Crissa Harris' POV
Inisa-isa kong himayin yung mga sinabi ni Christian.
Una, alam na rin pala ni Tyron yung tungkol dun nung time palang na hinabol ko yung nakita kong tao sa labas ng bahay nila Renzo. Sabi nya, baka undead lang daw yon. Pero yung totoo pala, alam na nya talagang tao yun. Sinabi nya na undead lang yun dahil for sure, alam nyang pipilitin ko syang hanapin at sundan yun kapag sinabi nyang tao nga talaga yun. At sinadya nya talagang gawin yon dahil alam nyang isa yung kalaban at maaaring napahamak nga kami kung nagkataong pinilit ko syang sundan.
At dahil din sa insidenteng yon, nagkaron na rin ng hinala to si Tyron. Kaya na rin nung time nga na nalaman nyang lumabas ako nung may sakit ako, nag-imbestiga na sya. At nakita nga nya sa sahig yung papel na itinapon ko matapos kong basahin.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Christian.
"Kaya rin ba nitong mga nakaraang araw, palagi nalang kayong umaalis ni Tyron at Elvis? Nag-iimbestiga kayo?" pagsisiguro ko. Tumikhim naman sya at tumango sa akin.
"Oo. Ganun na nga."
Napailag sya bigla nang batukan ko sya ng malakas.
"Aww! Baket?" reklamo nya habang nakahawak sa likod ng ulo nya.
"Bakit hindi nyo ko sinasama!? At wala man lang kayong sinasabi sakin!?" sigaw ko.
"Oh common, Crissa.. Masyadong delikado.. Ayaw ka naming mapahamak.." bulong nya na sandaling nakapagpatahimik sakin.
Ewan ko pero parang nainis ako sa sinabi nyang iyon.
"Masyadong delikado? Ayaw nyo kong mapahamak? E sa tingin nyo bang tatlo, hindi kayo delikado at hindi kayo mapapahamak dahil sa ginagawa nyo? Ang selfish nyo naman.. Alam mo, nakakainis lang isipin na ginawa mo kong leader pero gumagawa kayo ng mga plano at aksyon nang hindi nyo ko isinasali. Leader din ako pero naglilihim kayo sakin. Meron kayong mga hindi sinasabi. Para nyo na rin akong trinaydor nyan e. Christian naman, kung ilalagay nyo rin lang yung sarili nyo sa peligro para lang mapanatiling buhay ang buong grupo natin, isama nyo na rin ako. Hindi ko naman maaatim na tumunganga nalang habang kayo, sikreto nyo na palang isinusugal yung mga buhay nyo para lang mailigtas kami.." umiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko ako.
"Wag ka nang umiyak.." bulong nya at pinunasan ang luha ko.
Ni hindi ko namalayang naiyak na pala ko. Halo-halong emosyon na kasi ang pumapalibot sakin.. Inis, lungkot, at tampo.. Para talaga akong natraydor dahil doon. Nakakainis lang ding isipin na ginawa nila yon.
"Kayo kasi e.. Kung hindi ko pa madiskubre, parang wala ata talaga kayong balak na sabihin sakin. Para saan pa kasing naging leader ako kung wala rin naman akong magagawa para sa grupo ko? Christian, kung magpapakabayani rin lang kayong tatlo, aba damay-damay na tayo. Kung ibubuwis nyo yang mga buhay nyo, ibubuwis ko na rin yung buhay ko. Wala nang mag-aalala alala pa na baka mapahamak yung isa. Damay-damay na talaga. Yun naman yung goal at pinanghahawakan natin diba? We'll keep each other safe and alive.. Sama-sama at tulung-tulong.." pinunasan ko uli yung ilang luha na pilit pa rin na kumawala sa mata ko. At maya-maya pa, naramdaman ko nalang na nakayakap na si Christian sakin.
"Napakakulit mo talaga no? Hinding-hindi talaga ako nagkamali nang piliin kitang leader.. Hahaha.. Sige sorry na.. At umpisa ngayon wala na talagang lihiman. Kung gusto mo ring mamatay na kasama namin, then let it be. Ginusto mo yan e.." tumatawang sabi nya. Napangiti na rin ako nang matipid dahil doon.
Bumitaw ako sa yakap nya at tinignan ko sya nang deretso.
"Promise yan ah?.."
"Promise. Matitiis ba naman kita? Saka wala nakong magagawa sa kakulitan mo. Kahit naman kasi sabihin kong hindi, magpupumilit ka pa rin.." sabi nya at ginulo ang buhok ko.
"Teka. Ano na nga palang plano natin ngayon?.." tanong ko. Hindi naman pwedeng wala kaming gawin diba? Mas delikado na ang mga buhay namin ngayon dahil sa banta na iyon.
Umayos ng upo si Christian at nag-crossed arms.
