Crissa Harris' POV
** Meanwhile..
6:00 pm that day..
Hinugot ni Renzo yung thermometer na nakasubo sa bibig ko. Nakita kong napailing sya.
"U-uy, b-bakit?" hirap na tanong ko habang nakatalukbong ng makapal na blanket.
"Ang taas nanaman ng lagnat mo e." hinipo nya yung noo ko. "Hmp. Nakakapaso. Pwede nang magprito ng itlog."
"E-eh anong gagawin natin?.. A-anong sasabihin ko kay C-christian? Baka padating na s-sila.. M-magagalit sakin yun.." sabi ko na umiiyak. Ganito talaga ako pag may sakit. Maya't-maya, umiiyak.
Lumapit uli si Renzo sakin tapos pinunasan yung pisngi ko.
"Wag ka nang umiyak. Ako na bahalang magpalusot. Ang alam nung iba, ako lang ang naglaba." nakangiting sabi nya at tumango nalang ako.
Pumikit na ako para sana matulog pero dumilat din ako agad nung may maalala ko. Pinagmasdan kong mabuti yung kanang kamay ni Renzo.
"R-renzo, t-tara nga dito.."
"Bakit? May masakit ba sayo?.." dali-dali syang lumapit sakin.
"H-hindi.. Okay lang ako." hinawakan ko yung kanang braso nya. "A-asan na yung g-gauntlet mo? M-matagal ko nang hindi nakikitang g-gamit mo yun ah?.."
"Ah yun ba.. Hindi ko kasi magamay kaya di ko na ginamit. Kaso lang nung umalis tayo sa inyo, hindi ko na nadala.. Sorry. Gusto ko ngang balikan kaya lang, nasusunog na yung mansyon.." nakayukong sabi nya. Bahagya ko syang sinuntok sa braso.
"W-wag kang magsorry.. Mabuti nang di mo binalikan yun. Baka mapano ka pa e. T-tandaan mo, mas mahalaga ang buhay kesa sa kahit na anong materyal na bagay.."
Nakita kong ngumiti na sya kaya napangiti na rin ako.
"I-ikaw nalang gumamit nung club ko. Diba, yun naman na talaga gusto mo una palang?.."
"Oo.. Pero ikaw, wala kang g-gagamitin." medyo gulat na sabi nya.
"S-sus. Okay na sakin kahit combat knife lang. Sayo na yung club.."
"Sige. Salamat ah?.."
"No problem. Basta simula ngayon, ikaw na bestfriend ko." nang hindi inaantay yung sagot nya, tumalikod na ako at nagtalukbong ng kumot.
"Sige. Mukhang no choice na ko e." narinig ko pang ibinulong nya. Napangiti nalang ako.
Napakarami ko nang bestfriend. Si Harriette, Alex at Elvis, understood na yun dahil dati pa kami magkakaibigan. Si Christian naman understood na rin na best friend ko rin sya dahil kakambal ko sya. Kaya mas special at exceptional ang pagiging magbestfriends namin. Tapos si Renzo, baka sya pa yung maging best of the best. Hehehe. Dama ko e. Nagkakasundo na talaga kami. Diba nga, para syang isa pang Christian? Kaya para ko na rin syang kakambal.
Pero pano sila Lennon, Sedrick, Alessandra at Renzy? Ay di bale na! Super close friends ko sila. Close close naman na kami e. Tapos si Tyron naman, hmm.. Ewan ko. Di ko alam kung saang -friend sya napapabilang.
Pero sure ako na meron din syang espesyal na pwesto sa buhay ko..
Baka nga yung pinakaespesyal pa ang makuha nya e..
TEKA. ANONG SINABI KO?
Sinapok ko bigla yung ulo ko. Nagdedeliryo na siguro ako. Tss.
Inalis ko sandali yung blanket na nakatalukbong sakin dahil hindi naman ako makatulog. Nawala na yung antok ko. Si Renzo naman, andun sa may isang gilid at nakaupo sa may sahig. Nakapikit.
Teka. Patay na ba to?
"U-uy, Renzo.." unti-unti syang dumilat at nung makita nya ako, tumayo agad sya tapos lumapit sakin.
"Bakit? Nauuhaw ka ba? Nagugutom? May masakit sayo?.."
"K-kalma. Natatawa ko sayo.. Hahaha.. B-bakit naman kasi dyan ka sa sahig natutulog? Dapat pumunta ka muna sa kwarto mo.." natatawang sabi ko.
