webnovel

CHAPTER 49 : BOSSING???

Masama ang loob ng magkakaibigan dahil sa pagkatalo ng kanilang kabaryo sa liga ng basketball sa bayan, maging si Arriane at Morgana ay takang taka sa nangyari....

Pagdating ng bahay sabay - sabay na kumain ng hapunan sila Arnie Arriane Morgana at mga kaibigan ni Arnie sa harapan ng kanilang bahay, doon ay napag usapan nila ang napanood na laro....

HELEN : ang gagaling ng mga player natin ano? sayang..... natalo

ESSIE : oo nga eh, si kuya Avin ang galing mag three points

ARNIE : hussss ikaw ha Essie, kunwari daw si kuya Avin?!? hmmmm alam namin na si Arnold ang tinitingnan at tinitilian mo kanina ah di ba???

Nagtawanan ang magkaka ibigan dahil alam nilang lahat na crush ni Essie si Arnold...

LORNA H : Ay oo nga napansin din namin ni igy yon eh..... di ba Igy???

IGY : huh??? ah oo, lahat naman sila magaling lalo na si kuya Ronie at Kuya Avin

LORNA A : hmmmm tama nga, kaso talo.... kasi naman Igy yung mga kababaryo mo madadaya eh

IGY : aba.... anong kinalaman ko sa pandadaya nila? saka dito naman ako sa kaytambog nakatira ah....

BETTY : mmmm mga dalaga tama na yang pagtatalo n'yo, ke natalo kayo dahil dinaya o hindi.... wala na kayong magagawa.....

tapos na ang laban, naiuwi na ang trophy at premyo.... sabat ni Betty sa usapan ....

Maya - mayang konti ay magsi tulog na kayo, maaga tayong gigising bukas, bilin pa ni Betty sa mga ito....

Sa kabilang dako...

Sa kaharian nang mga tikbalang, nakita ni Borjo si Kabatao at Kabayuhan na nag uusap at tila gigil na gigil pa si Kabatao....

PRINSIPE BORJO : Oh anong pinag uusapan ninyo diyan? kumusta na? ano na ang nangyari? nagawa ninyo ba ang ipinagagawa ko ? sunod sunod na tanong ni Borjo sa dalawa...

KABATAO : ah!!! Bossing..... ang nagulat na sagot ni Kabatao kay Borjo

PRINSIPE BORJO : Bossing??? nagtatakang ulit nito sa salitang binigkas ni Kabatao

KABATAO : ah.... ang ibig ko hong sabihin ay Mahal na prinsipe ang nauutal na paliwanag nito

PRINSIPE BORJO : hmmm iyan ba ang tawag ng mga tao sa kanilang Pinuno?

KABATAO : opo bossing.... ah eh mahal na prinsipe

itinaas ni Borjo ang kamay upang patigilin si kabatao sa pagsaslita..

PRINSIPE BORJO : Sige, ayos na sa akin ang Bossing... yung ipinagawa ko sa inyo? nagawa n'yo ba? muli ay tanong nito....

KABATAO : patawad po Bossing pero hindi na po namin nagawang kausapin ang itinakda, hindi rin namin naibigay ang ipinabibigay mong regalo.....

sagot ni Kabatao na nakayuko at di makatingin kay borjo. sabay iniabot ang Tatlong malaking butil ng diyamante dito.

PRINSIPE BORJO : ano? eh ano ang ginawa ninyong dalawa? bakit ngayon lang kayo nakabalik?

KABAYUHAN : ay bossing binantayan namin ang itinakda, siniguro namin na ligtas siya laban sa mga itim na nilalang at balakyot... singit naman ni kabayuhan

PRINSIPE BORJO: BINANTAYAN????

Bab berikutnya