webnovel

Chapter 14

Crissa Harris' POV

Nang makaligo na ang lahat, isa-isa kaming hinaltak ni Christian at Elvis para maupo sa gitna ng living room. Pinagtatanggal lang nila yung mga table at couch tapos iginilid lang nila. Sa sahig nalang kami naupo tutal naman may carpet na nakalatag.

Nung naka-form na kami ng circle, naglapag si Christian ng ash tray sa gitna.

Teka. Ash tray!?

"Ano naman yan hoy!? Magkakaron ba tayo ng Yosi Workshop dito?" sigaw ko sa kanya.

"Pffft. Of course not. Kelan ba ko natutong magyosi? May game tayo no. Elvis, bilisan mo na nga dyan!" sigaw nya kay Elvis na may kinukutkot dun sa mesa. Inirapan ko nalang sya pati na rin yung ibang nagsisitawanan sa paligid ko.

Maya-maya pa, naglapag na si Elvis ng mga maliliit na papel dun sa ash tray. Nakiupo nalang din sila samin pagkatapos.

"Hindi porke ganito na yung nangyayari sa paligid natin, wala na tayong karapatang magsaya. Syempre, the living must rule the world. Wag muna nating pakialaman yung mga undead sa labas. Maglaro muna tayo ngayon." panimula ni Christian habang hinahalo-halo yung mga nakatuping papel sa ash tray.

"Yeah right. At isa pa, hindi pa natin masyadong kilala yung iba satin diba? So maganda na may getting-to-know-each-other portion tayo dito."

Pare-parehas naman kaming napaisip sa sinabi ni Christian at Elvis. Getting-to-know-each-other game? Ang lakas maka-highschool. Medyo corny din. Pero teka..

"Hmm. Sounds interesting to me." sagot ko. Talagang namang magiging interesting para sakin kasi makikilala ko pa ng lubos si Sedrick. At yun lang talaga habol ko. Hehehe.

"Mukhang masaya. Game ako dyan!" - Alessandra

"Okay lang din sakin. Ano naman kasing malay natin diba? Baka kriminal pala to si Renzo." - Harriette

"Yan nga din ang hinala ko e. Hahaha." - Renzy

"Ilaglag daw ba ko? Nako. Kung ako kriminal, ikaw unang papatayin ko Renzy." - Renzo

"Game na dali. Hahaha." - Sedrick

"Oh, excited ka Sedrick? Hehehe." - ako

"Sort of. Wala kasing mapaglibangan e. Haha." - Sedrick

"Tss. Ang corny nyo." - Tyron

"Problema mo, Tyron!? De wag kang sumali!" - ako

"Oy, oy! Puso mo Crissa!" - Alex

Inirapan ko nalang yung pakialamerong lalaki na yun. Baka di ko kasi sya matantya at mahataw ko nalang sya ng carpet sa mukha.

"Excited na ko. Hahaha. Magsimula na tayo. Bubunot lang ng isang papel dyan tapos may random question na nakalagay sa loob. Sasagutin lang tapos lunukin nyo na yung papel. Wag nyo nang babalik dito. Hahaha. Sinong gustong mauna?" tumatawang sabi ni Elvis pero sya lang naman yung namumukod tanging natawa.

"Ako nalang. Tutal naman, ako pinakapogi dito." bumunot si Renzo ng isang papel. Bigla naman syang ngumisi nang mabasa nya yung tanong.

"Go. Basahin mo na." - Elvis

"Bagay na bagay sakin tong tanong ah. Which letter of the alphabet describes you best? Hmm. Syempre letter H. H as in HANDSOME. Hahahaha!" humahalakhak na sagot ni Renzo.

Toinks. Kahit kelan talaga tong isang to. Wala nang ibang napansin kundi yung pagmumukha nya.

"Pasukan sana ng bulalakaw yang bunganga mo." - Harriette

"How I wish." - Renzy

"Hahaha! Tama na yan. Renzo, di nako aangal. Gusto mo yan e. Teka, ako na susunod." bumunot si Alessandra ng isang papel tapos binasa nya. "What do you think is the perfect age? Why? Hmm. Perfect age for what?"

