Chapter 28. Bahay
SMILING widely, Timo could still picture Jinny's flustered face when he kissed her lightly. He wanted to deepen the kiss but Luella was there, and her mom was there as well, he didn't want her family to think that he's just after her physically. No, he wanted more than that. He wanted more of Jinny.
Kaya nga ba mula nang magkalapit sila ay ginawa niya ang lahat para maipabatid dito ang kaniyang damdamin. He decided to not think about the past and just focus in the present and their future. Niligawan niya ito nang husto, ang lahat ng hindi niya nagawa noon ay siniguro niyang ginawa niya ngayon. At higit pa ang nais niya para sa kanila ng babae.
Who cared if they'd not have the label yet? So long as they could show and tell, and feel their true feelings towards each other.
Kahit hindi na kita maging girlfriend, kung gusto mo, asawa na kaagad, Aniya sa isipan na animo'y kaharap at kausap niya si Jinny.
He's actually having a massive hard on and was still calming himself that's why he's still not driving. Sa simpleng dampi ng labi niya sa malambot at mapang-akit nitong labi ay ganoon na ang dulot nito sa kaniya, lalo na sa tuwing naghahalikan sila sa ibang lugar. He's just controlling himself not to claim her. Kahit kasi sabihing hindi na niya iintindihin ang nakaraan ay bumabalik-balik pa rin sa kaniyang diwa ang pag-angkin niya rito noon. At hindi maipaliwanag na guilt ang humahalo sa pakiramdam niya sa tuwing naaalala iyon. Kaya pinangako niya sa sariling hindi iyon mauulit hangga't hindi niya napapalitan ang apelyido ni Jinny. And that's exactly his intention when he started courting her—to marry her.
Sa loob ng isang taon, kahit abala siya ay palagi siyang naglalaan ng oras para sa mag-ina. People were already speculating that they had a thing, or he's Luella's biological father, and there's many more, but they kept on being silent about it. Privacy, 'ika nga. Hindi por que parehas silang kilala ay kailangang alam ng lahat pati ang personal nilang pamumuhay. Tao lang din naman sila gaya ng lahat.
Nang maisip ang tungkol sa sinabi ni Jinny kanina na mai-interview ang mga ito sa TBS ay mabilis niya nang nakalimutan ang paninikip ng pantalon. He dialed Rexton's phone number right away but he wasn't the one who answered.
"Who's this?"
Nanliit ang mga mata niya. That voice was familiar. Afterall, he always listened to their songs.
"Hello?"
He ended the call. Why was the vocalist of Sunshine with Rexton dela Costa? Napailing siya nang maalala bigla na may misyong ibibigay sa ilang mga sleeper ng Phoenix, iyon ay ang magmanman sa sindikatong nandukot ng ilang kababaihan para ihasa na magbigay ng aliw sa mga kliyente.
Minura niya si Rexton sa isipan. He thought the latter had been feeling something special for his childhood friend but why was he letting her do dangerous jobs? Kung kay Jinny niya gagawin iyon ay baka siya pa mismo ang pumatay sa sarili niya. Hindi niya magagawa iyon sa babaeng pinakamamahal. He'd do everything for her and her family to be safe.
Nang nagmamaneho na siya ay tumunog ulit ang kaniyang cellphone. Rexton was calling him back.
"Damn, pinakelaman ni Bree ang cellphone ko. Bakit ka napatawag?"
"Are you seriously going to send her on that mission?" he asked that one instead of asking him about Sunshine's interview.
"What mission?" takang-tanong nito.
"Tss..." Nag-overtake siya sa unahang sasakyan at nagpatuloy sa pagsasalita. "Why is Sunshine having an interview with TBS?"
"Oh, my Jinny already told you that, huh? Kanina lang napag-usapan iyan, ah. Naks, mukhang wala kayong tinatagong sikreto sa isa't isa. Ay, siya lang pala. Ikaw ang masikreto."
"Gago," mura niya rito, pero hindi dahil sa mga sinabi nito. "I told you to stop calling her that. Jinny is mine."
"Ows? Ni wala nga kayong label, eh. Nasabi kaya ni Teban sa 'kin na panay halik mo sa kaniya pero wala pa ring kayo."
