webnovel

Letters

Chapter 20. Letters

     

     

"LET'S talk inside your place?"

Kanon was taken aback because of what Dice had suggested. She was about to ask if should they eat outside just as what they planned tho, but, it was too late. He already parked the car and was now opening the shotgun door for her to go out.

"Kung kumain na lang kaya tayo sa labas?" she tried to ask.

Ngumisi ito at umiling. "We're already here. Magpa-deliver na lang tayo habang nagkukwentuhan."

Bago pa makaapuhap ng salita ay ginagap nito ang kanang palad niya at bahagya siyang hinila, senyales na sabay na silang maglalakad papasok ng unit.

Nauuna ito ng bahagya sa paglalakad at kitang-kita niya ang malapad nitong likod. Gumaan na ang dating nito kaysa kanina na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nang nasa elevator na sila ay hindi pa rin niya maalis ang pagtitig dito. Kung hindi nga nito hindi nga nito gagap ang kamay niya ay baka kanina pa siya natisod dahil wala ang atensyon sa nilalakaran. Sa katititig dito ay napagtanto niyang hindi na ito ang bata o ang binatilyong Daisuke na kilala niya. Malaki na ang ipinagbago nito, gaya ng pag-mature ng features nito—from boyish to manly. Pati na rin ang pagtangkad nito nang husto, at ang pagkakaroon ng mga peklat sa makinis nitong balat. Hindi niya natatandaang kahit kaunting galos ay mayroon ito noon.

Now, she wondered where did he get those scars from.

"Baka matunaw ako niyan," buro nito. Gumanda na nga talaga ang mood nito.

"I was just wondering where did you get those scars," hindi napigilang bulalas niya sabay baling sa kaliwang braso nitong may mga malalalim na peklat.

"Nothing. Na-disgrasya lang ako noong bata ako. Maloko kasi ako, alam mo iyan."

"But I don't remember seeing those before," nakangusong untag niya.

"Because you weren't really attentive about me. Ni hindi mo nga alam na matagal na kitang crush noon."

"I know," she said in her low tone. "Inamin mo, hindi ba?"

"Kung hindi ko inamin?"

She looked at her side to avoid his gazes. Hindi nga niya malalaman, at baka pa nga manatili lang ito bilang kaklase niya, hindi kaibigan o batang lalaking may crush sa kanya.

"See? You wouldn't even notice me if I didn't make my way to you."

"Nakakainis ka kasi noon. Madalas mo akong inaasar."

"That was one of my ways to—"

Tumunog ang elevator, tanda na nasa tamang palapag na sila. "Nandito na tayo. Tara."

"So, do you remember those love letters you received from Hugo back in sixth grade?" Tagalang ipinagpatuloy nito ang usapan nang naglalakad na sila papuntang unit niya.

"Hugo?" Saglit siyang nag-isip. "Sino na nga iyon?"

"Huwag mo nang isipin. Basta iyong mga love letter na natanggap mo. Iyong laging may Baby's Breath?"

Para namang code ang bulaklak dahil naalala niya bigla. "Ah, those letters." She remembered those love letters. The envelope was sealed using clear wax stamp, and there were some Baby's Breath petals under the wax stamps. She even searched about those flowers before that's why she knew that Baby's Breath was used to symbolize and express everlasting love and purity. Tumatak iyon sa kanya hanggang sa hindi niya namalayang naging paboritong bulaklak na niya iyon.

At sa rami nang natanggap niyang mga liham noon, ang mga iyon ang pinaka-paborito niya dahil naramdaman niyang pinagbuhusan talaga ng oras at effort ang pagkakagawa.

"Wait, why are you bringing up those letters?"

He only smirked. "Nandito na tayo."

Nagtaka siya kung bakit alam nito ang eksaktong unit niya, pero dahil okupado ang isipan niya sa mga liham ay hindi na niya natanong iyon.

She opened the door using her key.

"Bakit nga ba nabanggit mo iyong mga love letters na iyon?"

"Pumasok muna tayo?"

Tumango siya. Nauna siyang pumasok, hinanda ang spare slippers para rito pero hindi rin nagkasya rito nang subukan nitong isuot.

"Ang laki kasi ng paa mo. Suotin mo na lang ulit ang sapatos mo," aniya.

"Hindi na."

Wala itong sapin sa paa nang pumasok na sa unit niya. It was a one-story unit with pastel pink and white interior design and paint. Ang mga gamit niya ay puro may shade ng pink o puti. Ang sofa, at ang iba pa. Puti ang dingding, pink ang kitchen counter. Ganoong kombinasyon din ng mga kulay at mga kagamitan din ang makikita sa loob ng kanyang silid, pati sa banyo. Maging sa maliit na silid kung saan siya nagsu-shoot ng makeup tutorial vlogs o products reviews ay ganoon din ang interior.

