webnovel

chapter 11 Paglalakbay Pabalik

Nagkitakita ang tatlong grupo ng mga naghahanap kay Arnie sa isang parte ng kadawagan sa baryo sakop ng panungyan at sabay sabay silang naglakbay pabalik sa kani kanilang nayon.

laking tuwa ng lahat ng makita si Arnie na maayos ang kalagayan at wala ni isang galos sa kabila ng masukal na kadawagang kanyang tinahak.

habang naglalakad ikinwento ni Barako at Roger sa mga kasama ang nangyari.

kinilabutan ang lahat at nakarandam ng takot

Kiko : napakalaking kababalaghan ang nangyaring ito, kami man ay nahirapan dahil napakasukal ng aming dinadaanan. idagdag pa na ang sumasagot sa bawat pagtawag namin ay nanggagaling sa apat na direksyon.

pati ang aking salamin sa mata ay nagka lamat dahil sa aking pagka subsob saad ni Kiko.

ano bang sa apat na sulok?!? abay hindi lang sa apat na sulok eh.. abay nag eeko pa ang boses! parang sa malalim na lugar nagmumula ang boses! agaw na pagbibida ni Kustan kay Kiko

Roger, Barako : tama ka (kakang) kustan kami din ay ganoong ganoon ang naranasan, mabuti na laang at naalala namin ang sinabi ni ka tonyo na sa may kawayanan hanapin si Arnie, tamang tama naman at kami ay malapit na sa patay na burol,sabay na pagkukwento ni Barako at Roger

naging mabilis ang paglalakbay ng grupo, nang makaabot sa isang kubo na pag aari nila pekoy malapit sa hanggahan na naghihiwalay sa baryo ng kaytambog at kayquit minabuti nila kiko at ibang kasama na magpahinga na muna.

samantala si Roger at iba pang mga kalalakihang taga kayquit ay napagpasyahan na humiwalay na sa grupo at maglakad na pauwi sa kanilang nayon.

sila kapitang dune at mga konsehal pati si dolpo ay nagpaalam na mauuna na rin maglakad pauwi

Oh paano mga kasama, kami'y hihiwalay na ng lakad sa inyo paalam nila kapitang dune ganundin nila Roger.

Maraming salamat sa tulong ninyong lahat, hindi ko na kayo pipigilan at ng kayo'y makapagpahinga na rin,

malapit ng mag umaga kami'y dito na sa kubo muna magpapaabot ng liwanag pagpapasalamat ni kiko sa mga taong tumulong maghanap sa pamangkin.

Dolpo pakisabi na lang kila ati orya at betty na kasama na namin si Arnie at maayos na ang lagay dagdag pang bilin nito.

Dolpo : oho ka kiko, nauna na rin lumakad si ka narding kanina pa para maihatid ang balita kasabay ni ka Tonyo, aalamin daw nila kung nakabalik na si tiyo Peter at kuya isyo galing panungyan sagot ni Dolpo.

Sa kubo ni pekoy, naglaga si Pekoy ng kapeng barakong maiinom para mag painit ng sikmura, naglaga din siya ng hinog na saging na saba sa kabilang tungko ng kalan.

si Arnie ay umakyat sa kubo at nahiga sa papag.

matapos magpaalam sa mga kasama pumasok si kiko sa kubo at naupo sa baitang ng hagdan habang naghihintay na maluto ang kape at saging.

pagod na pagod din naman na naupo sila barako at mga kasama habang inaalala ang nangyari sa patay na burol.

.

.

.

.

nang maluto ang kape at saging nagsalin si pekoy ng kape para sa mga kasama, inilagay nya rin sa isang bandehadong sartin ang nilagang saging at kinuha ang asukal at kutsara sa maliit na kawayang lansena na lagayan ng mga plato at pantimpla sa pagluluto.

tinimplahan ni kiko ng asukal ang dalwang tasang kape at kumuha ng nilagang saging,dinala nya ang isang tasa ng kape at dalawang saging paakyat sa kubo upang ibigay kay Arnie, ngunit nakita nyang mahimbing na itong natutulog.

Bab berikutnya