"How the fuck would he know we kissed?"
Humalakhak ito. "The girls pushed her to say that."
Napailing siya. Biniro siguro tungkol sa sex life ni Jinny. Ganoon naman magbiruan ang magkakaibigan minsan, hindi ba?
"Anyway, I only want to show the public that I'm not biased with your station. Magkakaroon ng exclusive interview ang Sunshine sa iba pang mga stations sa susunod na pagkakataon."
But he wasn't buying that.
"And don't forget about tomorrow, we're going to have a briefing."
It's about the new mission. They learnt that Phantom Syndicate wasn't working alone. May humahawak na malaking organisasyon dito. At nalaman ding isang pharmaceutical company na may tatlong branch sa buong bansa ang nagsisilbing kuta ng sindikato. That's where they were producing illegal drugs and aphrodisiacs. They also obtained information about some of the people that were reported missing—they're at that pharmaceutical company, in a secret laboratory and they're being like test monkeys.
Pero hindi siya ang hahawak sa misyong iyon. Iniiwasan na niyang magtrabaho muna sa Phoenix Agency para hindi na siya pagdudahang muli sa AIA.
Nang matapos ang tawag ay nag-ring ulit ang cellphone niya. Nasa parking lot na siya ng VBS building at nanatili sa loob ng sasakyan. Si Jinny ang tumawag.
"Ang tagal namang busy ng linya mo? Sinong kausap mo?" bungad nito. Ayaw niyang isiping nagseselos ito pero parang ganoon ang nahimigan niya sa tinig nito.
"It's about work. I miss you already."
Hindi kaagad ito tumugon kaya parang nakinita niyang namula ang pisngi nito.
"Bakit ka pala napatawag? Did you miss me already, too?"
"Oo," walang kiyemeng sagot nito na nagpatigil naman sa kaniya. Napakurap-kurap siya dahil hindi palaging sumasagot si Jinny sa tuwing nilalambing niya. "'Tsaka itatanong ko sana kung may gagawin ka ba mamaya pagkatapos riyan?"
Wala siyang gagawin, pero hindi kaagad siya nakasagot.
"Meron?" she sounded a bit disappointed. "Sige, s-sa susunod na lang."
"Ha? Wala. Wala akong gagawin," mabilis na agap niya dahil tunog ibababa na nito ang tawag.
"Sigurado ka?"
"Yes," napapaos ang kaniyang tinig. Baka pwedeng magmaneho na siya pabalik sa tirahan nito? Damn, he missed her already.
"Sunduin mo ako. N-nagpaalam ako kay nanay, sabi ko sandali lang naman tayo."
"Baby?"
"Hihintayin kita, ah? I miss you!"
Bago pa siya makahuma ay tinapos na nito ang tawag. He tried calling her back but she's rejecting his call. Tuloy ay nang nagbabalita na siya ay ilang beses siyang nabulol, na hindi nangyayari palagi.
"BAKIT ka naman makikipagkita kay Timo, aba'y gabi na?" tanong kay Jinny ng nanay niya nang magpaalam siya rito na kakain lang sila saglit sa labas ni Timo.
Ramdam niyang hindi pabor ang nanay niya sa pagiging malapit nila ng lalaki subalit hindi naman nito itinataboy ang huli sa tuwing bumibisita sa kanila. She had a hunch that her mom liked him as a person, but not as her man. Marahil ay nag-aalala ito sa kaniya na baka sa huli ay masaktan siya. Pero handa siyang sumugal sa nararamdaman niya kay Timo.
"Kung ako sa iyo, 'nak, si Luella lang ang pagtutuunan ko ng pansin."
She told that to herself. Countless times. She looked straight to her mom's eyes while they're sitting on the sofa, watching the evening news. "Pero, 'Nay, gusto ko talaga siya..." amin niya at bumaling sa telebisyon. Nautal na naman si Timo habang nagbabalita.
Natawa siya't pagkuwa'y bahagyang na-guilty, mukhang nabigla nga niya ito kanina. She didn't usually do the first move, that's why she's certain that a lot of things were running on his head now. Baka mamaya iniisip pala nitong patitigilin na niya itong manligaw.
