Danna Adriano's POV
Hindi ko pa rin maiwasang magulat at matakot kapag nakikita ko yung isa pang side ni Axel. Yung side nya na kung saan hindi mo talaga inaasahan kung ano at kung hanggang saan yung kayang gawin nya. Nakakatakot talaga para sa isang tulad ko na masaksihan yung sa isang iglap lang, ni walang pagdadalawang-isip, kakalabitin na nya ang gatilyo ng hawak nyang baril at ipuputok sa kung sino mang haharang sa daan nya. Gaya nalang ng nangyari kahapon. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko yun nang harap-harapan. Hindi ko man nakita yung itsura ng binaril nya, kitang-kita ko naman sa mga mata nya na hindi na nya talaga bubuhayin ang isang iyon. Lalo pa at tauhan pala yun ng ate nyang si Jade at nung mga panahon na yun ay nag-eespiya sya.
Pero sa kabilang banda naman, makikita rin sa kanya yung isa nya pang side. Yung side na nangingibabaw pa rin kahit na nakakatakot talaga. Hindi sya masama katulad nalang ng tatay at kapatid nya. Alam kong naiiba sya sa kanila. Dahil kahit nung unang araw ko palang na hindi inaasahang mapabilang sa grupo nila, nakita ko na talaga sa kanya na mabuti syang tao.
Flashback.. (19 days ago. Day 4 of zombie apocalypse..)
Iba-ibang mukha ng tao ang nakita ko pagkababa ko ng sasakyan kasama tong mga halimaw na tumangay sa akin. Nakapalibot pa rin sila sa akin habang tinatahak namin yung daan sa may mga nakatayong bahay. Isa tong hindi pamilyar na lugar para sakin. Isang maliit na village na may malaking bakod na nakatayo sa paligid nito.
Lahat ng nadadaanan kong tao ay pilit kong kinikilatis. Baka sakaling may makita ako na kakilala ko, o naiiba sa itsura nang mga ito. Pero bigo ako. Dahil hindi ko magawang titigan nang matagal mga mukha nila. Mapa-babae man o lalaki. Lahat sila para bang handang tapusin ang buhay ko anumang sandali. Bitbit ang mga matataas na kalibre ng baril, kitang-kita sa kilos at galaw nila na, halang ang mga kaluluwa nila.
Lalo pa nang madaan kami sa isang parte na mapuno at masaksihan na mismo ng mga mata ko ang posibleng gawain nitong grupo na to. May dalawang lalaki doon na itinali sa isang puno ang isa pang lalaki. At mula nalang sa kung saan, may lumitaw pa na tatlong lalaki bitbit ang mga naka-kadenang mga undead. Iniwas ko na ang tingin ko dahil hindi ko na kinaya yung sumunod na nangyari.
Pinalapa nila ng buhay doon sa mga undead yung lalaking nakatali.
"Ganyan mangyayari sayo kapag hindi ka sumunod sa utos ni boss. Hahaha.." tumawa nang mala-demonyo yung mga halimaw na nakapalibot sakin.
Naluha nalang ako sa sitwasyon na yon. Kung sana ba ay sumama nalang ako kila Crissa, hindi mangyayari sakin to. Hindi ako mapupunta sa lugar nato. Hindi ako mapapabilang sa grupo ng mga halimaw na to na wala na ring pinagkaiba dun sa mga halimaw na unti-unti nang kumakalat ngayon sa mundo.
"Makakaalis na kayo. Ako nang bahala sa kanya." napatingala ako doon sa lalaking biglang dumating sa harapan namin.
Sya lang ang tanging tao na nakita kong hindi nakasuot ng kulay itim na damit sa lugar na to. May hawak syang baril na katulad nang binigay sa akin nila Crissa. Kinilatis kong mabuti ang mukha nya para tignan kung katulad din ba sya nila. Pero parang may kung ano sa loob ko na biglang napanatag ng mapagmasdan ko nang mabuti ang maamo nyang mata.
"Pero boss, sabi po ng ate nyo doon sya ideretso kasama nung mga nabihag kahapon. Kailangan pa po nitong tignan kung may maitutulong sa grupo natin.." pag-alma nung isa pero napaatras sya ng ilang hakbang nang bigla nalang syang tutukan nun ng baril sa ulo.
"Isang beses pa na turuan mo ako ng gagawin ko, sasabog ang bungo mo." malumanay na sabi nung lalaki pero sya pa ring ikinaatras nung iba pang nasa tabi ko.
Hindi ko na ninais pa na pumalag at manlaban nung haltakin ako nitong 'boss' nila. Lahat ng madaanan namin, kusang nahahawi at umiiwas sa kanya. Unti-unti naman akong kinabahan nang haltakin nya ako papasok sa isang bahay. Hindi ko rin ba alam dahil nung humarap sya sa akin at tignan ako nang deretso, bigla nalang akong napaiyak. Pilit ko ring binantayan yung kilos ng kamay nya na hawak-hawak pa rin yung baril.
"Wag kang mag-alala. Wala akong balak gamitin sa mabuting tao tong baril ko." lumapit sya sakin at bahagyang pinunasan ang luha ko. Kaya nakita ko na rin uli nang malinaw yung maamo nyang mukha. "Ngumiti ka na. Para masurpresa mo yung nag-iintay sayo sa likod ng pintong yan." itinuro nya yung pintuan sa may di kalayuan at hinaltak ako dun. Bahagya nya rin yung binuksan para masilip namin yung nasa loob.
Pero imbes na mapangiti, lalo lang akong napaluha nung mapako yung tingin ko dun sa pamilyar na lalaking masayang nakikipag-usap kasama ang iba pa. Kahapon lang nawala sa paningin ko si Gio, pero kung titignan sya, parang sobrang saya nya at panatag na panatag ang loob nya dun sa mga kasama nya ngayon. Ibang-iba rin ang itsura nila doon sa mga nasa labas.
"Hindi mo dapat ikatakot yung nasa labas, Danna. Nahahati sa dalawa tong grupo na to; yung nasa labas na pinamumunuan ni Jade, at itong nasa loob na pinamumunuan ko. Kaya nung oras na itinapak mo na yung paa mo dito sa loob nitong bahay na to, protektado na kita. Hindi ka na kayang galawin nung mga kinatatakutan mo sa labas.."
End of flashback..
Hindi ko man lubos pang naunawaan yung sinabi nyang yun, lumipas naman ang ilang araw na wala nga talagang nangyayaring masama sa amin ni Gio. Wala na ring lumalapit sa akin na ibang tao bukod pa dun sa nakita kong kasama at kausap nya dun sa bahay na yon. Mababait sila sa amin. Lalo na si Nate at Chuck. Hindi namin kasama si Axel pero silang dalawa naman ang hindi umaalis sa tabi namin ni Gio. Para na rin daw masiguro na walang gagawin samin si Jade.
Sya yung step sister ni Axel na tinutukoy nyang namumuno dun sa kalahati ng grupo na to. Isang beses ko palang syang nakita at nakasalamuha noon. Pero masasabi ko na sa isang beses na yon, dun ko talaga lubos na naunawaan yung sinasabi ni Axel na hati ang grupo na to. Dahil yung grupo na nasa labas, at yung grupo na nasa loob ng bahay na yon na kinabibilangan namin ni Gio, magkaibang-magkaiba. Ni minsan, hindi ko pa nakitang masaya yung mga nasa labas katulad nalang nung samin na nasa loob. Tapos sila, palagi pang may ginagawa na nagpapatunay na halang ang mga kaluluwa nila. Sila-sila kasi mismo, nagpapatayan. Magugulat ka nalang na may maririnig kang putok ng baril at may namatay nanaman.
Lalo na yung Jade. Hindi nya itinuturing na tao yung mga tauhan nya. Kung hindi hayop, alipin ang turing nya. Base sa kwento nila Nate at Chuck, sya ang nag-uutos na kung sino mang walang pakinabang at silbi, patayin na agad. Yung mga taong nadadakip ng grupo nila, dinadaan nila sa pagsubok na kapag di nila nalagpasan, tapos na agad ang buhay nila.
