webnovel

Chapter 67

Crissa Harris' POV

Kumapit ako ng sobrang higpit sa braso ni Tyron. Lalo pa nung huminto sa harapan namin yung kotse at bumaba doon ang dalawang tao. Isang babae na may mahabang kulot na buhok at isang matangkad na lalaking may blonde na buhok. Parehas silang naka sweatshirt at may dala rin silang matataas na kalibre ng baril.

"Sabi ko naman kasi sayo baby eh. May nakita nga talaga akong babae na kumakaway." sabi nung lalaki.

"Babae!? Ang linaw talaga ng mata mo pagdating sa babae, ano!? Bwiset!" sabi nung babae at nagmadali nang maglakad sa kinaroroonan namin.

Nagkatinginan kami bigla ni Tyron. Hindi namin kilala ng literal at personal tong dalawa na to pero, mukhang alam na rin namin kung sino sila.

Lalaking matangkad na blonde ang buhok. Parehas silang naka sweatshirt nung babaeng kasama nya. Na lumalabas pang girlfriend nya. Hmmm.. Sila nga to. Yung kumatok sa pintuan ng furniture shop kahapon.

"Hey! Ate at kuya, stay tuned muna kayong dalawa dyan, ha? Ubusin lang muna namin to!" ngumiti samin yung babae at nagpeace sign pa.

As soon as makalapit din yung lalaki, inumpisahan na nilang paputukan yung mga undead sa ibaba namin. Damang-dama rin namin ni Tyron yung pwersa sa inuupuan naming sanga dahil nadadaplisan ng bala yung mismong katawan nung puno. Mas lalo tuloy akong napapakapit sa kanya. At sya naman, kinakapitan lang din ako.

"T-ty, sila yun no?.." bulong ko.

"Yep." matipid na sagot nya. Sabi na e.

Pinanood nalang namin yung dalawa na ubusin yung mga natitirang undead. Wala rin naman kaming maitutulong e. Nung tumumba na lahat, tumingin na uli samin yung babae.

"Oh, ayan. Pwede na. Dali, baba na! Hehehe." ngumiti uli sya.

"Baby, magvo-volunteer na kong saluhin yung babae. Baka mawalan ng balanse e. Kawawa naman kapag nahulog." sabi nung lalaki at nginitian ako. Napalunok at napangiwi ako dahil dun. Lalo pa nung pumwesto nga sya sa ilalim at umakto na sasapuhin ako.

"Oy, baby. Wag kang epal. Mahiya ka sa kanila." kinurot sya nung babae kaya tumigil naman sya.

Napalingon naman ako kay Tyron nung bigla syang tumayo. Sinundan ko nalang sya ng tingin nung dahan-dahan syang bumaba. Tapos nun, pumwesto na sya sa may ilalim ng puno. Inilagay nya sa gilid yung mga gamit namin at tiningala uli ako.

"Dali, ikaw naman ang bumaba."

Tumango ako sa kanya tapos pumwesto na ako sa pagbaba. Magaling naman ako sa mga ganitong gawain dahil na-master ko na to nung HS palang kami nila Christian.

"Waaa!!!.." sigaw ko. Punyetang yan e. Kakasabi ko palang, nalihis naman bigla yung paa ko dun sa inaapakan ko. Dumausdos na tuloy ako nang tuluyan pababa.

Pero buti nalang, may nakasalo sakin.

"Thanks Ty-- Ay, tokwa ka!" sigaw ko nung hindi si Tyron ang makita kong nakasapo sakin.

"Hindi tokwa ang pangalan ko miss beautiful. Hahaha.." ibinaba ako nung lalaking blonde at ako naman, lumapit at kumapit agad kay Tyron.

Hindi ko maexplain yung mukha ni Ty. Parang galit na nagtitimpi na ewan. Parang anytime, mananapak na. Nakakunot yung noo nya dun sa lalaking blonde. Kung bakit naman kasi biglang iyon ang nakasapo sa akin e? Nagteleport ba yun?

Nalipat naman ang tingin ko doon sa dalawa. Parehas silang nakangiti samin ni Tyron.

Hindi ko ba rin alam kung gaano namin sila katagal na tinitigan at gaano nila kami katagal na nginitian. Para siguro kaming tanga dahil yun lang ang ginawa namin at wala man lang nagsasalita miski na isa samin.