Parang out of place tuloy ang mala-Adonis na presensya ni Dice doon.

Tabingi siyang ngumiti, bigla ay nakaramdam ng hiya na baka hindi nito nagustuhan ang ambience ng tirahan niya. "Hindi naman puro pink, 'no? Pangit ba?"

He shrugged. "What's wrong with pink? It's pleasing in the eyes but you are more pleasing in my eyes."

Laglag ang panga niya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay siya ulit ang Grade six na si Kanon na pinag-alayan ng tula ng Grade six na si Dice sa sinabi nito.

"Why so silent?"

Tumawa siya ng bahagya. "Naalala ko lang nang tumula ka sa harap ko noong bata pa tayo."

Suminghap ito at napakurap-kurap. Kaagad na pinamulahan ng mukha, pati tainga. "Can I have some glass of water?"

"Are you that embarrassed about it?" Bahagyang nadismaya siya dahil parang ikinahihiya nito ang bagay na iyon, dahil para sa kanya, isa iyon sa mga pinakamagandang bagay na nangyari sa kanila.

Tumalikod siya para ikuha ito ng maiinom sa kusina. Hindi na siya nagulat nang sundan siya nito.

"Here's your water." Binigay niya rito ang isang basong malamig na tubig. "Ano palang gusto mong kainin? Magpa-deliver na tayo."

"I wasn't embarrassed because I did that. I just remembered when our classmates made a bet between us. Dahil kasi sa tula na iyon, nag-transfer ka ng iskul."

"What?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "It wasn't because of that poem. It was because of you—I mean, because we were both young..." So naive and pure.

Natahimik ito. Hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Alright. I admit it was because of you. And I think you're right. Because of that poem, we drifted apart. Pero ayos lang naman iyon. Mga bata pa kaya tayo noon," pagpapagaan niya sa usapan.

"I'm glad that was all in the past, Kan. You're right, we should look forward and be more focused into our future."

"That's what I've been saying. Maupo nga muna tayo." Kanina pa kasi sila nakatayo sa tapat ng fridge.

Imbes na maupo sila sa mga upuan ay c-in-orner siya ni Dice kaya sa ibabaw ng mesa siya napaupo habang si Dice ay nakatukod ang mga kamay sa mesa, tila ikinulong siya nito.

"W-wait, aren't we going too fast?"

"Why?" Namumungay ang mga matang nang magtanong ito.

"We aren't in a relationship. Liligawan mo pa lang ako—"

"Sinong maysabing liligawan kita?"

Napamaang siya't nawalan ng sasabihin.

"At ano bang gagawin natin ngayon?"

She blinked twice because he sounded a bit naughty. Wasn't he going to kiss her?

"I just wanted to ask if did you keep those letters?" nakangisi nitong hayag sa patanong na tono.

"Huh? What letters?"

Pinitik nito ang noo niya. "You're distracted again."

Napabusangot siya habang hinihilot ang noo. "I am not and I didn't keep any of those. Tinapon na lahat ni mama noon pa. Pinagalitan ako kasi akala niya boyfriend ko iyong madalas magbigay ng sulat sa akin noon." Matapos niyang mapagalitan noon ay kinausap siya ng masinsinan patungkol sa pagliligawan, kaya nga ba itinatak niya sa isip niya amg pangaral ng mama niya na pagtuntong ng edad labingwalo siya dapat na magpaligaw.

Ngumuso naman ito, mukhang naiisip kung paano pagalitan ang batang Kanon.

"So, those were from you?" balik niya sa usapan, baka saan pa mapunta.

"Yes."

"Sayang, kung alam ko lang—"

"Kung alam mo lang, ano?"

"Patapusin mo muna kasi akong magsalita."

"So?"

"Actually... wala naman akong sasabihin talaga. I just blurted out 'kung alam ko lang...'" amin niya.

Napailing naman ito.

"Speaking of letters, I wrote one for you when we were in high school."

He scowled. "Huh? I didn't receive it."

"Dahil hindi ko na naibigay."

"Where's it now?"

"T-tinapon ko na."

"Bakit naman?"

"Akala ko kasi hindi na tayo nagkikita pa."

He just sighed and sat on the chair. She was about to go down when he stopped her. "Diyan ka lang." Inisod nito ang upuan malapit sa kanya.

"Sa upuan na lang din ako uupo."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "What was that letter all about. I want us to talk about it."

Until when were they going to talk? May bukas pa naman...

Bab berikutnya