑒𝑦 𝑎𝑙𝑙 𝑠𝑎𝑤 𝑦𝑜𝑢 𝑘𝑖𝑠𝑠 𝑚𝑦 ℎ𝑎𝑛𝑑...
𝐵𝑢𝑡 𝑜𝑛𝑙𝑦 𝐼 𝑓𝑒𝑙𝑡 𝑦𝑜𝑢 𝑠𝑡𝑒𝑎𝑙 𝑚𝑦 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡. ❣︎