webnovel

Joined

Chapter 27. Joined

    

    

"PINAPATAY mo ang sarili mo." Pilit na binawi kay Vince ng pinsang si Stone ang iniinuman niyang bote ng alak. He reeked of alcohol, hadn't shower for days, didn't go to work at all after the incident. Ayaw niyang paniwalaan ang resulta ng autopsy na si Jasel ang bangkay na natagpuan sa sumabog na cab nang bumangga ito sa isang malaking puno. He could never believe that she left him all alone.

"Let me enter the agency, Stone."

Saglit itong natigilan. "Hindi kita mapipigilan kung gguustuhin mo man, Vince. Pero bakit mo gustong magtrabaho, kung dati'y tinanggihan mo ng ilang beses ang posisyon?"

"I'll look for Jasel." Buo ang desisyon niya.

Puno ng awa siyang tiningnan ni Stone at hinayaan siyang agawin dito ang bote ng alak. Sa huli ay umupo ito sa sofa habang siya'y sa sahig na nakaupo, tila walang buhay na nilalango ang sarili sa alak.

   

   

VINCE joined Phoenix a week after the incident. He chose to handle all of the difficult cases. He became one of the top agents in no time. Naroon na ang mag-undercover siya para makakuha ng mga impormasyon sa minamanmanan nilang kaso, o ang sugurin niya ang mga armadong kriminal nang buong tapang. Lahat ng iyon ay hinarap niya ng walang pag-aalinlangan.

"Pinapatay mo ba talaga ang sarili mong gago ka? Bakit ka sumugod nang walang back-up? You didn't even bring your gun!" kastigo sa kanya ng pinsan niya nang nakaratay siya sa ospital, may tama ng bala sa tagiliran at nadaplisan sa braso.

He meddled in with the dealing of the counterfeited money last night. Nagkita ang dalawang partida sa isang daungan ng mga barko pero nahuli siya't nakipagbunuan. Nabaril siya sa tagiliran, at dahil wala siyang dalang kung ano mang armas ay hindi siya nakalaman, kaya nang inasinto ang baril sa kanya'y puro iwas lang ang nagawa niya't nadaplisan din sa kaliwang braso.

Ang akala niya ay katapusan na niya, pero nailigtas siya ng isa sa mga agents nilang nagpanggap pala na kasabwat ng isang partida.

He went there because one of those parties might be connected with Jasel's case. But they were not, and when he deciphered it, he was already seen lurking around. Thus, the encounter where did he get those gunshots.

Naging madugo ang operasyon pero nahuli naman ang mga maysala.

"I don't understand, Vince, what can you gain on doing that? Do you think she will be happy seeing you live like that?"

Vince just shut his eyes and massage his temples. Here they were again... Gusto na naman niyang manuntok dahil sa paglilitanya nito.

"You should grasp into reality. Hindi mo siya mahahanap dahil patay—"

"Putangina!" mura niya't sinuntok ang pinsang nakaupo sa monoblock chair sa tabi ng hospital bed na hinihigaan niya. That word was forbidden to say if they were going to say Jasel's name in front of him.

"If you won't listen to me, I'll pull you up on your next missions," pinal na desisyon ni Stone. Tumayo ito at iniwan siya sa loob ng silid. Shortly after, a nurse attended him because the dextrose' needle got disconnected when he punched his cousin.

Bumalik ito at pinanood siyang kabitan ulit ng suwero ng nurse.

Nang makaalis ang nurse ay hinayaan niyang pagsabihan ulit siya ni Stone hanggang sa ito na ang sumuko at umalis na.

Isang araw pa siyang naglagi at pinilit niyang magpa-discharge sa hospital. He signed a waiver wherein if something was bad that'd happen to him, the hospital wouldn't held liable.

Dumiretso siya sa Phoenix para balikan ang iba pang mga files ng missions na hawak ng ibang agents. He planning to pull an all-nighter.

"Bakit ka nandito?"

"Man, my sister won't like seeing you live this way."

Tumiim ang bagang niya. He kept on hearing this line from the two. Hangga't maaari sana ay ayaw niyang nakikita ang mga bagay o taong nagpapaalala sa kanya kay Jasel. Pakiramdam niya ay ginagarote siya nang paulit-ulit.

"Pinagdala kita ng pagkain. Hindi ka pa raw kumakain. Nangayayat ka na yata." He sounded more than of a concerned girlfriend.

"Pakialam mo ba?"

Bumuntong-hininga ito. "I just thought my sister would say that. And think that way."

"Can you stop that?" halos magmakaawa siya.

"I'll leave the food in here." Nilagay nito iyon sa bedside table. A caramel cake and Taro milk tea. Fuck!

Napapikit siya dahil naalala niyang iyon lagi ang ino-order niya sa milktea shop ni Jasel noon. He was never a fan of cakes, but he always bought some so he could stay longer and watch Jasel while he's still inside the milk tea shop.

Maybe that was his way to cope up with his loneliness. He may never be alone because he still had his family and friends, but he felt lonely deep within. Kahit may mga babaeng lumalapit sa kanya ay napupunan lang ang pisikal o makamundo niyang pangangailangan, subalit hindi pa rin niyon napupunan ang matinding pangungulila niya kay Jasel. Ang matinding pagnanasang makita itong muli.

Naging matigas lalo ang puso niya. Pabor sa kanya iyon lalo na sa tuwing iniiwan niya ang mga nilalapitang mga babae para punan ang sekswal niyang pangangailangan. At isa pa, malaking bagay na mawalan siya ng awa sa tuwing inaasinta niya ang baril sa mga kriminal na tina-target nila.

Datapwa't gusto niyang tuluyan ang buhay ng mga masasamang-loob at halang na bitukang mga iyon ay hindi niya ginagawa. Bagkus ay pinatatamaan niya ang vital parts ng katawan ng mga ito at sinisiguro niyang magtatagal ang pagdurusa't pagbabayad ng mga ito sa mga kasalanang ginawa. There were some people who became disabled, some even became insane because he mentally tortured them. He never left them unless they suffered, and would suffer for long. He really wanted to kill for revenge but he just couldn't.

Hindi katulad ng mga taong pumatay kay Jasel... At huli na nang matagpuan niya ang mga animal na naka-engkwentro nito dahil wala nang buhay ang mga kriminal.

Nagtangis ang bagang niya't pinagbabaril pa rin ang mga walang-buhay na katawan ng tatlong lalaking nahanap sa abandonadong gusali. Kung nahanap niya ng buhay ang mga ito ay hindi siya sigurado kung mangingibabaw pa rin ba ang pagiging surgeon niya. Maaaring siya na ang papatay sa mga ito kung sakali.

"Tama na, patay na sila. Huwag mong sayangin ang bala mo," awat sa kanya ni Timo, ang kasama niya sa misyong iyon.

"Putangina!" He just hoped that he could make them alive just so he'd kill them. "Ako dapat ang pumatay sa mga hayup na iyan!"

"Focus! Damn it, they're misleading us through these underlings." What he said was true. Just like in chess, the three were just pawns that were sacrificed in order to save the king.

Sinipa niya ang nakatakip na malaking dram ng tubic na malapit sa kinatatayuan niya. Tumumba iyon at hindi tubig tumambad ka kanila kundi ang isang babaeng sa isang tingin ay masasabing menor-de-edad. Base sa pwesto nito ay nakaupo ito at nakayakap sa mga binti. Mukha ring bugbog sarado. Halos magdilim ang paningin niya nang mapansing tila wala na itong buhay.

Timo moved closer to check her pulse and when the latter shook his head, he cussed aloud.

Bab berikutnya