webnovel

Chapter 26

Crissa Harris' POV

Habang naglalakad ako papuntang grand staircase, narinig ko pa na nagsalita yung sobrang galing kong kakambal.

"Kumain na kayo ng almusal. Susundan ko lang si Crissa."

Hindi ko sya pinansin at dere-deretso nalang akong umakyat. Hindi nako nag-abala pang magpeke-pekean na masakit ang paa. Ayokong maabutan nya ko dahil naiinis ako sa kanya ng sobra. Narinig ko pang tinawag nya ko pero hindi ko nalang sya pinansin.

Pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko, bigla nalang akong naiyak. Ang hirap talagang tantsahin ng ugali ng lalaki na yan. Ipahiya daw ba ako sa harap ng mga kaibigan namin?

Narinig kong may naglalakad sa labas ng kwarto ko kaya pinunasan ko agad yung luha ko. Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Sedrick na may hawak na cup noodles.

"Crissa oh. Kumain ka muna. Okay ka lang ba? Oh gusto mo munang mapag-isa? Sige. Bababa nako."

Kinuha ko yung cup noodles at umiling ako. Pinigilan ko sya nung aalis na sana sya.

"H-hindi. Okay lang ako Sed."

Hindi nga sya umalis tapos tumabi sya sakin sa may sahig.

"Okay na ba yung paa mo?"

"O-okay na. Biglang nawala yung sakit ng paa ko dahil mas masakit yung pinagsasabi sakin ni Christian." bulong ko at naramdaman ko na tumulo nanaman yung luha ko kahit na pinipigilan ko.

Nagsinungaling ako dun sa part na biglang nawala yung sakit ng paa ko dahil sa totoo lang, hindi naman talaga sumakit yun kanina. Pero yung nasaktan ako sa sinabi ni Christian, totoo yun. How can he be that rude?

Pinunasan ko yung luha ko at hinawakan ko sa balikat si Sed.

"Sige na, Sed. Bumalik ka na sa baba dahil baka sayo naman magalit yung kakambal ko."

"Okay ka na ba talaga?"

Nagpilit ako ng ngiti. "Oo. Salamat, Sed. Tatapusin ko lang tong pagkain ko tapos susunod na ako sa inyo sa baba."

"Sige. Dumeretso ka nalang sa may likod. Dun kasi tayo magte-training para sa hand to hand, saka close combat." sabi nya nang nakangiti.

Nagthumbs up ako sa kanya tapos lumabas na sya. Tinapos ko na yung kinakain ko tapos nag banyo ako saglit para ayusin yung itsura ko. Ayokong malaman nya na umiyak ako. Dahil baka sabihin nyang lampa na nga ako, iyakin pa ako.

Pagkababa ko sa may garden at open grounds sa likod ng mansyon, andun na silang lahat at nagpapractice sa paghawak ng mga weapon nila. Busyng-busy silang lahat kaya hindi nila ako napansin. Pumunta naman ako sa may gilid para doon magpractice.

Teka. Asan nga ba yung club ko? Oo nga pala. Sa pagkakatanda ko, iniwan ko yun sa may entrance ng mansyon.

Pupunta na sana ako dun nang biglang sumulpot sa tabi ko si Tyron at hawak-hawak yung club ko. Mabilis ko namang kinuha yun sa kanya at hindi ko na sya pinansin. Nakakainis kasi sya e. Kung hindi lang sana nya sinabing magpanggap na pinulikat ako, hindi iisipin ng magaling kong kakambal na lalampa-lampa ako.

Hanggang mag lunch, puro lang ganon ang ginagawa namin. Hawak-hawak ang mga weapon namin at nagkukunwari na napapaligiran kami ng undead at dinedepensahan namin ang mga sarili namin laban sa kanila. Mukha kaming mga tanga sa ginagawa namin pero hindi na kami nagreklamo pa dahil parte yun nung training na pinapagawa ng magaling kong kakambal.

After namin kumain ng lunch, resume lang uli sa training. Nakikita kong tumitingin sakin si Ty at Christian pero hindi ko sila pinapansin. Parehas akong naiinis sa kanila kaya bahala silang magtitingin dyan. Kagatin sana ng bubuyog ang mga mata nila.

"Crissa, sabay na tayong magpractice. Parehas namang club ang hawak natin e." lumapit si Sedrick sa kinaroroonan ko. Pumayag naman ako agad. Mahirap tanggihan ang taong tulad nito.

