webnovel

Chapter 79

Crissa Harris' POV

"So reckless of you, Crissa."

Saglit akong lumingon kay Christian dahil sa ibinulong niya sa akin. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya kaya ibinalik ko na lang ang paningin ko dun sa dalawang matanda na kalong-kalong yung apo nila sa may damuhan. Yung ibang kasama namin ay inaalalayan silang bigyan ng pagkain at inumin.

"Not all act of kindness is good. Baka yung kabaitan mo pa ang mismong pumatay sayo." naramdaman kong humarap siya sa akin. "Bakit ang bilis mong nagtiwala, ha? Bakit bigla ka na lang gumawa ng move nang hindi mo man lang ipinapaalam samin?"

Napailing ako dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon ng kakambal ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi sapuhin ang seryosong titig niya sa akin.

"Christian, nakita ko. Kailangan nila ng immediate help. Nakita mo yung bata, diba? Kung hindi natin tinulungan yun, malamang mas lumala pa yung kondisyon niya." pagpapaliwanag ko. Pero mas lalo lang sumeryoso ang titig niya at hindi nakaligtas sa mata ko ang konting hint ng gigil sa panga niya.

"Kahit na, Crissa. How sure are you na mapagkakatiwalaan sila? Na wala silang pinaplano at gagawing masama? Lalo pa na bigla ka nalang sumugod sa kanila nang mag-isa? They could've killed you!"

Mabilis ko syang hinaltak sa mas malayo pa para walang makarinig sa amin.

"Prumeno ka naman sa mga sinasabi mo! Nakakahiya, matatanda pa rin sila! Bakit ganyan ang approach mo ngayon? Hindi naman ganyan dati kay Lennon ah? Kay Owen at Fionna. Pati kay Danna!"

"Iba yung dati sa ngayon, Crissa! Ni hindi mo man lang ba naiisip na maaring isa sila sa mga humahabol at nagmamatyag sa atin? Ha? Na baka they just set that up para mahuli tayo? Na puro lang pala arte yang lahat?"

Saglit akong napaisip sa mga sinabi niya dahil may punto siya. Ilang buntong hininga nag pinakawalan ko para na rin pababain yung namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa. At pagkatapos nun, malumanay akong tumingin sa kaniya at nagsalita.

"Maaaring tama ka sa sinasabi mo na hindi mapagkakatiwalaan yung dalawang matanda. Pero yung batang may sakit, hindi mo maitatanggi yun." hinawakan ko sya sa braso niya. "Christian, nursing student ako.. Hindi mawawala sa loob ko yung kagustuhang makatulong sa may sakit. Let me handle that, okay? Kahit yung bata lang. And then, we could let them leave."

Nagbuntong-hininga nalang din siya at saka ginulo ang buhok ko. "May magagawa pa ba ako? Sige na. Tignan mo na ulit yung bata."

Malamambot pa rin naman pala ang puso ng kakambal ko kahit papaano. Akaka ko, nilamon na rin to ng dahas e.

Ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya at pumunta na ako dun sa pwesto nung mga matanda at ng apo nila. Nagawa naming remedyuhan ni Harriette yung taas ng lagnat ng bata at sa ngayon, stable na ang lagay niya. Konting painom nalang nung mga gamot na ibinigay namin, okay na ulit siya.

Mukhang trangkaso kasi itong iniinda nga bata. Mukha ring hindi siya nakakakuha ng sapat na nutrisyon dahil sa payat na pangangatawan niya.

Well, sino ba naman ang makakakuha ng sapat na nutrisyon sa panahon ngayon? Yung kakainin mo ng isang meal, maghapon mo pang pagpapagurang hanapin. Masuwerte lang talaga kami dahil marami kaming resources.

"Ine, salamat sa tulong ninyo ha? At umayos ang pakiramdam nitong apo namin. Pwede na siguro kaming umalis? Para, para hindi na kami makaabala sa inyo.." nahihiyang wika ni manong habang kinakarga yung apo niyang natutulog pa rin. Nalaglag tuloy yung nakakumot dito.

Pinulot agad iyon nung matandang babae. "Ay, eto pala ine. Salamat sa kumot ninyo. Nainitan ang apo ko."

Sumenyas ako kay Inang at ngumiti. "Nako ho, sa inyo na iyan Inang. Bigay ko na sa apo ninyo."

"Ay, ganon ba? Sige, salamat dito Ine. Paano, aalis na kami? Maganda nang hindi kami abutin ng dilim diyan sa daan. Lalo pa at napaka delikado ngayon."

"At lalo pa, walang kasama doon sa tinutuluyan namin yung ama nitong bata." dagdag pa ni manong sa sinabi ni Inang.

May tatay pa tong bata? At naiwang nag-iisa sa pinanggalingan nila?

"Eh Inang, bakit ho hindi yung tatay nito ang mismong naghanap ng tulong para sa anak niya? Eh di hamak na mas malakas at mas maliksi ho iyong kumilos kaysa sa inyo ni manong?" takhang tanong ko.

Nagkatinginan naman bigla ang dalawang matanda at parehas may gumuhit na malungkot na bahid sa kanilang mga mukha.

"Hindi na nakakalakad ang ama niya. Nito lang, ine." nakayukong sabi ni inang.

"Bakit ho? Anong nangyari?" tanong ko.

