webnovel

Leave

Chapter 2. Leave

    

    

"ANO ang gagawin mo roon? Ang laki naman ng bahay ninyo, okay na rin naman ang unit mo kahit studio-type, kaya pwede ka namang mag-stay roon kaysa gumastos pa ng malaki."

Nagkibit-balikat lang si Lexin sa tinanong ng katrabaho niyang si Dra. Paige Villaraigosa, isang anesthesiologist—doctor who gives patients medication so they do not feel pain when they are undergoing surgery—sa Romualdez Medical Center, kung saan siya nagtatrabaho bilang isang Physician. Most people could not believe that she's a Pharmacist and a Physician as well. Siya rin nama'y ganoon. Na hindi niya inakalang maitatawid niya ang dalawang iyon. Kung minsa'y nagca-clash ang utak niya sa mga bagay-bagay. But that's alright. Sanay naman na siya. Lalo na sa mundong ginagalawan niya.

"Bakit ka pa gagastos ng libo-libo para lang mag-check in sa isang hotel ngayong naka-leave ka? Bakit hindi ka na lang mag-travel sa ibang bansa? O sa ibang lugar sa Pilipinas?" suhestisyon pa ng huli.

"Wala lang. Trip."

"Kakaiba talaga ang hilig mo."

"Aalis na ako, dadaan pa akong VPC," paalam niya. Tinutukoy niya ang Villarama Pharmaceutical Company kung saan naman siya nagtatrabaho bilang isang Pharmacist. Hindi naman araw-araw ang pasok niya sa dalawang trabaho, salitan sa isang linggo. Lunes hanggang Miyerkules ng gabi siyang pumapasok sa VPC habang Huwebes, Biyernes at Linggo naman ng umaga sa RMC. Isa lang ang day off niya, Sabado.

"Sobrang hardworking natin, ah, daig mo pa ako na de-pamilyang babae."

Ngumisi lang siya rito. Matanda lang ng tatlong taon si Paige sa kaniya at may isang anak na rin.

"Gusto mong ipakilala kita kay Jed? He's my friend, and totally single... and hot."

"Nah, I don't have time for that."

"But I heard you're asking someone to go on a date just a couple of weeks ago. Hindi mo naman kailangan iyon," katwiran nito.

"Hindi ko kailangan ng date?"

"You don't have to ask. Ang daming nanliligaw sa iyo, dito nga lang sa ospital, ilang doktor at mga pasyente na ba ang mga tinanggihan mo? Even some of our resident doctors are head over heels sa iyo."

Hindi siya sumagot.

"May isa ka pa ngang pasyente na binigyan ka ng Lamborghini."

Na hindi niya tinanggap. No matter how she liked sleek and sexy cars, she just couldn't accept that one. Bawal iyon. Besides, she already had one of the limited series of Lamborghini, so she didn't really need another Lambo to fill in her personal indoor garage. Kung minsan nga'y natatawa ang iba sa kaniya. Paano ay higit na mas malaki at malawak ang garahe niya kumpara sa studio-type condominium na tinutuluyan niya. But that'd change soon, she bought another three units and her condo would be under renovation. She wanted a bigger place, and a own emergency room or mini-clinic.

Pumalatak si Paige na nagpabalik sa atensyon niya rito. "Kung ayaw mo sa kanila, may isa pa akong pinsan—"

"Makaalis na nga. Alam ko na ang mga susunod mong sasabihin, ipakikilala mo ako sa pinsan ng asawa mo, at sa kung sino pang pinsan ng kung sino-sino," sansala niya sa sasabihin nito.

Naiiling na sumuko ito. "Mag-enjoy ka na nga lang sa hotelcation mo." Pinaghalo nito ang mga katatagang hotel at vacation.

"I will. Bye!"

