Crissa Harris' POV
Day 20 of Zombie Apocalypse..
"T-tyron nasan ka nanaman ba?.." tuluyan na akong napaupo sa pavement.
Paggising ko kanina, wala nanaman sya sa tabi ko. Hinanap ko sya sa kabuuan ng building at bakuran nitong furniture shop. Pero kahit anino man lang nya, walang bakas. Wala rin yung rifle na bigay sa amin ni Axel.
Bakit naman kasi ganito? Bakit kailangang palagi nalang nya akong pakakabahin kakaisip sa kanya? Bakit bigla-bigla nalang syang umaalis nang walang paalam?..
Sinipa ko yung malaking batong nakita ko sa may gilid. Pero ang tanga ko naman dahil huli na nang maalala kong nakapaa lang ako. Tuluyan na tuloy akong napaiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa gasgas na nakuha ko o dahil sa halos mabaliw-baliw na nga ako kakaisip kung saan na nanaman nagpunta si Tyron. Ayoko talaga yung pakiramdam na naiiwan mag-isa. Natatakot ako. Lalo na at ganito pa yung nangyayari na sa paligid..
At isa pa, nasanay na ako na palagi ko syang nakikita. Para bang ayoko nang nawawala sya sa paningin ko.. Hindi ako mapakali..
"Uy, Crissa?.. B-bakit nandyan ka?.. Bakit ka umiiyak?.."
Napatingala ako sa pamilyar na boses na yun. At ang sumunod nalang na nakita ko ay, ang mabilis na pagtakbo ko palapit sa kanya para yakapin sya.
"S-san ka nanaman ba kasi nanggaling ha?.. Natakot ako nung makita kong w-wala ka. Akala ko, iniwan mo na ko.."
Natahimik kami parehas dahil sa sinabi kong iyon. Gusto ko sanang kumalas sa pagkakayakap sa kanya para na rin tignan ang reaksyon nya pero nanatili na nalang ako sa komportableng posiyon na iyon.
Parang ayoko nang gumalaw pa. Gusto kong manatiling ganito ng matagal. Ang sarap sarap sa pakiramdam na damhin ito. Para akong isang bata na natatakot pero huminahon din agad nang yakapin ako ng magulang ko.. Napaka-peaceful..
"Ilang beses ko ba kasi dapat sabihin sayo na hindi naman kita iiwan? Naghanap lang ako ng makakain natin. Pano nga naman tayo magkakalakas ng loob na lumaban kung yung tiyan naman natin, walang laman diba? Wag ka nang umiyak." pinahid nya yung luha ko.
At habang unti-unting lumilinaw sa mga mata ko yung mga de-lata na dala-dala nya, may isang realisasyon din na unti-unting tumama sa akin.
"Kahit sandamakmak man na pagkain ang kainin ko at mabusog ako, hindi pa rin yun sapat na pagkuhanan ng lakas kung wala ka naman sa tabi ko. Okay lang na magutom ako basta, kasama naman kita. Ayokong mawawala ka sa paningin ko. Natatakot ako, Tyron.. Kaya wag mo kong iiwan.. Hindi ko kaya.." mabilis kong pinunasan yung ilang luha na tumulo nanaman sa mata ko.
Seryosong-seryoso ako sa sinabi kong iyon kaya nung makita ko yung naging reaksyon ni Tyron, hindi ko maiwasan na mabigla at magtaka. Ngumiti sya ng matipid tapos bahagya syang tumalikod sakin at parang may pinunasan sa mukha nya. Nung humarap sya uli, hindi na sya deretsong tumingin sa akin. Pero hindi pa rin naiwasan na makita ko yung bahagyang pamumula ng mata nya.
"Wag kang mag-alala. Diba sabi ko naman sayo, iiwan lang kita kapag sinabi mo?.." bulong nya. Deretso ko syang tinignan dahil kahit ang lapad ng ngiti nya, para bang anumang oras, may babagsak ng luha sa mata nya. Bago pa ako makapagreact ay hinaltak na nya agad ako papasok.
Umiyak nga sya.. Pero bakit naman? May nasabi ba akong mali? Seryoso naman ako dun sa sinabi ko ha?..
Yan ang nabuong tanong sa isip ko nang maramdaman ko na basa yung kanang kamay nya na pinanghawak nya sa kamay ko. Ito rin yung kamay na pinanghawak nya sa mukha nya kani-kanina lang.