"We'll play their game. But hindi natin ipapahalata sa kanila na aware na aware na talaga tayo sa kanila at pinaghahandaan na natin sila. We'll just go with the flow. Hahayaan natin silang matyagan at sundan tayo. Yun nga lang, we also have to make sure that our guards are always up. Dapat, handa tayo para if anytime na umatake sila, makakalaban tayo.."
Tumindig ang balahibo ko dahil doon sa sinabi nya. Talaga ngang anytime, pwede nila kaming atakihin nang buong-buo. Sa ngayon kasi, pasundot-sundot palang ang pag-atake nila. Para bang nagpapakilala palang sila samin at sinisindak muna kami.
Pero teka.
"Christian, tayo palang bang apat nila Tyron at Elvis ang nakakaalam nito?.." tanong ko.
"Hmm. I'm sure, clueless pa rin yung mga babae about dito. But as for the other guys, alam kong nakikiramdam na rin sila. Hindi lang nila fully pinagtutuunan ng pansin."
"Eh kelan natin sasabihin talaga sa kanila yung about dito nang buong-buo?"
"Good question. We're still thinking about it. But base sa pinaplano ko, pagkatapos nating masearch sila Zinnia at yung kuya ni Harriette at Ty, pag-uusapan na natin to at maghahanda na tayo. Pero sa ngayon, focus muna talaga tayo sa paghahanap sa mga kapatid natin.."
Tumango-tango ako. Tama naman yun. May naka linya pang mission na kailangan naming gawin. Kaya dapat, tapusin muna yon bago magsimula uli ng panibago. Mahirap kasing magsimula kung may naiwan ka pang isang bagay na hindi natatapos.
"May nabubuo na bang mga hula sa isip mo kung sino yung mga nagmamatyag satin?.."
Napalingon uli ako sa kakambal ko at napaisip agad ako sa sinabi nya.
"Wala nakong ibang maisip na gagawa nito kundi yung grupong sinabi dati ni Danna. Yung grupo na nakaharap nila at tumangay dun sa kasama nilang security guard. Simula kasi nung tulungan natin sila diba, dun na nag-umpisa yung mga nangyayaring kakaiba? Na overrun tayo, may nakita akong ibang tao, yung sulat, tapos yung kanina nga lang na nangyari kay Elvis. And I bet, kaya nawala si Danna, binalikan sya nung grupo na yun. At nung makita nilang may armas na sya, napaisip yung grupo na yun kung saan galing ang mga armas na yon. At siguro rin, ginipit nila si Danna kaya napilitan sya na sabihin yung tungkol satin. Sa madaling salita, may possibility na naging interesado yung grupo na yun satin dahil armado tayo ng mga malalakas na armas. At gusto nilang, mapasakanila yun.." paliwanag ko. Ito talaga yung nabubuong conclusion na matagal ko ding inisip-isip. Nakita kong napatikhim uli si Christian.
"Exactly. Yan din ang iniisip namin ni Tyron at Elvis. Yung grupo na yun ang nagmamatyag satin at ganyang sypnosis din ang nabubuo sa isip namin. Pero about dun sa huli mong sinabi, na baka yung armas natin ang habol nila, medyo kontra ako dun. Posible rin kasi na hindi naman talaga yun ang habol nila satin. Sa dinami-rami naman ng ammunition store na nandito sa siyudad, tiyak kayang-kaya nilang magrun ng mga armas at hindi na sila mag-aaksaya pa ng oras na agawin yung satin. Idagdag pa yung fact na delikado rin sila kasi lalaban din tayo.."
"So ang ibig mong sabihin, may iba pang dahilan?.." pagsisiguro ko.
"Exactly uli. Sa ngayon, hindi pa natin alam kung ano yung dahilan na yun. Pero wag muna nating masyadong isipin. Baka mabaliw lang tayo kakaisip e." sabi nya at ginulo ang buhok ko. "Teka. Hindi mo man lang ba itatanong kung ano talagang nangyari kanina kay Elvis?.."
"Hmm.. Ano nga ba?.."
Kinuha uli ni Christian yung baril nya at initsa-itsa sa ere. Ewan ko dahil kapag ginagawa nya to, naaastigan ako sa kanya. Napakaangas ng dating e. Mamaya nga, gagayahin ko to. Shotgun naman ang paglalaruan ko. Hehehehe..
Nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Ayun nga. Dahil sa alam na nga naming may nagmamatyag satin, gumawa kami ni Tyron at Elvis ng sarili naming move para sakyan yung trip nung mga bugok na yun. Lumabas kami kanina para magpanggap na gumagala-gala. Para na rin isipin nila na normal pa rin tayong kumilos at hindi tayo masyadong aware sa kanila. Sa paggala namin kanina, napahiwalay saglit samin si Elvis dahil nakipagtakbuhan kami sa mga undead na nakita namin. Nung mahanap namin sya ni Ty, napansin namin na parang may kakaiba. Parang may sumusunod samin. Kaya nagtago kami saglit ni Ty. Wrong move naman dahil si Elvis, clueless about dun sa sumusunod samin. Kaya mula sa pinagtataguan namin ni Ty, kitang-kita namin na may tao nga na sumusunod sa amin. Naka bonnet at surgical mask sya kaya hindi namin nakita ang mukha. At yun nga, si Elvis na yung tinarget nya. At dahil hindi nga aware to si Elvis, hindi nya rin masyadong namalayan na susugurin na sya non kaya nadaplisan sya ng saksak sa braso. Agad naman kaming lumabas ni Ty sa pinagtataguan namin para tumulong. Kumaripas ng takbo yung lalaki. Pero ang tanga nya lang dahil hindi nya alam na may baril kami. Tsk. Ayun, binaril ko sa likod. Humandusay sya sa damuhan. Nung titignan na sana ni Ty kung sino yung lalaki na yun, sakto namang may naglabasan na undead at pinagpyestahan na yung katawan ng lalaki. Kaya hindi na talaga namin nakilala.."
Napakagat ako ng madiin sa labi ko.
"H-hindi ka naghesitate na patayin yung lalaki?" di makapaniwalang tanong ko pagtapos nyang magkwento nang napakahaba. Nakita ko namang ngumisi sya sakin at kinindatan ako.
"Ano ka ba, Crissa? Natural lang yun. May motibo silang patayin tayo kaya automatic na rin na magkakaron tayo ng motibo na depensahan yung sarili natin. Sila nga e gusto tayong patayin, aba edi patayin din natin sila. Hindi sya naghesitate na patayin si Elvis, so why would I? Saka natatandaan mo pa ba nung muntik kang mapatay nung isang security natin na nabaliw? Hindi rin ako naghesitate nun na patayin na sya. Inunahan ko nang patayin sya bago nya pa maunang patayin ka.."
Napahawak ako sa noo ko at umiling-iling.
"Grabe, Christian. Kahit kelan hindi ko naisip na darating sa point na makakapatay talaga tayo ng tao. Lalo ikaw. Dalawa na napatay mo." di makapaniwalang sabi ko.
"As what I've said, normal na yun dahil sa nangyayari ngayon. Saka hindi naman ako makukulong dahil wala nang magkukukong sakin e. Wala nang batas-batas. At saka kahit naman kung sakaling meron, hindi pa rin ako makukulong dahil bukod sa minor pa rin ako, self-defense rin ang tawag sa ginawa ko. Although ibang tao yung ipinagtanggol ko at hindi ang sarili ko. Hahahahahaha.." sabi nya sabay tawa ng malakas.
Siniko ko nga. Gawin ba namang biro yung ganong bagay? Samantalang dalawang buhay na napatay nya? Tsk. May kapatid akong kriminal.
"Hahahaha.. Eto, seryoso na. Anong nararamdaman mo ngayong nalaman mo na may isang grupo na nag-eexist at gusto tayong patayin lahat? Natatakot ka ba?.." tanong nya at umayos na uli.
Teka. Natatakot nga ba ako?
Hmm..
Napangisi ako.
"Nung una, oo. Pero ngayon, hindi na. Naeexcite na ako e. Akalain mo yun, nagkatotoo yung sinabi mo sakin dati na maaaring hindi na lang undead ang magiging kaaway natin? Kundi pati na rin yung ibang survivors na tulad natin.. Hindi ba't napaka exciting dahil hindi nalang sa mga undead natin magagamit yung mga armas natin? Pati na rin sa tao?"
"Kinakabahan ako pag nakikita ko yung ngiti mong ganyan.." bulong nya na nakangisi rin.
Sinakal ko sya ng mahina.
"Sila ang dapat kabahan, hindi ikaw. Saka sinabi mo na rin kanina, diba? Mukhang natural na bagay na ngang pumatay sa panahon natin ngayon. And isa pa, sila ang nagprovoke para gawin natin to. Hindi naman tayo magkakaroon ng motibong patayin din sila kung wala naman silang motibo na patayin tayo. They made us do this. So sila rin ang responsable para dito. Ibibigay natin kung anong hanap nila." seryosong sabi ko.
Inakbayan ako ni Christian at mahina ring sinakal.
"Nabuhay tuloy yung dugo ko dahil sa sinabi mo. Hahaha. Kakambal nga talaga kita. Antayin lang talaga nilang matapos tayo dito sa kasalukuyan nating mission. Maghahanda tayo, tapos.. haharapin natin sila..
Gera kung gera..
Patayan kung patayan.."
Tinignan ko sya ng deretso. Seryoso yung tingin sa mata nya pero mas nangingibabaw yung nakakolokong ngisi sa labi nya. Sigurado akong kung ibang tao lang ang nakakakita ng ganitong expression nya ngayon, siguradong kakaripas ng takbo yun dahil sa takot.
Pero dahil nga sa kakambal ako ng isang to, mas lalo lang akong naexcite at ginanahan dahil sa expression na pinapakita nya ngayon. Nakakakilabot talaga. Para bang ipinapahiwatig nito na hindi na sya makapaghintay na dagdagan pa yung taong napatay nya..