webnovel

Chapter 7

Crissa Harris' POV

Nandito na kami sa kwarto namin sa basement at katatapos lang naming maligo nila Harriette. Pero bago yun, pinagtulung-tulungan muna naming buhatin at ilagay sa isang empty room yung mga katawan ng undead na napatay namin dito sa loob ng mansyon. Sabi ni Christian, susunugin daw namin yun kapag na-clear na namin yung buong compound at kapag nakita na namin lahat ng hinahanap namin.

Ngayon, kasalukuyan na silang nagkakainan ng late lunch nila dahil past 2 o'clock na. Yung mga lalaki ay nandun sa kwarto nila at kaming mga babae naman ay nandito nga sa kwarto namin. Naghiwalay na muna kami pansamantala tutal naman, cleared na ang first floor at wala na kaming aalalahanin. And isa pa, nakalock naman ang pinto at dala-dala rin naman namin yung mga weapons namin.

"Ayaw mo talagang kumain, Crissa? Bahala ka uubusin namin to." sabi ni Harriette habang nagbubukas pa ng panibagong lata ng corned tuna. Yun nalang ang napagpasyahan naming kainin at hindi na kami kumuha ng nasa ref dahil baka contaminated na yun. Binigyan ko nalang ng tig-dalawang lata yung mga lalaki sa kabila. Mahirap na kasi e, baka maubusan kami ng stocks kaya dapat tipirin.

"Crissa kain na. Kagabi ka pa huling kumain e." alalang sabi ni Alessa.

"Oo nga. Gayahin mo yung kuya ko. Siguradong nagpapaka-pataygutom na naman yun dun." pabirong dagdag pa ni Renzy kaya natawa na rin kami.

"Oo na. Oo na. Kakain na ako.. mamayang gabi. Hindi ko pa rin talaga kasi kayang kumain ngayon e."

Napansin siguro nila yung malungkot na tono sa boses ko kaya nagsitayo silang tatlo mula sa sahig at nilapitan ako. Niyakap nila ako ng sobrang higpit.

"We feel you, Crissa. We're gonna be okay." bulong ni Harriette.

Pare-parehas naman kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto at tumambad samin ang nakakalokong ngisi ni Renzo.

"Yun oh! May group hug! Sali ako ha?" umakma syang lalapit samin nang bigla nalang may sumalpok na lata sa noo nya.

"Pano mo nabuksan ang pinto ha!?" sigaw ni Renzy. Sya pala ang nagbato nun.

"Whoa! Freaking hot Lil sis! Christian just told me to check you. Bigla kasi kayong natahimik e." sabi nya na hinihimas ang noo nya pero nakangisi pa rin.

"Check-checkin ko mukha mo e!" - Renzy

"Bastos to. Di ka man lang kumatok! Paano pala kung pare-parehas kaming nagbibihis, ha!?" - Harriette

Mas lumaki naman ang ngisi nung lalaking tikoy.

"Edi great. Hehehehe." bulong nya.

"Aba't talagang! Anak ng tokwa, Renzy. Pigilan mo ko. Baka masibat ko yang bastos na singkit na yan." nagtitimping sabi ni Harriette habang minamasahe ang sentido nya.

"Sorry Harriette pero hindi kita pipigilan. Gawin mo na kung anong gusto mong gawin." umiiling na sagot ni Renzy.

"Ito oh. Go Harriette! Sibatin mo na yan!" sulsol naman ni Alessa habang inaabot kay Harriette yung spear.

Napatawa nalang ako habang pinagmamasdan silang apat. Pero bago pa may magkasibatan, tumayo na ako at pinagtutulak palabas si Renzo.

"Lumabas ka na, okay lang naman kami dito. Hahaha. Dalin mo na rin pala to." tumatawang sabi ko habang inaabot yung mga lata ng pinagkainan namin.

Bago pa sya tuluyang umalis ay ngumisi muna sya kay Harriette.

Nilock ko yung pinto at bumalik na uli sa kama ko.

"Ang bastos bastos talaga. Ang sarap sibatin." - Harriette

"Sabi ko naman kasi sayo e, gawin mo na." - Renzy

"Si Crissa kase e pinalabas." - Alessa

Pinagtawanan ko nalang silang tatlo.

"Mag-toothbrush nalang kayo. May mga extra dun sa drawer sa banyo."

Nagtayuan na nga sila at dumeretso sa may banyo. Pagkatapos nila, ako naman ang sumunod. Nilinis ko rin yung sugat sa tuhod ko na ngayon ko lang naalala uli. Nung buksan ko yung pinakatuktok ng drawer para sana kuhanin yung medicine kit, may nakapa akong iba. Tumuntong ako sa toilet bowl para masilip ko. At yun, may apat na pistol nga na nakatago doon. Kinuha ko lahat yun at dinala sa kanila.

"Look. Nakita ko dun sa may drawer sa banyo." inilapag ko sa kama ko yung mga baril. Nagsilapitan naman silang tatlo sakin.

"Anong gagawin natin dyan?"

"Lulunukin natin." pambabara ko kay Harriette. Nagpigil naman ng tawa si Alessa at Renzy.

"Tss. I mean, ibibigay ba natin yan kay Christian?"

Napaisip naman bigla ako.

"Of course not. Andito yan sa kwarto natin kaya sa atin yan. Meron din kayang anim na baril don sa kwarto nila." pagpapaliwanag ko. Inabutan ko sila isa-isa pero hindi nila tinanggap.

"H-hindi ko alam gumamit nyan, Crissa." - Alessandra

"Oo nga. Baka mapatay ko pa sarili ko nyan." - Harriette.