At ayun, nagpractice na nga lang kami ng sabay. Nakakatuwa lang dahil tinuruan nya pa ako ng ibang style sa paggamit nung club. Pati nga rin yung tamang grip e. Kaya paminsan-minsan tuloy, nahahawakan nya yung kamay ko. Hindi ko naman magawang kiligin dahil bukod sa baka mahalata nya, pakiramdam ko din may mga matang nakatingin samin.

"E-eh Sed, match nalang tayo? Hehe." bulong ko sa kanya. Hindi kasi ako mapakali. Nararamdaman ko kasing patalim na nang patalim yung tingin ng lihim na nagmamasid samin.

Pumayag agad si Sed at pumwesto sa harapan ko. Sakto namang lumapit sa amin si Elvis.

"Magma-match kayo? No need." sabi nya sabay turo kay Christian at Alex na nandun sa tapat ng shooting range namin.

Lumapit si Elvis dun kaya sumunod na rin kami ni Sedrick. Itinigil na din nung iba yung ginagawa nila. Hindi pa kami masyadong nakakalapit, nagsalita na si Christian.

"I think, enough na yung time na yun para magpractice gamit yung mga weapon natin. Kaya bilang test, may mga bisita tayo."

Umatras ako ng bahagya dahil alam ko na kung sino yung tinutukoy nyang mga bisita. Maging sila Sedrick din umatras. Hinaltak naman ni Elvis yung tatlong babae palayo dahil sila nalang ang wala pang alam sa nangyari.

"At the count of 3, be ready. Put your guards up. 1.. 2.. 3.." binuksan ni Christian at Alex yung pinto ng shooting range. Ilang saglit lang ang nakalipas ay may lumabas nang mga undead. Narinig ko pang napa-gasp sila Harriette.

Nung may nakalabas na pitong undead, isinarado uli nila yung pinto.

"Alex, Sedrick, Renzo, Elvis, Tyron, and you.. Crissa, let's kill them using our weapon." sabi ni Christian na para bang iniiwasan ang tingin ko. Pagkatapos nun, sumugod na sya sa isang undead at tinaga nya gamit yung axe nya.

Ganon lang din ang ginawa nung lima pang lalaki. Sinugod nila yung mga undead na pinakamalapit sa kanila. Madali nalang nilang napatay ang mga iyon dahil sanay na sanay na sila.

Nung isa nalang na undead ang natitira, tinignan nila akong lahat. Including Christian. Inirapan ko nalang sya. Hindi na nya kailangan pang tignan ako dahil alam kong ako naman na dapat ang tumapos sa natitirang undead na yon. Wag nya kong pagmukhaing engot.

Sa sobrang inis ko, mabilis kong sinugod yung undead. Sinipa ko sya binti at nung mapahiga sya sa sahig, hindi nako nag-aksaya pa ng oras at paulit-ulit ko na syang pinaghahampas ng club sa ulo. Ibinuhos ko lahat ng inis ko dun. Tumigil lang ako nang haltakin ako ni Elvis palayo.

"Tama na Crissa. Wala nang laban oh." saka ko lang naman narealize na durog-durog na pala yung ulo nun. Lumayo ako dun tapos hinagis ko sa sahig yung club ko.

Binuksan uli nila Alex yung pinto at may lumabas na isang undead.

"A-ako nang bahala dyan." sigaw ni Harriette. Tumayo sya malapit dun sa undead hawak yung spear nya. Nung malapit na sa kanya yung undead, at hindi pa rin sya gumagalaw, pinulot ko na yung club ko at hinanda ko na yung sarili ko sa pag back up sa kanya.

"Kalma, Crissa. Hindi yan matututo kung tutulungan mo." bulong ni Elvis sa tabi ko.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Harriette. Bago pa sya tuluyang malapitan nung undead, pinaikot nya yung spear nya saka itinusok sa may lalamunan non. Natumba sa sahig yung undead at tuluyang namatay. Nanginginig pa si Harriette habang binubunot yung spear nya.

Nilapitan ko agad sya.

"Nice Harriette. Ang ganda ng first kill mo." bulong ko sa kanya. Nagulat naman akong nang bigla nya akong yakapin.

"Nako, Crissa. Kung alam mo lang. Takot na takot ako."

"Halata naman. Hehe. Nanginginig ka oh. Pero okay lang yan. Masasanay ka rin."