Buti nalang at may dumating na mga undead at natauhan na kaming apat. Nagpaputok uli silang dalawa kaya kami naman ni Tyron, nanood nalang uli. Hindi na kami nag-abalang tumulong dahil baril naman na yung hawak nila. Kaya na nila yon.

Matapos yun, ewan ko pero parang bigla nanaman kaming sinapian ng masamang espirito. Kami ni Tyron, nakatitig lang sa kanilang dalawa at pilit na kinikilitas ang mga mukha nila. Habang sila naman, nakangiti lang samin ni Tyron na animo tuwang-tuwa talaga sila na makita kami. Yung mukha nung mga sobrang hospitable na tao kapag may bumisita sa bahay nila? Ganon.

"Ah, teka lang ha?.. Salamat sa pagtulong nyo samin. Pero, magdamag na lang ba talaga tayong magtititigan at magngingitian dito?.." pambabasag ko sa katahimikan. Tumawa yung dalawa sa sinabi ko kahit na ba parang wala naman talagang dapat ikatuwa.

Tss. Para namang baliw tong mga to.

Humarap nalang ako kay Tyron at binulungan ko sya. "What do you think? Anong gagawin natin?.."

"Ikaw na magdecide.." bulong nya pabalik.

"Sigurado ka ba dyan? Kasi kung ako talaga magde-decide, papapasukin ko sila dun sa tinutuluyan natin."

"Then do it." ngumiti sya sakin tapos ginulo ang buhok ko.

Then do it? Hindi man lang nag object to si Tyron? Hmm.. Hindi kami dapat magtiwala sa kanila agad-agad nang dahil lang sa tinulungan nila kami. Pero sa tingin ko naman, hindi rin sila yung tipo nung tao na kapag tumalikod na kami, saka nila kami sasaksakin. Hindi ko makita sa mga mata nila na may ganun silang intensyon.

Kaya ayos naman siguro na, wag ko muna silang pagdudahan ngayon. Mamaya nalang sa interrogation portion namin ni Tyron. Mukha rin namang naaamoy na rin nya yung gusto kong gawin e. Kaya panigurado ring naka-back up na sya agad kung sakali mang magkaron ng problema.

Nakangisi akong tumingin dun sa dalawa.

"Why don't you come with us? Let's talk." sabi ko sa kanila at ako na mismo ang naunang maglakad papunta sa pinto nung furniture shop. Isang malakas lang na sipa ang binitawan ko, wasak agad yung doorknob.

Tsk. Ang tanga ko talaga. Dapat kanina ko pa ginawa to e.

"Tara, pasok kayo." sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagngiti ni Tyron dahil doon.

*****

Pinaupo ko yung dalawa sa harapan namin ni Tyron. Magkatabi kasi kami ngayon dito sa isang couch na nasa 2nd floor para sa interrogation portion na gagawin namin sa kanila. Pero bago naman kami umakyat dito, sinecure muna namin yung pintong sinira namin, I mean sinira ko, sa ibaba. Hinarangan namin ng kung anu-anong gamit para in case may magtangkang pumasok.

"So, let's get to know each other." panimula ko. Nung ngumiti sila samin, nagsalita agad uli ako at inunahan ko sila.

"Wait lang pala. May gusto lang akong itanong bago yun." tumikhim ako. "Hindi sa pinagdududahan ko kayo ha? Pero parang ganun na rin. Napansin ko kasi kanina, ngiti kayo ng ngiti samin. Samantalang parehas-parehas lang din naman tayong estranghero sa paningin ng bawat isa."

Walang tanong dun sa sinabi ko. Pero mukhang nagets naman nila yung punto ko.

"Ah yun ba? Natutuwa lang talaga kasi kami. After so many days, ngayon nalang kami uli nakakita ng tao. I mean yung buhay pa. Sa ilang araw at linggo na rin namin kasing paggala, puro naglalakad na patay na lang ang nakikita namin. Akala talaga namin, kami nalang dalawa ang natitirang buhay e." sagot nung babae at ngumiti nanaman. Ang gulat ko naman nang biglang abutin nung lalaking blonde ang kamay ko.

"At saka mas natutuwa ako dahil, may ibang babae pa palang buhay. Lalo na at ang ganda ganda mo pa. By the way miss beautiful, ako nga pala si O---"

Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil mabilis nang hinaltak nung babae yung braso nya saka pinaulanan ng kurot.