"Baka for ligawan. Hahaha." - Renzy

"Hindi no. Baka random lang na sa tingin mo, perfect age. Ligaw ligaw! Pag 47 ka na, pwede na!" - Alex

"Ah okay! Siguro ang perfect age para sakin, yung legal age. Kasi free ka nang gumawa ng mga desisyon na WALANG MAKIKIALAM SAYO." madiin na sabi ni Alessa na halata namang pinaparinggan ang kuya nya.

Nginisian lang ni Alex si Alessa tapos hindi na sila nagpansinan.

16 nga lang pala si Alessandra ngayon. Magkaedad sila ni Renzy. Kami kasi ni Christian, turning 18 palang. Ganun din si Elvis. Si Harriette at Alex naman, kaka-18 lang din. Ewan ko lang sila Sedrick, Renzo at Tyron. Siguro mga 18 lang din sila.

Sa school kasi, minsan lang kami mag-usap nyan ni Christian kaya wala akong masyadong info sa mga kaibigan nya. Pano, ayokong makikipagkaibigan lang sakin yung ibang babae para gamitin ako para mapalapit sila dun sa kambal ko tapos dun sa tatlo nya pang kaibigan.

Wait. Hindi rin pala alam ni Harrie na may crush ako kay Sed. Hehe. Sshhh.

"Protective kuya ah? Hahaha. Nagkakainitan na dito. Sunod na nga ako." sabi ni Elvis habang bumubunot."What is your favorite movie? Mahilig ako sa scifi e. Kaya, favorite ko yung In Time tapos yung The Matrix."

"Favorite natin nila Alex." pagko-correct ko.

"Gaya-gaya lang naman yan si Elvis e." - Alex

"Sus. Hanggang ngayon nga e, di mo pa rin gets yung logic ng The Matrix." - Elvis

"Gago." - Alex

"Ka." - Elvis

"Hep hep! Tama na yan!" tinapalan ko ng kamay ko yung mukha nilang dalawa. Mukhang gusto pa atang mag-away. E napapagitnaan kaya nila ako.

"Tss. Bumunot na ako. Eto tanong sakin. What is one funny trait you have, that you would like others to know about?" kunwari pang nag-isip si Alex kahit wala naman sya nun. Tapos, bigla nalang syang tumingin ng nakakaloko sa kapatid nya.

"Minsan, trip kong takutin yung mga lalaking umaaligid kay Alessandra. Pero don't get me wrong huh? Di ko sila binubully. Tinitignan ko lang sila ng masama. Sadyang nakakasindak lang talaga mga tingin ko. Hahahaha!"

"It's not funny! Kaya pala minsan, bigla nalang akong iniiwan sa ere nung mga ka-grupo kong lalaki! Ang sama ng ugali mo! Ilang beses nakong kamuntikang ma-incomplete sa ilang subjects ko dahil sayo!" pinaghahampas ni Alessa si Alex.

"Buti nga ikaw, lalaki yung mga nagsisilayo sayo e. E sakin? Pati mga babae diba? Yung isa kasing lalaki dyan, lahat na ata ng classmate nating babae, pinagtripan na nya. Kaya nga ikaw naging bff ko e. Kasi ikaw lang yung nakatagal. Ikaw lang din kasi yung hindi nya sinama sa listahan nya ng mga babaeng lalandiin nya." - Renzy

"Ako ba pinaparinggan mo, lil sis?" - Renzo

"Ay hinde! Si Christian pinaparinggan ko. Kasi sya yung kapatid ko dito e! Hmp." inis na sagot ni Renzy habang bumubunot ng papel.

Natawa naman ako ng palihim. Mukhang hindi lang pala talaga ako ang may problema dito about sa mga kapatid na lalaki. But yun nga lang, mukhang mas malala yung sa kanila. Kami naman kasi ni Christian, typical na inisan lang. Mas lamang kasi samin yung sabwatan sa kalokohan dahil nga most of the time, parehas lang kami ng naiisip.

"Buti nalang, maganda tong tanong na nabunot ko. What makes a good friend? Haha. Simple lang! Kung ano si Alessa, yun ang good friend para sakin." tuwang-tuwang sabi ni Renzy habang nakikipagyakapan kay Alessandra.

