Chapter 12. Busy
TATLONG araw nang inuulit-ulit ni Rellie ang pag-i-sketch sa hubad na lalaking nabuhusan ng pintura noong nakaraan pero nahihirapan pa rin talaga siya sa pagtapos niyon dahil hindi niya makuha-kuha ang pribadong parte nito. Sinubukan na nga niyang gayahin ang mga nakikita online, humingi na ng tips kay Kuya Arc niya, subali't nasisira lamang sa kabubura niya at sa paulit-ulit niyang pagguhit.
Nanggigigil na pinilas niya ang papel para makapagsimula ulit.
"Eh, kung takpan ko na lang kaya?"
Napailing siya. Hindi siya mag-i-improve kung dadayain niya iyon.
She called Hapi and asked her if she knew some models she could sketch or paint, but she's unreachable. Sunod na tinawagan naman niya ang kuya niya. S-in-et niya sa video call at nang sumagot ito ay napansin niya kaagad na gaya niya ay nakaharap ito sa easel stand, mukhang magpipinta pa lang. Kasi kung kasalukuyan itong nagpipinta ay hindi ito sasagot sa tawag, o kung tapos naman na, may mantsa na sana ang suot nito. Pero malinis pa.
"What is it this time?" Pero mukhang alam na nito ang sadya niya dahil panaka-naka niya itong tinatawagan ng ilang araw.
"Kuya, nahihirapan talaga ako. Ikaw na lang kaya ang gawin kong modelo?"
"I already told you to look at some of my paintings. Come here," he replied; ignoring what she said.
"Ayoko nga kasi, baka magaya ko pa ang style mo. I want to discover my own style."
"Magaganda naman na ang sketches and paintings mo tuwing may exhibits, ah?"
"I know. Pero nahihirapan talaga ako ngayon."
Saglit itong natahimik na tila nag-iisip.
"What if painting isn't really for me? Should I just pursue modeling?"
Mabilis na nangatwiran si Arc. "It takes time to learn stuffs, my impatient sister. Don't tell me, just because of one failure, you're going to give up already?"
Hindi naman...
"Dati ka namang nakapag-sketch na ng hubad na lalaki, ilang beses pa nga. You even painted some. Kaya bakit nahihirapan ka ngayon?"
"Hindi ko nga rin alam. It's frustrating the hell out of me."
"Are you going through something?" his tone of voice had changed. Sumeryoso ito.
"Going through something? Like what?"
"May bagsak ka bang subject?"
"Ha? Wala. Palakol ang grades ko pero wala akong bagsak."
"Kung ganoon, bakit parang lagi kang may iniisip ngayon?"
Parang tuksong bumalik naman sa kaniya ang itsura ni Atty. Sinned Hipolito.
"Are you brokenhearted?"
"Me? Brokenhearted?" That was ridiculous.
Naningkit ang mga mata nitong tinitigan siya sa screen. "Is it that Ash you're thinking of the other day?"
"Ano namang kinalaman ni Attorney rito?"
"Attorney?" Mas naningkit ang mga mata nito. "You met a lawyer? Why? Did something happen?"
"Anong attorney? Wala. Sige na, try ko na lang ulit mag-pinta na nang diretso."
"Wait, why don't you try to get that heartless shit as your model?"
"Are we back at it?"
"Try it. Sometimes, I'm like that. Kapag hindi ko napinta ang gusto kong ipinta, hindi ako makagawa ng iba," he shared his experience.
"Talaga ba?"
"Yes. If that happens, I'm worthless since I'd do nothing. I could picture what I wanted to do but I couldn't paint it."
"Ganyan nga! That's exactly what's happening to me."
"That is why you should listen to me. Go and get your subject. Just pay handsomely."
And, here she was, riding a cab heading to the law firm where Sinned was working. Hinanap niya talaga iyon at nalaman ang eksaktong lokasyon. Ngayon ay may bitbit pa siyang sansrival cake na ibibigay sa lalaki.
Pagkapasok ay bumungad sa kaniya ang receiving area, mayroong isang lalaki ang nandoon.
"Good afternoon," mahinang bati niya.
The man greeted her back. "I'm Atty. Velizario, how can I help you?"
"Si Sinned?"
"Sinned?" takang-tanong nito.
Napakurap-kurap siya at inulit ang tanong. "Is Atty. Hipolito here?"
"He just went out. He has an appointment with a client."
Napatango na lang siya at iniwan ang dalang paper bag na may cake dito.
Tinanong pa muna nito kung anong sadya niya, pati ang kaniyang pangalan; pero sinabi na lang niyang babalik siya kinabukasan.
The following day—she's carrying eight cups of coffee, four on each carton cup holder—she went back to the law firm. Kamalas-malasan ay wala ulit ang sadya niya. Ganoon din noong ikatlong araw. Bago makaalis ay pinigilan siya ni Atty. Velizario.
"Don't you have his calling card?"
"I threw it," mabilis na sagot niya at kaagad na natahimik; napanguso at bahagyang yumuko.
"You threw it?" he amusingly repeated.
"Sige, sa inyo na lang itong blueberry cheesecake. I'll just go back tomorrow."
"I'll give you his contact number instead. Here." He grabbed a pen on his table and wrote on a small piece of memo pad. Smiling so widely, she got it and uttered a thank you.
Nang nag-aabang na ng cab ay napansin niya may humintong sasakyan sa tapat ng gusali. Umibis sa Cadillac ang pamilyar na babae sa kanya.
"Candace Ferrer?"
Awtomatikong napalingon siya sa driver's seat at hindi nagkamali nang mamataan si Sinned na nagmamaneho roon. Napansin niyang naunang pumasok si Candace habang si Sinned ay dumiretso sa parking lot kaya patakbo niyang tinungo iyon. Hindi naman siya nahirapang hanapin amg sasakyan dahil nag-park ang lalaki sa espasyo na para lamang sa mga empleyado.
"Damn these heels!" Napamura siya dahil ang sakit na ng mga paa niya sa pagtakbo na naka-high heels. She's wearing a pleated skirt and a spaghetti-strapped blouse. Naka-tuck in sa palda niya—her usual getup. She let her hair loose since she curled the ends.
Pero nang makalapit ay napansin niyang nakaalis na pala ang lalaki. Hinihingal na napasandal siya sa hood niyon, bahagyang umupo para makapagpahinga. Then, she thought of dialing the contact number Atty. Velizario gave her.
Ilang segundo lamang ay sumagot na ito, pormal na bumati saka nagpakilala.
Napalunok pa siya bago sumagot. "H-hi..."
"Who's this?"
"This is Rellie Prietto. I want to talk to you. Nandito ako sa parking, hinahabol kasi kita pero hindi na kita naabutan."
"Rellie?" his baritone.
"Iyong sa... b-banyo," in her low tone.
Sandaling katahimikan bago ito sumagot, "Why are you here?"
"Can you go here instead?"
"Where?" walang emosyong tanong nito.
"Sa parking nga. Nasa tapat ako ng sasakyan mo."
"That is not my car."
"Oh! Candace Ferrer's car, then."
"What are you doing here?"
"Pwede bang bumaba ka na muna?" sa second floor ang law firm. "Mainit kasi. Para sa coffee shop na lang sana tayo mag-usap."
"I'm busy."
Pinatayan siya nito ng tawag. Napasimangot siya saka sinubukang tawagan ulit ang lalaki subali't hindi na ito sumagot.