Crissa Harris' POV
Paikot-ikot sa isipan ko yung mga nakahilerang senaryo simula ng unang araw na nakasama ko si Tyron. Masungit at aroganteng lalaki na walang ibang alam gawin kundi asarin at pakialamanan ako. Lahat nalang ng bagay papakialaman n'ya. Pati yung nananahimik kong buhok na bagong gupit at kulay lang noon, pinagdiskitahan pa n'ya. Mukha raw akong mantikilya.
Kaya hindi ko na rin napipigilan ang sarili ko kaya nakikipaggilgilan na rin ako sa kanya. 'Pag lumalapit s'ya sa akin, inuunahan ko na agad ng pambabara. Wala e, iritang-irita talaga ako sa kanya.
Hinding-hindi ko rin makakalimutan yung panahon na nasaktan ko siya nang sobra dahil sa pananalita ko. Sinabihan ko s'yang dakilang epal nang dahil lang sa hindi s'ya ang gusto kong makatabi sasakyan kundi si Lennon. Nakatulog akong si Lennon ang katabi ko pero paggising ko, mukha na n'ya ang unang nakita ko, kay nairita talaga ako.
Pero tignan mo nga naman ang tadhana, nagawa pa rin nitong pagbatiin at paglapitin kami ng lalaking 'to.
Huminto sa isipan ko yung eksena kung saan nakikipagkamay ako kay Tyron para makipagbati at makipagkaibigan sa harapan ng bahay nila Renzo. Doon ko unang nasaksihan yung malumanay at parang bata n'yang ngiti.
Napakaganda, nakakagaan ng loob.
Nakakawala ng pagod.
Mabait si Tyron. Napagtanto ko yun.
Lalo nung offeran n'ya ako ng maiinom isang gabi nung nagstop over ang grupo sa isang mini-grocery. Mogu-mogu na lychee flavor yung inabot n'ya sa akin; at nagulat ako. Kasi hindi ko alam na alam n'ya palang paborito ko 'yun. Sabi pa nga n'ya, lagi n'ya raw akong nakikita sa school na umiinom non. Akalain mo 'yun? Wala pang zombie apocalypse, pinagmamasdan na n'ya ako?
Muling gumalaw yung mga litrato ng senaryo at huminto sa isipan ko yung eksena kung saan naging mas malapit pa kami sa isa't-isa. Hindi ko makakalimutan ang mga alaala na 'to. Si Tyron na nagiging maalaga at maalalahanin na sa akin. Hinahanap namin sila Zinnia sa campus nila at itong lalaki naman na 'to, lagi s'yang nasa tabi ko. Ayaw n'yang lalayo sakin o mawawala man lang sa paningin n'ya. Gusto n'ya malapit lang ako, gusto n'ya nakikita n'ya ako.
Bakit? Siguro dahil nung mga panahon din na 'yon, 'yun na rin 'yung mga oras na simula nang nahuhulog ang loob n'ya sa akin. Kasi aaminin ko, ako mismo sa sarili ko, andun na rin sa point na 'yon. Nahuhulog na rin ako unti-unti sa kanya.
Pero minsan? Hindi talaga natin maintindihan ang tadhana. Kasi nung mga panahon ding 'yon, hindi ko pa batid yung nararamdaman n'ya para sa akin. Inakala ko kasing si Harriette ang gusto n'ya at hindi ako. Oo, sabihin na nating isangdaang porsyento ang pagkamanhid at katangahan na taglay ko pero, masisisi n'yo ba ako? Hindi lang talaga ako yung tao na mahilig mag-assume. Ayoko kayang masaktan. Mahirap masaktan.
Kaya dumating pa sa punto na nag-artehan pa kaming dalawa. Akala ko may gusto s'ya kay Harriette, akala n'ya naman may gusto pa ako kay Sedrick. Nagseselos s'ya, nagseselos ako. Pero parehas kaming walang alam at walang magawa dahil iniisip din namin parehas na wala kaming karapatan sa isa't-isa. Ang drama-drama namin, may pagiiyakan pa kaming nalalaman habang nagkekwentuhan.
