Sabay na napalingon kay Arnie ang mag inang sirena, pagkatapos ay
sabay din ang mga itong ngumiti ng tila nakakaloloko kay Arnie
Arnie : bakit ganyan kayo kung maka tingin? Iniinis nyo ba ako???
Ang tanong ni Arnie sa mag ina na maaluwalas pa rin ang pagkaka
ngiti.....
Sasagot sana si Sirenita ng marinig nila ang tinig ni Neptuno mula sa
kanilang likuran...
Neptuno : Sirenita??? Ano ang ginagawa nyo ditong mag ina? akala ko
ba ay nawawala ang anak mong si Fishna???
Ang sunod sunod na tanong ni Neptuno kay Sirenita na tila hindi napuna
si Arnie.
Sirenita : ah. eh. oho dios na Neptuno, ngunit nakasa
lubong ko siya ngayon lamang, kasama ang gintong sirenang iyan at galing
daw sila sa lupain ng mga tao. Sa dalampasigan ng dagat. Ang agad na sagot
ni Sirenita na ang hangad ay ibaling ang sisi kay Arnie.
Arnie : abat!!! Bakit parang ako ang sinisisi mo? Hindi
bat dahil sa iyong kapabayaan kung kaya nakarating
sa dalampasigan ang iyong anak!!!
Sirenita : ah??? Hindi ah!!! Ang mabilis namang tanggi
ni Sirenita, mag sasalita pa sana ito ngunit mabilis itong
pinigilan ni Neptuno na noon lamang napansin ang presensiya
ni Arnie......
Neptuno : tama na Sirenita, ang pagpigil ni Neptuno sa sasabihin
pa sana ni Sirenita, agad naman itong tumigil , buong yabang at
nagmamalaki pa nitong tiningnan si Arnie habang taas noo pang
animo nanalo na sa laban.
Masusing tinitigan ni Neptuno si Arnie. Bago galit na sinulyapan
si Sirenita at Fishna.
Hindi ka sirena........ Isa kang tao....... Ngunit....... Paanong
Ang nagtataka at putol putol na pag sasalita ni Neptuno habang
Pinag mamasdan si Arnie mula ulo hanggang buntot
Sirenita : ah??? Isa siyang tao??? Mahal na Neptuno...... Baka naman
Siya ang nagnakaw ng iyong tinidor (trident) ang agad na pag aakusa
ni Sirenita kay Arnie na tahimik na nakatitig ka Neptuno (Poseidon)