Si manong naman ay lumapit kay inang para haplusin ang balikat nito. Matapos ay siya namang sumagot sa akin. "Nakagat siya nung mga halimaw sa binti niya. At para hindi siya mamatay at maging halimaw din, wala na kaming ibang nagawa kung hindi putulin yung parte na nakagatan. Noong isang araw lamang iyon nangyari, ine. Kaya sobrang sariwa pa ng sugat niya."

Nagkatinginan kami ni Harriette dahil magkatabi lang kami na nakikinig sa kwento nung mga matanda. Si Renzo, Elvis, at Sedrick ay nakikinig lang din samin samantalang yung iba ay may inaayos na gamit sa mga sasakyan.

Sa tinginan namin ni Harriette, iisa lang ang ipinapahiwatig; that wound should not be left untreated. Maaaring magkaroon ng infections and complications yun lalo pag tumagal. That needs an immediate response. Kailangang ma-disinfect yung sugat. Mabalutan ng malinis na gauze. And kailangan ring makainom ng further meds nung tatay nung bata. Dahil kung hindi, maaari niya ring ikamatay yun.

Inakbayan ko si Harriette at binulungan. "I know, we're thinking of the same thing. Go get all the necessary things. Pati yung mga meds. Sabihan mo na rin si Elvis or si Sed so someone will accompany us. Ako na ang bahala sa kakambal ko."

Agad na kumilos si Harriette at si Inang naman ang hinarap ko. "Sandali lang ho, wag muna kayong aalis."

Mabilis akong tumakbo papunta kay Christian. Chill na siyang nakatayo doon. Iniitsa-itsa sa ere yung hawak niyang pistol habang sumisipol-sipol. Nang mapansin niyang papalapit ako, agad siyang tumingin sa mga mata ko na animo sinusuri ito.

"Alam ko na sasabihin mo, gusto mong ihatid sila sa pinanggalingan nila. The answer is no. You will stay here and kami ni Elvis ang maghahatid sa kanila." walang ganang sabi niya.

"Pero Christian, may nalaman ako. May isa pang nangangailangan ng tulong. Yung tatay nung bata, nakagat ng undead and they had to cut his legs off. Sariwa pa yung sugat. Kailangang magamot yun." agad na reklamo ko.

Bigla siyang natahimik sa tabi ko pero maya-maya lang din, seryoso nang tumingin sa akin.

"Fine. Kasama mo si Harriette, diba? I'll go with you."

"Sedrick or Elvis could accompany us! Hindi pwedeng aalis ka, at aalis din ako. Tapos walang maiiwan sa kanila dito."

Isang malawak na ngisi ang biglang gumuhit sa gwapo niyang pagmumukha. Bahagya tuloy akong napalunok sa laway ko. Madalas ko lang makita ang ngisi na ito. Kapag may sinasabi siyang sure na sure kang totoo at mangyayari.

"Masiyado mo naman atang minamaliit ang kakayanan ng ibang mga kasama natin, twin sister. Kayang-kaya pa rin nilang tumayo sa sarili nilang mga paa kahit na wala tayong dalawa na leader nila no. Tyron is a leader a too. So are Sedrick, Elvis, and Alex. At pati na rin yung iba. Hindi na sila bata at lalong hindi na sila yung mga mahihina na una mong nakita dati. Lalo na yung mga babae. They are dangerous na rin." nawala ang ngisi sa labi niya at biglang napalitan ng ekspresyon na punong-puno ng awtoridad. "Now, take it or leave it. It's either papayag ka na ako ang kasama ninyo, or kami ni Elvis ang maghahatid sa kanila. And to that effect, hindi mo magagamot yung tatay nung bata."

Pinagmasdan ko siyang mabuti wala na akong nagawa kundi itaas na lang ang mga kamay ko sa ere nilang pagsuko. Sa itsura palang niya kasi, kita nang wala siyang balak na palusutin ang kung ano pang pagpupumilit na gagawin ko. Kung anong sinabi niya, yun at yun pa rin ang masusunod.

At isa pa, sariwa pa sa kaniya yung atraso na nagawa ko kanina. Alam kong ngayon, naninigurado lang siya na wala talagang magiging problema sa kung ano pa mang gagawin ko, at sa mga posible pang mangyari na hindi namin kontrolado. Kailangan namin ng backup plan palagi. Sudden man or planned.

"Deal. Let's use the pickup para mabilis din tayong makabalik. Ipababa nalang natin sa mga lalaki yung big bike ni Zinnia at bike ni Scott." sagot ko.

"Aight. Ako na bahala doon. Tulungan mo nalang si Harriette para sa mga gagamitin ninyo."

Yun nalang ang sinabi niya at tumakbo na dun sa mga lalaki. Ako naman ay agad na tinulungan si Harriette. Matapos nilang maibaba yung mga nasa likod ng pickup na gamit ni Zinnia at Scott, nakita kong binulungan ni Christian si Tyron at si Elvis. Tumango lang yung dalawa at pumunta na doon sa iba pa. Si Christian naman ay nilagay lahat ng dadalhin namin sa loob ng pickup. Pagkatapos, lumapit na siya sa akin.

"Si manong, dun sa passengers seat. Tapos si manang at yung bata, pagitnaan niyo ni Harriette sa backseat. Go-- ay wait. Be sure that dala niyo ni Harriette yung Micro SMG niyo bukod sa pistol at sa combat knife. Aight? Now go. Papasukin niyo sila sa sasakyan." utos ni Christian.

Nilapitan na nga lang namin ni Harriette yung dalawang matanda. "Tara na po, iuuwi na namin kayo sa inyo."

Bab berikutnya