Crissa Harris' POV
Hindi ko alam kung nakaidlip na ba ako nang lagay na yun pero ramdam kong nakatagilid na ako ng higa at alam kong nakaharap ako sa may pader kahit na hindi ako dumilat. Nadadaganan ko ang right side ko, pero sa pagkakatanda ko, nakatihaya akong nakahiga dito habang umiiyak kanina kanina lang.
Pero teka? Ano itong tumutulo sa may kaliwang braso ko? Nakahiga ako sa double deck na kama ha? At nasa ilalim ako? So, ano tong mainit init na likido na to na parang synchronized pa ang pagtulo sa braso ko?
Ninais kong idilat pa ang mata ko pero parang nakaglue na to. Dama ko rin ang pagka paga nito dahil na rin sa pag iyak. Medyo mahapdi at mataba sa pakiramdam.
Gagalaw na sana ako para iiwas ang braso ko sa patuloy pa rin na kung anong tumutulo na yun pero, natigilan agad ako at parang literal ko ring napigil ang paghinga ko dahil sa mga sumunod na narinig ko.
Mga hikbi.
Hikbi nung lalaki na kani-kanina lang ay nakikipagpalitan pa ng maaanghang na salita sa akin.
Yung lalaki na itinulak ako at nasaktan ako kanina.
Yung lalaki na mayabang, maangas, at mapang asar.
Yung lalaking masungit at parang pinaglihi sa sama ng loob.
Yung lalaki na minahal ko dati..
..At patuloy ko pa ring minamahal nang palihim hanggang ngayon.
Oo, pilitin ko mang itanggi, hindi ko talaga makayang itago. Dahil patuloy pa ring sumasampal sa akin ang katotohanan.
Yung katotohanan na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Ngayon? Bakit siya umiiyak?
Masyado ba siyang nasaktan sa sampal ko kanina? Kaya siya nagdadamdam ng ganito ngayon? May natanggal ba siyang mga ngipin? Nagdugo ba ang gilagid niya?
Kabugukan, Crissa.
Di hamak na mas masakit yung impact ng mga nasabi mong salita kanina. Mas nakakasampal ng pagkatao yun. Mas masakit pa sa natanggal na ngipin, mas madugo pa sa nawasak na gilagid. Dahil puso ang naargabyado dito, Crissa. Yung pinaka delicate at vulnerable na parte ng isang tao.
Naramdaman ko ang pag init ng sulok ng mata ko.
Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako na nalalaman kong nasasaktan din siya? Bakit naiiyak din ako? Bakit parang naargabyado rin ang puso ko? Bakit parang dama ko rin yung hinanakit niya?
Pinakiramdaman ko ang puso ko nang hindi ko hinahawakan ito. At isa lang ang nakuha kong sagot;
Kasi Crissa, mahal mo.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ako gumagalaw sa pagkakahiga ko dahil ayaw ko ring malaman niyang gising na ako at umiiyak ako. Ayaw kong makita niyang nasasaktan din ako dahil nakakahiya.
Nakakahiya kasi, hindi ako ang dapat umiiyak. Dahil ako naman talaga ang nanakit.
Sinaktan ko siya.
Nasaktan ko siya. At wala akong karapatan para umiyak din dahil ako ang puno't dulo ng lahat ng sakit na nararamdaman niya at nararamdaman ko ngayon.
"Ang manhid mo talaga e no? May nasasaktan ka na ngang tao, hindi mo pa rin alam. Hindi ka pa rin aware." bulong niya na pilit itinatago ang paghikbi.
Oo, inaamin ko, manhid ako. Kasi wala akong pakialam minsan sa nararamdaman ng ibang tao dahil kapag may naisip at naramdaman ako, sasabihin ko agad. Straightforward ako. Deretso pa ring magsalita kahit na ba may masasagasaang damdamin ng ibang tao. Kahit may nakakaladkad na ego at pride ng ibang tao. Kahit na may nadudurog na puso, at kahit na may nawawasak na pagkatao.
Oo, manhid talaga ako. Pero kahit na ganoon, hindi yun naging dahilan para hindi ko maramdaman yung matinding sakit at hinanakit sa boses niya.
"Napaka manhid mo talaga.." saglit siyang huminto at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha galing sa mata niya na pumatak sa ibabang parte ng braso ko.
At hindi ko lubos na inaasahan ang sumunod niyang sinabi.
"Mahal kita. Mahal na mahal. Kailan? Dati pa. Manhid ka lang talaga."
Naramdaman ko ang mabilis na pagguhit ng kung ano sa puso ko.
Sakit?
