webnovel

Chapter XL

Huminga muna ng malalim si Maymay bago sumagot.

Magsasalita pa lamang sya ng magsalita si Dodong.

Umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Hindi mo kailangan sagutin kung ayaw mo." malungkot na sabi nya.

Hindi alam ni Dodong kung bakit pero natatakot sya sa isasagot ng dalaga.

Ewan nya kung bakit pero pagdating sa dalaga ay parang nawawala ang kumpyansa nya sa sarili.

Pero kapag ngumiti naman ito sa kanya ay kakaibang saya ang nararamdaman nya.

Hindi man sya sigurado kung talagang pagmamahal na ang nararamdaman nya sa dalaga dahil hindi pa naman nya nararanasan yon ay sigurado syang ayaw nyang mawala ang dalaga sa buhay nya.

"Can I be honest with you?" putol ng dalaga sa pagmumuni-muni nya.

Hindi nya matingnan ang dalaga sa tabi nya.

Tumango lang sya.

"Masaya ako kapag kasama kita. At alam kong mamimiss kita sa pag-alis mo. Does that answer your question?" buong tapang na sabi ng dalaga sabay ngiti sa kanya.

Biglang napatingin naman sya dito.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng dalaga.

"Does that mean that you..."

Tumango ang dalaga.

"Really?"

Tumango ulit ang dalaga.

Niyakap nyang bigla ito ng mahigpit.

Sobrang saya nya na hindi nya maipaliwanag.

"You've made me the happiest!"

Hinalikan nya sa noo ang dalaga.

"I love you!" ang bulong nya dito.

Nagulat si Edward sa sinabi nya.

"Akala ko ba hindi mo pa mahal? Bakit nag I Love you ka? Baliw ka na talaga Edward!" ang suway nya sa sarili.

Hindi nya akalain na masasabi nya yun sa dalaga.

Hindi nya alam kung bakit pero masayang masaya sya na sinabi nya sa dalaga ang mga katagang hindi nya akalain na sasabihin nya kahit kanino.

Niyakap nyang muli ang dalaga at inilapit ang ulo nito sa dibdib nya kung saan napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso nya.

Masuyo nyang hinalikan ang buhok nito.

"Do you hear that My May? Ikaw lang ang nakakagawa nyan sa puso ko." mahinang sabi nya dito.

"Do you feel the same way?"

Umalis sa pagkakayakap ang dalaga at kinuha ang kamay nya para itapat sa dibdib nito.

Ramdam nya ang bilis ng tibok ng puso nito.

"You mean this?"

Ngumiti sya.

Ngumiti rin ang dalaga.

Ang kamay na nakatapat sa dibdib nito ay ihinawak nya sa bewang ng dalaga.

Hinapit nya ito at inilapit sa kanya.

"Do you love me too?"

"Yes!"

"I want to hear you say it!"

"I love you!" at saka nya ito masuyong hinalikan sa labi.

Bago pa tuluyang gumising ang natutulog ay inilayo na ni Dodong ang labi nya sa labi ni Maymay.

Kapos ang hininga na idinikit nya ang noo sa noo ng dalaga.

"I love you!" muling bulong nya dito.

"I love you too!"

"Matulog ka na!" sabay hawak nya sa kamay nito at iginiya paalis ng terrace.

Nagtataka man sa ikinikilos ng binata ay hinayaan nya na lang ihatid sya nito sa kwarto.

Nasa harap na sila ng pinto ng kwarto nya ng hawakan sya nito sa magkabilang balikat at tila nagmamadaling papasukin na sya sa kwarto nya.

Nakaramdam tuloy sya ng inis bigla.

Inalis nya ang kamay nito at humarap sa binata.

"Teka nga! Bakit ba parang ipinagtatabuyan mo na ako? Alam ko namang hindi ako marunong humalik pero hindi naman kailangan ipagtulakan mo ako!" nahihiyang sabi nya.

Nagulat naman si Dodong sa sinabi ng dalaga.

"Is that what you really think My May?" nangingiting tinitigan nya ito.

Hindi sumagot si Maymay.

Napayuko ito at dahil nakaharap ito sa binata ay napansin nito ang "alam nyo na!".

Napatakip sya ng bibig at tumingin sya sa mata ng binata.

"Sabi ko nga matutulog na ako!" at nagmamadali na syang pumasok ng kwarto.

Pagkasara ng pinto ay tumawa ang binata.

"Oh My May! You will be the death of me!"

Habang si Maymay naman ay nakasandal sa likod ng pinto.

Nag-iinit ang pisngi nya ng maalala ang nakita.

Kinabukasan ay maagang nag-asikaso si Maymay para maipaghanda si Dodong at Marco ng kakainin bago ihatid ni Marco si Dodong.

Inabutan sya ng dalawa sa kusina.

Pumuwesto na si Marco sa hapag-kainan habang si Dodong ay lumapit sa kanya.

Nagsasandok sya ng sinangag ng yakapin sya nito at halikan sa ulo.

"Good morning Yamyam!"

Naestatwa naman sya sa ginawa nito.

"Yamyam ba o Yumyum ang itinawag nito sa kanya?" tanong nya sa isip.

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ay saka lang sya nakakilos ulit.

Nagpatuloy sya sa pagsasandok.

"Wala ba akong good morning kiss?" bulong ng binata sa kanya.

Para tuloy syang kinikiliti ng mga paru-paro ng maramdaman ang hininga nito sa tenga nya.

"Mag-almusal ka na muna Dodong!" saway nito sa binata.

Sumilip si Marco sa kusina.

"Bro! Tama na muna ang landi! Kumain na muna tayo at malayo pa ang byahe natin!"

"Whatever Marco!" pinamulahan tuloy si Edward ng mukha.

Kumain na ang dalawa.

"Hindi ka pa ba sasabay sa amin Yamyam?"

"Hindi na! Sasabay na lang ako kay Juls magbreakfast mamaya."

Napatingin naman si Marco kay Edward.

"Wait, what did you just call her?"

"Yamyam!" proud pa na sagot ng binata.

Palipat-lipat ang tingin ni Marco sa kanilang dalawa.

Ngingiti-ngiti lang si Edward habang kumakain.

"Oh! I forgot the water!" tumayo si Maymay at nagmamadaling pumunta ng kusina.

"Did something happen last night?"

Bab berikutnya