Hindi pa naman ora mismo ang pagche-check in niya. She'd stay in her unit for three days first, would check the other units she bought for the extension of her place, and would spend the remaining four days of her leave at the hotel suite that she's planning to book tomorrow. Or maybe, she would stay there until the renovation of her place would be done. Magpapagawa rin siya ng sariling elevator na magko-konekta sa indoor garage niya sa gusali. That's what she liked with the Nievieras' Condominiums, anyone could renovate their units as long as they'd pay for the right price. Mayroon din namang building na hindi pwedeng i-renovate ang mga units, at may dalawang unit siya roon kung saan pinapaupa niya. Extra income na rin.

Maging ang pamilya niya ay nagugulat kung saan niya kinukuha ang mga perang pinaggagastos sa mga luho o kung ano pa. Naalala niya tuloy ang usapan nila noong nakaraang umuwi siya para mag-dinner sa bahay.

"You're giving me monthly allowances, Dad," katwiran niya nang buksan ang usapin tungkol sa binabalak na pagpapa-renovate sa kaniyang unit. Kasalukuyang nasa en grandeng hapag-kainan sila at kumakain na ng hapunan. Nakaupo siya katabi ang mommy niya, amg daddy niya at nasa gitnang upuan, kung nasaan nakapwesto ang padre de pamilya, at ang nakababatang pinsan ay nasa tapat niya.

"Sabagay," ang Mommy niya iyon.

"And I have two jobs, remember? May pinauupahan din akong condo units."

Her Dad nodded.

Her cousin, JD, chuckled a bit. Nakabakasyon ito pero magiging abala ulit sa mga susunod na buwan. Isa kasi itong miyembro ng talaga namang sikat na idol group sa loob at labas ng bansa.

"Why did you suddenly want to renovate your unit? Why don't you just go back home?" tanong nito.

Nag-angat siya ng tingin. She also noticed her mom's hopeful look before she stared at JD.

"My dear cousin, I won't be living independently if I go back here, then."

"That's fine," ang kaniyang mommy. Nanatiling tahimik ang daddy niya.

"But what if I get married? Mahihirapan ako, hindi ba?"

"Is that why you're renovating your place?" her dad.

"Po?"

Ngumisi lalo si JD.

"Magpapakasal ka na? Bakit hindi mo pa pinakikilala sa amin ang mapapangasawa mo? I didn't even know you have a boyfriend." May himig ng pagtatampo sa tinig ng kaniyang ina.

"W-wala pa naman, 'My." Bakit ba siya nautal? Tunog nagsinungaling tuloy siya.

"Who's that Sandoval, then?"

Napakurap-kurap siya sa binanggit ni JD. "Sandoval, who?"

"Exactly my question, Lex. You've been uttering that surname in your sleep a while ago." Halata ang panunukso sa boses ng kaniyang pinsan. Sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang tinutukoy nito ay nang makaidlip siya sa sala habang hinihintay ang pag-uwi ng kaniyang mga magulang.

Makakaganti rin ako sa iyo minsan, Aniya sa isip. Parati siyang hina-hot seat ni JD sa mga ganoong usapin sa tuwing magkakasama sila. Akala tuloy ng mga magulang niya ay paiba-iba siya ng nakakasama—which was true. But she would never tell her parents about that.

"Lexi?" her mom. She always called her by her first name, 'Lexi', instead of 'Lexin'.

She licked her lips. "Wala akong boyfriend, Mommy."

"Make sure you'll get married with the right man, Lexin," madiin na saad naman ng ama niya.

Ngumuso siya. Mukhang iniisip nito na gaya noong college siya, ay mga flings lang ang pinaka-label niya sa mga lalaking nakasama. Hindi siya pwedeng mahuli ngayon. Matanda na siya't mas marunong nang magtago.

"Opo, Dad."

Sinamaan niya ulit ng tingin si JD, tumawa lang ito ng malakas. Imposible naman kasing kilala ng pinsan niyang ito ang Sandoval na iyon, wala naman siyang nababanggit dito noong nakaraan.

Maybe, she had a dream about him. Again. And she just hoped it wasn't one of those wet dreams she always had before.

Nagpatuloy sila sa ibang usapin matapos niyon. At na-focus sa plano ng kaniyang pinsan sa mga susunod na araw.

Bab berikutnya