Pagkagulat?
Saya?
Pagkasabik?
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung ano diyan ang agad na naramdaman ko. Pero isa lang ang nasisigurado ko; itong mga luha na sunod sunod nang tumutulo mula sa mata ko ngayon, ito ang makakapagsabi ng totoo.
Ito ang makapagpapaliwanag ng lahat.
Lahat lahat nang hindi masabi ng bibig ko. Lahat lahat nang hindi ko masabi sa salita. Eto at pinapakita na ng luha ko.
Lalo pa nang magsalita siya ulit. At narinig ng mga tainga ko ang sumunod niyang sinabi.
"Pero wala naman akong magagawa, kung ibang tao ang gusto mo." nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa kanya pero hindi effective dahil puro sakit lang din ang ipinadama nun. "Akala mo ba, madali para sakin yun? Na makitang si Sedrick ang gusto mo? Sobrang sakit. Ilang beses kitang sinusundan dati, nung mga panahong pasaway ka pa, well hanggang ngayon di naman." tumawa ulit siya. "Sa mga panahong yun, ilang beses kong niligtas ang buhay mo. Nang hindi mo alam. Kasi ang alam mo at inaakala mo lagi, si Sedrick ang nagliligtas sayo. Kasi nandoon din siya nung mga panahon na nalalagay ka sa panganib. Tanda mo pa ba yung nasa kitchen ka? Doon sa mansion niyo? Ako ang nagligtas sayo noon. Hindi si Sedrick. Nung moment na dadambahin ka na nung undead, mabilis kong kinuha yung katana ko para pugutan ng ulo yung undead na yun. Pero sa pagdilat mo, si Sedrick agad ang nakita mo. At hindi ako." tumigil ulit siya, pero nagsalita rin agad. "Hindi ka lang manhid, tanga ka rin. Paano naman magagawang maputol ng club na hawak ni Sed yung leeg nung undead? Haay.. Oo, mahal mo kasi kaya akala mo siya talaga yung superhero mo."
Natigilan ako sa pag iyak at napaisip ako sa mga sinabi niya.
Tandang tanda ko pa yung eksena na yun na kung saan, akala ko dun na talaga ako mamamatay. Yun yung unang engkwentro ko sa undead na sobrang helpless ko. Pumunta lang ako sa kusina para uminom kasi nauhaw ako sa kalagitnaan ng gabi; wala akong kadala dalang armas. Tapos, bigla nalang lumitaw yung undead. At pinagbabato ko na siya ng kung ano anong gamit sa kusina. Hanggang sa maubusan ako ng ibabato at naipit na talaga ako.
Akala ko mamamatay na ako nung panahon na yun. Pero hindi. May nagligtas sa akin.
At hindi si Sedrick yun.
Si Tyron..
"Ilang beses ko pa ring tinry na iapproach ka. Pero iba kasing impression ang natanim sayo about sakin. Diba? Mahangin, suplado, at mayabang ako para sayo? Kaya ayun, imbes na lumapit ang loob mo sa akin, mas lalo pang lumayo." tumawa na naman siya ng pilit.
"Nakita ko rin, unti unting parang hindi ka na lumalapit at apektado dahil kay Sedrick. Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ka ulit. Pero nagkamali ako. Nahuli pa rin pala ako. Kasi, kay Renzo ka naman biglang naging malapit. At ayun, sa pangalawang pagkakataon, itsapwera na naman ako." natigilan ulit siya at naramdaman ko na naman ang ilang pagpatak ng luha sa braso ko.
"Pero kahit na ganon, Crissa? Andito pa rin ako. Patuloy na naghihintay na finally, mapapansin mo na. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo. Oo, cold ako. Oo, tahimik ako. Pero hindi porket ganon, na hindi halata sakin, hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Kasi mahal na mahal kita. At patuloy pa rin akong nagmamahal sayo. Kahit na ba manhid ka, at kahit na ang sakit sakit na."
Nagtuluan na rin ulit ang mga luha sa mata ko. Gusto kong ibangon ang katawan ko para yakapin siya. Pero hindi ko na nagawa. Dahil ramdam ko ang pagkapagod at pananakit ng katawan ko lalo na ang ibabang parte nito. Mula sa lower back, tagiliran, buong hita at binti, lalo na ang parte ng puson.
Hindi rin ako makabwelo ng pagbangon dahil mapupwersa rin ang kaliwang balikat ko.
Pero gagalaw na sana ako para sana punasan ang luha ko, nang magsalita siya ulit. At kung kanina, natitigilan na ako sa mga naririnig ko mula sa kanya, ngayon mas lalo pa akong natigilan. At kung hindi ko lang nakontrol ang bibig ko, malamang pa sa malamang ay napahagalpak na ako ng isang malakas na tawa.