"Hindi naman siguro. I clearly told him I miss him already..."
"May sinasabi ka?"
She blinked her eyes. She didn't realise she said those words aloud. "Seryoso ho ako, 'Nay. Ilang beses ko nang pinigilan ang nararamdaman ko sa kaniya ilang beses kong diniktahan ang sarili ko na hindi dapat ako magpaligaw lalo na't may anak na ako. Pero, ano'ng magagawa ko? Hindi ko talaga madiktahan, 'Nay, eh."
She only heard her mom sighed.
She snaked her arms on her mom's waist and put her head on her shoulders. Naglalambing.
"Basta huwag kang magpadalos-dalos, ah? Isipin mo ang nangyari sa iyo noong disiotso ka pa lang," paalala nito.
Parang may bumara sa kaniyang lalamunan. When she went back to the province, carrying Luella and a small travelling bag, her mom never asked about what happened to her. Hanggang ngayon ay hindi nito alam ang tunay na nangyari. And she never bothered to open up about that situation because just thinking about the past was making her heart clenched excruciatingly.
Her mom concluded she conceived Luella and she kept it a secret while she's in Manila and went back home few months after giving birth.
"Huwag mong kalilimutang minsan nang masira ang buhay mo dahil nabulag ka sa pag-ibig. Magsilbing aral na sana iyon sa iyo."
Nangilid ang mga luha sa kaniyang mata hindi dahil sa sinabi nito, kundi dahil nagbalik ang alaala sa kaniyang isipan. She bit his lips hard to stop herself from sobbing.
"M-maliligo na ho ako," palusot niya't tumayo na kahit hindi pa tapos ang balita.
Kasabay nang paglagaslas ng tubig mula sa shower ay ang pagbuhos ng kaniyang mga luha dahil pagdaloy ng mga alaala.
Kaagad din niyang pinatahan at kinalma ang sarili dahil ayaw niyang namumugto ang mga mata kapag nagkita sila ni Timo.
Bandang alas nueve na nang tumawag ito at sinabing nasa parking space na ng subdivision. Sinabi niya kaagad na huwag na itong pumanhik at siya na ang bababa. Hinagkan niya ang noo ni Luella na natutulog sa kama, sa tabi ng kaniyang inay at nagmano naman siya sa mga magulang niya para magpaalam na rin.
"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na iyan?"
Gusto niyang pumayag sa gustong ipahiwatig ng kaniyang ama pero nang sabihin ng ina niya na hayaan na siya dahil abala siya bukas ay pumayag din ito.
"Mag-iingat kayo," habilin ng kaniyang itay.
Pagkababa niya ay saktong papasok na si Timo sa gusali. Mukhang hindi ito nakatiis na maghintay lamang sa labas.
"Hindi ba't sinabi kong hintayin mo na lang ako?"
Hindi ito umimik, mukhang malalim ang iniisip.
"Tara na?"
Tumango ito at pumunta na sila sa parking space.
"Mag-take out na lang tayo ng pagkain?" She wanted to go to his place because she never did before. Wala siyang motibong makamundong bagay, gusto lang niya na mag-usap sila ng tahimik, iyong walang makakakilala sa kanila at may privacy.
"What's that again?" tanong nito nang paandarin na ang makina ng sasakyan.
Nadismaya siya sapagka't tila wala sa kaniya ang atensyon nito. Ang akala pa naman niya kanina ay ookupahin niya ang isipan nito matapos magbigay ng motibo.
She bit her lower lip. "Guess you're tired—" She removed her seatbelt. "—sa susunod na lang tayo lumabas. Magpahinga ka muna."
Doon ito natauhan. "I'm sorry, something just came up."
What was that something?
She wanted to ask, but she didn't. Instead, she said, "I want to go to your house. C-can I?" Dang. Kahit sabihing wala siyang motibo ay parang ganoon ang dating lalo pa't malalim na ang gabi.
Bumaling ito sa kaniya. "My house?"
"O p-pwede namang dito na lang tayo mag-usap. W-wala namang tao rito..."
Umiling ito at mataman siyang tinitigan. "Let's go to my house."
