Sisinghap singhap si reyna Mareana dahil sa biglang pag
ka lub - lob sa malamig na tubig ng talon, ang kanyang buhok
na nabasa ng tubig at siyang hinila ni Arnie sa pag bit -bit
sa kanya patungo sa gilid ng talon ay nag mistulang pugad
ng agila, sabog sabog ang buhok nito na tila dinaanan ng ipo
ipo, na kung susumahin ay siyang talagang nangyari.
Matapos mailapag si reyna Mareana sa isang tabi ay iniwan na
siya ni Arnie upang saklolohan si prinsesa Usana at haring Usarin
magkasabay niyang binitbit ang mag - ama, hawak ang kanilang
mga paa. Patiwarik na inilipad niya ang mga ito papunta sa gilid
ng talon malapit kay reyna Mareana.
Hindi naman malaman ni Usana kung paano tatakpan ang sarili na
nooy basang basa at ang damit na suot ay naluslos pabaligtad
at umabot halos sa kanyang dib - dib. Nahantad ang kanyang makinis
na mga binti at hita maging ang kanyang makinis na tiyan.
Walang nagawa si Usana kung hindi ang takpan na lamang ang
mga mukha, dala ng hiyang naramdaman, hindi nito magawang magalit
kay Arnie dahil alam niyang hangad lamang nitong siya ay
iligtas mula sa pag kalunod.
Sila haring Boras prinsipe Borjo Kabatao at Kabayuhan naman na nasa gitna
pa ng talon ay nag kumahog sa pag langoy patungo sa gilid ng makita ang
ginawang paraan ng pag liligtas ni Arnie sa tatlo. Nag aalala sila na baka
sa ilong o dili kaya ay sa tenga sila bitbitin ni Arnie, na siya ngang nangyari ng
sila naman ang harapin at iligtas ni Arnie.
Humihingal pa sa pagod si haring Boras na sinubukang lumangoy ng mabilis
papuntang gilid ng talon upang huwag na siyang iligtas pa
ni Arnie, ngunit siya ay nabigo.....
Arnie : reyna Mareana..... Kumusta ang pakiramdam ninyo??? Wala ba kayong
anumang dinaramdam, ang agad na tanong ni Arnie ng mapansin ang reyna
na naka upo at gulong gulo ang basang buhok.