Dun ko rin nalaman na kaya maraming namamatay sa tauhan nya ay dahil, may ginagawa silang isang misyon na utos nung pinaka leader ng grupo na to. Yung tatay nila. Hindi ko pa nakikita yung tatay nila na yon hanggang ngayon pero bases sa kilos at ugali ni Jade, pati na rin ng mga tao nila, mas halang ang kaluluwa nya. Nasa ibang lugar daw yun kasama yung iba pang tauhan nya para bumuo ng mas malaking kampo nila. At yung responsibilad na naiwan dito sa lugar na to, pansamantalang ipinaubaya kay Jade. Pati na rin yung pamumuno at pagpaplano dun sa misyon nila.
Hindi ko alam yung misyon na yun kaya isang araw, naglakas loob na akong magtanong kay Nate. Sya ang kanang-kamay ni Axel kaya lahat ng plano nun, nalalaman nya. Hindi naman sya nagdalawang isip na ikwento sakin yun dahil kahit papano raw ay kailangan ring may malaman ako dun. Lalo pa at kilala ko rin daw yung mga tao na involve doon.
Flashback..
"Gustong ubusin nung ama nila boss Axel ang buong angkan nila Crissa Harris. Bago palang mangyari tong apocalypse na to, ginagawa na nila yun. At kung bakit, hindi ko rin alam. Wala namang nababanggit si boss." seryosong sabi sakin ni Nate at parang literal ng gustong lumaglag ng panga ko.
"Kilala nila sila C-crissa?.. P-paano?.." naguguluhang tanong ko. Hndi ko na inusisa pa kung bakit gusto nila silang patayin dahil sinabi na nyang wala rin syang alam.
"Wala akong masyadong alam, pero base sa background nila, matagal nang magkaibigan ang pamilya Suarez at Harris. Partners sa negosyo.. Nakakapagtaka diba? Kaibigan nila pero gusto nilang itumba. Palihim nilang inaatake ang mga Harris. At hanggang ngayon, clueless pa rin ang mga Harris na yung mga banta sa buhay nila simula pa dati, galing sa mga Suarez.." huminto sya saglit sa pagsasalita. "At alam mo ba, ilang araw mula nung madala ka dito at nalaman nilang buhay pa yung dalawang miyembro ng Harris at sila ang tumulong sayo, gumawa agad ng aksyon si Jade. Nag-utos sya sa mga tauhan nya na mag-ipon ng mga zombie at pakawalan dun sa labas ng village nila Crissa. Hindi ko sigurado kung ilan pero, hindi bababa sa tatlong container van ang dami nun."
"T-tatlong container van? Napakarami nun, N-nate.. Saka pano nila nalaman na may tumulong sa akin, at sila Crissa yun?"
"Dahil daw dun sa baril at kutsilyo na nakuha nila sayo.. Hindi ko rin gets kung pano nila nalaman nang dahil lang dun. Pero wag kang mag-alala. Nasiguro na rin naman ni boss Axel na ayos lang sila Crissa.."
"P-paano?.." tanong ko na naguguluhan pa rin.
"May inutusan si boss na dalawa nya pang tauhan para bantayan sila Crissa kasabay na rin ng pagmamanman nila sa mga susunod na gagawin ni Jade. Sa katunayan nga, unti-unti na ring gumagawa si boss ng hakbang nya para masigurong ligtas sila Crissa."
"H-hakbang?.."
"Hindi naman kayang bantayan ni boss si Crissa ng bente kwatro oras kaya nagbigay nalang syang babala para sa kanila. Tinakot nya sila Crissa sa pamamagitan ng pagbibigay ng death threat. Inutusan nya yung dalawang tauhan nya na mag-iwan ng note dun sa kinaroroonan nila at pinalabas na death threat nga yon. Ginawa nya yon para maging alerto na talaga sila Crissa sa lahat ng oras."
End of flashback..
Nung oras na yon, unti-unting nagsink sakin lahat ng sinabi ni Nate. Delikado ang buhay nila Crissa dahil sa plano ni Jade at ng tatay nya. Sila pala ang subject ng misyon nila na yon. Pero dahil nga salungat si Axel sa kagustuhan nila, palihim na rin syang gumagawa ng paraan para mailigtas sila Crissa.
