webnovel

Chapter 96

Crissa Harris' POV

"Siguro, mag break na muna tayo. Baka pagod na yung bata." bulong ko kay Renzy na kasunod na kasunod na si Rosette. Tumango nalang siya at lumapit kila Owen at Renzo na takha lang na nakatingin samin.

Sinundan ko nalang si Lily doon na nilapitan na rin ng kapatid niya. Hindi ko mabasa yung ekspresyon nung bata.

"Lily, sabihin mo, may problema ba?" alalang tanong ko sa kanya. Maging yung kapatid niya ay halatang di rin alam ang nangyayari sa ate niya.

"Rose, kuha ka na muna ng tubig doon kay Ate Renzy."

Sumunod naman agad yung bata sa sinabi ko at ibinalik ko na lang yung tingin ko kay Lily.

"Ano? Pagod ka na ba?" tanong ko.

Hindi naman kasi ganito itong si Lily kanina. Excited na excited pa nga siya nang lumabas kami. Pero ito nga, ngayong nangangalahati na kami sa training namin, parang bigla nalang siyang nawala sa focus. Parang di mapakali. Malayo at malalim ang iniisip.

"Ate, ito po." inabot sakin ni Rose yung tubig at umupo siya dun sa tabi ng ate niya. Pinipilit niyang kausapin yun pero umiiling iling lang si Lily.

Haay.. Mukhang napagod na nga siguro tong bata. Mabuti pa sigurong ipauwi ko nalang siya.

Inabot ko kay Lily yung tubig na agad naman niyang ininom. Nakakapagtaka. May bumabagabag ata talaga sa isip niya. Para siyang balisa na di maipaliwanag.

Lumapit ako kila Renzy.

"Owen, iuwi mo nalang siguro si Lily, tapos balik ka dito. Pagod na ata siya e. Or masama pakiramdam."

Tumango nalang si Owen at lumapit kami kila Lily.

"Lily, uwi ka na muna ha? Pahinga ka."

Mabagal siyang lumingon sakin at kumurap kurap muna bago sunod sunod na tumango.

Habang hinahatid ni Owen pauwi si Lily, napagpasyahan naming kumain na muna. Tutal naman lunch na.

Nandito kasi kami ngayon sa isang gasoline station tapos sa tapat namin ay mapunong part tapos may isang sasakyan na pinangdedeliver sa baboy na nakahinto. Yun yung ginawa naming taguan nung undead na ginamit namin sa training. May baon naman kaming maraming pagkain at inumin kaya kasya to hanggang mamayang hapon. Kung aabutin kami ng maghapon sa pagttraining.

Nasa may di kalayuan si Renzy, bff Renzo, at Rosette na kumakain na rin. Kami naman ni Rose ang magkatabi dito at tahimik na kumakain. Sinubukan kong tanungin siya kung may idea ba siya kung bakit bigla nalang naging ganon ang ate niya. Pero ang sinabi niya lang, huli niyang makitang ganon yung ate niya, nung time na nakaalis sila sa kampo nung grupo na kinabibilangan nila dati.

Gusto ko pang magtanong sa kanya ng iba pang detalye. Pero di ko nalang tinuloy kasi, alam kong sariwa pa yung mapait na pinagdaanan nila sa kampo na yun. Kaya alam kong may trauma siya. Silang lahat na galing doon.

Nung matapos kaming kumain, pinapunta ko muna siya kila Renzy dahil naramdaman ko ang biglaang pagkulo ng tiyan ko. Mahirap na talaga pag timawa ka sa pagkain. Kakarmahin ka talaga agad.

Kaya ito, tatae ako.

Buti nalang talaga may cr dito sa gasoline station. Hays. Sana lang, malinis naman. Huhu. Ayaw ko kasi kapag nakakita ako ng tae sa banyo. Tapos wala namang tao. Kakatakot kaya yun. Multong tae.

Nagpasalamat naman ako sa Diyos at malinis naman yung banyo. May mga alikabok lang na lumulutang sa kisame. Pero di ko pinakialaman pa yun at maluwalhatin nalang akong tumae.

May tubig pa naman sa gripo nung maghuhugas ako kaso, nung magbubuhos na ako, bigla nalang nawalan.

"Hay putapeteng buhay to oh. Bahala na nga susunod saking gagamit neto. Madadatnan nilang may tae dito pero walang tao. Huhu."

