webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 2

Matamang pinapanood ni Arnie ang mga anak ni Zeus na masayang nag iinuman sa isang dako ng hardin, maya-maya pa ay dumako ang kanyang paningin kay Ares na noon ay namumula na ang mga pisngi sa dami ng nainom.

Tila naman naramdaman ni Ares na may nagma masid sa kanya, kung kaya lumingon siya sa kanyang likuran. Nag tama ang kanilang mga paningin, pakiramdam ni Ares ay may kung anong malakas na pwersa ang bumalot sa kanyang katauhan. Hindi niya magawang ibaling ang tingin at igalaw ang mga kamay, tila may pwersang sumisikil sa kanyang pag hinga.

Matapos ang ilang segundong pakiki pag tagisan ng tingin, ( oh ilang segundong paninindak ) ibinaling na ni Arnie ang paningin kay Zeus at Neptuno na masayang kausap ang mga kapatid at iba pang bathala.

Nanginginig ang mga kamay naman na naibagsak ni Ares ang kopa ng alak na iniinom tila hindi ito maka hinga na sunod sunod ang pag ubong ginawa, sa labis na pagta taka ng kanyang mga kapatid.

Hindi pang karaniwan para sa kanila ang ubuhin o masamid man lang dahil sila ay anak ng pinaka malakas na bathala at may dugong bathala rin.

Nag alala ang lahat na baka may sakit ng Covid-19 ang kanilang kapatid, marahil ay may dalang virus ang mortal at mga tikbalang na bisita ng kanilang tiyuhan at aksidenteng nahawa ang kapatid nilang si Ares.

Takot na nag silayo ang kanyang mga kapatid kay Ares, nag aalalang baka sila man ay mahawa.

Walang kamalay malay ang nanghihinang si Ares na ng mga sandaling iyon ay iniisip na ng kanyang mga kapatid na siya ay may malubhang sakit.

Palihim niyang sinulyapang muli si Arnie mula sa kanyang pagkaka yuko, nakita niyang naka tuon na ang pansin nito sa kanyang ama at iba pang mga bathala na kasalamuha nito.

Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon ang kanyang naramdaman ng sandaling mag tama ang kanilang mga paningin, nagta taka at napapa iling na bumalik sa kanyang kinau upuan ng mapansin niyang nagsi paglayo na sa kanya ang mga kapatid.

Ares: huh??? Bakit ang layo ninyo??? lumapit nga kayo dito!!! paano tayo mag iinuman at mag sasaya kung ganyan kayo kalayo??? ang malakas na tanong niya sa mga kapatid na may kung ilang metro ang layo ng upuan sa kanya....

ah .

.

.

.

eh

.

.

.

Dito na lamang kami, kukuha na lang kami ng pulutan at maiinom mamaya kapag naubos na namin ang aming inumin. Ang halos sabay sabay na sagot ng kanyang mga kapatid.

Ares: ah!!! bahala nga kayo!!! ang pag balewalang sagot ni Ares bago muling sinalinan ng alak ang kanyang kopa. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya ng mga oras na iyon.

Si Arnie naman ng mga oras na iyon ay patuloy na pinanonood sila Neptuno hanggang sa tila makaramdam ito ng pagka inip, humakbang ang mga paa nito tungo sa..........

.

.

.

Mahabang hapag ng mga pagkain. Nagulat ang mga taga pag silbi ng pagkain ng makita nilang pabalik ng muli sa hapag si Arnie makalipas ang halos kalahating oras mula ng matapos itong kumain at dala ang isang napaka laking bandehado na di rin nila alam kung saan nito kinuha.

Arnie: Pwede po bang humingi ng maka kain??? ginutom ako sa pano nood sa mga nagkakasiyahan. Ang tanong ni Arnie sa mga tapag lingkod na nagsi silbi ng pagkain sa mahabang dulang o lamesa.

Nakangiti at malugod namang sumagot ang tagapag silbi kay Arnie bago iniabot ang serving spoon.

Tagapag silbi: Maaari po, labis naming ikina gagalak na nagustuhan ninyo ang mga niluto naming pag kain ang naka ngiting sagot ng tagapag lingkod.

Bab berikutnya