Galit na galit na tinanong ni Neptuno ang mga mamamayan ng Atlantis. Nalilitong umiling ang mga ito ganon din si Banak at Sirekoy.
Wala nga sa itsura ni Sirenita ang nakipag - laban sa kung sino man upang mabawi ang trident. Maliban sa wala itong malay, walang anumang pinsala o sugat na tinamo ito bilang patunay sa ginawang pakikipag laban.
Neptuno : Wala!!! wala kayong makita... dahil hindi siya nakipag - laban!!! Nahuli namin siyang tumatakas palabas ng gate ng Atlantis, dala ang trident.
Binalutan niya ang trident at ang kanyang sarili ng itim na telang gawa sa likido ng mahiwagang tinta ng pugita.
Mga Mamamayan Ng Atlantis : huh??? Nagawa iyon ni Sirenita? ang kanya kanyang bulalas ng mga ito, na hindi makapaniwala.
BANG.......
Nagulat ang lahat sa malakas na tunog, animo sumabog ang kanilang hasang dahil sa napaka lakas na tunog na iyon.
Nang lingunin nila ang pinag mulan ng malakas na tunog, nakita nila si Banak na naka lugmok sa tabi ni Sirenita. Umaagos pa ang pulang dugo mula sa sulok ng labi nito.
Sa galit ni Banak sa hindi kapani paniwalang sinabi ni Neptuno, tinangka niyang sugurin ito, ngunit aksidenteng tumama ang malapad nitong buntot sa gate ng Atlantis .
Ang pag tama ng nakuryente nitong buntot sa gate ang lumikha ng pag sabog, aksidente ring tumama ang matilos nitong nguso sa gate ng humagis ito sa mismong tabi ng gate dahil sa impact. Dahilan upang makuryente at dumugo ang kanyang nguso.
Mga Mamamayan Ng Atlantis : Huh!?! Gulat na napa tingin ang mga ito sa gate ng Atlantis. Hindi nila akalaing may kuryente ito.
Neptuno : Ngayon....... alam ninyo na ang dahilan kung bakit nawalan ng ulirat si Sirenita??? ang tanong nito na mas si Banak at Sirekoy ang pina tutungkulan ng kanyang tanong.
Tinangka niyang tumakas dala ang trident. Nakuryente siya ng tangkain niyang lumabas sa gate na iyan.... Ang umiiling na saad ni Neptuno.
Sayang.. ..... Malaki ang tiwala ko kay Sirenita.
Itinuring ko siyang parang anak.... ang malungkot na saad ni Neptuno, na inabot ang trident upang kunin sa mga kamay ni Sirenita.
Si Banak naman ay napayukong namumula ang mga pisngi, inakala nitong pinariringgan siya ni Neptuno at may lihim itong pag tingin sa kanya.