webnovel

CHAPTER 52 :4 sa Kaharian ng mga Tikbalang; Palakasin ang Kapangyarihan

Samantala sa dako pa roon sa bandang hilaga ng Mundo ng mga engkanto.

kung saan naroroon ang kaharian ng mga itim na nilalang, nanggagalaiti sa galit si haring KARUMOG at prinsipe Matuling .

Sa kadiliman ng paligid ay makikita mo ang kanilang mga mata na pulang - pula at nanlilisik sa galit.....

HARING KARUMOG: bwisit na mga tikbalang yan!!! kahit kailan sagabal sila sa ating mga plano...

At ikaw na magaling kong anak?!? ano na naman ang idadahilan mo sa pagkabigo ninyong makuha ang babaeng itinakda?

PRINSIPE MATULING : patawarin mo ako ama, ngunit nag uumpisa ng lumakas ang halimaw na iyon

HARING KARUMOG : (" ...." ) anong halimaw? sinong halimaw?

PRINSIPE MATULING : ang babaeng itinakda aking ama, sa katunayan may kasama pa siyang dalawang halimaw na kagaya niya... takot na pagku kwento ni Prinsipe Matuling sa hari....

HARING KARUMOG: ano kamo? mukha siyang halimaw?

PRINSIPE MATULING : opo ama, sa katunayan napakaputi at makinis ang kanilang balat makinis din at mamula mula ang kanilang pisngi at napakapula ng kanilang labi....

ang mas nakakatakot pa ay ang kanilang mata na kulay asul, maging ang kanilang buhok ay kakaiba ang kulay .....

Bagamat itiman ang kulay ng buhok ng itinakda, ang kulay ng kanyang mga mata ay kakaiba...

kulay berde ang kanyang mga mata na manaka naka ay nagku kulay ube ,nahihintakutang pag de describe ni Prinsipe Matuling sa hari.

HARING KARUMOG: nakakatakot at napaka pangit nga pala ng kanyang itsura, ang kinikilabutan namang pahayag ng hari.

Pero hindi ba at kasama ninyo ang grupo ng mga balakyot? paanong nagawa pa kayong talunin ng mga tikbalang?

PRINSIPE MATULING : ama lubha silang malalakas lalo na si Prinsipe Borjo at ang dalawang halimaw na kasama ng itinakda....

Marami sa ating mga tauhan, at sa mga balakyot ang nasawi sa kanilang mga kamay, tila sila mga tikbalang na napaka lakas sumipa.

at may gamit silang kakaibang uri ng punyal....

Nag iisip na naglakad ang hari ng mga itim na nilalang papasok sa loob ng itim na palasyo

Sa mundo ng mga tikbalang matagumpay na nai assemble ni Peter at Jr ang generator, mabilis din nilang nalagyan ng kable ng kuryente ang ilang bahagi ng palasyo

nagawa din nilang lagyan ng linya ng kuryente ang buong silid ni Arnie ,mayroon na ring ilaw at outlet na pag sasaksakan ng charger at iba pang de kuryenteng gamit,

Pati ang main switch ay mabilis nilang naikabit...

Sinubukan na nilang lagyan ito ng gasolina, matagumpay at mabilis itong gumana, lahat ng ilaw at outlet ay may dumadaloy na kuryente....

ano pat tuwang tuwa si Arnie na agad isinaksak sa outlet ang tv at refrigerator na kanyang ipinabili.....

ipinakabit na rin niya ang Baron Antenna at maayos din itong gumana, malakas ang pick up ng signal ng antenna ng tv, kung kaya't nakapanood si Arnie ng Show time.....

tuwang tuwa namang nakipanood sa kanya ang mga tikbalang na naglilingkod sa loob ng palasyo kasama ang hari at reyna.....

HARING BORAS : napakahusay nang aparatong iyan? paanong nakapasok sa loob ng kahon na iyan ang mga tao sa loob? ang nangigilalas na tanong ni haring Boras.

Si reyna Mareana naman ay tuwang ginagaya ang mga dance moves ni Bong Navarro....

napakagaling... nais ko ring matutunan ang kanyang ginagawa ang natutuwang sabi nito...

Bab berikutnya