"Binabantayan kita e. Baka tumakas ka nanaman.."
"Sus. Hindi na no. Sapat na yung kalokohan nating ginawa kanina." tumayo ako nang dahan-dahan at dumeretso ako dun sa may bintana. Saktong pagdungaw ko, nakita ko na agad sila Christian at Tyron na naglalakad pabalik dito.
Mabilis akong bumalik sa kama ko at nahiga.
"R-renzo, andyan na sila.." medyo kinakabahang sabi ko. Di ko alam ang magiging reaksyon ni Christian kapag nalaman nyang inaapoy nanaman ako ng lagnat. Baka buhusan ako nun ng nagyeyelong tubig.
"Magpanggap ka nalang na tulog. Ako nang bahala." kinumutan ako ni Renzo tapos tumakbo na sya palabas.
Ipinikit ko na nga yung mata ko habang inaantay na makaakyat uli sila dito. At maya-maya nga lang din, narinig ko nang bumukas yung pinto. Naramdaman ko rin na may lumapit sakin tapos may humawak sa noo ko. Dalawang magkasunod. Yung isa alam kong si Christian. Yung isa naman, ewan. Parang nakuryente ako dahil doon.
"Ang taas nanaman ng lagnat ah. Anong ginawa nito habang wala ako?" boses ni Christian.
"Hindi naman nagpasaway. Yun nga lang, nagpumilit na maligo. Di ko na sinubukang sugurin sa loob ng banyo. Baka masampal ako nyan e. Hahahaha." - Renzo
"Tsk. Kahit kelan talaga tong babae na to. Sige. Ako muna bahala dito. Salamat sa pagbabantay." - Christian
"Anytime pare. Tara na Tyron. Wag ka nang tumayo-tayo dyan. Grabe kang makatitig kay Crissa e. Dinadasalan mo ba?" - Renzo
Nandito rin si Tyron? Ibig sabihin, sya yung isa pang humawak sa noo ko? Tapos, titig na titig sya sakin?
Naramdaman kong unti-unti na akong pinagpapawisan nang malagkit. At alam kong pag nagpatuloy pa to, malalaman ni Christian na hindi talaga ako tulog.
"Wag ka nang magpanggap. Alam kong gising ka." bulong ni Christian tapos naramdaman kong pinunasan nya yung noo ko. Dumilat na nga ako dahil wala nang silbi pang magpanggap sa harapan ng taong kilalang-kilala na ako simula palang fetus kami.
"H-hi kambal. Namiss mo ko no?.. Heheheh.."
"Tsk. Detergent powder na ba pinangsasabon mo ngayon? Magsisinungaling na nga lang kayo ni Renzo, di pa pulido. Para kayong gumawa ng krimen at hindi nyo nilinis yung crime scene. Tapos dineny nyo pang ginawa nyo yon."
"D-dami mong alam.. Detective ka ba?" sabi ko sabay sampal sa kanya ng mahina.
"Kelan pa kayo naging ganun ka-close ni Renzo? Akala ko ayaw mo dun?"
"A-akala ko rin e. Pero mabait naman pala sya. Para ngang nakikita kita sa kanya e. Para ko na rin syang kakambal. Bestfriends na kaya kami. Hehehe."
"Sus. E bakit ka pinagpawisan ng malagkit nung sinabi ni Renzo na nakatitig sayo si Tyron?" tinignan ako ni Christian gamit ang mapanuri at mapanghusga niyang tingin. Mabilis naman akong umiwas.
"W-wala. Wala akong g-gusto dun no.."
"Defensive masyado? Wala naman akong sinabing may gusto ka sa kanya.. Saka di ka pwedeng magkagusto dun. Bakla yun.."
Bakla yun..
Bakla yun..
Bakla yun..
Marahas akong napalingon kay Christian tapos bumangon din ako sa pagkakahiga.
"B-bakla si Tyron?.."
Tinignan lang ako ng seryoso ni Christian. Tapos maya-maya pa, unti-unti nang namula yung tenga nya at nagpakawala na sya ng malakas na haglapak ng tawa.
"Bwahahahaha! Ang mukha mo, Crissa! Joke lang yun! Bakit ganyan ka kaapektado kung sakali ngang bakla si Tyron, ha? Nako, nako. Mukhang may dapat kang ikwento sakin kambal ah?.." sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.