Pikit mata akong lumabas sa cubicle dahil perstaym kong tumae na di ako nagbuhos. Lalabas na sana talaga ako sa banyo na yun, kundi ko lang narinig na parang may kumaluskos sa labas. Parang may ingay na mahina. Na tao ang gumagawa.

Yung para bang may mahahatsing pero biglang naudlot? Ganon.

May bintana yung banyo na medyo mataas kaya pinilit kong tumalon talon para makasilip. Hirap na hirap ako sa ginagawa ko. Kaya bago pa magkaputol putol ang paa at binti ko kakatalon, nagtigil nalang ako.

Lumabas ako ng banyo at namataan ko agad si bff Renzo na parang nag iintay sakin. Mabilis ko naman siyang kinapitan sa braso.

"Bestfriend, wala ka bang napansing kakaiba dito sa paligid nung nasa loob ako ng banyo?"

Pokerface na tumingin sakin ang bff ko tapos pinaningkitan ako ng mata niya.

"Bukod sa hindi ka nagbuhos sa milagrong ginawa mo, wala na akong napansing kakaiba." sabi niya na parang nandidiri pa sa kamay kong nakakapit sa kanya.

"Grabe ka bestfriend, ha! Balakangajan!!" nakangusong sabi ko sabay walk out. Balatalagasiya. Ako nalang magccheck mag isa kung talaga bang may narinig akong tao sa labas ng banyo kanina.

Hawak ko ang baril ko, at maingat akong umiskapo papunta sa likod ng gasoline station. Which is tapat nga nitong banyo. Mapuno pala dito at madamo. Maraming halaman. Siguro guni-guni ko lang talaga yung kanina. Baka yung mga dahon lang yung gumawa ng ingay.

Hmm. Humahatsing din pala mga dahon?

Tumalikod na ako para bumalik kila Renzy nang magulat ako aky bff Renzo na bigla nalang sumulpot.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Grabe kang makapang gulat bestfriend!!"

"Ano ba kasi ginagawa mo diyan ha?"

Luminga ako sa paligid.

"Wala. May chineck lang. Alam mo na, curious ako.. Palagi.."

Napailing si bff Renzo at saka ako inakbayan para kaladkarin pabalik doon kila Renzy.

"Sus. Kung ano man yun, wag mo nang pansinin. Guni guni mo lang yun. Saka pwede ba, wag kang basta basta aalis nang walang nakakaalam na aalis ka. Tsk. Mapapatay ako ni Christian pag may nangyaring masama sayo."

Tahimik nalang akong napangiti habang naglalakad nang akbay akbay niya ako. Nakakamiss tong si bff Renzo e. Huhu. Tagal naming di nakapag bonding nito. Namiss ko talaga siya! At talagan concerned pa rin siya sa akin til now!! Huhu.

Nung makabalik kami doon, saktong dumating na rin si Owen. Kinausap daw nila nanay Sonya at nanay Marie si Lily pagdating nila doon. Pero di na raw niya narinig yung pinagusapan dahil nagmadali nalang siya na bumalik dito. Gutom na gutom at uhaw na uhaw nga e. Kaya ayun, pinakain muna ni bff Renzo habang nagkkwentuhan sila.

"Crissa, huy. Cr muna ako ha?" pagkuha ni Renzy sa atensyon ko.

"Okay, gusto mo samahan kita?"

Nangiti siya habang nakakunot ang noo. "Samahan? Hahaha. Iihi lang ako saglit no."

"Sige sige. Pero oy, wag ka sa pangalawang cubicle ha? May tao doon.." sabi ko na nagtataas baba ang kilay. Mukhang nagets niya naman agad dahil napa oh yung bibig niya saka natawa.

"Hahahaha. Sige sige. Mag iingat nalang ako. Baka kunin ako ng 'tao' na nandoon e."

Lumayas na nga si Renzy na nagmamadali. Halatang konti nalang din, magssplatter na yung kung ano mang gusto niyang ilabas. Hahaha. Pero at least naman. Naorient ko na siyang may tae doon. At di na siya magugulat kung makakita siya ng tae pero walang tao. Hahaha!!