She watched him licked his lower lip as his face reddened.
"I'll cook for you—"
"Don't think about something funny! Mag-uusap lang tayo!" depensa niya na nagpamaang dito.
"I wasn't thinking of that—" Tumikhim ito at umamin din. "I did. Just a bit. But I know you're not that kind of woman. So I immediately shove that thought away and decided to just cook for you."
"Ah... o-oo nga." Napayuko siya sa kahihiyan. Ang dating kasi ay siya ang pinaka-nag-isip sa bagay na iyon.
Napatuwid siya nang upo't napasandal sa upuan nang lumapit ito sa kaniya para ayusin ang seatbelt.
"Ako na," agap niya pero hindi ito natinag.
He smirked and reclined the chair that made her shrieked.
"You're so adorable, Jinny. Now, I want my kiss."
She blinked her eyes as he gave her a deep but a quick peck on her lips. It's so sudden that she didn't even manage to kiss him back.
Pagkuwa'y inayos na nito ang upuan at umayos na rin ito ng upo, pati ang seatbelt at nagsimula nang magmaneho.
"Why didn't you let me kiss you?"
He grunted, as if he's not planning on bringing that up. "We're going to my house, Jinny. If I kissed you deeper than that, I don't know... I might not stop wanting for more..."
Siya ang nahiya sa dire-diretsong pag-amin nito.
"Ayos lang ba sa iyong sa bahay mo tayo pupunta? Sorry, wala na kasi akong ibang maisip na pribadong lugar para sa 'tin."
"I've been dying to bring you to my house, but I don't want you to think I have a motive for bringing you there."
She bit her lips again. Oo nga naman, lalo pa't wala naman silang malinaw na relasyon.
Binagalan nito ang pagpapatakbo sa sasakyan na ipinagtaka niya. Timo loved to drive fast. Lalo na kung ganoong maluwag ang trapiko.
"Are you alright?" tanong niya. Something was really off.
He glanced at her and frowned when their eyes met. Saktong nasilaw pa siya sa liwanag mula sa ilaw sa labas.
Ibinalik nito ang tingin sa daan at sumulyap ulit sa kaniya.
"Did you cry?" nag-aalalang tanong nito.
Napaiwas tuloy siya ng tingin. "N-napuwing lang ako."
"What happened?"
"Wala nga. Nalagyan lang ng shampoo kaninang naligo ako."
"Kaninang naligo ka—oh, shit!" He accidentally stepped on the gas which made them sped a bit. Mabilis din naman itong nakahuma.
"Ayos ka lang ba talaga? Mukhang wala ka talaga sa sarili mo. Maski kanina sa news, nautal ka nang ilang beses. Trending ka na nga sa social media ngayon."
Umiling ito para iparating na ayos lang ito. But she could feel he was not. There was more than those secretive eyes of him.
MULA nang matapos ang evening news ay hindi mapakali si Timo at gusto nang liparin ang istasyon papunta sa lugar kung saan nakatira si Jinny. Naaatat na siyang makita ito kaya hindi na siya nakapagpaalam ng maayos sa mga kasamahan niya't lakad-takbong tinungo ang basement parking area.
Nangunot ang noo niya nang may mapansing nakaipit sa windshield ng sasakyan niya—na siyang sasakyang ibinili niya para sana kay Jinny noon—at inakala niyang baka promo lang iyon sa mga fast-food, o car wash. Kadalasan kasi ay ganoon.
Pero nang makitang pamilyar iyon ay natuod siya sa kinatatayuan. Unti-unti ay nanlata siya sa mga alaalang bumuhos sa kaniyang isipan.
Kaya hanggang sa magkita sila ni Jinny ay tila wala siya sa sarili. Mabuti na lang at naging sapat nang kasama niya ang huli upang kahit paano'y mabaling ang kaniyang atensyon at malimutan ang bagay na nagpaalala sa kahinaan niya't gumaan na ang pakiramdam niya nang magmaneho siya patungo sa kaniyang bahay.
Hey, there! What do you think was that piece of paper all about? Ano'ng nandoon?
Brace yourselves for the next update—Chapter 29: “Murdered”.