Totoo ba Arnie??? ang masiglang tanong ni haring Usarin kay Arnie....
ARNIE : oho Haring Usarin maaari tayong humingi ng tulong sa aking ama at kapatid, kailangan lamang na mayroon din kayong talon o ilog na malapit sa inyong palasyo.
Ang pag kakabit ng generator ay madali na lamang gawin, ang patuloy na pahayag ni Arnie.....
HARING USARIN : Mayroong talon at ilog sa aming kaharian na malapit sa palasyo pero.... hindi namin alam kung anong klaseng materyales ang gagamitin, ang nag aalalang sagot ng hari.
ARNIE : walang problema haring Usarin, ang aking ama ang mag susulat ng lahat ng kakailanganing materyales para sa pag kakabit ng linya ng kuryente pati na sa generator, sila rin ang mag lilista ng mga materyales na kakailanganin matapos nilang masukat ang distansya ng ilog o talon sa inyong kaharian. Ang mahabang paliwanag ni Arnie
PRINSESA USANA : hindi ba nakakahiya sa iyong ama at kapatid? ang nag aalala namang singit ni Usana sa usapan, habang si haring Boras at reyna Mareana ay tahimik lamang na nakikinig.....
ARNIE : ikaw naman prinsesa Usana!!! wag kang mag alala sa kapatid kong si Jr!!! ded na ded sa'yo yun!!! ang nakangiting tugon ni Arnie dito....
PRINSESA USANA : ah??? anong ded na ded????
ARNIE : ah eh wala!!! isang kolokyal na salita lamang iyon sa amin, na ang ibig sabihin ay gustong gusto ka ng kapatid ko, ang nakatawang sagot ni Arnie...
Namumulang napayuko si prinsesa Usana habang si haring Usarin naman ay napakamot ng ulo, batid nito na may pagtingin ang kanyang anak na dalaga sa naka babatang kapatid ni Arnie.
HARING BORAS : oh siya..... tama na muna ang usapang ligawan na iyan!!! ang sambit ni haring Boras
Ang mabuti pa ay mag balik na tayo sa bulwagan, nagpahanda ako ng maka - kain. sa mga taga - paglingkod sa kusina, ang aya ng hari sa mga ito....
dagling namilog at nagliwanag ang mga mata ni Arnie ng narinig nito ang salitang pagkain, dali dali nitong muling hinarap si prinsesa Usana at tinanong,
ARNIE : prinsesa Usana... mayroon ba kayong baon na mga pagkain na mula pa sa Australia???? at pati na rin yung masarap na inuming pampa - lamig???? matagal na kasi akong hindi nakatikim muli ng ganoon. Ang nakangiting tanong ni Arnie sa prinsesa.
PRINSESA USANA : Oo mayroon kaming dala, talagang ipina sadya ni Ama na mamili kami muli sa Australia at mamitas ng mahiwagang prutas sa hardin bago kami pumunta dito. ang nakangiti ring tugon ni Usana.
ARNIE : tamang tama!!! kanina pa ako nagugutom!!! nahulog kasi ako kanina sa bunganga ng bulkan, natunaw tuloy agad ang lahat ng kinain ko...
si haring Boras na nakita kung gaano karami ang kinain ni Arnie.
HARING BORAS : 😬😬😬😬
si reyna Mareana na nakita kung gaano karami ang kinain ni Arnie
REYNA MAREANA : 😬😬😬😬