"True! Baka biglang pumutok e." - Renzy.

Inirapan ko silang tatlo.

"Wag kayong OA no. We still need this kahit na sinabi nila Christian na bawal tayong magpaputok. Iba na yung handa. Chances are, baka ma-overrun tayo dito. At least may pang-depensa tayo ng malakas-lakas."

"Crissa's right. Dapat palaging may nakakabit na baril sa katawan nyo. It's a matter of self-defense. Alam kong hindi pa kayo sanay gumamit nyan, but don't worry. We'll train you. Crissa will train you." bigla kaming napatingin sa may pinto dahil biglang bumukas yun. At doon, nakatayo si Christian. Sabay naghagis naman sya samin ng kung ano. Pagkatingin ko, gun holster pala.

"Ikabit nyo yan sa mga bewang nyo. And one more thing, mag jeans kayo. Babalik ako dito after 10 minutes." sabi nya sabay alis. Napatingin naman kami sa mga suot namin. Naka pajamas lang kami dahil ito lang yung mga extrang damit na meron dito sa kwarto sa basement.

Kinuha ko naman agad yung binili kong mga jeans kahapon at binigay ko kay Alessa at Renzy. Di naman kami nagkakalayo sa size kaya kumasya sa kanila yung nabili ko. Mabuti nalang din at may dala silang mga extra shirt nila. Si Harriette naman ay may sariling jeans dahil nga bumili rin sya kahapon.

Nung makapagpalit kami, isa-isa kong pinasuot sa kanila yung mga gun holsters at nilagay ko na rin yung mga baril.

"Sa ngayon, hangga't maari yung mga weapons muna na hawak natin ang gamitin natin. Wag nalang nating ilagay yung mga sarili natin sa sitwasyon na kung saan wala na tayong choice kung hindi gamitin to." sabi ko sa kanila habang sinusuot ko yung akin.

"E diba, sanay ka nang gumamit nyan?" tanong ni Renzy.

"Oo. Sa GTA at Counterstrike lang."

"Weh di nga? Sabi ni Christian kanina, tuturuan mo raw kami e." singit naman ni Alessa. Narinig ko naman na napa-buntung hininga si Harriette.

"Tss. Kwento mo na dali. Okay lang sakin." sabi nya sabay irap sakin. Napatawa naman ako dahil don. Alam kasi ni Harriette yung totoo at may memorable syang experience tungkol doon.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Flashback.. (two years ago)

Asan na kaya si Marion at Zinnia? Biglang nawala e. Pinagtataguan ata ako.

Lumabas ako sa garden at napatingin ako dun sa bungalow style na kwarto doon sa may bandang dulo. Walang mga bintana yun. Parang confined na confined. Never pa kong nakapasok dito dahil bukod sa palaging naka-lock, si Daddy at Bud lang ang pumapasok dito.

Lumapit ako dun. Pipihitin ko na dapat yung doorknob pero parang may biglang pumutok sa loob nung kwarto. Dali-dali naman akong nagtago sa may gilid dahil sa gulat.

"You're doing good, son. And you daughter, please practice more.." mula sa pinagtataguan ko, nakita kong lumabas si Daddy, Marion at Zinnia doon sa may kwarto. At may dala-dala silang baril. Nung makalayo na sila, pumasok ako dali-dali.

Manghang-mangha ako sa nakita ko pagkapasok ko dahil shooting range pala to. Kaya pala may hawak silang mga baril. At kaya pala bawal kaming pumasok dito.

Astig!!!

Sinuot ko yung parang headset na nasa table. Dinampot ko agad yung isang baril na nakapatong din dun at itinutok sa mga target.

"Huy, Crissa! Nakita kitang pumunta dito kaya----"

Gulat akong napatingin sa may pinto at..

*bang!

Nabitawan ko yung baril na nakalabit ko. Pagkatingin ko ng deretso, nakaupo na sa may sahig si Harriette at gulat na gulat. Wala naman syang bahid ng dugo.

S-shit! Akala ko tinamaan ko sya! Dun pala sa may pinto tumama!

Maya-maya pa, bigla nalang lumitaw si Bud at gulat na napatingin sakin.

"M-ms. Crissa? Kayo po ba ang nagpaputok nun? May tinamaan po kayong security dun sa labas!"

Ewan ko pero pagkabanggit nya nun, bigla nalang akong naiyak.

End of flashback..

Pagkatapos kong magkwento, nagsitawanan agad si Alessandra at Renzy.

"Grabe ka, Crissa! Hindi mo nga natamaan si Harriette, nakatama ka naman ng security nyo!" - Alessa

"Hahaha! E kamusta naman yung security nyo na yun?" - Renzy

"Hahahaha. Wag nyo kong sisihin. 15 lang ako nun. Pero okay naman yung security namin na yun. Yun nga lang, nagresign na sya a day after that . Simula din nung time na yun, restricted na ko sa shooting range namin. At hindi na ako nakahawak uli ng baril. Ngayon na lang uli. Hahaha!" sagot ko. Bigla namang nagdabog si Harriette sa tabi ko.

"Salbahe kayo! Alam nyo bang nung time na yon, naihi ako sa sobrang takot! Gulat na gulat ako at akala ko talaga, nabaril na ko!"

Mas lalo lang kaming natawa dahil sa sinabi nya. Hahampasin na nya sana kami nung spear nya nang biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Christian.

"Tama na yan. Pack your things. We're heading to guests' living room sa first floor. Dun tayo magpapalipas ng gabi."

Bab berikutnya