Anong problema, Tyron?.. Pati tuloy ako, biglang nabagabag ngayon..
Tyron Matsumoto's POV
TEARS OF JOY.
Yan dapat yung dahilan kung bakit bigla nalang akong napaluha. Bakit naman ang hindi? Samantalang sobrang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa taong mahal mo yung mga ganong klaseng salita. Lalo na yung sabihin nyang, Wag mo kong iiwan. Hindi ko kaya.
Gusto ko sanang paniwalaan. Gusto ko sanang panghawakan. Kaya lang nung naalala kong may gusto sya, at hindi nga pala ako yun, naging Tears of Pain yung Tears of Joy sana.
Crissa, may pag-asa pa rin bang marinig kong sabihin mo sakin yang mga salita na yan kung saka-sakaling si Sedrick ang kasama mo ngayon at hindi ako?..
Gusto kong itanong sa kanya yan. Kaso, may saysay pa ba? Kung sa una palang, alam ko na agad ang sagot?
Wala..
SOMEONE'S POV
"Boss, may gusto pong kumausap sa inyo."
"Sige. Papasukin mo."
Mula sa peripheral view ko ay nakita kong lumabas na nga si Nate. At kasunod naman nun ay ang pagpasok naman ng isang babae. Itinabi ko muna yung inaayos kong baril at tinignan ko sya.
"Oh, Danna. Anong sadya mo?.."
"B-boss, may gusto lang po ak---"
"Sabi ko naman sayo, wag mo na kong tawaging boss. Axel nalang. Sige. Ano bang itatanong mo?.." sinenyasan ko na sya na maupo sa harap ng table ko.
"K-kamusta na po si, sila C-crissa?.."
Nagsindi ako ng sigarilyo at inalok ko sya. Pero tumanggi sya at umiling.
"Sila Crissa?.. Ligtas na sila ni Tyron. Sigurado rin akong ligtas din yung ibang kasama nila. Malalakas sila at matatalino."
"A-ahmm. Mabuti naman po.." bumuntung-hinga sya at doon ko nakita na talagang nawala na nga ang kaba na parang matagal na nyang tinatago.
"May itatanong ka pa ba? Sasabihin?.."
Bahagya syang nagulat nang magsalita uli ako. Pero yumuko uli sya at isa nanamang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nya.
"Boss, I mean, Axel.. A-alam kong ibang-iba kayo sa ate nyo, lalong-lalo na sa tatay nyo. Alam ko rin pong, taliwas sa mga gusto nila ang gusto nyong gawin.. Wala po ako sa lugar para sa sabihin sa inyo to pero, sana po, gumawa kayo ng paraan para hindi matuloy yung binabalak-balak ng tatay nyo. Iligtas nyo po sila Crissa.." nagcrack ang boses nya at tuluyan na syang napayuko. Sunod-sunod na hikbi na ang sumunod na narinig ko.
"Wag ka nang umiyak. Masasamang tao lang ang dapat umiiyak at nasasaktan." inabot ko sa kanya yung panyo ko pero hindi nya tinanggap at nanatili lang sya na umiiyak don. Kaya, ako na mismo ang nagpunas ng luha nya.
"Totoo ang sinabi mo. Hindi ko gusto yung plano ng tatay ko. Siya lang naman ang simula't sapul, galit na galit sa pamilya nila Crissa. Pati tuloy si Jade, yung dating napakabait kong step sister, nahawa na sa kasamaan nya. Lalo pang nadagdagan yun nang malaman nyang yung lalaking gusto nya, iba ang gusto. Hindi ko alam kung nakita mo na si Tyron, yung isa sa grupo nila Crissa. Gusto ni Jade yun. Pero nung malaman nyang may ibang gusto si Tyron at si Crissa yon, mas lalo pang tumindi ang galit nya. To the extent na nakiisa na sya sa plano ng tatay namin na ubusin ang angkan nila Crissa.." tumigil ako saglit sa pagsasalita pero pinagpatuloy ko rin uli habang pinagpapatuloy din yung pag-aayos sa mga baril ko kanina.
"Pero wag kang mag-alala, Danna. Sa apelido lang kami magkaparehas ng tatay ko. Bukod pa dun, wala na. At yan talaga ang plano ko. Ang makipagtulungan sa grupo nila Crissa. Sa totoo nga lang, mayroon na akong binubuong plano na isa sa mga araw na to ay sasabihin ko na sa inyo.. Malapit nang matapos.. At si Nate, Chuck, ikaw, at yung boyfriend mo, isa kayo sa kasama kong gagawa ng plano na to." ikinasa ko yung baril ko at itinutok ko sa labas ng bintana.