Oo, tawa talaga.
"Pero ano pa bang saysay ng pagsasabi ko sayo nito? E wala ka nang buhay. Literal na manhid ka na talaga? narinig ko ang pagcrack ng boses niya bago ang sunod sunod na naman na hikbi. Sunod sunod na naman din ang pagtulo ng luha sa braso ko.
Gusto ko talagang humalakhak ng tawa pero pinigilan ko at kinagat na lang ang labi ko. Ewan ko pero nagugustuhan ko ang eksena namin ngayon. Daig pa ang eksenang makabagbag damdamin na nababasa ko sa wattpad dati bago pa magkaroon ng apocalypse.
Pero teka nga muna, what made him think na patay na ako? Dahil ba sa sobrang stiff ng pagkakahiga ko rito sa kama? Mukha na ba akong patay? Kaya na rin naisipan niyang magconfess ng undying love niya for me? At kaya na rin ba sobrang dramatic ng confession niya? May waterfalls ng luha at may impromptu speech na pang eulogy ang datingan? Kasi akala niya, deads na talaga ako?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Hindi ko na talaga napigilan at nagpakawala na ako ng isang malakas, mahaba, at malutong pa sa chicharon na tawa. Napahawak na talaga ako sa tiyan ko dahil literal na yun na sumasakit dahil sa paghagalpak na ginagawa ko.
Kaya nang makabawi ako, mabilis akong bumangon at hinarap ang lalaking iyon na nakaupo pala sa may bandang likod ng lower back ko. Kaya tuloy pagkabangon ko, e saktong napa face to face ako sa kanya. Maliwanag ang buwan na nasa labas kaya pumapasok ang liwanag nito sa kinaroroonan namin ngayon.
Napagmasdan ko ang namumugto na niyang mata at basang basang pisngi dahil sa pag iyak. Namumula na rin ng sobra ang ilong nito.
"C-Crissa? Buhay ka?"
Imbes na matawa ulit ako dahil sa sinabi niya, isang matamis na ngiti nalang ang binigay ko sa kanya.
"Oo, pwera nalang kung ang isang kaluluwa ay kayang gawin ito."
Maingat kong iniyakap sa kanya ang mga braso ko para bigyan siya ng isang mainit at puno ng pagmamahal na yapos. Naramdaman ko na naman ulit ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko at leeg ko.
"A-ano ba? Wag ka ngang umiyak diyan. Hindi pa naman ako patay e.." suminghot ako at nagsalita ulit. "Saka ano ba, naiiyak na naman ulit ako oh? Masakit na sa mata. Tama na.."
Matapos kong sabihin yun ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Pero hindi pa yun nagtatagal, bigla na lang siyang humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin at napayuko. Hindi siya makatingin ng deretso sa mata ko nang subukan kong titigan siya.
"S-sorry. Sa paraang ganito ko lang nasabi sayo lahat ng nararamdaman ko. Sobrang informal. Sobrang indecent. Sobrang hindi prepared.." tumingin siya saglit sa akin pero yumuko ulit. "Nadala lang ako. Kasi akala ko, patay ka na e.."
Napatawa na naman ulit ako pero tumigil din ako agad nang makita ko yung cute na cute niyang lips na sobra nang nakasayad sa sahig.
"Nagconfess na nga ako sayo kahit, k-kahit mahina loob ko. Pero tatawanan mo pa ako.."
Tumawa ulit ako bago magsalita. "Kasi naman e, kung hindi mo pa inakalang patay na ako, hindi mo pa talaga sasabihin na mahal mo ako. Na ako ang mahal mo at hindi ibang babae."
Mabilis siyang napatingin sakin at nagtaka ang mukha.
"Ibang babae? Inakala mo na ibang babae ang gusto ko at hindi ikaw? Tsk manhid ka nga talaga." umirap siya akin at bahagyang tumalikod sakin.
Mabilis ko naman siyang nilapitan para yakapin habang nakatalikod sa akin.
"Wag kang mag inarte diyan. Kasi ikaw, manhid ka rin. At hindi ka lang basta manhid. Torpe ka rin." bulong ko sa tenga niya na tumatawa. "Marami pa tayong paguusapan. Pero sa ngayon, sagutin mo muna tanong ko; bakit mo inakalang patay na ako?"