"Na-touch ako. Huhuhu." - Alessa

"Drama ng kapatid natin no?" - Alex

"Oo. Parang mga bakla." - Renzo

"Nagsalita naman ang hindi paminta. Tsk." - Harriette

"Baka pag hinalikan kita, magrequest ka pa ng isa, Harriette?" - Renzo

"Baka pag sinapak kita Renzo, kumuha ka na ng memorial plans?" - Harriette

"Oh, baka naman mahulog na kayo sa isa't-isa nyan?" - Elvis

"Spell NEVER!" inis na sabi ni Harriette tapos bumunot na sya ng papel.

Mukhang may future ang dalawa na to ha?

Napatingin naman ako kay Sedrick, patawa-tawa lang din syang nakikinig tulad ng kakambal ko. Nung mapatingin naman ako kay Tyron, pokerface lang syang nakikinig habang pinapaikot sa kamay nya yung pocket knife.

Kunwari pa kaninang ayaw. If I know, tyumetyempo lang yan para mamaya, makikisali na din sya.

"Ang daya naman! Bakit ganitong klaseng tanong ang nabunot ko? What is your favorite ice cream flavor? Waaa. Nagutom tuloy ako! Favorite ko cookies n' cream. Huhuhu." sigaw ni Harriette.

"Yuck. Mas masarap yung Renzo Tiangco's Kiss na flavor ng ice cream. Gusto mo ba? May free taste ako. Hehehe" - Renzo

"Gusto mong matikman ang lasa ng kamao ko? Huhuhu. Crissa, may ice cream ba kayo dito?" - Harriette

"Meron e. Kaso, baka contaminated na yung mga pagkain sa ref. Diba nga, nagkalkal dun yung isang undead?" - ako

"Waaa!!" - Harriette

"Pag nag run tayo para sa supplies, ikukuha kita. Wag ka nang umiyak." - Sedrick

"Talaga, Sed?" - Harriette

"Oo naman. Ikaw Crissa, anong favorite ice cream flavor mo?" - Sed

"Mango graham saka sansrival. Hehe." - ako

"Yuck. Walang taste." - Tyron

"Saksakin ko dila mo e!" sigaw ko sa pakialamerong bumulong na yun. Ibinalik ko nalang ang tingin ko dun kay Sedrick. Bumubunot na kasi sya e.

Hmmm. Alam na this. Ako na pagkatapos nya. Hehehe.

"What is your favorite thing to do in summer? Usually pag summer, nasa US ako e. Para kasama ko yung family ko. Buong bakasyon akong nagsstay dun. Tapos yun, puro tour."

"Wow. Mahilig ka rin palang magtravel. Ako rin e. Hehe!" - ako

"Kelan pa?" - Christian

"Tss. Napaghahalataan tuloy na tumatanda ka na. E last Christmas lang, nasa Japan tayo." - ako

"Tumatanda? Magkaedad lang tayo ah?" - Christian

Di ko nalang pinansin yung pagmamaepal ng magaling kong kakambal. Ngumiti naman sakin si Sedrick e. Kaya okay na ko. Hehe.

Nakita kong bubunot na si Tyron kaya mabilis kong tinapik yung kamay nya.

"Ladies first oh." sabi ko at ako na bumunot. Hmm. Sana maganda yung tanong na napunta sakin. Yung pang beauty pageant. Para makapagpasikat ako kay Sed. Hehe.

Binuklat ko yung papel at binasa ko yung nakasulat.

Toinks. Ang babaw at sobrang common. Pero okay na to. Kaya ko pa tong pagandahin.

"If you had to change your name, what would you change it? Hmm. Okay naman na ako sa name ko actually. Cute naman yung Crissa diba? Pero gusto ko rin kasi na may pagka-warrior sana ang dating nang name ko. Para fierce. Saktong-sakto yung name na Gabriella. Hehe."

"Gabriella? Mas bagay sayo kung Gabrielle para modern." - Sed

"Tss. Baduy." - Tyron

Hindi ko nalang pinansin ang pag-epal nung pakialamerong lalaki. Tutal naman at sinabi ni Sed na bagay sakin yung name na yun. At nagsuggest pa talaga sya ha? Aww.. Makapagpalit na nga ng name. Gabrielle Harris. Hehe. Bagay.

"Oh, ako na ba susunod?" - Christian

"Sige. Mauna ka na." - Tyron

Bumunot naman si Christian tapos kung ano yung natira, yun yung kinuha ni Tyron. Pero sya pa din yung huli. Kadalasan kasi sa mga nahuhuli, pangit. Hahaha.

