Nagulat si haring Boras ng maalala na malapit na nga ang ika - anim na pagbibilog ng buwan, nawala sa isip niya ang bagay na ito dahil sa maraming pangyayari sa kanilang palasyo, kabilang ang katatapos na isinagawang pag - iimbestiga nila Borjo sa paligid ng bulkan.
Isa pa sa naging dahilan ng pagkalimot ng hari at reyna, maging ng lahat ng mga tikbalang, ay ang pagkawili nila sa panonood ng showtime sa television ganon na rin ang panonood nila ng ibat ibang soap opera tele drama, at pag bababad sa facebook...
HARING BORAS : ah... oo naman..... bakit naman hindi? malapit na nga ang ika - anim na pag bibilog ng buwan... ito ay sa makalawa na, hindi ba??? ang sang - ayon ni haring Boras na namumula ang mukha at di magawang tumingin ng tuwid kay haring Usarin.....
Si Reyna Mareana naman ay yuko ang ulong naglakad papasok ng bulwagan ng palasyo kasunod ang nangingiting si Arnie at Borjo...
PRINSIPE BORJO : amang hari, Inang Reyna, Haring Usarin Prinsesa Usana...
Ako ay mag papaalam sandali upang maligo at ng mawala ang masakit sa ilong na amoy ng asupre, pati na rin ang abong naka kulapol sa akin..... Ang pag papaalam ni Borjo sa magulang at mga panauhin.....
HARING BORAS : oh ie..... pai aag oin a ma taapa i od ang pagaril na sagot ni haring Boras sa anak, habang pisil pisil ng kanyang mga daliri ang kanyang ilong....
Sila Prinsesa Usana Haring Usarin Reyna Mareana at Arnie naman na balak din sanang sumagot bilang pag - sang ayon ay tungangang napatingin sa hari
HARING USARIN : AH???????
REYNA MAREANA : AH??????
PRINSESA USANA : AH?????
ARNIE : AH???????
HARING BORAS : ah!!! ang ibig kong sabihin ay ....oh sige, pakitawag mo rin ang mga tagapag lingkod, ang napahiyang paliwanag ng hari na dagling inalis ang mga daliring nakatakip sa ilong...
HARING USARIN : aaaaah....
REYNA MAREANA : aaaaaahh.....
PRINSESA USANA : aaaaaaah...
ARNIE : aaaaahh...
ang sabay sabay na usal ng apat ng maintindihan ang sinabi ni haring Boras bago sabay sabay ding sumulyap sa mabaho amoy asupre at nanlilimahid na si Borjo.
PRINSIPE BORJO : 😬😬😬 anong kasalanan ko???? ang tanong sa sarili ni Borjo na walang nagawa kundi ang tumalikod na habang nag kakamot ng ulo, ang mga abo naman sa kanyang ulo ay nanga - lag - lag sa sahid dahil sa kanyang pag kakamot.....
Sa kanyang pag lalakad patungo sa kanyang silid, naka salubong niya ang isa sa tagapag lingkod ng palasyo na tinangka pang magtakip ng ilong....
PRINSIPE BORJO : pumunta ka sa bulwagan, may ipag - uutos sa iyo ang amang hari.... Ang naka - simangot na utos dito ni Borjo