Sinampal ko nga ng malakas. Bwiset e. Kita nang may sakit ako, tapos pagtitripan pa ko ng ganon?.. Akala ko totoo talaga. Tsk.
Padabog akong humiga at nagtalukbong agad ako ng kumot. Ipinikit ko ng madiin yung mata ko para makatulog na agad ako. Naiinis ako ng bonggang-bongga dito sa lalaking to e. Baka masakal ko lang ng kumot.
"Imposibleng maging bakla si Tyron.. Kung alam mo lang, mahal na mahal asdfghjkl---"
"A-ano? Di ko narinig.." bulong ko habang nakatalukbong pa rin.
"Nevermind bingi. Basta hindi ko pa rin nakakalimutan yang kakulitan mo. Masarap bang maglaba? Tsk. Hindi ka lalabas ng kwarto na to hanggat di ka gumagaling. At isipin mo rin, kapag nadelay nang nadelay ang paggaling mo, mas magtatagal tayo dito. And worst, iiwanan ka na namin mag-isa dito.."
"Psh. Whatever.." sabi ko na naghihikab.
Tatakutin pa ko neto e. Tsk.. As if namang matakot ako.
Pero ano kaya yung binulong nya kanina tungkol kay Ty? Parang may narinig akong mahal na mahal e..
Hmm. Posible kayang may mahal na si Tyron?..
Sino kaya yun?..
***
Akala ko hindi tototohanin ng magaling kong kakambal yung sinabi nya. Pero nagimbal na lang ako dahil sa loob ng dalawang araw, ikinulong nya ko sa kwarto na yun para magkaron ng complete bed rest.
At alam nyo kung ano yung mas nakakagimbal pa? For two days din, puro sya lang ang nakita ko. Dahil yung iba pa naming kasama, pinagbawalan nya munang puntahan ako para daw maiwasan yung pagtakas-takas ko. Lahat ng pag-aalaga at pag-aasikaso sakin, sya lang ang gumawa. Gusto kong magalit sa paghihigpit nya sakin pero natuwa na lang din ako dahil kitang-kita ko yung mga ginagawa nya para sakin. From time to time, chinecheck nya ko kaya palagi din syang puyat. Ang tyaga-tyaga nya talaga. Naisip ko rin nung time na yun na pwede na syang mag-asawa. Hahahaha.
Yun nga lang, nami-miss ko na rin talaga yung iba. Lalo na si Renzo. Saka si Tyron, gusto ko na rin syang makita. Friends ko sila e. Kaya natural lang na mamiss ko sila. Wala na rin tuloy akong latest update tungkol sa nangyayari sa kanila. Huhuhu..
Lumapit sakin si Christian at tinignan ako ng seryoso.
"Wala ka ng sakit."
"Obviously." sabi ko habang gumagawa ng acrobatic moves sa kama.
Sa sobrang bored ko kasi, kung anu-ano nang natripan kong gawin. Pinanood ko yung pagtulo ng tubig sa may gripo sa banyo, nagbilang ng mga undead na gumagala sa labas, tapos eto nga, nagtatambling ako sa ibabaw ng kama. Ayoko namang mabaliw dito no. Si Christian kasi, puro pang-iinis lang ang sinasabi kapag kinakausap ako. Madalas nya rin akong paringgan ng kung anu-ano tapos pag tinanong ko kung ano ba yung sinasabi nya, hindi na sya sasagot tapos ngingisian nalang ako.
See? Baliw talaga e. Ewan ko ba kung saan nagmana yan. Matino naman si mommy at daddy. Tsk.
Napailag bigla ako nang may lumipad na unan sa harapan ko habang tumatambling ako.
"Umayos ka nga. Nagbabali ka ba ng buto?.."
"Epal mo ah! Bakit ba!?" sigaw ko kay Christian.
"Magpahinga ka na. Bukas, aalis na tayo dito." seryosong sabi nya. Mabilis naman akong umupo ng maayos.
"Magta-travel na uli tayo? Wow! Squad goals!"
"Squad goals ka dyan. Delikado na nga tayo e.."
Marahas akong napalingon sa kanya.
"Delikado?.." mahinang bulong ko. Pero hindi na sya sumagot at humiga na sya tabi ko.
Anong delikado yung sinasabi nya?..
Posible kaya na nalaman na nya yung tungkol dun sa nakita kong papel nung isang araw?..