Tinanong ko si Nate kung bakit ganon nalang ang pagprotekta ni Axel lalo na kay Crissa. Pero hindi naman nyan direktang sinabi yung dahilan. Sadyang mabuting tao lang daw talaga si Axel at naiiba sya sa mga Suarez na yon, sabi nya. Pero alam kong hindi lang dahil doon yon, at alam kong may mas malalim pang dahilan.
Lalo pang lumakas ang kutob ko nang isang araw, ipinag-utos na ni Axel kay Nate at Chuck na turuan ng leksyon si Jade dahil may bago nanaman syang ginawa sa grupo nila Crissa. Galit galit na si Axel nang malaman nyang nagpadala uli ng tauhan si Jade para magmatyag kila Crissa at may isang kagrupo si Crissa na nasaksak. Although ligtas naman sila Crissa, pati na rin yung kasama nila na nasaksak, hindi na rin nagdalawang isip si Axel na unti-unti nang sirain yung kademonyohang plano nila Jade. Gamit yung container van na pinaglagyan nila ng undead na pinakawalan nila sa village nila Crissa, doon din sya ikinulong nila Nate at Chuck. Bantay-sarado sya ngayon nung iba pang tauhan ni Axel. At yung mga tauhan naman nya, wala na ring magawa dahil kilala na nila si Axel.
Basta para sa taong mahal nya at mahalaga sa kanya, lahat gagawin nya. Kahit pa ilang buhay ang mapatay nya.
Oo. Alam kong may gusto sya kay Crissa at mahal na mahal nya yun to the extent na kahit sino ay kaya nyang patayin para lang masigurong ligtas. At napatunayan ko yun nung isang araw nang malaman ko kay Chuck na si Axel na mismo ang nagbantay kila Crissa dala na rin ng ginawa ni Jade. Gabing-gabi na sya nakauwi nun dito dahil hindi sya umalis doon sa lugar na kinaroroonan nila Crissa hanggat di nya nasisigurong okay sila.
At kaya nga kahapon, nagkaroon na talaga ako ng lakas ng loob na sabihing, wag nya talagang hahayaang may mangyaring masama kila Crissa. Nakakatuwa lang din mismo na marinig mula sa kanya na gagawin nya talaga ang lahat. Na makikipagtulungan na sya kanila Crissa at kasama nila kami ni Gio pati na rin ni Nate at Chuck na gagawa nung plano nyang yon. Although nagulat talaga ako makita na mismo ng mata ko yung kung anong gagawin nya sa lahat ng haharang sa plano namin, napatanag na rin talaga ang loob ko.
Lalo pa nung sabihin nyang hanggat kasama namin sya, walang mangyayaring masama sa amin.
******
"Anong meron? Bakit daw tayo pinapatawag ni Axel?" tanong ko kay Nate habang naglalakad kami papunta doon sa quarters namin.
"Ayos ka din no? Axel nalang tawag mo, hindi na boss." tumatawang sagot nya.
"E, sya naman may sabing Axel nalang itawag ko sa kanya e."
"Kung sabagay. Kami na lang din naman ni Chuck ang tumatawag sa kanyang boss sa grupo natin. Kahit pa sinabi na nyang Axel nalang."
"E bakit nga ba boss pa rin tawag nyo sa kanya?.. Diba, magkaibigan naman kayo?"
"Oo. Pero nasanay na kasi kami e. Ang awkward lang para samin na tawagin lang sa pangalan nya yung leader namin."
Tumango nalang ako sa sinabi nya. Sa tono nung pananalita nya, parang matagal na rin talaga silang magkasama ni Axel. Siguro bago nagsimula tong apocalypse na to, meron na talaga silang grupo at si Axel ang leader nila. At kung titignan yung samahan nila, lumalabas na hindi basta basta yung kung ano mang grupo ang meron sila. Idagdag pa yung sanay silang lahat na lumaban at gumamit ng baril. Tapos yung personality pa nila, unpredictable at nakakatakot.