Hindi ko pa rin maitago ang pagtawa ko nang itanong ko yun. Pero napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya nung humarap siya sa akin. Tinignan niya yung puting kumot na bahagya ko pang nadadaganan. Kinuha niya yun at that very moment na tumambad yun sa harapan ko, bigla nalang akong parang napahiya at napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Naramdaman ko nalang din ang biglaang pag init ng mukha ko.
Pano ba naman kasi, dun sa puting kumot, may malaking mapa na gawa sa natuyong dugo na medyo may sariwa pang konti na mansta.
Oo, malansa. Kasi, dugo ko yun.
I mean, hindi ako nasaktan. Pero oo, dugo ko yun. Alam niyo na, yung sa mga babae every month.
Haaayss. Oo, period. May regla ako. Buwanang dalaw. Tsk. Kaya pala napakatimawa ko sa pagkain these past few days. At kaya na rin pala moody at iyakin ako. Kas magkakaroon na ako.
Sorry ha? Hindi ko rin kasi alam na magkakaroon ako. Kasi unpredictable ang period ko. Irregular kasi ang flow ko kaya minsan, umaabot ng ilang months ang interval bago ulit magstart ang menstrual cycle ko.
Saglit akong napatingin kay Tyron pero umiwas din agad ako. Kinapa ko yung bandang pwet ko at ayun, medyo may matigas na part ng pantalon ko at may medyo basa. Nung tignan ko kamay ko, confirmed. Nag crime scene nga ako dito.
Dito sa lugar na hindi naman samin.
At dito mismo sa harap ng taong mahal ko.
Na nagkataon ding, mahal din naman pala ako.
Naramdaman ko na naman ang pagblush ko at di ko naiwasang mapakagat ng labi dahil sa konting kilig. Oo konti lang kasi mas nangingibabaw pa rin ang hiya. Huhu.
Muli akong tumingin kay Tyron at ganon din naman pala siya. Sabay din siyang tumingin sakin kaya sabay talaga kaming nagkatitigan. Kaya ayun, sabay din kaming nagsiiwasan ng tingin sa isat isa.
"E-ehem." tumayo siya matapos umubo. "I-ikukuha lang kita ng ano, ng nilalagay niyo na pangsapo sa dugo, para, p-para di ka na magkalat diyan."
Mabilis siyang tumakbo palabas sa kwarto na yun. At ako naman, automatic lang na napangiti. Pati ba naman yung word na napkin? Hindi niya kayang sabihin? How cute this guy is.
Hanggang sa makabalik siya, nandoon pa rin yung malawak na ngiti ko. Pero as soon as makita ko yung inabot niya sakin, na kinuha niya mula sa labas, isa na namang malakas na tawa ang pinakawalan ko.
"Hahahahahahahahahahahahahahaha!!!"
Sumimangot naman siya at kumunot ang noo.
"B-bakit, mali ba? Itong nakuha ko?" tanong niya na hindi makatingin tapos pinagmamasdan ang hawak niya. Sobrang cute talaga.
"Hmm, not actually. Ginagamit din namin yan. Yun nga lang, pag light period lang. Kasi pantyliner lang yan e. Hindi niyan kayang sumapo ng malakas na flow. Regular pad talaga kailangan ko." nakangiting sabi ko.
Nakita ko naman ang biglaang pamumula ng mukha niya dahil na rin sa pagkakapahiya sa akin.
"S-sorry. Kasi, nung mabasa ko yung word na panty sa pantyliner, nag assume na agad akong ito talaga yung nilalagay niyo. K-kuha nalang ako nung iba. Y-yung regular, diba?" tumalikod siya at akmang maglalakad na pabalik sa labas nang pigilan ko siya.
Mabilis ko siyang hinahabol at niyakap nang patalikod. Naramdaman ko rin ang paghawak niya sa mga braso ko nang hindi niya binibitiwan yung pantyliner na hawak niya.
Napangiti na naman tuloy ako dahil doon.
"Wag. Wag ka munang lumabas. Hayaan mo munang sulitin ko tong oras na to. Para magsink in na rin talaga sakin na..
.. mahal din pala ako ng mahal ko.."
Humarap siya sa akin kaya magkaharap na kaming magkayakap ngayon habang nakatayo. Damang dama ko yung init naming dalawa, at mas lalo na yung init ng pagmamahal na matagal tagal ko ring inintay na maramdaman.
"At isa pa, duguin man ako ng sobra ngayon, hindi ko naman ikamamatay yun diba? Edi hindi rin ako literal na magiging manhid."
Together with that, we laughed in chorus. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya. Dahil sa kalagitnaan ng pagtawa ko, bigla nalang niyang hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko..
.. para na rin halikan ang labi ko.