Parehas naman kaming napalingon kila Alessandra at Renzy nang maglabas uli sila Alex ng dalawang undead.

"It's your turn already." sabi ni Elvis sa dalawa.

"H-hindi pa namin kaya.. Natatakot kami." sabi ni Alessandra na umaatras. Bigla naman syang hinaltak ni Alex.

"Anong hindi kaya? Gawin mo." sabi nya sabay tulak kay Alessandra papalapit dun sa undead. Ewan ko pero hindi ko nagustuhan yung ginawa nya.

Kitang-kita ko sa itsura at galaw ni Alessandra yung takot nya. Nabato sya doon at nanatiling nakatayo ilang dipa mula doon sa undead. Gusto ko na syang tulungan pero pinigilan agad ako ni Elvis.

Itinulak ni Alessandra yung undead pero hindi sapat yung lakas nya para mapatumba iyon. Napaatras lang ng konti yung undead pero agad namang nakabawi at nilapitan sya.

Nalipat ang atensyon ko dun kay Renzy na nakaupo na sahig at malapit na ring maabot nung isang undead. Kapwa walang ginagawa yung magaling nilang kuya at nakatingin lang sa kanila habang silang dalawa naman ay hindi na malaman kung ano ang gagawin nila. Isang maling galaw nalang nila, siguradong malalapa na sila nung mga halimaw na yun.

Hindi ko na talaga gusto ang nangyayari. Sobra na.

Mabilis kong inagaw yung baril na nasa bewang ni Harriette. Una kong pinaputukan yung undead na nakadagan na kay Renzy at pilit nyang inilalayo sa kanya. Nakita kong nasaksak nya na yon sa may leeg pero hindi nya lang natuluyan. Pagkatumba nung undead na yon matapos kong paputukan, isinunod ko naman yung undead na pasugod na kay Alessandra. Halos kasabay ng pagkalabit ko sa gatilyo ay ang pagsaksak naman ni Alessa nung kustilyo nya sa may tyan nung undead na yon.

Pagtingin ko kay Alex at Renzo, parehas silang lumapit dun sa mga kapatid nila. Akala ko tutulungan nilang tumayo. Pero nagulat nalang ako nang sigawan nila parehas yon.

"Hoy, Renzy! Sa tingin mo ba bubuhayin ka nyang kaduwagan mo!?"

"Wag kang umiyak Alessandra! Hindi ka lalayuan ng undead dahil dyan sa luha na nilalabas mo! Tumayo ka dyan. Christian, maglabas ka ng dalawa pa."

Mas lalo akong nanginig sa galit nang maglabas nga ng dalawa pang undead yung magaling kong kakambal. Nasisiraan na ata talaga tong tatlong lalaki na to. Hindi ako makapaniwala sa pinaggagagawa nila.

Bago pa makalapit yung dalawang undead, mabilis ko na silang pinaputukan. Pagkatingin ko kay Christian, sinalubong na agad ako ng matalim na tingin nya.

"Bakit ka nakikialam ha? Hindi sayo nakasalalay ang buhay nila. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon, mababantayan at mapoprotektahan mo sila. Sa tingin mo ba matututo silang lumaban kung palaging may poprotekta sa kanila?" seryosong sabi ni Christian habang naglalakad papunta sa akin. Inagaw nya agad yung baril na hawak ko pagkalapit nya.

Hindi ako nagpatinag sa pinapakita nya sakin ngayon. Tinignan ko sya ng deretso sa mata.

"Maganda ang intention nyo pero mali naman ang execution nyo."

Tinalikuran ko sya at pinuntahan ko yung dalawang babae na kapwa hirap na hirap na sa paghinga kakaiyak. Inakay ko sila patayo at hinila ko na sila paalis. Sumunod naman si Harriette samin bitbit yung mga weapon namin.

Nung madaan kami sa kinatatayuan ni Alex at Renzo, huminto ako saglit sa harapan nila.

"So okay lang sa inyo na malagay sila sa alanganin para matuto lang sila? Ang sasama ng ugali nyo. Halos mamatay na silang dalawa kanina pero mas inisip nyo pa rin yung kagustuhan nyo na matuto silang ipagtanggol ang sarili nila. Magsama-sama kayo nila Christian. Tutal naman pare-parehas lang kayo." mariin na sabi ko at iniwan na namin sila doon.

Bab berikutnya