"Ang humarang satin, tutumba." pagkasabi ko non ay ipinutok ko yung baril.
Napatayo bigla si Danna dahil sa ginawa ko. Halata sa mukha nya ang takot habang mabagal na umaatras. Lalo pa nung marinig namin ang boses ni Nate at Chuck na nag-uusap sa labas ng bintana.
"Shit! Sinong nagpasabog ng bungo nito ni Ren?"
"Malamang si boss. Galing sa loob yung putok e. Tara na at linisin. Kumakalat na yung dugo oh. Tsk."
Napangisi ako bigla. Anong akala nitong tauhan ni Jade? Maiisahan nya ko? Kanina ko pa alam na nasa labas sya ng bintana ko at nakikinig sa mga usapan namin.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Danna at binigyan ko sya ng malapad na ngiti.
"Don't worry. As long as you're with me, walang mangyayari sa inyo na ganyan. Protektado ko kayo."
Crissa Harris' POV
Although kinausap na rin ako ni Tyron matapos naming kumain ng almusal, at inaya nya rin akong tumambay dito sa labas ng furniture shop, halata pa rin sa kanya na may gumugulo talaga sa isip nya. Ganun naman yon e. Hindi lang bibig ang kayang magsalita. Pati rin ang mata. At nakikita ko sa mata nya na parang ang lungkot-lungkot nya. Gusto ko syang tanungin tungkol don kaso, feeling ko hindi naman ako makakatulong sa kanya dahil hindi ako magaling magpayo.
But I know, this thing will do help. Not too much, but at least, a little..
Umusog ako ng mas malapit pa kay Tyron at kinulong ko ang katawan nya sa pamamagitan ng yakap ko.
"Wala akong idea kung bakit bigla ka nalang lumungkot. Pero gusto kong sabihin na, maaayos din yan Tyron.."
"Sana nga, ganon lang kadali Crissa.." bulong nya pabalik at hindi umaalis sa yakap ko.
"So meron ka nga talagang iniisip. Okay lang na ikwento mo sakin. Magaling akong makinig pero wag kang aasa na makakarinig ka rin ng magandang payo mula sakin. Dun ako hindi magaling.." biro ko. Natawa sya dahil dun.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Pero seriously, Ty. I'll listen.." tinignan ko sya nang deretso sa mata at ayun, nakita ko nanaman yung glint ng lungkot.
"Salamat nalang Crissa. Pero ayokong pati ikaw, mamroblema. Pero wag ka ring mag-alala. Okay lang naman ako. Nakakaya ko namang tiisin.."
"We??.. Naku-curious tuloy ako. Ano ba kasi yan?.. Wag mong sabihin na, may malubha kang sakit? Tapos, m-mamatay ka na bukas?.. Nako Ty, wag kang magkakamaling multuhin ako, ah? Dahil paniguradong susunod na agad ako sayo.." kinilabutan ako bigla. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nung may makita akong undead, tinapos ko saglit.
Pagkabalik ko naman kay Tyron, abot tenga na yung ngiti nya.
"Alam mo kasi Crissa, sadyang may malubhang sakit lang talaga na hindi pwedeng ibsan ng gamot, operasyon o kaya, transplant." itinuro nya yung left chest nya. "Dyan. At alam mo, may mga tao na buhay pa pero yung puso nila, matagal nang namatay. Pero naniniwala ka ba sa miracle? Totoo yun. Kasi kahit pa gaano katagal namatay at nalibing yung puso mo, meron pa ring isang espesyal na tao na kayang bumuhay nyan.."
Literal akong napatulala at napanganga dahil sa sinabi nya. Napakalalim. Halos hindi ko nasundan at naunawaan. Anong namatay na puso? Anong may espesyal na taong bubuhay non? Ang gulo! Brokenhearted ba sya?
Itinikom ni Tyron yung bibig ko.
"Wag mong piliting intindihin ngayon dahil maguguluhan ka lang. Saka mo pa mage-gets yan kapag naranasan mo nang ma-inlove at masaktan."
"E-edi, kaya pala nagkakaganyan kasi, brokenhearted ka?.."
Hindi sumagot si Tyron at nanatili lang na nakatanaw sa malayo. Nakangiti pero halatang pilit.