webnovel

Friend Request

Nanatiling nakatitig lamang si Alex sa monitor ng kanyang MacBook Pro. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa bagong notification na kanyang natanggap. Isa itong Friend Request, mula doon sa lalaking nakilala niya kanina sa CPRU โ€“ si Richard Quinto.

Katatapos lamang niyang makipagwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa Twitter nang maisipan niyang bisitahin naman ang kanyang Facebook account. At pagbukas nga niya noon ay nakita niya ang ilang Friend Request na naghihintay sa kanya para i-approve niya. Isa na nga doon ang mula kay Richard Quinto.

Si Richard naman ay muling napatayo mula sa pagkakaupo sa kanyang upuan sa may study table. Nagbalik siya sa disposisyon niya kanina na parang hindi mapakali o hindi alam ang gagawin. Manaka-nakang tumitingin siya sa monitor ng laptop niya at sinisilip kung ano na ang status ng kanyang Friend Request kay Alexandra Martinez. Minsan ay pumupunta siya sa kanyang kama, hihiga, tapos mapapatingin ulit sa monitor. O kaya naman ay kukuha siya ng libro at susubukang magbasa, pero pagkatapos ay ibabalik din niya iyong muli dahil hindi naman siya makapag-concentrate. Ang Friend Request pa rin kasi ang tumatakbo sa isip niya.

Naisip naman ni Alex na okay lang sigurong i-accept niya as Friend si Richard. Sa Facebook lang naman iyon... O kaya naman, okay din lang na maging friends sila dahil hindi naman silang dalawa ang magkaaway kundi ang kanilang mga magulang. Labas sila sa alitang iyon, kaya hindi sila dapat magpaapekto doon. Wala naman sigurong problema na midudulot ang desisyon niya. Kaya pinindot na niya ang button na katabi ng pangalan ni Richard Quinto. Confirm.

Laking tuwa naman ni Richard nang makitang tinanggap na ni Alex ang kanyang Friend Request. Muli siyang naupo sa may study table niya saka tinignan ang Facebook Timeline ni Alex. Halos mga Twitter posts ang mga status nito sa Facebook. Siguro ay naka-connect ang Twitter nito sa Facebook account nito. Pati na rin ang Instagram account nito, kaya naman marami rin itong mga pictures na naka-post sa Timeline nito.

Naaliw siya sa mga nabasa niya. Lalo na iyong ilang mga posts na patungkol sa kanya.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡ @๐™ฐ๐š•๐šŽ๐šก๐™ฒ๐šž๐š๐š’๐šŽ๐Ÿป๐Ÿบ๐Ÿฟ๐Ÿฟ The guy I'm sitting next to Phil. History is super nice. Buti na lang siya ang nakatabi ko. And not only is he nice. He's super cute din!

Napangiti siya sa nabasa. Super cute pala siya ha? Well, the feeling si mutual. He thinks she's cute, too. Bigla niya tuloy itong na-miss, ang ka-cute-an nito at ang positive aura nito. Iyong parang kapag kasama mo ito ay walang dull moments. Kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili nang magsimula na siya ng conversation with her.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: hi!

Muli'y hindi malaman ni Alex ang gagawin nang makita ang message ni Richard sa kanya. Iyong pag-accept sa Friend Request ay okay pa. Pero iyong pagcha-chat? Parang hindi na tama iyon. Kailangan na niyang isaalang-alang ang sitwasyon nilang dalawa.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: tulog ka na ba? so you leave your account online even while you're sleeping?

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: sige ka, baka ihack iyan ng ate mo. hindi na maging lively at kasing ganda ng dati iyong mga posts mo.

Napangiti si Alex. He really knows how to get her attention. The next thing she knows, she's typing on her keyboard and answering his chats.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: Sobra ka naman! magaganda din naman ang mga posts ni ate. nakakatawa pa nga iyong iba.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: talaga? parang hindi halata. para kasing hindi ganoon ang personality niya.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: bakit mo naman nasabi iyon? hindi mo pa naman siya nakakausap.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: you know what they always say about first impressions.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: they're not always true.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: mine was. I thought you're someone that I'll get along with easily. and I was right.

Muling napangiti si Alex. Tama nga ang sinabi nito. Naging maganda ang simula nilang dalawa. Hanggang sa mabahiran ito ng problema ng kanilang mga magulang.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: meron kaya tayong parehong subjects bukas?

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: maybe.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: Do you mind sharing what you'll study tomorrow?

Sinabi ni Alex kung ano ang mga papasukan niyang subjects. Na ikinalungkot naman ni Richard.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: mukhang wala tayong parehong subjects bukas.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: ganoon ba?

Nalungkot din si Alex sa nalaman. Bigla kasi ay parang na-miss niya ito. Gusto rin sana niya itong makita ulit bukas.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: maaga ka bang umuuwi?

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: minsan. sumasabay kasi ako sa ate ko. wala pa kasi akong sariling car like her. pero minsan gabi na natatapos ang mga subjects niya.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: pareho pala tayo. nakikisabay din lang ako sa pinsan ko, si Bryan. kalilipat ko lang kasi from Manila. hindi ko pa masyadong kabisado ang daan papuntang CPRU.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: do you know that Bryan de Vera is my ate's classmate? what's unusual is that all their subjects are the same. sa CPRU kasi konti lang ang mga ganoon. wala kasing block section doon.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: talaga? wala namang nabanggit si Bryan tungkol doon.

Magkaklase sa lahat ng subjects? Hmn... Isang ideya ang biglang naisip ni Richard.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: where do you go kapag hinihintay mo ang ate mo?

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: madalas sa library. o kaya naman sa student lounge. basta kahit saan na pwede akong makipagkwentuhan with my friends o kaya makagawa ng assigments.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: bukas ba may gagawin kang assigments?

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: wala pa naman.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: maybe we could have some snacks.

Natigilan si Alex sa tanong nito. Ibig bang sabihin nito, gusto siya nitong makita ulit?

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: at the cafeteria. hindi naman kita yayaing lumabas ng university.

Wala naman sigurong masama sa imbitasyon ni Richard. He's just being nice and friendly. Isa pa'y gusto rin niya itong makitang muli.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: libre mo? ;)

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: oo ba.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: sige.

Hindi mapigilang magalak ni Richard sa pagpayag ni Alex. Bigla'y naging excited siya sa pagpasok sa school bukas.

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ: can't wait to see you tomorrow...

Maging si Alex ay excited din sa pagkikita nila ni Richard bukas. Pero nakakahiya namang isiwalat ng ganoon na lang ang tunay niyang nararamdaman.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡: see you tomorrow.

Nakangiting isinara ng dalawa ang kani-kanilang mga laptop. Wari'y nabura na ng nakatakdang pagkikita nila bukas ang kung anumang pangyayaring naganap kaninang hapon.

Bab berikutnya