Sinabi ko rin kay Fionna lahat ng nararamdaman ko. At mula noon, lumayo na ako. Nilayuan at itinaboy ko ang lalaking pinakamamahal ko. Kasi ayaw kong yung pagkakagusto ko sa kanya, mauwi na sa pagmamahal. At ayaw kong masaktan.
Napakapit ako bigla sa ulo ko nang mabilis na umikot ang mga nakahilerang senaryo sa isipan ko. Mula sa pag-iwas ko sa kanya, sa muling pagbabati namin, sa pag-aaminan namin sa tunay naming nararamdaman, hanggang sa mga mapapait na kaganapan mula kanina.
Mas lalo pa akong napasabunot sa buhok ko nang 'yung mga nakahilerang litrato na 'yon ay biglang nawala at napalitan ng boses.
Boses ni Tyron.
Si Tyron na lalaking mahal na mahal 'ko..
"Oh, lalabas ka na naman at ipapahamak ang sarili mo?.."
"I'll go with you.."
"Crissa Mantikilya.. "
"Wag ka na ngang magsalita! Bakit ka ba puro reklamo!? Magpasalamat ka nalang at nandito ako!"
"Osige, friends.."
"Wag ka ngang lalayo. Dito ka lang malapit sakin para mababantayan kita.."
"There's a million ways to say I love you. But pay attention. Other ways don't use words."
"Sa tingin mo ba hahayaan kitang gawin 'yon? Sasamahan kita sa ayaw at gusto mo."
"Mas mahalaga ka.."
"Ganun talaga kapag may pinoprotektahan ka. Lahat gagawin mo.."
"Iiwan lang kita kapag sinabi mo. But that doesn't mean na aalis nga talaga ako. I'll always be there. Magbabantay sa'yo.."
"Actually nga, a kiss on the forehead could also be a way of showing love. Not just respect and care."
"Sshhh. Crissa. You are safe now.."
"Mahal kita. Mahal na mahal. Kailan pa? Dati pa. Manhid ka lang talaga."
"Nasabi ko na ba sa'yong mahal na mahal kita, Crissa?"
"Oh, 'wag kang iiyak. Andito lang ako.."
Mas lalo pang napahigpit ang pagsabunot ko sa buhok ko dahil pakiramdam ko tuluyan nang magpuputukan ang mga ugat sa ulo ko dahil sa sobrang hilo. Lahat ng naririnig kong mga salita ngayon ay lubos na nakakawindang sa utak na para bang mawawala na ako sa katinuan. Lalo pa nang may isa na namang senaryo sa isip ko ang biglang nagflash.
Buhay na buhay ang senaryo na 'to na para bang personal na nasasaksihan ngayon ng mga mata ko.
Eksena 'to kung saan nagtipon kaming grupo sa may sala sa mansyon para maglaro ng get-to-know-each-other na pauso nila Elvis. Wala pang Lennon, Fionna, at Owen nito. Pati yung mga iba.
Pero napako nalang ang atensyon ko sa repleksyon ng sarili kong napatingin kay Tyron dahil turn na n'ya para sagutin yung tanong para sa kanya.
At yung tanong na 'yon, para bang bigla nalang naging isang bala na tumama sa puso ko. Tagos na tagos.
Buhay na buhay.
Totoong-totoo.
"Who is the last person you would want to see before you die?"
Nag-umpisang rumagasa pababa ng pisngi ko yung mga luha na kanina pa nag-iintay na kumawala muli sa mga mata ko. Lalo pa nang marinig at makita kong lumabas mula sa bibig ni Tyron yung kasagutan n'ya.
"The woman I love the most.."
Mabilis kong idinilat ang mga mata ko sa panandaliang pananaginip nang gising. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko lalo pa nang tumambad sa akin ang nakatingalang mukha ng lalaking mahal ko. Bahagyang sarado ang kanyang mga mata dahil sa pamamaga pero hindi pa rin 'yun naging dahilan para hindi n'ya maipako ang tingin n'ya nang deretso sa mga mata ko. Katulad ko ay lumuluha rin s'ya.
Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nawawala sa mukha n'ya ang suot-suot n'yang malawak na ngiti.
Yung ngiti n'ya na nakakuha sa puso ko.
Yung ngiti na parang inosenteng bata.
