webnovel

Stranger Babe (COMPLETED)

Penulis: Chixemo
Selebritas
Sedang berlangsung · 89.8K Dilihat
  • 18 Bab
    Konten
  • peringkat
  • N/A
    DUKUNG
Ringkasan

He's different. That's why he's my stranger babe.

tagar
1 tagar
Chapter 1Chapter 1: Beautiful day

"Come in, ma'am." Salubong sakin ng may ari ng shop. Lalaki sa laki ba naman ng kanyang boses. Di ko makita ang kabuuan ng mukha nya dahil nakayuko ito at abala sa kung anong meron sa ilalim ng kanyang lamesa.

Tumango lang sakin yung lalaking mukhang kasama nya sa shop. Kaharap nito ang isang computer. May suot itong eyeglasses na makapal. Kulot ang buhok na nakatali. May hibla pang lumalaylay sa gildi ng kanyang mukha. Ngumiti sya sakin na nginitian ko lang rin ng kaunti para di nya naman sabihing bastos ako. Tas sa kaliwa nya ay isang laptop na apple ang tatak. At sa kanan naman nya ay isang speaker na mahinang tumutunog ng latest opm hit.

"Ipapaayos ko lang sana to." Sabay lapag ko sa ibabaw ng estante na mismong harapan ng lalaki. Saka lang din sya nag angat ng tingin.

At.

God!.

Ang gwapo!.

Pinakalma ko ang aking sarili. Ayokong magpaapekto sa isang lalaki. Dapat madala na ako sa mga naging nakaraan ko.

"Ano bang sira?." Anya. Kinuha ang phone ko at sinipat kung saan ang may sira. Nalanghap ko rin ang umalingawngaw nyang bango. O m g!. Mahuhulog na naman tayo neto!

"Nalock kasi. Di ko mabuksan." Paliwanag ko naman. Lumunok ako ng sobrang bagal tsaka kinagat ang ilalim ng labi.

Paano ba naman kasi. Nilaro ng tatlong taong gulang kong pamangkin. Sa may password. Ilang ulit syang nagkamali. Yan tuloy nalock. Di ko mabuksan. Tinry ko ng in-off at in-on para lang tingnan kung maayos ko pa pero ganun pa rin. Kaya nagpasya na akong ipaayos nalang. Kailangan ko rin kasi.

Tumango naman sya. Ngumuso pa ng konti.

Naku po!.

Makalaglag panty ang labi.

Ang pula.

Kinurot ko ng kaunti ang tagiliran ko. Kung anu anong pumapasok sa aking utak.

Nagcoconclude agad agad. Kaya ka laging naloloko e!.

"Nakalimutan ang password." Di ko alam kung tanong ba nya yun o nasabi nya lang.

Tumingin sya sakin. Kinabahan ako ng bongga.

Pinilit kong maging kalmado para wag akong madistract.

"Nope." Ikli ng sagot ko dahil sa mata nyang kumikinang. Para akong sinasayaw sa isang bar sa kislap ng mga ito.

"May sumubok iopen?." Tanong nya. Kinakalikot na rin ang phone ko. Pinipindot ang power at volume.

Ilang layo lang ang pagitan namin pero parang magkadikit na ang ilong ko at ang mukha nya kung kaya't naaamoy ko ang mabango nyang hininga. Patay tayo Jane!

"Yup. Pamangkin." Di ko alam kung bakit yun lang ang lumabas sa aking bibig kahit libo ang gumugulo dito dahil sa di maipaliwanag na pakiramdam.

"Sya yung nasa screen?." Tanong nya ulit. Medyo nainis na ako sa dami ng kanyang tanong.

Mas lalo akong nairita sa sarili ko ng maalalang kaming dalawa pala ni Ziggy ang nasa lock screen. Kaya pala kanina pa nya ito tinititigan.

Yung panty ko. Nalaglag na yata!. Pakicheck please!!!

Tinanguan ko na lamang sya.

"Gwapong bata." Sabi nya bago umupo at sinaksak sa laptop yung phone ko.

Yung bata lang?. E ako?.

Lihim kong reklamo pero pinagsawalang bahala ko nalang.

Damn! Pati ba naman sa kung paano sya umupo. Ang gwapo nya pa ring tignan. Tuwid ang kanyang likod. Hawak ang cellphone ko na kinalabit sa kanyang laptop. Hiwalay ang mga hita nya subalit ang lakas pa rin ng kanyang dating. Tipong hindi bastos ganun. Ang buhok nya, itim na itim at medyo magulo pero bagay pa rin sa kanya.

Naku! Lahat nalang ba bagay sa kanya Jane?. Customer ka lang nya diba?. Bat parang iba na kung mag-isip ka?. Bakit masama ba?. Hindi naman yata. Hanggat, hindi ako kumikilos ng ikakasama ko.

Kumurap ako ng maraming beses upang magfocus sa ginagawa nya.

Pinanood ko kung pano nya kalikultin ang kanyang laptop. Ang bilis magtype. Di pa nya tinitingnan minsan. Galing. Nakakabilib. Pinupuri ko sya dahil sa matagal akong magtype sa laptop. Mabagal the exact word.

Anda Mungkin Juga Menyukai