Chapter 36. Real
MARAMING dugo na ang nawala kay Jasel ngunit patuloy pa rin siya sa pagdiin sa kanyang dibdib. Ilang sandali na rin ang nakalipas mula nang umalis ang minamanehong sasakyan ng mga taong bumangga sa kanya. Isang babae naman ang lumapit sa kaniya at padarag siyang inilabas sa sasakyan. The woman robbed her and took all of her jewelries and accessories on her body before she went inside the cab and started rummaging inside. Pakiramdam niya ay ninanakaw nito ang kita ng driver ng sasakyan.
Mabilis na gumapang siya para makalayo at makapagtago. Saktong pagsilip niya sa kinalalagyan ng kotse ay nakita niyang may lumapit na lalaki roon at itinutok ang baril sa ulo ng babaeng nagnanakaw. Pilit niyang tinutop ang bibig para hindi kumawala ang hikbi at pagnanais na sumigaw para humingi ng tulong hanggang sa makita niya kung paanong inayos ng lalaki mula sa pagkakasakay ang babae sa cab at sinilaban iyon.
Halos mawalan na siya ng pag-asang mabubuhay pa siya nang makalipas lang ng humigit-kumulang na kalahating oras ay dumating ang mga reresponde. Subalit tuluyan nang nanghina ang katawan niya na hindi niya magawang makakilos man lang para makita siya ng mga awtoridad.
"May tao rito!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa kanya.
Marahas na napamura ang lalaki nang makilala siya nito.
"Jasel?!" bulalas nito at mabilis siyang dinaluhan. Pilit siyang nagmulat ng mata at nagsusumamong tumingin dito. "Why the heck are you here?"
"K-Kieffer—" Umubo siya ng dugo at mabilis naman siyang binuhat ng lalaki. Halos panawan na siya ng ulirat hanggang sa maramdaman niyang dinaluhan siya at isinakay sa isang sasakyang hula niya ay isang ambulansya.
Subalit hindi rin nagtagal ay nawalan na siya ng malay at nang magising ay nasa isang hindi pamilyar na lugar siya't nakabenda ang kanyang dibdib at braso. Ramdam na ramdam ang pananakit ng kanyang katawan.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
"I am Dra. Abella, I've been taking care of you for two days now."
"Dra. Abella?" namamaos na ulit niya.
"Huwag ka munang magsalita," utos nito. Pakiramdam niya ay gasgas ang lalamunan niya kaya mas mainam nga na huwag muna siyang magsalita kahit maraming tanong ang nasa isipan.
The doctor called someone using the intercom. Pagkatapos ay may kinuha sa drawer, binasa nito iyong puting bimpong kinuha nito sa drawer at bahagyang dinampi ng paulit-ulit sa kanyang labi hanggang sa maramdaman niyang para siya nakainom ng kaunting tubig.
"You should rest for about a week. If you weren't brought to me earlier that time, you could have died."
Nakaramdam na naman siya ng takot nang maalala ang mga pangyayari.
"Huwag kang mag-alala, ligtas ka na. Pero kailangan mo pa ring magpahinga," anang doktor.
"S-Sino po kayo?"
"I am your cardiologist. You're lucky because the bullet missed your heart. Pero namamaga ang ilang ugat mo kaya kailangan mo ng bed rest for the rest of the week. Imo-monitor ka pa namin."
"Nasaan po ako?" Hindi siya pamilyar sa lugar kung nasaan siya.
"Sa eroplanong papunta sa Texas."
Matinding pagkagulat ang naramdaman niya sa isiniwalat nito. Ano'ng gagawin nila sa USA?
Ilang sandali lang at dumating si Kieffer kasama ang kanyang Kuya. Ice was also beside her brother.
"Si Vince?"
Nanatiling tahimik ang mga ito.
"Nasaan si Vince?!" pagtatas niya ng boses. Ngunit bago pa ang lahat ay naramdaman niyang may tumusok sa kanyang braso't ilang sandali lang ay hinila na siya ng antok.