Pagpasok namin sa quarters, andun na si Axel at yung iba pa nyang tauhan na hindi lalagpas ng sampu. Lahat sila ay nag-aayos ng mga baril nila. Si Gio at Chuck naman, mahigpit na binabantayan si Jade kaya hindi na ako nag-abalang hanapin pa sila.
"Here's your gun."
Tinignan ko yung baril na inaabot sakin ni Axel.
"You'll be needing that." sabi nya at kinuha ko na agad yun sa kanya. Pinagmasdan ko yung mabuti at bigla kong naalala na ito yung binigay sa akin ni Crissa.
Humarap ako kay Nate at pasimple ko syang binulungan.
"Nate, ano bang gagawin natin? Hindi ako sanay gumamit nito."
"Basta. Madali lang gamitin yan." bulong nya pabalik. "Tara na, magsasalita na si boss." hinaltak nya ako papunta doon sa likod ni Axel na kasalukuyang nakaupo sa may mesa nya. Yung ibang tauhan naman ay nakapalibot lang sa harapan namin.
"Maghanda kayo, baka mapalaban tayo." panimulang sabi ni Axel na nakakuha ng atensyon ng lahat. Maging ako ay naging alerto rin.
"Those who aren't with us, and will refuse to be, we'll eliminate all of them.."
Nagtaasan bigla ang balahibo ko dahil sa sinabi nyang iyon. Ang ibig nya bang sabihin sa eliminate ay.. papatay kami? Papatayin namin yung mga nasa grupo ni Jade?
Nagkaroon ng mahinang commotion sa pagitan ng lahat. Lahat sila ay may nakakalokong ngiti sa mga bibig nila. Nakakakilabot.
"Nice, ginaganahan ako."
"Tagal ko ring hindi nagamit sa tao tong baril ko ha? Ilan kaya papalarin mamaya?"
"Ako na bahala dun sa pinakaloyal na alipores ni Jade. Matagal nakong nauumay sa kayabangan ng gagong yon e."
"Tss. Isang bala lang naman yung ampaw na yon. Di ka mahihirapan. Kahit nga si Danna, kayang-kayang itumba yun e." tumingin sakin yung isa at nagthumbs pa.
Mas kinilabutan ako dahil doon. Ni hindi ko nga kayang pumatay ng hayop, tao pa kaya? Alam kong hindi nalalayo sa edad ko lahat nang nandito. Pero, ganun nalang ba talaga sila kabihasang pumatay ng tao? Grabe. Parang hindi ko ata kakayanin to. Lalo pa at isasali na rin nila ako.
"Alam nyo na gagawin diba? Sige pumunta na kayo doon." utos ni Axel at pagkalabas nga nung iba, sa amin naman sya humarap.
"Hawak-hawak ko sa leeg si Jade. Kaya alam kong yung mga tao nya, lihim na ring gumagawa ng plano laban satin. Akala ba nila, maiisahan nila ako? Nagpapanggap lang silang walang pakialam at nakikiayon sa atin. Kaya ngayon, huhulihin natin sila sa sarili nilang pain." tumayo si Axel at tumingin sa labas ng bintana habang nagsisindi ng sigarilyo. Mula sa kinaroroonan namin, bahagyang natatanaw yung container van na pinagkulungan kay Jade. Nandun din yung tatlo pang tao nya na kasamang nagbabantay ni Gio at Chuck.
"Nate, gawin mo na yung sinabi ko."
Narinig ko pang ngumisi si Nate sa tabi ko. "Mismo boss."
Hinaltak na nya ako para lumabas. Pero bago pa namin buksan yung pinto, narinig uli naming magsalita si Axel.
"Oo nga pala, wag kang aalis sa tabi ni Nate, Danna. Alam kong hindi ka pa sanay pero, ihinda mo na rin ang sarili mo na pumatay ng tao."
Paulit- ulit na nag echo sa isip ko yung sinabi na yon ni Axel kaya ni hindi ko rin namalayan na nahaltak na pala ako ni Nate palabas ng quarters at kinakaladkad na nya ako ngayon papunta sa kung saan. Habang haltak-haltak nya ang kaliwang pulso ko, pinagmasdan ko namang mabuti yung baril na hawak ng kanang kamay ko.
