Crissa Harris' POV
Lahat ng mga dapat sa labas, pinalabas na niya. Si Harriette at Lennon lang ang naiwan sa loob ng van dahil maging si Alex, si Alessa, si Renzo, si Fionna at Owen ay lumabas din para makapagbantay. Kaniya-kaniya silang pwesto sa paligid at masuring nagmasid. Kapwa nila bitbit yung mga sarili nilang armas.
Nang hindi binibitiwan yung bata, pumunta ako sa passengers seat para kuhanin yung Micro SMG ko. Pagkatapos ay lumapit ako kay Christian na tinutulangan si Elvis na icheck yung tibay ng hagdan ng treehouse.
"Eh, how about me kambal? Saan ako?" reklamo ko. Mabilis niya naman akong nilingon.
"Stay here. Kailangan ka nila dito. Mabilis lang naman to e." ibinalik na niya ang atensyon sa pagsisigurong intact na yung hagdan.
Hindi na ako umalma dahil alam kong kaya na rin naman na nilang ihandle ni Elvis yung kung anong maaabutan nila doon sa treehouse. Kahit na ano pa yun.
Pero bago pa sila umakyat, muli kong kinalabit ang kakambal ko.
"Christian, take him with you. So he can personally see.." sabi ko na inaabot sa kaniya yung braso nung bata. Alam kong gets na rin niya naman yung ibig kong sabihin dun sa sinabi ko dahil walang pagdadalawang isip na inakay niya yung bata.
Bago tumalikod, sinulyapan ko muna yung bata. Bakas sa mukha nito yung pagiging inosente niya sa mag bagay-bagay lalo na dito sa nangyayari sa ngayon. I just hope na sana, matanggap agad ng mura niyang kaisipan yung kung ano mang posible nilang maabutan sa itaas.
Bumalik ako sa malapit sa van at nakimatyag na rin sa paligid. And soon as ibaling ko yung paningin ko kay Alessandra na nakasandig sa isang puno, mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya para maialerto siya.
"Alessa, look out!" hiyaw ko.
Sa likod niya kasi ay ang isang susuray-suray na undead. Mabilis ding kumilos si Alex na nasa malapit lang at agad na sinugod ng saksak sa lalamunan yung undead; na nagkataong yung matandang babaeng cannibal pala.
Tsk. Ang aga ng karma ni manang. Mabuti nga sa kaniya to. Sa dami ba naman ng nabiktima nila, na walang awa nilang pinatay at pinanglaman tiyan, deserve pa ba niya ng awa? Nila ng asawa niyang isa pang halimaw?
Sumunod ako kay Alex nang lapitan niya yung nakahandusay na halimaw na iyon.
"Bago kayo umalis dito kagabi, did you shot her?" tanong ni Alex na sinusuri yung undead.
"Nope. Hindi ko na inaksaya ang bala ko sa kaniya." sagot ko.
Hindi na sumagot si Alex. Sinundan na lang ng mata ko yung ginawa niya na pagtulak sa katawan nung undead para matihaya ito.
Napakunot agad ako ng noo nung tumambad sa akin ng malapitan ang mukha nun.
"A gunshot in her forehead na probably ang naging sanhi ng pagkamatay niya."
Seryoso akong napatingin sa mata ni Alex. Animo nagkakabasahan na kami ng isip. At batid kong iisang bagay lang ang tumatakbo sa mga utak namin ngayon.
May kung sino na namang nagtumba dito sa matandang babae na ito; at hindi yun isa sa grupo namin.
"Stay alert." bulong ko sa kaniya. Anong malay namin, baka minamatyagan kami nung gumawa non sa mga oras na ito?
Hinawakan ko ng mahigpit yung Micro SMG ko. Nagpalakad-lakad ako sa paligid habang nagmamasid. Nararamdaman kong mayroon talagang nanonood sa amin ngayon.
Lahat naman kami ay pare-parehas na napatingin sa may treehouse nung marinig namin ang malakas na iyak nung bata. Tumatakbo akong sinalubong si Christian at Elvis na akay-akay yung batang umiiyak habang bumababa ng hagdan.
"His dad is already dead." agad na sabi ni Christian pagkababa niya. Si Elvis naman ay karga-karga yung bata habang naglakad pabalik ng van.
"H-how come na, patay na yung tatay niya? Buhay siya nung iwan namin sa itaas. And nung time na nakabangon pa yung matanda at nagtangkang habulin kami, itinulak pa niya yung hagdan. Tapos dun na tumalon yung matanda. I don't get it. Alam kong buhay pa siya after nun.." di makapaniwalang sagot ko.
"A gunshot in his forehead killed him." bulong ni Christian at gulat akong napatingin sa kaniya dahil doon.
Now I know. Katulad din siya nung sinapit nung matandang babaeng cannibal. At alam kong parehas lang din ang gumawa nito sa kanila.
"Lahat ng pinupuntahan at iniiwan natin, pinupuntahan din nila. Tinutumba at sinisira nila lahat ng naaabutan nila para wala na tayong mabalikan." gigil na sabi ko. Parehas naman kaming napalingon nang lumabas dun sa bodega si Tyron at Sedrick kasunod si Renzy na nagsusuka na sa isang gilid.
"Cleared. There's nothing bukod sa mga nangangamoy na parte ng katawan ng mga biktima nila."