Hinarap ko na muna si Rose sa tabi ko kasi naglalaro na sila ni Rosette doon ng pagandahan ng tumbling. Nakakatuwa silang pagmasdan kasi yung pagtumbling nila e, para silang mga gymnasts. Di ko alam na marunong palang gumanto tong mga batang to.

Ako kasi? Never kong naranasan maggaganto. Lalo sa labas ng bahay. Minsan lang kami makalabas sa bakuran ng mansyon para maglaro. Lalo sa public playground. Hindi kasi kami hinahayaang lumabas nang matagal. Lalo pag walang kasama. Alam niyo na. Daming threats sa buhay namin. Na di rin naman namin alam kung bakit may ganon samin.

Haaay.. Nakakalungkot din na di namin masyadong nasulit ang kabataan namin no.

Mga ilang minuto pa lumipas, mukhang napagod na yung dalawang bata sa ginagawa nilang pagbabali buto. Kaya sabay silang lumapit sa akin para manghingi ng tubig.

"Tubig? Hingi kayo kay kuya Renzo at kuya Owen. Pagbalik niyo, training na ulit tayo ha?" paalala ko na ikinaexcite naman nila.

Mabilis silang tumakbo doon sa dalawang lalaki pero agad ding bumalik papunta sa akin.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Na kay ate Renzy daw po yung mga tubig." sagot ni Rose. Si Rosette naman ay nagpapalinga linga sa paligid namin.

Napatayo na rin ako nang makita ko si bff Renzo na mabilis tumatakbo papunta samin.

"Crissa, si Renzy? Kanina ko pa napapansing wala dito?"

Napakunot ako ng noo at nakita ko nalang ang sarili ko na tinatakbo yung papuntang banyo.

"Sabi niya iihi lang daw siya e. Di ko naman namalayan na di pa pala siya lumalabas." hingal na sabi ko. Hindi dahil sa pagod. Kundi dahil sa kaba na unti-unti nang namumuo sa dibdib ko.

Tuluyan nalang akong napakapit kay Renzo para makakuha ng lakas dahil sa nadatnan namin sa banyo. Sira na yung mataas na bintana at may bahid ng sariwang dugo. Pati sa pader meron din, na para bang may hinila palabas sa bintanang iyon.

Mas lalo pang nanghina ang katawan ko nang bukod sa mga bakas ng dugo, tanging mga armas nalang ni Renzy ang ibang natagpuan namin doon.

Third Person's POV

"Bobo mo no? Muntik ka nang mahuli."

"Kasalanan ko bang nababahing ako ha? Saka sino bang mas bobo satin, ha?" tinignan niya yung kausap niya at ngumisi. "Babaeng may blonde na buhok ang pinapakuha satin, pero itong may kulay brown na buhok ang binitbit mo. Yari ka kay boss.."

Imbes na matinag sa sinabi ng kausap, isa ring malaking ngisi ang binigay ng lalaking isinasakay sa loob ng pick up truck yung babaeng dumudugo ang ulo.

"Tsk. Kasalanan ko rin bang colorblind ako? Saka yung target natin nakasuot ng itim na bonnet kaya malay ko ba." Ngumisi siya ulit. "Pero basta, magtiwala ka nalang sakin. Makikita mo, sila na kusang lalapit papunta satin. The more? The merrier."

Kapwa na sila sumakay sa loob ng sasakyan. Sakto namang dumating ang isa pa nilang kasama na armado rin ng baril. Umalingasaw ang amoy ng sigarilyo nang pumasok ito sa driver's seat.

"Problemado ka, brad?"

Hindi sumagot ang kadarating lang na lalaki bagkus ay nagumpisa nalang itong paandarin ang sasakyan.

"Yung dalawa sa batang babaeng tinuturuan ng target natin, anak niya."

Napatingin yung lalaking nagtanong doon sa katabi niyang binulungan siya. Sasagot pa sana siya nang biglang bumulong na naman ito.

"At ang masaklap pa, kaninang nagmamatyag tayo, aksidenteng nakita siya nung isang anak niya."

Napakunot ng noo yung lalaki. "Sa tingin mo, nagsumbong na yung bata na yun sa lider ng kampo nila? Inuwi na siya diba?"

Mas lalo pang lumawak ang ngisi nung lalaking kabulungan niya.

"Nagsumbong? Edi maganda.

Magkakabakbakan na rin sa wakas."

Bab berikutnya