"What is one thing you miss about being a kid? Ahh. Being completely naked but still nobody cares."

Nanlaki ang mata namin sa sinabi ng magaling kong kakambal. Samu't-sari din ang mga naging reaksyon namin.

"Whoa! I feel you, Chris." - Renzo

"Hahaha. Nice one!" - Elvis

"Ako din relate. Haha." - Alex

"Pffftt.." - Sed at Ty

"Seryoso ka? Kadiri ah!" - ako. Yung tatlo namang babae, nagsiiwasan ng tingin.

"Hahaha. Ang mukha mo, Crissa! Joke lang yun! Actually, what I really miss about being a kid is, yung kapag gumawa ako ng kalokohan, di ako pinapagalitan." tumatawang sagot nya sabay gulo sa buhok ko.

"Hanggang ngayon naman e, walang sumasaway sa kalokohan natin. Lalo pa at, wala na si Yaya Nerry. Pati sila Olga, Bud at Jackson." nakayukong sabi ko.

Di ko nanamang maiwasang malungkot. Nahanap na nga namin yung iba, puro undead naman sila.

"Tss. It's my turn already. Have you been told you look like someone famous? Yeah. And if I'm not mistaken, its D.O of EXO."

Pagkasabi nun ni Tyron ay agad akong marahas na napatingin sa kanya. Sya? Kamukha si D.O? Impos-- Okay. Parang kamukha nya nga. Sa singkit pero bilugan na mata hanggang sa lips nya na parang sa bata.

Ang gwapo nya pala kapag natitigan.

Ay shete! Anong sinabi ko!? Pwe. Binabawi ko na!

"Nice pare. Oo nga, pwede ka nyang kalokalike. Sa totoo nga lang e, parehas tayo. Kamukha ko rin daw kasi si Suho. Sabi nung mga nagkakandarapang chicks sakin. Hehe." - Renzo

"Ako rin no. Hawig ko raw si Matteo Do ng MLFTS?" - Elvis

"Ako, walang hawig. Authentic kasi yung kagwapuhan ko. Konting lang ang may ganito. Hahaha." - Alex

Biglang nag-iba ang timpla namin nila Harriette. Sila Alessandra at Renzy din, biglang umasim ang mukha. At kulang na lang, bumula na ang mga bibig nila.

"Tss. Nagkakalokohan nalang tayo dito, Christian. Kain muna tayo. Mukhang inaatake na ng gutom tong mga to e." sabi ko. Tumawa namn sila Harriette.

Tumayo si Christian at ngumisi. "Okay."

Pumunta sya dun sa table tapos nag-umpisa na syang hagisan kami ng corned tuna. Yung mga hindi aware, kung san san nasapol. Buti kaming mga babae, aware.

"Kain muna tayo. 2pm na pala. Ituloy nalang natin yung round two mamaya." sabi ni Christian.

Round two? Sounds great. Sa mukha palang kasi nila, mukhang nag-eenjoy naman sila. Parang nalilibang. Tapos gumaan pa yung atmosphere namin. Totoo rin kasi yung sinabi ni Christian kanina. The living must rule the world. Hindi porke ganito na nga ang nangyayari sa paligid, wala na kaming karapatang magsaya. Syempre, kami talagang mga buhay ang dapat magkaron ng power over the undead. Kasi kung hindi, matatalo kami.

Umupo kami nila Harriette, Renzy at Alessa dun sa may gilid. Bumuo kami ng sarili naming circle. Habang yung mga lalaki, kanya-kanya rin ng pwesto. Nakita ko pa nga si Renzo na nagpupuslit ng dalawang lata e. Hahaha. Pero okay lang yun. Magra-run na kami ng supplies bukas. Alam ko na ipapagawa ko sa kanya.

Tumayo ako saglit tapos kinuha ko yung combat knife ko na nakapatong sa may table.

"Wait lang ah. Kukuha lang ako ng tubig." dumeretso nako dun sa may pintuan. Nagulat naman ko nang may biglang humawak sa braso ko.

"Samahan na kita, Gabrielle."

Pagharap ko, bumungad kagad sakin yung ngiti ni Sedrick.

Bab berikutnya