"Oy, tahasan ka namang manglandi, baby. Baka nakakalimutan mong katabi mo lang ang girlfriend mo, ha? Saka mahiya ka nga sa kanila. Nilalandi mo sya sa harap pa mismo ng boyfriend nya? Gusto mo bang mamatay ng maaga?" bulong nung babae pero narinig ko pa rin.

A-ano daw yon, b-boyfriend ko to si Tyron?..

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nung sulyapan ko naman si Tyron, nakita ko na nakaiwas sya ng tingin pero namumula yung pisngi. Mukhang narinig nya rin ata yung sinabi nung babae. Huhuhu.. Nakakahiya.

"Ahmm, back to the topic na please. Feel free to introduce yourself to us." pagkuha ko sa atensyon nila at pagsegway na rin. Pano ba naman e, nagkukurutan pa rin sila doon.

Umayos naman ng upo yung babae at saka nag peace sign. "Hehehe. Sorry ah? Ganyan talaga yang boyfriend ko kapag nakakakita ng babae e. Parang sinasapian ng engkanto. By the way, I'm Fionna. And itong lalaki na to, si Owen." nakipagkamay ako sa kanya nung abutin nya ang kamay ko.

"Yes. Owen here miss beautiful.." aabutin nanaman sana nya yung kamay ko pero mabilis pa sa alas-kwatro ang naging paggalaw ni Tyron. Inilayo nya agad yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

Natahimik kaming lahat dahil doon. Si Fionna, napanganga. Si Owen, walang reaksyon. Ako, nagwala yung puso ko. Si Tyron, nakakunot pa rin ang noo. Kaya bago pa kami lamunin ng katahimikan at akwardness, nagsalita na uli ako at hinarap ko si Fionna.

"S-so Fionna, magkwento pa kayo. Like, anong ginagawa nyo before, and after the apocalypse has started. Pwede ring during.."

Although nakangiti pa rin silang dalawa, kapansin-pansin pa rin yung pagkawala ng ningning sa mata nila. Saglit silang nagkatinginan pero ibinalik din agad ni Fionna yung tingin nya sa akin.

"It's a long story. Pero paiikliin ko nalang. Before it started, normal lang naman yung mga araw para sa amin. Busy sa schoolworks dahil graduating na nga kami. And that night, nung nag-umpisa na yon nang hindi inaasahan, wala kami ni Owen sa mga bahay namin.. Nasa labas kami.." tumingin sya saglit kay Owen. "Nasa labas kami para gumala at magdate. Pero ang alam ng mga parents namin, gumagawa kami ng thesis sa school.."

"And yeah, yun na yung huling beses na nakita namin sila. Dahil after that, hindi na kami nagkaroon ng chance na balikan sila at tignan kung buhay pa ba sila. Yung sariling survival lang kasi namin, sobrang hirap na hirap na kami. Simula nun, lakad takbo nalang kami ni Fionna. Wala kaming permanenteng lugar. Gala lang kami nang gala." dagdag pa ni Owen.

Napatikhim ako. Ang saklap naman nito. Katulad namin sila dati ng sitwasyon, clueless kung nakaligtas ba yung mga kapamilya namin dahil hindi naman namin sila kasama nung nag-umpisa yung apocalypse. Yun nga lang, si Fionna at Owen, clueless pa rin hanggang ngayon. Yung samin naman kasi, nagkaron na ng sagot. May namatay na sa iba naming kapamilya pero meron pa rin namang nanatiling buhay at nakaligtas tulad namin.

"Sorry to hear that. Ganyan na yung paligid natin e. Kaya kahit sa sarili nating kaligtasan, unsure na rin tayo.. Kaya kailangan na rin nating mag-ingat.." sagot ko.

"Tama nga. Saka hindi na rin naman kami umaasa na buhay pa sila e. Malabo na yun.." yumuko si Fionna pero inakbayan naman sya agad ni Owen. Tinapik-tapik sya nun sa balikat kaya sya naman, napangiti na rin.

Ang sweet naman nila, naiinggit ako. Did you see that? Ni isang word walang sinabi si Owen pero nacomfort na nya agad si Fionna. Simpleng akbay lang yun pero ang laki na agad ng epekto. Kelan kaya ako makakaranas nang ganyan? Yung madadama ko na talagang mabuti kasi may karapatan ako?

Hay. Tumigil ka, Crissa. Hindi ito ang oras para magpaka hopeless romantic ka.

Bab berikutnya