JASEL kept on saying sorry to Vince as he embraced her tightly. Napakagwapo pa rin nito kahit simple lang ang suot—plain grey shirt and dark denim jeans. And his now longer hair was dishevelled. She chuckled lightly. Ang tagal nilang hindi nagkita, pagkatapos ay ang suot pa nitonf damit ang napansin niya Nag-angat siya ng tingin para matitigan ang bawat sulok ng mukha nito. She really longed for him. She couldn't help but adore his weary face as well. When she noticed his growing stubble, she realized he might had ignored grooming himself for he was really devastated. Nonetheless, he was still good-looking.
She suddenly felt guilty for not going home earlier. "I'm sorry..."
"I don't care about that anymore, baby. Ang importante'y nandito ka sa tabi ko, buhay..." nanginginig na usal nito.
For a few minutes, they stayed still, feeling each other's warmth.
"How are you feeling?" basag niya sa katahimikan. Pakiramdam niya ay hindi niya natanggal ang lahat ng bubog na bumaon sa talampakan nito.
"I'm fine now. I never felt this alive..."
"I'm sorry—"
"Please, stop saying sorry, love."
"I broke your heart. I left you. You were devastated, but still I didn't show myself."
"Have you eaten?" Masuyong tanong nito at hindi na pinansin ang usapin tungkol sa pagkawala niya. Maraming tanong ang nababakas sa mukha nito ngunit ang mga mata'y sumisigaw ng pangungulila sa kanya.
Tumayo sila't napansin niyang bahagya itong ngumiwi. Mabilis na tinulak niya ito para makaupo ulit sa sofa.
"Kumain na tayo," malat ang tinig nito.
"May bubog pa ba?" nag-aalalang tanong niya. Mabilis na lumuhod sa sahig para tanggalin ang benda.
"Don't mind it."
Sumimangot siya't lumingon dito.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga at inalalayan siyang makaupo sa tabi nito. "Can't we just stay like this forever?"
"Mabubulok ang sugat mo," magaang komento niya. Ayaw niyang nakikita itong malungkot. Sa tanang buhay niya ay iyon ang unang beses na nakita niyang humagulgol nang husto si Vince.
"Alright, lilinisan ko na."
True to his words, he opened the first aid kit and he took out some tools so he could use to remove the small pieces of broken glass stuck in his flesh.
Tila siya nakahinga ng maliwag nang binebendahan na nito iyon. Napangiwi pa siya nang mapansin kung paanong napakaayos ng pagkakabenda ngayon, taliwas sa magulong paraan ng pagbebenda niya kanina.
Napangiwi rin siya nang mapansin ang ilang patak ng dugo. Mabilis na nagbuhos ng alcohol sa kamay si Vince at nagpunas gamit ang tissue, pagkatapos ay hinila siya't niyakap.
"Huwag mong tingnan ang dugo," nag-aalalang tanong nito. Mukhang naalalang may takot siya siya sa dugo. Pero noon iyon.
"Small thing na lang ang dugo sa akin ngayon. Sa dami ng dugong nakita ko noong namatay sa hara—" tumigil siya nang humigpit ang yakap nito sa kanya.
"K-Kalimutan na natin iyon," garalgal ang tinig nito. Pilit na kumalas siya sa yakap ngunit hindi siya nito hinayaan. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang bahagyang nanginginig ang katawan nito, partikular na ang balikat.
Sumiksik siya sa matipunong dibdib nito at pinipigilang humikbi.
"You're really alive..."
Tumaas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng hininga dahil biglang sumikip iyon sa pagpipigil niyang maiyak. Sa huli ay humagulgol siya at mas isiniksik ang mukha sa dibdib nito.
Hinayaan nila ang sarili hanggang sa ito na ang kumalas at pinunasan ang kanyang luha gamit ang palad nito. Siya nama'y inabot ang tissue at pagkatapos ay pinunasan din ang mga luha nito. Her heart sank when she wiped his tears, yet another fresh tears fell from his full of longing eyes.