Yung ngiti na nakakawala ng pagod. Yung ngiti ng nakakagaan ng loob.
Hinawakan ko ang magkabila n'yang pisngi at mas lalo pa akong naluha nang muli na namang umagos mula sa nakangiti n'yang labi ang pulang-pulang dugo.
Ngayon, paano mangyayaring gagaan ang loob ko dahil sa ngiti n'ya? Mas lalo lang 'tong nakadagdag sa bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit. Parang lahat ng natitirang katinuan sa loob ko ay unti-unti nang nawawala.
L
"B-bakit mo sinalo yung bala? Ako dapat, a-ako dapat ang t-tamamaan.." pag-uulit ko sa mga kataga na parang kanina lang ay s'ya ang nagbabanggit nang iligtas ko s'ya..
Naramdaman ko na itinaas n'ya ang mga kamay n'ya para hawakan ang mukha ko.
"C-crissa.. At least b-buhay ka.. Masaya akong m-mamama—"
Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita dahil alam ko na ang susunod n'yang sasabihin at hindi ko 'yun gusto. Hinding-hindi ko 'yun magugustuhan kahit na kalian.
Ayaw kong marinig.
Marahan akong pumikit at niyakap ang ulo n'ya. "N-no, please. P-please, Tyron.. Not now. 'Wag naman pati ikaw.. P-please 'wag.. W-wag naman oh.."
Rumagasa pa rin nang rumagasa ang mga luha ko na para bang hindi ito nauubos. Marahan kong pinaghahalikan ang ulo n'ya na animo kinakabisado ang amoy nito.
Mahal na mahal ko 'tong tao na 'to. Please, sana wag naman pati s'ya..
Sa muling pagdilat ng mata ko ay gayon nalang ang biglaang pagkawala ng hangin sa buong sistema ko nang maramdaman kong humihina na ang pulso sa leeg n'ya. Paulit-ulit kong pinagkakapa ang leeg n'ya pero nang hindi ko na maramdaman ang kasunod na pagtibok ng pulso n'ya ay marahas kong pinag-aalog ang balikat n'ya.
"N-NO!!!! T-TYRON!! PLEASE!!!! N-NO.. P-PLEASE NO!!!!" paulit-ulit na pagsigaw ko pero parang wala nang lumalabas na boses sa bibig ko.
Napahawak nalang din ako sa may leeg ko dahil wala na akong maramdamang hangin na pumapasok sa katawan ko. Wala na akong naririnig sa paligid ko at ang tangi ko nalang nakikita ay ang nakapikit nang mata ng mahal ko.
Nabitawan ko unti-unti ang leeg ko at naramdaman kong napasubsob na ako sa tabi ng lalaking mahal ko. Nakita kong nagkagulo ang mga kasama ko, lalong-lalo na ang dalawang kapatid ko na agad tumakbo sa kinaroroonan ko. Sumisigaw sila at inaalog ang balikat ko pero hindi ko na sila naririnig.
Pero kahit na hirap na hirap na talaga akong habulin ang unti-unti ring pagkaubos ng hininga ko, hindi pa rin 'yon naging dahilan para hindi ko makita yung eksena na kanina ko pa hinihiling na makita.
Ang pag-agos ng pulang dugo mula sa sumabog na noo ng babaeng pinag-ugatan ng lahat..
Napapikit ako.
Kung mamamatay man din ako ngayon? Kuntento na rin ako. Kahit na ba hindi nanggaling ang hustisya sa mismong mga palad ko..
Ibinaling ko unti-unti ang tingin ko sa mahal ko at pinilit kong abutin ang kamay n'ya. Kahit na ba hindi ko na rin maramdaman ang sarili ko. Na masyado nang nanghihina.
Napangiti ako kasabay ng pagluha ko nang maramdaman kong may init pa ang kamay n'ya. Lalo pa nang maramdaman ko ulit ang mahinang pagtibok ng pulso n'ya..
"P-please.. gawan n'yo s'ya ng p-paraan..
..K-kahit wag, kahit w-wag na ako.."
Hindi ko alam kung may boses pa bang kumawala mula sa bibig ko pero 'yun nalang ang huling bagay na nagawa ko bago pa tuluyang pumikit ang mga mata ko..