"N-nate, hindi ko talaga kayang pumatay.. Kunin mo tong baril na to." bulong ko na ikinatigil nang pagkaladkad nya sakin.
Unti-unti naman syang humarap at binitawan ang pulso ko. Akala ko magagalit sya sakin at sisigawan ako pero nagulat nalang ako nang bigla syang ngumiti at mahinang tumawa.
"Ganyan din ang sinabi ko nung una akong makahawak ng baril at malaman kong kailangan kong pumatay ng tao para protektahan ang sarili ko. Pero alam mo, ganito lang yan e." ibinaba nya sahig yung baril na hawak nya tapos pa rin yung akin.
Hindi ko magets kung ano bang balak nyang gawin dahil bigla nalang naging seryoso ang itsura nya at laking gulat ko nalang nang bigla nyang itinaas yung kanang kamay ay nya para suntukin ako. Buti nalang talaga naging maagap ako at mabilis ko syang nasipa dun sa parte ng katawan nya na.. masakit talaga ng sobra kapag natamaan. Napayuko tuloy sya at ininda yung atake ko na hindi ko rin inaasahan na gagawin ko.
"A-aww.. Aray ko ah.." bulong nya na namimilipit pa rin.. Tarantang-taranta naman ako habang hindi malaman kung pano sya tutulungan.
"I-ikaw naman kasi e.. Bakit mo ko biglang susuntukin?.. Nasipa patuloy kita."
"T-that's my point."
"A-anong that's my point?.." takhang tanong ko. Mukhang bahagya naman na syang naka recover at nagawa na nyang makatayo ng tuwid.
"Matututo kang lumaban kung alam mong may banta laban sayo. Do you see what you did? Umamba ako ng suntok, at ikaw naman, hindi lang basta dumepensa. Umopensa ka pa at inunahan mo nang atakihin ako bago pa kita maatake." kinuha nya yung baril nya at inabot nya rin yung sakin. "Kaya wag ka ring magdadalawang isip na gamitin yan para protektahan ang sarili mo.
"Eh, iba naman tong baril doon sa sipa. Nakakamatay to. At ayun ang di ko kaya."
"Eh pano kung ganito ang gawin ko ha?" hinaltak nya ako papalapit sa kanya at itinutok nya yung baril nya sa ulo ko. "Anong gagawin mo?" mas idinikit nya pa yung baril sa akin.
Ewan ko pero bigla nalang akong parang sinapian ng kung ano at nagawa ko syang itulak ng malakas papalayo sa akin. Hindi ko rin inaasahan na maikakasa ko yung hawak kong baril nang mabilis at mabilisan ko ring maitututok at maipuputok sa kanya. Napapikit ako dahil doon, laking gulat ko nalang pagdilat ko ay wala syang tama at nakangisi na sya akin.
"See? Muntik mo na akong mapatay dahil sa ginawa mo. Buti nalang sabay umiwas na ako sa anggulo mo pagkatulak mo sakin." lumapit sya sa akin at pinagtatapik ang ulo ko. "O diba, kaya mo? Palagi mo lang iisipin na ngayon, hindi mo na masisiguro kung balak ka pang buhayin ng mga may banta sayo. Kaya wag ka na ring magdadalawang isip na pumatay kung kailangan talaga. Unti-unti yan, Danna. Magiging natural nalang sayo. Natural impulse at reflex na pumatay."
Nagsimula na syang maglakad at ako naman ay naiwan nalang don na nakatulala. Muli kong tinignan yung baril na hawak ko. Hindi ako makapaniwala. Kung hindi sya nakaiwas ng mabilis sa ginawa ko, malamang nakapatay na rin ako.
"Wag kang tumulala. Dapat palagi kang alerto." bulong nya na ikinagulat ko. Sabay hinaltak na nya uli ako.
Bakit hindi ko namalayang nakalapit na pala sya sakin? Matinik talaga tong isa na to.
"Hawakan mo nang mabuti yang baril mo. Dahil kung kanina nagpractice ka lang, ngayon gagamitin mo na talaga yan."