Nagtungo ang lahat sa pangunguna ni Neptuno sa isang lugar, kung saan mayroong isang tila malaking altar. Mayroong malaking nakabukang kabibe sa ibabaw ng isang malaking bato...
Sa gitna ng laman ng kabibe ay may isang malaking kabibe. Isang Giga pearl na halos malaki pa sa tatlong ulo ng tao na pinag sama sama, ngunit kakaiba ang perlas na ito .
Neptuno : Dito Arnie.... dito tayo, ang pag aaya pa ni Neptuno kay Arnie na nauna ng lumapit sa malaking altar ng kabibe.
Arnie : wow!!! ang laking perlas!!! ang bulalas ni Arnie ng makita ang malaking perlas sa loob ng kabibe na nasa ibabaw ng malaking bato. Halos lumuwa pa ang mata ni Arnie sa tuwa, na akala mo ay noon lamang nakakita ng mamahaling uri ng hiyas....
Neptuno : 😬😬😬
ah...... mabilis na itinakip ni Neptuno ang kanyang mga braso sa malaking perlas sa pag aalalang kunin ito ni Arnie (at pansamantalang itago)
Ang perlas na ito ay kakaiba, hindi ito maaaring alisin ninuman mula sa kabibe at sa malaking batong ito.... ang mabilis na paliwanag ni Neptuno na nanatiling nakatakip ang mga braso at kamay sa perlas.
Arnie : mm...... ano naman ang kaibahan ng perlas na iyan sa ibang perlas, ang tanong ni Arnie na nanghinayang na hindi niya pwedeng pansamantalang itago ang malaking perlas.
Neptuno : Sandali at ipakikita ko sa iyo, ang sagot naman ng bathala kay Arnie na unti unting inalis ang mga braso at kamay sa pagkaka takip sa perlas.......
Nang maalis ang pagkaka takip ng mga kamay niya sa malaking perlas, ikinumpas ni Neptuno ang isang kamay sa ibabaw nito, sukat at bigla itong nagsabog ng kakaibang liwanag
Neptuno : Mahiwagang perlas ipakita mo sa amin ang itsura ng salarin na kumuha ng tinidor...
Malaking Perlas : Na naman!!! ilang beses ko bang ipakikita sa inyo ang larawan ng salarin na ito? ang nag mamaktol ng sagot ng perlas