Nagkatinginan agad kami ni Christian matapos marinig yung sinabi ni Tyron.
"Thats nice. Nilimas din nila yung armas natin at ng iba pa." napapailing na sabi niya habang nakangisi.
Tinapik ko naman siya sa balikat. "I told you. Ginigipit nila tayo. We better leave now. May matang nakatingin satin."
Sumang-ayon agad ang kakambal ko at umalis na kami pagkatapos makabalik sa kaniya-kaniyang pwesto namin.
Bumyahe muna kami ng halos isang oras bago kami nagpasyang mag stopover at kumain ng almusal. Napagkasunduan na rin kasi naman na sa kasunod na city nakami maghahanap ng bago naming matutuluyan. Gusto namin kasing kahit papaano, mailigaw at mailayo namin yung mga naghahabol samin.
Thankful naman kami kasi habang bumabyahe, wala kaming napansin na kakaiba. Walang sumusunod sa amin sa daan.
"You should eat. Lalo ka niyang magkakasakit e." naawang sabi ko habang tinitignan yung bata na hindi ginagalaw yung lata ng corned tuna sa harapan niya.
Sa tabing daan lang naman kami nag stop over para kumain. Yung iba nakaupo sa labas, pero ako, yung bata, sila Renzo at Renzy sa likod, pati na rin sila Harriette at Lennon, nasa loob pa rin ng van.
Si Christian, Elvis, at Tyron, may seryoso namang pinag-uusapan. Siguro nagpplano na sila ng mga next moves lalo pa ngayon na nandito na kami sa bungad ng siyudad na katabi ng pinanggalingan namin.
"Tsk. Paano ba namang kakain yung bata, e hindi pa bukas yung lata? Ikaw talaga oh.." maangas na sabi ni bestfriend Renzo saka kinuhang pilit yung lata. "Ayan bukas na. Makikita mo, kakain na siya. Diba, kiddo?" nakangiting sabi niya sa bata habang inaabot yung lata.
"Hindi po." tipid na sagot nung bata.
"Sabi ko nga ayaw mo. Hehe." bumalik na si bestfriend sa pagkakaupo at kumain na ulit.
Ibinaling ko nalang ulit yung tingin ko sa bata. Malungkot ang itsura nito at namumugto pa ang mga mata. Dama ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. At alam kong mas dama ni Renzy at Renzo yun.
"Ano nga palang pangalan mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Akala ko di niya ako papansinin pero nagulat ako nung ngumiti rin siya pabalik sa akin.
"Russell po.."
"Oh, Russell.. Alam mo, may ikkwento ako sayo. Yung nasa likod natin, si ate Renzy at si kuya Renzo, wala na rin silang daddy. Pati mommy." lumingon si Russell sa likod at pinagmasdan sila Renzy at Renzo na masayang nag aasaran.
"But see? They still manage to be happy. Kasi yun din ang gusto ng daddy at mommy nila kung buhay pa sila. Ang maging happy at safe ang anak nila." inabot ng kanang braso ko yung ulo ni Russell at saka hinaplos-haplos. "So are you, baby. Your dad wants you to be happy. I know you are still sad about that. But you should keep yourself alive and breathing. Because that is your daddy's last wish."
Hindi sumagot si Russell after that. Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago ko naramdamang nakatulog na siya sa mga bisig ko. Kaya hinayaan ko nalang siyang ganon at ipwinesto ko yung ulo niya sa kandungan ko.
"We are your family now, Russell. We will protect you." mahinang bulong ko.
Nagpatuloy na rin kami sa byahe at ilang minuto lang, huminto kami sa tapat ng isang one-story building sa loob ng isang katamtamang laki ng compound. Maraming puno at mga halaman. May playground din sa gilid nito at base sa conclusions ko, isa tong kindergarten school?
You Shine Daycare Center
Basa ko dun sa karatula na nasa bandang itaas ng gate. Tama pala ako. School to.
Sinenyasan ko si Renzo sa likod na buhatin yung bata dahil sinundan ko agad si Tyron na bumaba rin agad pagkahinto ni Christian.
"Maganda yung gate, mukhang matibay. The walls are still whole. Walang mga lamat or durog. And the place is wide. Maaliwalas." sabi ni Christian habang pinagmamasdan yung kabuuan nung lugar.
"Ewan nalang natin sa loob. Baka namumutaktak ang undead dyan. Di natin alam, matao tong lugar na to e." sabat ko.
Tumango lang silang dalawa at muling nagsalita si Christian. "Then we better start clearing now. Dating gawi ah? Hati ang groups na papasok at maiiwan." humarap siya sakin. "Crissa, ikaw, si Elvis, si Renzo, at si Renzy, maiiwan dito sa labas. Together with Harriette and Lennon. Pati na rin yung bata. The rest, kasama ko nang magcclear. Aight?"
Nagthumbs up ako at hinarap ko si Elvis, Renzo, at Renzy.
"This would be our home for the mean time. So, let us defend it."
Sabay-sabay silang ngumisi matapos kong sabihin yun at mahigpit din nilang hinawakan yung mga armas nila.
"Wag na tayong papayag na sirain ulit nila yung mga pinaghirapan natin. Ibigay natin sa kanila yung hinahanap nila." madiin na sabi ko at saka ako tumingin sa paligid. "Get ready, undeads are approaching.."