isa isang inilagay ni ka tonyo ang pitong palito sa kanyang palad at muli itong umusal ng orasyong latin.
Tonyo; Ang mga palitong ito ay simbulo ng pitong Arkanghel na gagabay sa akin sa mga oras na ito paliwanah ni ka tonyo, saka lumapit muli kay Arnie at isa isang iniipit ang palito sa pagitan ng daliri sa paa ni Arnie
Arnie; Aaaahhh!!! sigaw ni Arnie na tila nasaktan, bago ito bumagsak at nawalan ng malay.
nag aalalang gustong daluhan ni betty ang anak ngunit pinigilan sya ni tonyo.
sinubukang buhatin ni Peter si Arnie ngunit di n'ya man lang ito matinag kung kayat tumulong din si Jr. sa kasamaang palad di pa rin nila mabuhat si Arnie kung kayat nagpasyang tumulong ang ilang kalalakihan na nandoon at nag uusyoso.
sa wakas nagawa nilang buhatin si Arnie at ihiga sa kawayang upuan bagamat hirap na hirap sila, limang kalalakihan ang nagtulong tulong sa pagbuhat.
helen; bakit kaya napakabigat ni Arnie at napaka putla?!?
Essie : oo nga! at tingnan mo! parang tumaas si Arnie at ang mukha nya, nag iba? parang hindi si Arnie ang nakahiga? mukhang lalake na mestizo??? bulong din ni essie kay helen
Tonyo; alam kong nariyan ka, bumangon ka at magpakilala.utos ni ka tonyo. ngunit lumipas ang ilang saglit ngunit walang nangyari nanatiling nakapikit si Arnie
Tonyo; bumangon ka at magpakilala!!! Kung hindi'y papasuin kita! banta ni ka tonyo na unti unting inilapit ang baga ng apoy sa mata ni Arnie na nakapikit.
Arnie; biglang naupo at nagsalita ngunit iba ang tinig na nagmula sa kanya
Ako si Arnie,!!!